Font size
WorksheetsIkatlong Markahang Pagsusulit — Araling Panlipunan | Grade 8
Total questions: 72
Worksheet time: 1hrs 20mins
1. Ano ang pangunahing kahulugan ng Renaissance?
Pananakop ng mga Europeo sa Asya
Muling pagsilang ng kulturang klasikal ng Greece at Rome
Pag-usbong ng makinarya sa Europa
Paglaganap ng relihiyong Kristiyanismo
2. Bakit itinuturing na mahalagang ambag ng Renaissance ang humanismo?
Dahil itinaguyod nito ang absolutong kapangyarihan ng hari
Dahil nakatuon ito sa kakayahan, dignidad, at potensyal ng tao
Dahil tinututulan nito ang edukasyon
Dahil inuuna nito ang interes ng simbahan
3.Paano nakaapekto ang Renaissance sa sining ng Europa?
Naging limitado ang tema ng mga obra
Nawala ang interes sa tao at kalikasan
Naging mas makatotohanan at makatao ang sining
Bumaba ang kalidad ng mga likhang-sining
4.Sino sa mga sumusunod ang kilalang personalidad ng Renaissance sa larangan ng sining?
Isaac Newton
Leonardo da Vinci
Napoleon Bonaparte
Otto von Bismarck
5.Kung ikaw ay nabuhay noong panahon ng Renaissance, alin sa mga sumusunod ang pinakmalinaw na pagbabago sa iyong pamumuhay?
Mahigpit na pagsunod lamang sa tradisyon
Pagpapahalaga sa edukasyon, sining, at agham
Pag-iwas sa bagong kaalaman
Pagtanggi sa kakayahan ng tao
6.Ano ang pangunahing layunin ng Unang Yugto ng Kolonyalismo?
Palaganapin ang demokrasya
Magtatag ng mga pabrika
Maghanap ng bagong ruta ng kalakalan at yaman
Ipalaganap ang nasyonalismo
7.Alin sa mga sumusunod ang bansang nanguna sa eksplorasyon noong Unang Yugto ng Kolonyalismo?
Portugal
Italy
Germany
Russia
8.Bakit naging mahalaga ang pampalasa (spices) sa mga Europeo?
Dahil simbolo ito ng kapangyarihang militar
Dahil mahalaga ito sa kalakalan at pangangalaga ng pagkain
Dahil kailangan ito sa paggawa ng armas
Dahil ginagamit ito sa relihiyosong ritwal
9.Paano naapektuhan ang mga katutubong mamamayan ng mga sinakop na lugar?
Naging ganap silang malaya
Lumakas ang kanilang ekonomiya
Naranasan nila ang pagsasamantala at pagkawala ng kultura
Naging pantay ang ugnayan sa mga mananakop
10.Kung ikaw ay pinuno ng isang sinakop na bansa noon, ano ang pinakmabisang hakbang upang mapanatili ang identidad ng iyong mamamayan?
Pagtanggap nang lubos sa kultura ng mananakop
Pagtanggi sa edukasyon
Pagpapanatili ng wika, tradisyon, at paniniwala
Pag-iwas sa pakikipag-ugnayan sa ibang bansa
11. Ano ang pangunahing katangian ng Rebolusyong Siyentipiko?
Pagtitiwala lamang sa tradisyon
Paggamit ng siyentipikong metodo at rason
Pagtanggi sa obserbasyon
Pagtuon sa relihiyon lamang
12. Sino ang nagpanukala ng law of gravity?
Galileo Galilei
Nicolaus Copernicus
Isaac Newton
John Locke
13. Ano ang pangunahing ideya ng Enlightenment?
Absolutong kapangyarihan ng hari
Pagsunod sa simbahan
Paggamit ng rason at kalayaan sa pag-iisip
Pagtanggap sa tradisyon nang walang tanong
14. Paano binago ng Rebolusyong Industriyal ang produksyon ng mga produkto?
Naging mano-mano ang paggawa
Naging mas mabagal ang produksiyon
Naging mas mabilis at maramihan ang paggawa sa pabrika
Nawala ang kalakalan
15. Ano ang isa sa mga negatibong epekto ng Rebolusyong Industriyal?
Pagbuti ng kondisyon sa paggawa
Pagkawala ng lungsod
Paglala ng polusyon at pagsasamantala sa manggagawa
Pagbaba ng populasyon
16. Ano ang pangunahing dahilan ng Rebolusyong Amerikano?
Mataas na buwis na walang representasyon
Pagpapalawak ng imperyo
Relihiyosong alitan
Pag-usbong ng pasismo
17. Ano ang ipinaglaban ng mga kolonya ng Amerika?
Kapangyarihan ng hari
Kalayaan at sariling pamahalaan
Imperyalismo
Militarismo
18. Ano ang slogan ng Rebolusyong Pranses?
Kapayapaan at kaayusan
Kalayaan, pagkakapantay-pantay, at kapatiran
Diyos at hari
Disiplina at kaunlaran
19. Paano binago ng Rebolusyong Pranses ang estruktura ng lipunan?
Pinanatili ang pribilehiyo ng maharlika
Tinanggal ang absolutong monarkiya
Pinalakas ang simbahan
Nilimitahan ang karapatan ng mamamayan
20. Kung ikaw ay mamamayan noon sa France, alin ang pinakamalaking pagbabagong iyong mararanasan?
Pagkawala ng karapatan
Pagkakaroon ng boses sa pamahalaan
Mas mahigpit na buwis
Pagbabalik ng piyudalismo
21. Ano ang pangunahing layunin ng Ikalawang Yugto ng Kolonyalismo?
Relihiyon lamang
Industriyalisasyon ng Europa
Pagkuha ng hilaw na materyales at pamilihan
Pagpapalaganap ng Renaissance
22. Bakit naging target ng imperyalismo ang Africa at Asya?
Dahil wala silang kultura
Dahil sagana sila sa likas na yaman
Dahil malakas ang kanilang hukbo
Dahil may industriyalisasyon
23. Ano ang ibig sabihin ng “White Man’s Burden”?
Paniniwalang tungkulin ng Europeo na pamunuan ang ibang lahi
Paggalang sa kultura ng Asya
Pagpapalakas ng nasyonalismo
Pagtatanggol sa demokrasya
24. Paano naapektuhan ang ekonomiya ng mga sinakop na bansa?
Naging ganap na industriyalisado
Naging dependent sa bansang mananakop
Lumakas ang lokal na industriya
Naging pantay ang kalakalan
25. Kung ikaw ay lider ng isang kolonya, ano ang pinakmabisang hakbang upang labanan ang imperyalismo?
Pagtanggap sa pananakop
Paghahati-hati ng mamamayan
Pagpapaunlad ng kamalayang makabansa
Pag-iwas sa edukasyon
26. Ano ang kahulugan ng nasyonalismo?
Pagmamahal at katapatan sa sariling bansa
Pananakop ng ibang lupain
Pagsunod sa hari
Pagkiling sa imperyalismo
27. Paano nakatulong ang nasyonalismo sa pagkakaisa ng Germany at Italy?
Sa pamamagitan ng pananakop
Sa pagkakaroon ng isang identidad at layunin
Sa tulong ng kolonyalismo
Sa pamumuno ng simbahan
28. Sino ang mahalagang personalidad sa pagbuo ng Germany bilang bansa?
Napoleon Bonaparte
Otto von Bismarck
Adolf Hitler
Karl Marx
29. Paano naging reaksyon ang nasyonalismo laban sa kolonyalismo?
Pagtanggap sa dayuhang pamamahala
Pagwawalang-bahala sa kalayaan
Paghahangad ng kasarinlan
Pagtangkilik sa imperyalismo
30. Ano ang papel ng edukasyon sa pag-usbong ng nasyonalismo?
Pinahina ang kamalayan ng mamamayan
Ipinagbawal ang kasaysayan
Pinalakas ang pagkilala sa sariling kultura at identidad
Inalis ang wikang pambansa
31. Alin sa mga ideolohiyang umusbong ang may pinakamalawak na impluwensiya sa modernong mundo?
Humanismo
Imperyalismo
Nasyonalismo
Lahat ng nabanggit
32. Bakit nagbunga ng rebelyon ang pagsasamantala ng kolonyalismo?
Dahil sa kasaganaan ng yaman
Dahil sa kawalan ng edukasyon
Dahil sa hindi pagkakapantay-pantay at pang-aapi
Dahil sa teknolohiya
33. Paano nagkaugnay ang Enlightenment at mga rebolusyon?
Pareho nilang tinututulan ang rason
Pinagtibay ng Enlightenment ang ideya ng kalayaan at karapatan
Walang ugnayan ang dalawa
Pareho silang sumusuporta sa absolutismo
34. Alin ang pinakmalinaw na epekto ng Renaissance hanggang Rebolusyong Industriyal?
Pagbagsak ng Europa
Pagbabago ng pananaw, ekonomiya, at lipunan
Pagkawala ng agham
Pagbabalik ng piyudalismo
35. Bakit mahalaga ang pag-aaral ng mga rebolusyon sa kasalukuyan?
Upang ulitin ang digmaan
Upang palakasin ang imperyalismo
Upang maunawaan ang pinagmulan ng karapatan at demokrasya
Upang kalimutan ang kasaysayan
36. Bilang kabataan ngayon, paano mo maipapakita ang diwa ng nasyonalismo?
Pagkakaisa at pagmamahal sa sariling kultura
Paghamak sa ibang bansa
Pagsuporta sa kolonyalismo
Pagwawalang-bahala sa kasaysayan
37. Alin ang pinakamahalagang aral ng kolonyalismo?
Ang kapangyarihan ay dapat abusuhin
Ang kalayaan ay dapat ipaglaban
Ang pananakop ay makatarungan
Ang kultura ay hindi mahalaga
38. Paano nakatulong ang agham sa pagbabago ng lipunan?
Sa pagpapalaganap ng pamahiin
Sa pag-unlad ng teknolohiya at kaalaman
Sa pagsupil sa mamamayan
Sa pagpapahina ng edukasyon
39. Ano ang pinakamabisang paraan upang maiwasan ang panibagong imperyalismo?
Pagpapalakas ng hukbo
Pagpapalaganap ng kamalayang pandaigdig at karapatang pantao
Pagkiling sa makapangyarihang bansa
Paghihiwalay ng mga bansa
40. Alin ang pinaka malinaw na ugnayan ng nasyonalismo at kalayaan?
Pareho silang nagtataguyod ng pananakop
Ang nasyonalismo ang nagtulak sa paghahangad ng kasarinlan
Magkaibang konsepto na walang ugnayan
Ang kalayaan ay hadlang sa nasyonalismo
41. Ano ang papel ng mamamayan sa panahon ng rebolusyon?
Manahimik at sumunod
Iwasan ang pagbabago
Lumahok sa mapayapang pagkilos
Suportahan ang pang-aapi
42. Bakit mahalaga ang kritikal na pag-iisip na itinaguyod ng Enlightenment?
Dahil pinipigil nito ang kaalaman
Dahil hinahamon nito ang hindi makatarungang sistema
Dahil sinisira nito ang lipunan
Dahil inuuna nito ang tradisyon
43. Paano makatutulong ang kasaysayan sa paghubog ng mabuting mamamayan?
Sa paglimot sa nakaraan
Sa pag-unawa sa mga aral at pagkakamali
Sa pag-uulit ng pananakop
Sa pagwawalang-bahala sa karapatan
44. Alin sa mga sumusunod ang pinakamahalagang ambag ng Renaissance hanggang nasyonalismo?
Militarismo
Kamalayan sa karapatan at dignidad ng tao
Pananakop
Absolutismo
45. Ano ang pinakamabisang paraan upang mapanatili ang kalayaan ng isang bansa?
Paghihiwalay sa mundo
Pagpapaunlad ng edukasyon at pagkakaisa
Pag-asa sa dayuhan
Pagtanggi sa pagbabago
46. Alin sa mga ideolohiya ang nagbibigay-diin sa karapatan ng mamamayan laban sa absolutong kapangyarihan?
Humanismo at Enlightenment
Imperyalismo
Militarismo
Kolonyalismo
47. Bakit nagkaroon ng ugnayan ang rebolusyon at nasyonalismo?
Dahil pareho silang nagtataguyod ng pananakop
Dahil parehong hangarin ang kalayaan at pagkakaisa
Dahil pareho silang laban sa edukasyon
Dahil pareho silang sumusuporta sa hari
48. Paano naging daan ang kolonyalismo sa pag-usbong ng nasyonalismo sa Asya at Africa?
Sa pagbibigay ng kalayaan
Sa paglalahad ng pang-aapi at pagsasamantala
Sa pag-unlad ng ekonomiya
Sa pagtuturo ng demokrasya
49. Ano ang pinakamahalagang katangian ng isang bansang may matibay na nasyonalismo?
Paghamak sa iba
Pagkakaisa, respeto sa karapatan, at pagmamahal sa bayan
Pagsuporta sa imperyalismo
Pagtanggi sa global na ugnayan
50. Alin sa mga sumusunod na pahayag ang pinakamaainam na buod ng mga pagbabagong naganap mula Renaissance hanggang Nasyonalismo?
“Ang kasaysayan ay paulit-ulit na pananakop.”
“Ang tao ang sentro ng kaalaman, pagbabago, at kalayaan.”
“Ang kapangyarihan ay nasa iilan.”
“Ang pagbabago ay dapat iwasan.”
II. Modified True or False (51-60)
Panuto: Isulat ang TAMA kung wasto ang pahayag. Kung MALI, palitan ang salitang nakasalungguhit upang maging wasto ang pahayag.
51. Ang Renaissance ay panahon ng muling pagsilang ng kaalaman, sining, at agham sa Europa matapos ang Middle Ages.
52. Sa France nagsimula ang Renaissance, kung saan binigyang-diin ang sining at humanismo.
53. Ang Unang Yugto ng Kolonyalismo ay isinagawa ng mga bansang Europa upang magpalaganap ng Kristiyanismo, maghanap ng yaman, at karangalan (God, Gold, and Glory).
54. Ang France at Germany ang pangunahing bansa sa Unang Yugto ng Kolonyalismo dahil sa kanilang malalakas na hukbong pandagat.
55. Ang Rebolusyong Industriyal ay nagbibigay-daan sa makabagong pag-iisip sa pamamagitan ng siyentipikong metodo at lohikal na pagsusuri.
56. Ang mga gawa at imbensyon ng mga Renaissance artists at scientists ay nagbigay-daan sa pag-unlad ng agham at sining sa Europa.
57. Ang pananakop ng Spain at Portugal ay may layuning palaganapin ang relihiyon, magkamal ng yaman, at makamit ang karangalan na tinatawag na God, Gold, at Glory.
58. Sa iba’t ibang bahagi ng daigdig, ang nasyonalismo ay nagbigay-daan sa pagtatatag ng mga bagong bansa at pagbuo ng pambansang identidad.
59. Ang Rebolusyong Siyentipiko ay nagdulot ng malawakang pagbabago sa produksiyon, transportasyon, at pamumuhay ng tao.
59. Ang humanismo ay ideolohiyang nag-udyok sa mga mamamayan na ipaglaban ang kalayaan at pagkakaisa ng kanilang bansa.
III. Hanap-Hanay! — Panuto: Itugma ang mga pahayag sa Hanay A sa tamang sagot sa Hanay B. Isulat ang titik ng tamang sagot sa patlang bago ang bilang.
61. Kilala bilang panahon ng muling pagsilang ng sining, agham, at humanismo sa Europe.
A. England
G. Renaissance
C. Nasyonalismo
D. Leonardo da Vinci
E. Ikalawang Yugto ng Kolonyalismo
62. Bansa na nanguna sa Unang Yugto ng Kolonyalismo sa pamamagitan ng eksplorasyon at kalakalan.
H. Spain
I. Rebolusyong Siyentipiko
K. Germany
63. Kilalang “Renaissance man” na dalubhasa sa sining at agham.
D. Leonardo da Vinci
L. Isaac Newton
64. Ginamit ang siyentipikong metodo sa pag-aaral ng kalikasan.
F. Rebolusyong Pranses
I. Rebolusyong Siyentipiko
J. Rebolusyong Amerikano
65. Panahon na nagbibigay-halaga sa katwiran at karapatang pantao.
C. Nasyonalismo
G. Renaissance
B. Enlightenment
66. Unang bansa na nagpatupad ng Rebolusyong Industriyal.
H. Spain
A. England
K. Germany
67. Rebolusyong naglayong makalaya ang mga kolonya mula sa Great Britain.
J. Rebolusyong Amerikano
M. Rebolusyong Pranses
68. Rebolusyong nagtaguyod ng kalayaan, pagkakapantay-pantay, at republika sa Europa.
F. Rebolusyong Pranses
J. Rebolusyong Amerikano
J. Rebolusyong Amerikano
69. Tinatawag ding Imperyalismo; pananakop ng mga bansa sa Asya at Africa noong ika-19 na siglo.
E. Ikalawang Yugto ng Kolonyalismo
G. Renaissance
B. Enlightenment
70. Nagpasigla sa pagkakaisa at pagbuo ng pambansang identidad sa Europa at iba’t ibang bahagi ng daigdig.
G. Renaissance
B. Enlightenment
C. Nasyonalismo
71-75. Ipaliwanag kung paano nakatulong ang nasyonalismo sa pagkakaisa ng mga mamamayan sa isang bansa. Magbigay ng isang halimbawa na nagpapakita ng pagpapahalaga sa nasyonalismo.
75-80. Ilarawan ang mga pagbabagong idinulot ng Rebolusyong Industriyal sa pamumuhay at hanapbuhay ng mga tao. Magbigay ng isang halimbawa ng positibo o negatibong epekto nito sa lipunan.
