wayground logo

Free Printable Worksheets

NEW

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

Karapatang Pantao at Lipunan

Total questions: 50

Worksheet time: 25mins

Name
Class
Date
1.

Ang bawat isa ay nararapat makapag-aral, ito ay isa sa mga obligasyon ng mga magulang sa mga anak. Sa anong pangunahing karapatang pantao napapaloob ang pahayag?

a)

Dignidad

b)

Mabuhay

c)

Pag-unlad

d)

Pagkilala sa Sarili

2.

Ano ang nais na ipakita ng mga magulang sa kanilang paggawa o paghahanapbuhay?

a)

pagbibigay kahulugan sa buhay ng mga anak

b)

pagpapadama ng pagmamahal sa mga anak

c)

pagtugon sa mga pangangailangan ng mga anak

d)

paglinang sa mga kaalaman at kasanayan ng mga anak

3.

Paano nagbibigay ng proteksiyon sa tao ang prinsipyong “First Do No Harm” ng mga medikal na doktor?

a)

Anoman ang kalagayan ng isang tao, huwag tayong mananakit.

b)

Ingatan na huwag saktan ang isang tao.

c)

Gawin lagi ang tama.

d)

Gamutin ang sariling sakit bago ang iba.

4.

Ano ang pinakamataas sa antas ng sumusunod na karapatan?

a)

karapatan sa pribadong ari-arian

b)

karapatan sa buhay

c)

karapatang maghanapbuhay

d)

karapatang pumunta sa ibang lugar

5.

Ano ang pinakamataas na layunin ng tao sa kanyang paggawa?

a)

pagkamit ng kanyang kaganapan

b)

pagkita ng salapi upang siya ay mabuhay

c)

nakabatay sa anomang uri ng yaman o pag-aari

d)

mabigyang kaluguran ang sarili upang makabili ng mga materyal na bagay

6.

Ang tama ay pagsunod sa mabuti. Ito ay totoo dahil.

a)

umaayon sa lahat ng pagkakataon

b)

angkop sa pangangailangan at kakayahan

c)

mula sa sariling pag-alam at pakiramdam

d)

para sa ikabubuti ng lahat at hindi ng iilan lamang

7.

Ano ang makakamit ng ating lipunan kung ang bawat isa ay nagsasagawa ng pakikilahok at bolunterismo?

a)

Pag-unlad

b)

Pagkakaisa

c)

Kabutihang Panlahat

d)

Pagtataguyod ng Pananagutan

8.

Alin sa sumusunod ang nagpapamalas na ang tao ay gumagawa ng ayon sa kanyang kakayahan na hindi naghihintay ng anomang kapalit?

a)

kusang-loob sa paggawa

b)

pagpapakitang gilas sa iba

c)

pagpapayaman sa sariling kaalaman

d)

pag-asang mabigyan ng karagdagang sahod

9.

Sa anong paraan natin maaaring matutuhan ang Likas na Batas Moral?

a)

Naiisip lamang natin ito.

b)

Natutuklasan sa tahanan.

c)

Sumisimbolo ito mula sa ating konsensiya.

d)

Itinuturo ito ng bawat magulang sa kanilang mga anak.

10.

Ano-ano ang dapat makita sa isang taong nagsasagawa ng kaniyang pakikilahok at bolunterismo?

a)

talento, panahon, at pagkakaisa

b)

kaalaman, talento, at kagalingan

c)

pagmamahal, malasakit, at talento

d)

panahon, talento, at pinagkukunang-yaman

11.

Ang tunguhin ng lipunan ay kailangang pareho sa tunguhin ng bawat indibidwal. Ang pangungusap ay.

a)

tama dahil sa pagkakataon na ganito lamang matitiyak na makakamit ang tunay na layunin ng lipunan

b)

tama dahil mahalagang makiayon ang bawat indibidwal sa layuning itinalaga ng lipunan

c)

mali dahil may natatanging katangian at pangangailangan ang bawat indibidwal

d)

mali dahil ang bawat indibidwal sa lipunan ang nararapat nagtatakda ng mga layunin

12.

Anong pag-uugali ni Juan ang maaaring maging hadlang sa pagkamit ng kabutihang panlahat kung ayaw niya na magambala ang kanyang personal na buhay?

a)

Ang kagustuhan na siya ay umangat sa iba

b)

Ang pakiramdam na siya ay nalalamangan ng iba

c)

Nakikinabang siya sa benepisyong hatid ng kabutihang panlahat

d)

Ang indibidwalismo ay ang paggawa ng tao ng kanyang personal na naisin

13.

Maaaring mabuhay ang tao kahit hindi siya makipag-ugnayan sa kapwa subalit.

a)

tatanda siya ng walang karamay sapagkat wala siyang kapuwa tao

b)

kulang ang kanyang kaalaman sa mga pangyayari sa paligid

c)

hindi magiging ganap ang kanyang pagkatao

d)

wala siyang pagkakakilanlan

14.

Alin sa sumusunod ang nagpapakita ng higit na pagsasaalang-alang sa kabutihang panlahat sa paaralan?

a)

Nagkaroon ng alitan ang dalawang section sa baitang 9 na magkatabi ng silid-aralan. Ang sabi ng isa tamad daw sa paglilinis ng koridor ang kabilang section.

b)

Ang kaklase ni Adrian ay palaging nangongopya sa kaniya ng takdang aralin at pagsusulit.

c)

Si Gng. Cruz, bilang guro ay nagpapakita ng pantay na pagtingin sa mga mag-aaral anoman ang kalagayan ng bawat isa.

d)

Laging nagpapakita ng pagkamatulungin si Pedro sa kanyang guro sa pag-asang matulungan siya nito dahil sa hirap siya sa asignaturang Matematika.

15.

Alin sa mga sumusunod ang lipunang nagtataguyod ng kabutihang panlahat?

a)

lipunang ganap sa lahat ng pangangailangan

b)

lipunang may kapayapaan subalit salat sa pangangailangan

c)

lipunang may maunlad na pamumuhay subalit walang kapayapaan

d)

lipunang may kapayapaan dala ang dayalogo, pagmamahalan, at katarungan

16.

Bakit mahalagang makamit ng bawat isa ang kaniyang kaganapan?

a)

maging pundasyon ito para sa kapakinabangan ng bawat tao

b)

mapatatag ang personal na dignidad para sa kabutihang panlahat

c)

dapat na hindi pabigat sa lipunan kung magkakaroon siya ng pamilya

d)

maging mabuting mamamayan para sa kabutihan ng iba pang mga mamamayan

17.

Paano mo itataguyod ang kabutihang panlahat sa iyong pamilya bilang isang anak?

a)

Mag-aaral ako nang mabuti.

b)

Susunod ako at igagalang ang aking mga magulang.

c)

Tutulong ako sa mga gawaing bahay at makikilahok sa mga desisyong puwede akong makialam.

d)

Makikiisa ako sa mga alituntuning pampamilya at hindi ko ipipilit ang sarili kong kagustuhan kung makakasama sa iba.

18.

Alin sa mga sumusunod ang tumutukoy sa kabuuang kondisyon ng lipunan na nakatutulong sa pagtamo ng kaganapan ng bawat kasapi nito?

a)

Ganap na Kabutihan

b)

Personal na Kabutihan

c)

Kabutihang Panlahat

d)

Kabutihan ng Kapuwa

19.

Bakit nararapat na maging bahagi ng lipunan ang bawat isa?

a)

makapagtrabaho at umunlad

b)

makapagpahayag ng kanyang opinyong politikal

c)

makipag-ugnayan sa kanyang kapuwa

d)

makapagbahagi ng kanyang kaalaman

20.

Sa anong paraan naipakikita ang prinsipyo ng solidarity at subsidiarity sa ating lipunan?

a)

Naipapakita ang sama-samang pagkilos para sa ikauunlad ng bayan.

b)

Ang pamahalaan ay patuloy na lilikha ng grupo para sa ikakaunlad ng lipunan.

c)

Ang pamahalaan ay patuloy na nagbibigay ng tiwala sa kanyang mamamayan.

d)

Sisiguraduhin ng pamayanan na matugunan ang mga pangangailangan ng mamamayan para sa ikauunlad ng sarili.

21.

Ito ay prinsipyo na tumutukoy sa tungkulin ng pamahalaan na protektahan at makamit ang kabutihang panlahat.

a)

Solidarity

b)

Subsidiarity

c)

Lipunang Politikal

d)

Kabutihang Panlahat

22.

Ano ang nais ipahayag ng pangungusap kaugnay sa pagkamit ng kabutihang panlahat,"Hindi mabubuo ang walis tingting kung wala ang tangkay”?

a)

Mahalaga ang bansa para sa mamamayan.

b)

Mahalagang bahagi ng isang bansa ang bawat mamamayan.

c)

Lahat ng pangangailangan ng isang mamamayan ay kaya niyang tugunan.

d)

Maaaring makamit ang kabutihang panlahat sa pamamagitan ng iisang tao.

23.

Alin sa sumusunod ang nagpapakita ng pagsasabuhay ng responsibilidad?

a)

paggamit ng kritikal na pag-iisip sa mga gawain

b)

positibong pagtanggap sa iba't-ibang responsibilidad

c)

pagbibigay ng lakas sa pagsasakatuparan ng mga gawain

d)

pagsasakatuparan ng gawaing itinalaga

24.

Alin sa sumusunod ang HINDI nagpapahayag ng pag-iral ng prinsipyo ng subsidiarity?

a)

pagsunod sa mga umiiral na batas

b)

pagbibigay ng benepisyo sa mga senior citizen

c)

pagbibigay ng pamahalaan ng scholarship sa mga mag-aaral

d)

pagtatakda ng mga livelihood program ng gobyerno para sa mga mamamayan

25.

Alin sa sumusunod ang pangunahing nagpapakita ng paglinang ng pamahalaan sa dignidad ng mamamayan?

a)

paglalaan ng maraming hanapbuhay

b)

pagpapaunlad ng edukasyon para sa 'Bansang Makabata, Batang Makabansa'

c)

pagpapalaganap ng pagsupil sa karahasan

d)

pagtatanggal ng mga opisyal na corrupt

26.

Alin sa sumusunod na pahayag ang higit na nagpapakita ng pagkakaisa ng mga mag-aaral?

a)

Pagpupulong para sa maaring 'livelihood project' sa mga paaralan.

b)

Pagtataguyod ng mga samahan/organisasyon at pagsasagawa ng halalan sa pagbuo nito.

c)

Pagsasagawa ng mga palatuntunan upang maipakita ang talento at galing ng mga mag-aaral.

d)

Pagsasama-sama ng mga mag-aaral upang tumulong sa pagpapanatili ng kalinisan at kaayusan ng paaralan at dagdag gawain na pagtatanim sa kapaligiran ng paaralan.

27.

Alin sa sumusunod ang nagpapakita ng mahusay na pamamahala?

a)

may pagkilos mula sa mamamayan patungo sa namumuno

b)

may pagkilos mula sa namumuno patungo sa mamamayan

c)

may pagkilos mula sa mamamayan para sa kapwa mamamayan

d)

sabay ang pagkilos ng namumuno at mamamayan

28.

Alin sa sumusunod ang pangunahing tungkulin ng pamahalaan para makatugon sa pagkamit ng kabutihang panlahat?

a)

para sa pamilya

b)

para sa edukasyon at kultura

c)

para sa paggawa ng mga hanapbuhay

d)

para sa maayos na ekonomiya at kapayapaan

29.

Ang pamahalaan ay gumagawa at nagpapatupad ng batas upang matiyak na

a)

ang lahat ay magiging masunurin

b)

bawat mamamayan ay may tungkuling dapat gampanan

c)

matutugunan ang pangangailangan ng lahat

d)

walang nagmamalabis sa kanila

30.

Bakit kailangan natin ang tulong ng ating kapuwa?

a)

iba't-iba tayo ng kakayahan

b)

magkakaroon tayo ng panahon para sa iba

c)

nais nating mabigyan ng saysay ang kakayahan

d)

mahihirapang matamo ang mga pangangailangan nang mag-isa

31.

Alin sa sumusunod ang HINDI nagpapakita ng karapatan bilang kapangyarihang moral?

a)

Hindi nito maapektuhan ang lipunan.

b)

Kaakibat sa karapatan ng isang tao ang obligasyon ng kanyang kapuwa na igalang ito

c)

Pakikinabangan ito ng tao lamang dahil tao lamang ang makagagawa ng moral na kilos.

d)

Hindi maaaring pwersahin ng tao ang kaniyang kapuwa na ibigay sa kaniya nang sapilitan ang mga bagay na kailangan niya sa buhay.

32.

Paano nakatutulong ang Likas Batas Moral sa tao?

a)

nagpapaalala na pahalagahan ang sarili

b)

nagpapaunawa na kailangang malabanan ang kasamaan

c)

nagtuturo ng mga paraan upang mapaunlad ang kapuwa

d)

nagbibigay direksyon sa pantaong kilos upang makarating sa tamang patutunguhan

33.

Ang sumusunod ay nagpapakita ng tungkulin na kaakibat ng karapatan sa buhay, maliban sa isa.

a)

Iniiwasan ni Juan na kumain ng karne at matatamis na pagkain para manatiling malusog.

b)

Sumasali si Peter sa mga isport na mapanganib tulad ng car racing.

c)

Nagpatayo ng bahay-ampunan si Gng. Santos para sa mga batang biktima ng pang-aabuso.

d)

Nagtaguyod ng feeding program si Nena para sa mga batang kalye.

34.

Paano sinisikap ng ating pamahalaan na itaguyod ang pagkilala sa karapatang pantao?

a)

A.  sa pamamagitan ng pag-angkat ng mga produkto mula sa ibang bansa

b)

B.  sa pamamagitan ng pagbuo ng batas o ordinansya upang maprotektahan

ang karapatan ng mga mamamayan

c)

C.         sa pamamagitan ng pagtatatag ng iba’t ibang samahan na sasagot sa pangangailangan ng bawat mamamayan

d)

D.  sa pamamagitan ng pagtatayo ng maraming imprastraktura bilang senyales ng pag-unlad ng ekonomiya ng bansa

35.

Hindi nakalahok si Marvin sa Oplan Linis sa kanilang baranggay dahil inaalagaan niya ang kanyang bunsong kapatid na may sakit, ngunit siya ay nagbigay ng mga gamit sa paglilinis tulad ng walis tingting at sako na paglalagyan ng basura. Ano ang antas ng pakikilahok ang ipinakita ni Marvin?

a)

A.  Pagsuporta

b)

B.  Impormasyon

c)

C.  Konsultasyon

d)

D.  Sama-samang pagkilos

36.

Alin sa sumusunod ang una mong dapat gawin kung may nasaksihan kang isang tao na nabundol ng sasakyan?

a)

A.  Tutulungan ko ang biktima at dadalhin sa pinakamalapit na ospital.

b)

B.  Tatandaan ko ang plaka ng sasakyan ng taong nakasagasa sa tao.

c)

C.         Hihingi ako ng tulong sa mga taong malapit sa pinangyarihan ng aksidente.

d)

D.         Tatawag ako sa police station at ipaaalam ang nangyaring aksidente.

37.

Ito ay tumutukoy sa mga bagay na dapat tamasahin ng tao sa lipunan upang magampanan niya ang kanyang responsibilidad, tungkulin at layunin bilang kasapi ng lipunang kanyang kinabibilangan at ginagalawan.

a)

A.  Katarungan

b)

B.  Karapatan

c)

C.  Kalayaan

d)

D.  Katiwasayan

38.

Alin sa mga sumusunod ang HINDI halimbawa ng bolunterismo?

a)

   A. Tuwing Sabado at Linggo ay tinuturuan ni Jose ang mga batang hindi nakapag-aral sa kanilang lugar upang matutong bumasa at sumulat.

b)

B. Si Grace ay pumupunta sa bahay-ampunan ng mga bata upang alagaan ang mga ito tuwing bakasyon.

c)

C.         Sumasali si Tomas sa paglilinis ng paligid sa kanilang barangay dahil nais niyang makiisa sa layuning mapanatili ang kalinisan at kalusugan ng kaniyang mga ka-barangay.

d)

D.         Tuwing eleksiyon ay sinisigurado ni Mikay na makaboto at pinipiling mabuti ang mga karapat-dapat magkamit ng kanyang boto.

39.

Isang gawain ng tao na nangangailangan ng orihinalidad, pagkukusa, pagkamalikhain; at ang produkto nito, materyal man o hindi ay magbubunga ng pagbabago sa anomang bagay.

a)

A.  Paggawa

b)

B.  Pag-iisip

c)

C.  Paggalaw

d)

D.  Pagtatrabaho

40.

Ano ang kahulugan ng pahayag na, “ang paggawa ay isang moral na obligasyon para sa kapuwa, sa pamilya, sa lipunan na kinabibilangan at sa bansa”?

a)

Kailangan ng tao na maghanap ng trabaho na ang layunin ay makatulong at magsilbi sa kapuwa.

b)

Hindi nararapat na isipin ng tao ang kanyang sarili sa kaniyang paggawa.

c)

Kailangang kasama sa layunin ng tao sa paggawa ang makatulong at magsilbi sa kapuwa.

d)

Kailangang unahin muna ang sarili sa bunga ng kanyang paggawa.

41.

Ano ang nagiging epekto ng pag-unlad ng agham at teknolohiya sa paggawa ng tao?

a)

A.  Nababago nito ang tunay na kahulugan ng paggawa.

b)

B.  Hindi nagkakaroon ng pagkakataon ang tao na magamit ang kaniyang Pagkamalikhain.

c)

C.  Nagkakaroon ng katuwang ang tao sa mabilis na paglikha ng maraming produkto.

d)

D.    Mas nababawasan ang halaga ng isang produkto dahil hindi ito nahawakan ng tao.

42.

Ito ay isa sa antas ng pakikilahok na may mas malalim na impormasyon. Ito ay bahagi na kung saan hindi lang ang sariling opinyon o ideya ang kailangang mangibabaw kung hindi kailangan pa rin maging bukas sa mga puna na maaaring makatulong sa pagtatagumpay ng isang proyekto o gawain.

a)

A.  Konsultasyon

b)

B.  Pagsuporta

c)

C.  Sama-samang pagpapasya

d)

D.  Impormasyon

43.

Alin sa sumusunod ang HINDI naglalarawan sa paggawa?

a)

A.         resulta ng pagkilos ng tao na may layuning makatugon sa pangangailangan ng kapuwa

b)

B.  isang gawain ng tao na nangangailangan ng orihinalidad, pagkukusa, at pagkamalikhain

c)

C.  lahat ng gawaing makatao

d)

D.       isang gawain ng tao na palagiang isinasagawa nang may pakikipagtulungan sa kaniyang kapuwa

44.

Alin sa sumusunod ang HINDI gawain ng taong ganap ang pagkatao?

a)

A.  may pagkiling sa mga taong kaniyang kinagigiliwan

b)

B.  may pagsaklolo sa isang tao

c)

C.  may tunay na pagsunod sa kabutihan

d)

D.  may malasakit sa kanyang kapuwa

45.

“Ang paggawa ay para sa tao at hindi ang tao ay para sa paggawa.” Ano ang kahulugan nito?

a)

A.   Hindi kasangkapan ang tao na kailangan para mapagyaman ang paggawa bagkus kailangan ang paggawa upang makamit ang kanilang kaganapan.

b)

B.   Kapwa tao rin niya ang gagamit ng lahat ng mga nilikha bunga ng paggawa kung kaya ibinubuhos niya ang lahat ng kanyang pagod at pagkamalikhain upang makagawa ng isang makabuluhang produkto.

c)

C.  Ang tao ang gagamit ng lahat ng mga nilikha na bunga ng paggawa ngunit hindi dapat na iasa lamang niya ang kanyang pag-iral sa mga produktong nilikha para sa kaniyang kapuwa.

d)

D.  Hindi kailangan ng tao para mapagyaman ang paggawa bagkus kailangan siya upang mapagyaman ang mga kasangkapang kinakailangan sa pagpapayaman sa paggawa.

46.

Ito ay tumutukoy sa katangian ng lipunang sibil na walang pinipigilan o dinidiktahan sa pagpapahayag ng saloobin.

a)

A.  Pagkukusang-loob

b)

B.  Pagiging Organisado

c)

C.  Walang Pag-uuri

d)

D.  Bukas na Pagtatalastasan

47.

Anong katangian ng lipunang sibil ang kusang-loob na pag-oorganisa ng ating mga sarili tungo sa sama-samang pagtulong sa isa’t isa?

a)

A.  Walang pang-uuri

b)

B.  Pagkukusang-loob

c)

C.  Pagiging organisado

d)

D.  Bukas na pagtatalastasan

48.

Isa sa anyo ng lipunang sibil ay ang mass media. Ano ang kahulugan nito?

a)

A.  impormasyon hawak ng nakararami.

b)

B.  isahan ngunit maramihan paghahatid

c)

C.  impormasyong pang masa

d)

D.  pagdaan ng ibat' ibang impormasyon ng isang medium

49.

Alin sa sumusunod ang dahilan sa pag-anib ng tao sa isang institusyong panrelihiyon?

a)

A.         pagkakatanto na hindi tayo nag-iisa sa paghahanap sa katuturan ng buhay

b)

B.  kalakarang kinamulatan natin sa ating mga magulang

c)

C.  kapangyarihang hawak ng mga lider ng relihiyon

d)

D.  kawalan ng saysay ng buhay sa gitna ng mga tinatamasa

50.

Ano ang pangunahing layunin ng ng lipunang sibil?

a)

A.  pagbibigay lunas sa suliranin ng karamihan

b)

B.  pagbibigay-pansin sa pagkukulang ng pamahalaan

c)

C.  pagpaparating ng mga hinaing sa pamahalaan

d)

D.  pagtalakay ng mga suliraning panlipunan