NEW
Font size
WorksheetsAP 9_3RD QUARTER Review Day 1
Total questions: 20
Worksheet time: 20mins
Ito ay isang modelo ng ekonomiya kung saan ang pamahalaan ay lumalahok sa sistema ng pamilihan.
Ikaapat na Modelo
Unang Modelo
Ikatlong Modelo
Ikalawang Modelo
Alin sa mga sumusunod na modelo ang nagtatuto sa pagpapatiral ng sistema ng pamilihan sa pambansang ekonomiya?
Unang Modelo
Ikalimang Model
Ikalawang Modelo
Ikatlong Modelo
Ito ay modelo ng pambansang ekonomiya ay naglalarawan ng isang simpleng ekonomiya ng isang bansa at ang sambahayan at bahay-kalakal ay ang mga pangunahing sektor dito.
Ikaapat na Modelo
Unang Modelo
Ikatlong Modelo
Ikalawang Modelo
Alin sa mga sumusunod ang HINDI naglalarawan sa Ikalimang Modelo ng pambansang ekonomiya?
Ito ay isang bukas na ekonomiya
Ang bahay-kalakal ay nagluluwas ng produkto sa panlabas na sektor
Ang sambahayan ay nag-aangkat ng produkto
Ang pakikipag-ugnayan sa mga dayuhang ekonomiya ay hindi pinahihintulutan
Sa modelong ito, ang pag-unlad ng ekonomiya ay nakabatay sa pagtaas ng produksiyon na nangangailangan ng mamimili na magagamit na salik ng produksyon.
Ikalawang Modelo
Ikalimang Modelo
Ikatlong Modelo
Ikaapat na Modelo
Sa modelong ito, ang kita ng pambansang ekonomiya ay maitatalaga ng kabuang gastusin ng sambahayan at bahay-kalakal. Binibigyang-halaga dito ang pag-iimpok at pamumuhunan.
Unang Modelo
Ikalimang Modelo
Ikalawang Modelo
Ikatlong Modelo
Alin sa mga sumusunod na pahayag ang naglalarawan sa Unang Modelo?
Inaasahan dito na ang halaga ng produksiyon ay siya ring halaga ng pagkonsumo sa produkto
Ang paglago ng kapital ang pangunahing layunin nito
Ang kinikita ng sambahayan ay dapat higit pa sa ginagastos ng bahay-kalakal
Pag-iimpok ang isa sa mga paraan upang mapataas ang produksiyon ng sambahayan
Sa Ikatlong Modelo ng paikot na daloy ng ekonomiya, sa paanong paraan nag-iimpok ang mga mamimili bilang paghahanda sa hinaharap?
Pagbili ng mga produkto na mayroong mataas na market value
Paglagak sa pamilihang pinansiyal
Hindi pagpapalawak ng negosyo
Paghiram ng puhunan sa bangko at kooperatiba
Sa paikot na daloy na ekonomiya, papaano naggagawa ang sambahayan at bahay-kalakal?
Nagtatayo ng bagong negosyong ang sambahayan na nagpapataas sa bilang ng manggagawa na kinakailangan ng bahay-kalakal
Ang buwis na mula ang sambahayan ang ginagamit ng bahay-kalakal upang mapalago ang produksiyon nito
Sa sambahayan nagmumula ang mga salik ng produksiyon sa sumasailalim sa proseso ng bahay-kalakal
Ang pagpapautang ng bahay-kalakal ang tumutulong sa kabuhayan ng sambahayan
Ano ang ipinapahiwatig ng mga modelo ng paikot na daloy ng ekonomiya?
Ang kita ng pamahalaan mula sa buwis ng sambahayan
Kahalagahan ng kalakalan sa pag-unlad ng pambansang ekonomiya
Pampinansiyal na transaksiyon ng iba’t ibang sektor
Ugnayan ng bawat sektor ng ekonomiya
Paano ipinakikita ang pag-unlad ng isang bansa?
pagtaas ng income ng bawat tao
Lumalagong GNI
lumiliit ang bilang ng mga mahihirap
maraming magawang proyekto ng pambayan
Alin sa sumusunod ang hindi kabilang sa paraan ng pagsukat ng GNI?
Batay sa paggasta
Batay sa pinagmulang industriya
Batay sa Income
Batay sa Service sector
Sa pagsukat ng kita ng bansa batay sa Value-Added Approach, alin ang hindi isinama sa pagkukha ng Gross National Income?
Industriya
Agrikultura
Net Primary Income
Net Operating Surplus
Alin sa sumusunod ang maaaring mangyari sa pambansang kita kapag mas mabilis ang paglaki ng populasyon kaysa GNI?
Bababa ang antas ng pambansang kita
Tataas ang antas ng pambansang kita
Tataas ang pambansang kita
Walang pagbabago
Alin sa mga sumusunod ang nangangahulugang pagbaba ng halaga ng yamang pisikal bunga ng pagkakluma bunga ng tuloy-tuloy na paggamit paglipas ng panahon.
depresasyon
subsidya
buwis
sahod
Ito ay index ng mga presyong binabayaran ng mga tindahang nagtitingi para sa mga produktong muli nilang binebenta sa mga mamimili.
Consumer Price Index (CPI)
GNP Implicit Price Index o GNP Deflator
Wholesale or Producer Price Index (PPI)
GDP Price Index
Sa paanong paraan malulutas ang demand pull inflation?
Pagbibigay pansin sa produktibidad sa paggawa upang mapataas ang output ng produksyon
Pagbubukas ng karagdagang trabaho upang mapasigla ang matamlay na ekonomiya
Pagpapatupad na may mababang interes upang makahikayat ng karagdagang paggasta
Pagkontrol sa supply ng salapi upang mabawasan ang labis na paggasta sa ekonomiya
Ito ang sumusukat sa pangkalahatang antas ng presyo ng mga produkto at srbisyo ngawa ng ekonomiya sa loob ng isang taon.
Consumer Price Index (CPI)
GNP Implicit Price Index o GNP Deflator
Wholesale or Producer Price Index (PPI)
GDP Price Index
Ano ang tawag sa paggalaw ng presyo ng mga piling produkto na nakapaloob sa basket of goods?
Implasyon
Deplasyon
Price Index
Purchasing Power
Ano ang batayan sa pagkumpyut nito ay ang presyo at dami ng produksiyong kadalasang kinokonsumo ng bawat pamilya na nasa loob ng market basket?
Consumer Price Index (CPI)
GNP Implicit Price Index o GNP Deflator
Wholesale or Producer Price Index (PPI)
GDP Price Index
