WorksheetsReviewer Arpan 6 Midyear
Total questions: 50
Worksheet time: 25mins
Ano ang magandang naidulot ng pagbubukas ng mga daungan ng bansa sa pandaigdigang kalakalan?
Naging madali ang pagpasok ng mga dayuhang mananakop.
Naging maikli ang paglalakbay mula Maynila patungo sa ibang bansa.
Napadali ang komunikasyon ng mga Espanyol sa mga katutubo.
Naging mapayapa ang pakikitungo ng mga Pilipino sa mga dayuhan.
Ang tawag sa grupo ng mga Pilipinong naglakabay at nakapag-aral sa ibang bansa, na namulat sa kaisipang liberal at humiling ng pagbabago sa mapaniil na pamamalakad ng mga Espanyol sa Pilipinas.
Indio
Katipunero
Insulares
Ilustrado
Ito ay artipisyal na daluyan ng tubig na nabuksan kung saan nagkaroon ng pagkakataon ang mga Pilipino na makapag-aral at malinang ang kaisipang liberal.
Ilog Panama
Ilog Mississippi
Kanal Ehipto
Kanal Suez
Ano ang naging layunin ng Kilusang Propaganda?
Pakikipagtalo sa mga pari at mga encomiendero.
Pakikiramay sa mga nagdadalamhati at maysakit.
Pakikipagdigmaan laban sa mga Espanyol.
Pagpapaabot sa Espanya ang hangaring reporma.
Ang La Solidaridad ay opisyal na pahayagan ng Kilusang Propaganda. Sa paanong paraan nakatulong ang pahayagang ito?
Hinimok ang mga Pilipino na maging prayle upang lumaya.
Humingi ng panlipunan at pampolitikang pagbabago.
Ipinakilala ng mga repormista ang husay sa pagsulat.
Napaunlad ang kabuhayan ng mga Pilipino sa Espanya.
Paano nabuo ang kaisipang liberal sa mga Pilipino?
Pakikipagtalo sa mga Espanyol
Pakikidigma sa Espanya
Pagdami ng mestizo sa kolonya
Panulat ng mga ilustrado
Bakit inilunsad ng mga paring Pilipino sa pamumuno ni Padre Pedro Pelaez ang Kilusang Sekularisasyon?
Dahil lumakas ang kilusan ng mga Pilipino.
Nagtalaga ang mga Arsobispo at Obispo ng mga prayleng Espanyol sa mga parokya.
Nagsagawa ng mga pagsasanay ang mga prayleng Espanyol.
Upang protektahan nila ang mga parokya.
Ano ang pangunahing layunin sa pagkakatatag ng Katipunan?
Palitan ang pamumuno ni Jose Rizal sa La Liga Filipina.
Tulungan ang pamahalaang Espanyol na manatili sa kapangyarihan.
Mapalaya ang Pilipinas mula sa pananakop ng mga Espanyol sa pamamagitan ng armadong rebolusyon.
Magtatag ng samahan ng mga mayayamang Pilipino at Espanyol
Dito naganap ang pagpupulong sa pagitan ng Magdalo at Magdiwang na ang layunin ay palakasin ang depensa sa Cavite.
Biak-na-Bato
Malolos
Pasong Tirad
Tejeros
Ito ang pangyayaring naganap kung saan pinagpupunit-punit ng mga Pilipino ang kanilang cedula at sabay-sabay na sumigaw ng 'Mabuhay ang Pilipinas! Mabuhay ang Katipunan!'
Sigaw sa Pugad Lawin
Kasunduan sa Biak-na-Bato
Kumbensiyon sa Tejeros
Proklamasyon ng Kalayaan sa Kawit
Ano ang dahilan ng pagpunit ni Andres Bonifacio at ng mga Katipunero ng kanilang sedula?
Hindi na nila ito kailangan at dapat nang palitan.
Kasama ito sa mga dokumento ng Katipunan at ayaw ipabasa sa iba.
Naglalaman ng listahan ng mga kalaban ng Katipunan.
Upang maipakita na sisimulan na ang pakikipaglaban.
Ito ang dahilan ng pagtutol ni Daniel Tirona sa pagkakahalal ni Andres Bonifacio bilang Direktor na Panloob sa Kumbensiyon sa Tejeros.
Ipinilit ni Daniel Tirona na ang posisyon ay nararapat lamang sa isang taong may abogadong propesyon.
Naniniwala si Daniel Tirona na dapat si Bonifacio ang mahalal bilang Pangulo, hindi lamang bilang Direktor ng Panloob.
Tumulut si Daniel Tirona dahil naniniwala siyang ang pamumuno ay dapat ibase sa dami ng tagasunod, hindi sa halalan.
Ipinaglaban ni Tirona na si Bonifacio ay hindi dapat mahalal dahil mas kailangan siya sa pakikidigma kaysa sa pamahalaan.
Ano ang naging epekto ng kamatayan ni Andres Bonifacio sa Rebolusyon ng mga katipunero?
Nagwagi agad ang Katipunan sa lahat ng labanan matapos mamatay si Bonifacio.
Si Jose Rizal ang humalili kay Bonifacio bilang pinuno ng Katipunan.
Tumigil na ang lahat ng Katipunero sa pakikibaka at bumalik sa normal na pamumuhay.
Humina ang pagkakaisa ng mga Katipunero at nagkaroon ng alitan sa hanay ng mga rebolusyonaryo.
Ano ang isinasaad ng Kasunduan sa Biak-na-Bato tungkol sa mga rebeldeng Pilipino?
Papatawan ng parusa
Patatawarin sa kasalanan
Paaalisin lahat sa Pilipinas
Maglilingkod sa kolonya
Ang katipunerang pinarangalan ni Hen. Aguinaldo na “Ina ng Biak-na-Bato”, at kinilala ng mga Amerikano na “Ina ng Red Cross sa Pilipinas” ay sino?
Melchora Aquino
Trinidad Pecscon
Marcilla Agoncillo
Gregoria de Jesus
Bakit kinilala si Tandang Sora bilang “Ina ng Katipunan”, ano ang kanyang ginawa?
Siya ang nag-alaga at kumupkop ng mga sugatang Katipunero sa kanyang bahay.
Siya ang unang babaeng namuno sa Katipunan at sumulat ng Kartilya ng Katipunan.
Siya ang nagdisenyo at nagtahi ng bandila ng Pilipinas na iwinagayway sa Kawit, Cavite.
Siya ang nagsimula ng himagsikan laban sa mga Espanyol at namuno sa unang laban sa Balintawak.
Ano ang dahilan ng pagkakatatag ng Unang Republika ng Malolos noong Enero 23, 1899?
Dahil ito ay simbolo ng tapang, pagkakaisa, at hangaring maging malaya ng mga Pilipino mula sa dayuhang pananakop.
Itinatag ang Unang Republika upang mapalaganap ang relihiyon ng mga Espanyol sa buong bansa.
Dahil dito, nagkaroon ng pagkakataon ang mga Pilipino na maging kolonya ng Amerika.
Ito ay nagresulta sa agarang pag-unlad ng ekonomiya ng Pilipinas at pagiging isang industrialisadong bansa.
Sino ang namuno sa mga kinatawan ng Kongreso ng Malolos sa paghahanda ng saligang batas para sa pagtatatag ng Unang Republika ng Pilipinas?
Felipe Calderon
Apolinario Mabini
Julian Felipe
Artemio Ricarte
Bakit ikinagalit ng mga Pilipino ang paglagda ng mga Amerikano at Espanyol sa Kasunduan sa Paris noong 1898?
Dahil sa paniniwalang walang karapatan ang mga Espanyol na isalin ang pamamahala ng Pilipinas sa mga Amerikano
Pumayag ang mga Pilipino sa pananakop ng Amerika kapalit ng modernisasyon ng bansa
Dahil ibinigay ng Amerika ang Pilipinas sa Japan.
Dahil nais ng mga Pilipino na manatiling kolonya ng Espanya.
Saan naganap ang unang putok at labanan sa pagitan ng mga Pilipino at Amerikano?
Palanan, Isabela
Balangiga, Samar
Calle Silencio at Sociego, Sta. Mesa Maynila
Malolos, Bulacan
Alin ang nagsimula ng labanan ng mga Pilipino at Amerikano?
Ipinag-utos ng pangulo ng Amerika na ipatupad ang Kasunduan sa Paris.
Nabaril ng isang Pilipino ang isang Amerikano sa Pasong Tirad.
Bakit tinaguriang pinakatanyag na labanan sa pagitan ng mga hukbong Pilipino at Amerikano ang "Balangiga Massacre"?
Dahil sa labanang ito namatay si Hen. Emilio Aguinaldo.
Dahil puro mga Pilipino lamang ang namatay sa labananang ito.
Dahil ito ang labanan na unang natalo ang mga Amerikano sa mga Pilipino.
Dahil ito ay ang tinaguriang "Mock Battle".
Sino ang nagtatag ng Republika ng Tagalog at ang kahuli-hulihang Pilipinong Heneral na sumuko sa mga Amerikano?
Mariano Llanera
Vicente Lukban
Macario Sakay
Miguel Malvar
Sino ang kilala bilang "Utak ng Himagsikan" at tinatawag ding "Dakilang Lumpo", na ipinatapon sa Guam dahil ayaw niyang manumpa at kilalanin ang kapangyarihan ng mga Amerikano?
Hen. Antonio Luna
Hen. Emilio Aguinaldo
Apolinario Mabini
Emilio Jacinto
Ano ang layunin ni Pangulong William McKinley sa pagpapatupad ng Pamahalaang Militar sa Pilipinas matapos ito isuko ng Espanya sa mga Amerikano?
Magbibigay ng lubos na kapangyarihan ang Pamahalaang Militar sa mga Amerikano upang mapakinabangan ang mga likas na yaman ng Pilipinas.
Mapa-igting ang kapangyarihan ng Estados Unidos sa pamamagitan ng pagpapalawak sa mga nasasakupang bansa sa Asya.
Ipakita sa Rusya ang patuloy na paglawak ng kanilang pandaigdigan kapangyarihan.
Ito ang hinihingi ng pagkakataon dahil hindi pa tuluyang mapayapa sa Pilipinas pag-alis ng mga Espanyol.
Alin sa mga sumusunod ang HINDI kabilang sa mga ipinatupad ng mga Amerikano bilang paghahanda sa pagpapalit ng Pamahalaang Sibil mula sa Pamahalaang Militar sa Pilipinas ayon sa Susog Spooner?
Pagbubukas ng mga pampublikong paaralan.
Pagtatag ng mga hukuman sa bansa.
Pagtatalaga ng mga Pilipino sa pagkontrol ng likas na yaman at ekonomiya.
Pagdaos ng unang halalang pambayan.
Ano ang ipinadala ng Estados Unidos sa Pilipinas upang ipatupad ang mga mungkahi ng Komisyong Shurman?
Benevolent Assimilation
Komisyong Taft
Susog Spooner
Batas Jones
Alin sa mga sumusunod ang HINDI dahilan ng Amerika sa pagkait ng kalayaan sa Pilipinas, ayon sa mga misyong pangkasarinlan na ipinadala ng Pilipinas sa Kongreso ng Amerika?
Pagbawas ng mga Pilipino sa mga namimili ng kanilang produkto.
Paniniwala na hindi pa kaya ng mga Pilipino na pamunuan ang kanilang sarili.
Pagkawala ng karapatang gamitin ang Pilipinas bilang estratehikong lugar sa Asya.
Kawalan ng interes ng mga Amerikano.
Alin sa mga sumusunod na batas ang nagtakda na bumuo ang Pilipinas ng sariling konstitusyon at magtatag ng transisyunal na pamahalaan?
Batas Tydings-McDuffie
Batas Jones
Batas Hare-Hawes-Cutting
Batas Cooper
Alin sa mga sumusunod ang HINDI totoong paglalarawan sa Batas Tydings-McDuffie?
Ito ay nakamit sa pamumuno nina Osmena at Roxas (OSROX).
Ito ay may malaking pagkakatulad sa Batas Hare-Hawes-Cutting.
Ito ay nilagdaan ni Pang. Franklin Roosevelt.
Ito ay nagsasaad ng pagpapatupad ng Pamahalaang Komonwelt sa loob ng sampung taon.
Alin ang higit na wastong paglalarawan sa Pamahalaang Komonwelt ng Pilipinas?
Layunin ng Pamahalaang Komonwelt na sanayin ang mga Pilipino na pamunuan ang sarili sa ilalim ni Sergio Osmena bilang Pangulo.
Naganap ang pasinaya ng Pamahalaang Komonwelt noong Nobyembre 15, 1935 sa Malacañang Palace ayon sa itinakda ng Batas Tydings-McDuffie.
Bagamat nasa ilalim ng kapangyarihang Amerikano, ganap na pinamamahalaan ng mga Pilipino ang bansa sa panahon ng Pamahalaang Komonwelt.
Ang naganap na halalan noong Setyembre 17, 1935 ang nagpasimula ng hudyat ng pagtatag ng Pamahalaang Komonwelt ayon sa utos ni Pang. Taft.
Aling bahagi ng Pilipinas ang ninanais na magkaroon ng mabilisang pag-unlad sa ilalim ng Homestead Act sa Panahon ng Pamahalaang Komonwelt?
Luzon
Visayas
Mindanao
Palawan
Alin sa mga sumusunod ang tamang deskripsyon ng Tenant Act na ipinatupad sa panahon ng Pamahalaang Komonwelt?
Batas na nagtatakda ng walong oras na paggawa sa isang araw.
Pagtatag ng hukuman para sa mga suliranin ng mga kapitalista at manggagawa.
Pagtatadhana ng batas na transaksyon sa pagitan ng may-ari ng lupa at mga nangungupahan upang sakahin ang lupa.
Pagpapatupad ng batas na mangangalaga sa Karapatan ng mga kababaihan at kabataan.
Ano-ano ang bumubuo sa tatlong sangay ng Pamahalaang Komonwelt?
Ehekutibo, Lehislatibo, Hudikatura
Pangulo, Pangalawang Pangulo, Kalihim
Senado, Kongreso, Pangulo
Gobernador, Alkalde, Konsehal
Alin sa mga sumusunod ang pangunahing sangay ng pamahalaan ng Pilipinas?
Ehekutibo, Kongreso, Lehislatura
Ehekutibo, Kongreso, Senado
Ehekutibo, Hudikatura, Kongreso
Ehekutibo, Lehislatura, Hudikatura
Bakit tinawag na Thomasites ang mga gurong Amerikano na dumating sa Pilipinas na may layuning turuan ang mga Pilipino sa Sistema ng Amerikanong edukasyon?
Silang lahat ay nagngangalang Thomas.
Sakay sila ng barkong Thomas papuntang Pilipinas.
Itinatakda ng Batas Hare-Hawes-Cutting na tawagin silang Thomasites.
Ang kurikulum ng Amrika na kanilang itinuro ay tinawag na Thomasites.
Ano ang layunin ng Torrens Act na ipinatupad sa panahon ng mga Amerikano?
Masiguradong makabili ng lupa ang mga Pilipino mula sa mga prayle.
Mapangalagaan ng titulo ng lupain na pagmamay-ari ng mga Pilipino.
Mabigyan ng hustisya ang mga Pilipino na naging biktima ng karahasan sa panahon ng Espanya.
Magkaroon ng karapatan sa pagboto ang mga kababaihan.
Ano ang layunin ng mga Amerikano sa pagpapaigting ng Sistema ng edukasyon sa Pilipinas?
Upang turuan ang mga Pilipino na maging mabuting mamamayan.
Upang ituro ang wikang Ingles.
Upang ituro ang wastong pamamalakad ng demokrasya.
Upang higit na mapalawak ang teritoryo ng Pilipinas.
Alin sa mga sumusunod na layunin ang pareho ng gustong makamit ng Espanya, Estados Unidos, at Japan sa pagsakop sa Pilipinas?
Malaki ang populasyon ng Pilipinas.
Sagana sa likas na yaman ang Pilipinas.
Hindi kayang lumaban ng mga Pilipino.
Pinahahalagahan ng mga Pilipino ang colonial mentality.
Bakit nadamay ang Pilipinas sa alitan ng mga Hapones at Amerikano noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig?
Ang Pilipinas ay malapit sa Japan.
Ang Pilipinas ay kolonya ng Estados Unidos.
Nagpadala ng mga sundalong Pilipino sa Estados Unidos.
Nais patunayan ng mga Hapones na higit ang kanilang kapangyarihan sa Estados Unidos.
Sa mga nabanggit na dahilan, alin ang huling pangyayari na naging dahilan ng tuluyang pagbagsak ng Bataan sa kamay ng mga Hapones noong Abril 9, 1942?
Pagpapahayag na Open City ang Maynila.
Paglipat ng Pamahalaang Komonwelt sa Corregidor.
Pagsuko ni Hen. Wainwright sa mga Hapones.
Pagsalubong ni Jose P. Laurel sa mga Hapones sa Maynila.
Ano ang tawag sa paglakad ng mga bihag na sundalong Pilipino at Amerikano mula sa Bataan hanggang Tarlac?
Martsa ng Kamatayan
Pagsuko ng Bataan
Dambana ng Kagitingan
Wala sa nabanggit
Sino ang pinilit ng mga Hapones na lumagda sa dokumento ng pangako ng katapatan ng Pilipinas sa mga Hapones?
Manuel L. Quezon
Sergio Osmena
Jose P. Laurel
Jose V. Vargas
Bakit tinawag na Pamahalaang Puppet ang Ikalawang Republika?
Dahil pinamunuan ito ng mga Pilipino.
Dahil karugtong ito ng Pamahalaang Komonwelt.
Dahil walang kapangyarihan ang mga namumuno.
Dahil ito ay ipinatupad sa ilalim ng digmaan.
Alin sa mga sumusunod ang ipinagbawal ng mga Hapones sa mga Pilipino noong panahon ng kanilang pananakop?
Pagkakaroon ng curfew
Pag-awit ng Pambansang Awit
Paghahanap-buhay at pagtatanim
Pagdaos ng halalan at pagtitipon
Ano ang pangunahing layunin ng Hukbalahap at Kilusang Gerilya sa paglaban sa pananakop ng Hapon?
Italaga ng mga Hapones sa posisyon sa pamahalaan.
Makabalik ang Pilipinas sa pamunuan ng Estados Unidos.
Makamit ang kalayaan ng Pilipinas.
Makita ang kayamanan ni Hen. Yamashita.
Aling makasaysayang pangyayari ang kinikilala tuwing Araw ng Kagitingan?
Death March
World War II
World War I
Filipino-American War
Paano nakatulong si Josefa Llanes Escoda sa pagkamit ng kalayaan?
Sya ang nagtahi ng bandera ng Pilipinas.
Nagsilbi siya bilang doctor sa lugar ng digmaan.
Patuloy siyang nagbibigay ng pagkain, gamot at iba pang pangangailangan.
Nailibihan siya bilang ingat-yaman ng Hukbalahap.
Sa ilalim ng pananakop ng Hapones, alin sa mga sumusunod ang hindi nalinang sa Pilipinas?
Wikang Tagalog
Panitikang Pilipino
Sining ng pakikidigma
Pambansang Awit ng Pilipinas
Aling sektor ng lipunan nagmula ang mga miyembro ng Hukbalahap?
Mga mangingisda
Mga magsasaka
Mga guro
Mga sundalo
