Wayground logo

Free Printable Worksheets

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

Tayahin: Filipino 9 Worksheet Questions

Total questions: 15

Worksheet time: 8mins

Name
Class
Date
1.

Panuto: Basahin at unawain ang mga tanong. Piliin at isulat lamang ang titik ng tamang sagot sa sagutang papel. Ang salitang kumusta ay nagmula sa salitang como esta. Anong wika ang pinagmulan nito?

a)

Bisaya

b)

Chavacano

c)

Espanyol

d)

Ingles

2.

Panuto: Basahin at unawain ang mga tanong. Piliin at isulat lamang ang titik ng tamang sagot sa sagutang papel. Alin sa sumusunod na salitang Ingles ang maaaring pinagmulan ng salitang nakasalungguhit sa pangungusap: "Naks, isputing tayo ah! Saan lakad natin, p’re?"

a)

sport

b)

sporting

c)

spotting

d)

shooting

3.

Anong salita ang nabuo mula sa salitang flauta ng wikang Espanyol?

a)

plato

b)

pluto

c)

plawta

d)

puto

4.

Para sa aytem 4–7, punan ang angkop na panandang pandiskurso ang patlang upang mabuo ang diwa ng bawat pangungusap. Ang sakit na COVID-19 ay ______ isang bagong virus na na kumakalat sa buong mundo.

a)

una

b)

kung

c)

bukod

d)

dulot ng

5.

Para sa aytem 4–7, punan ang angkop na panandang pandiskurso ang patlang upang mabuo ang diwa ng bawat pangungusap. Ayon sa mga eksperto, maaaring maiwasan ito _____ mapapanatili ang anim na talampakang (2 metro) layo mula sa ibang tao kapag nasa labas ng bahay.

a)

una

b)

kung

c)

bukod

d)

dulot ng

6.

Para sa aytem 4–7, punan ang angkop na panandang pandiskurso ang patlang upang mabuo ang diwa ng bawat pangungusap. ______ sa pisikal na layo, pinapayuhan ding magsuot ng face mask sa tuwing lalabas ng bahay.

a)

At

b)

Kung

c)

Bukod

d)

Dulot ng

7.

Para sa aytem 4–7, punan ang angkop na panandang pandiskurso ang patlang upang mabuo ang diwa ng bawat pangungusap. Bilang ordinaryong mamamayan ay may maitutulong tayo sa ating mga frontliners sa paglaban sa COVID-19 sa ______ pamamalagi sa ating tahanan.

a)

at

b)

kung

c)

bukod

d)

pamamagitan ng

8.

Sa aytem 7, ano ang gamit ng panandang pandiskurso sa pangungusap? Ginamit ito upang—

a)

sumahin ang idea

b)

paghiwalayin ang idea

c)

magbigay ng halimbawa

d)

magbigay ng impormasyon

9.

Anong uri ng tunggalian ang nangingibabaw sa sitwasyon na nasa loob ng kahon? Nagkaroon ng mainit na pagtatalo sa pagitan ng magkakapatid kung sino ang dapat na mag-alaga sa kanilang ubanin. May ilang bagay na hindi napagkasunduan kaya tuluyan nang nagkalamat ang kanilang relasyon at magpahanggang ngayon ay hindi na nila kinikibo ang isa’t isa.

a)

Tao Laban sa Tao

b)

Tao laban sa Sarili

c)

Tao Laban sa Lipunan

d)

Tao Laban sa Kalikasan

10.

Anong uri ng tunggalian ang nangingibabaw sa pahayag na nasa loob ng kahon? Mabigat sa loob niya ang nabuong desisyon. Ang desisyong iwan ang kaniyang pamilya, subalit pinipilit pa rin niyang paniwalaan ang sarili na iyon ang tamang gawin.

a)

Tao Laban sa Tao

b)

Tao laban sa Sarili

c)

Tao Laban sa Lipunan

d)

Tao Laban sa Kalikasan

11.

Anong uri ng tunggalian ang lumulutang sa sitwasyon sa ibaba? "Kaysama ng taong iyan. Nagawa niyang abandonahin ang kaniyang magulang. Walang utang na loob!" Ito ang mga masasakit na salitang natatanggap ni Boy mula sa mga kakilala. Idagdag pa rito ang mga tinging mapang-usig mula sa mga kapitbahay. Pakiramdam niya, inayawan na siya ng lahat.

a)

Tao Laban sa Tao

b)

Tao laban sa Sarili

c)

Tao Laban sa Lipunan

d)

Tao Laban sa Kalikasan

12.

Naibalita sa telebisyon na maging mga artista ay hindi nakaliligtas sa mga mapanakit na puna ng mga netizen. Anong tunggalian ang ipinakita rito?

a)

Tao Laban sa Tao

b)

Tao laban sa Sarili

c)

Tao Laban sa Lipunan

d)

Tao Laban sa Kalikasan

13.

Ayon sa balita, marami sa kababayan natin ang nahuli dahil sa paglabag sa health protocol. Waring nahihirapang sumunod sa patakaran dahil hindi madisiplina ang sarili. Anong tunggalian ang lumulutang sa sitwasyong ito?

a)

Tao Laban sa Tao

b)

Tao laban sa Sarili

c)

Tao Laban sa Lipunan

d)

Tao Laban sa Kalikasan

14.

Hindi lumilipas ang isang taon nang hindi dumaraan ang isang mapaminsalang bagyo sa bansa na nagdudulot ng pagkawasak ng ari-arian ng ilang kababayan. Ang ganitong mga pangyayari ay nagpapakita ng tunggalian sa pagitan ng ____________.

a)

Tao Laban sa Tao

b)

Tao laban sa Sarili

c)

Tao Laban sa Lipunan

d)

Tao Laban sa Kalikasan

15.

Ang mga pangyayari sa kuwentong "Nang Minsang Naligaw si Adrian" ay maaaring sumasalamin sa mga pangyayari sa tunay na buhay. Alin sa sumusunod ang mabigat na mensaheng nakapaloob sa akda?

a)

Matutong magpasalamat sa mga biyayang natatanggap.

b)

Maaaring bumitaw kung hindi na kaya ang responsibilidad.

c)

Maraming responsibilidad na dapat gampanan ang isang anak.

d)

Walang kapantay ang halaga ng magulang kaya hindi sila dapat ipagpalit kahit sa anumang bagay.