NEW
Font size
WorksheetsAP8_Q3-Summative
Total questions: 25
Worksheet time: 13mins
Ano ang pangunahing layunin ng pagtatatag ng United Nations pagkatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig?
Upang maibalik ang mga bansang natalo sa kanilang dating kalagayan
Upang mapanatili ang kapayapaan at maiwasan ang mga susunod na digmaan
Upang mapalawak ang impluwensya ng mga bansang Asyano
Upang kontrolin ang ekonomiya ng mga bansang Europeo
Bakit mabilis na kumalat ang Unang Digmaang Pandaigdig sa iba’t ibang bahagi ng mundo?
Dahil sa pagkakabuo ng mga alyansa ng mga bansa sa Europa
Dahil sa kakulangan ng mga armas ng ilang malalaking bansa
Dahil sa pagnanais ng mga tao na makamit ang kalayaan
Dahil sa kagustuhan ng mga negosyante na lumago ang kita
Kung ikaw ay nabubuhay noong Unang Digmaang Pandaigdig, ano ang dapat mong gawin upang makatulong sa bansa?
Tumulong sa paggawa ng mga kagamitan para sa mga sundalo
Manatiling walang pakialam sa mga isyu ng lipunan
Sumama sa mga pagtutol laban sa pamahalaan
Umalis sa bansa upang umiwas sa giyera
Alin sa mga sumusunod ang itinuturing na dahilan ng pagsiklab ng Unang Digmaang Pandaigdig?
Pagpaslang kay Archduke Franz Ferdinand ng Austria
Paglagda sa kasunduan ng Versailles sa pagitan ng mga bansa
Pagbuo ng mga bagong samahan sa Silangang Europa
Pagbagsak ng pamahalaang monarkiya sa Russia
Ano ang layunin ng sistemang Alliances noong Unang Digmaang Pandaigdig?
Upang magtulungan ang mga bansa kapag sila ay sinalakay
Upang mapalakas ang kalakalan sa pagitan ng mga kontinente
Upang mapababa ang bilang ng mga armas sa Europa
Upang mapanatili ang kapayapaan sa buong daigdig
Ano ang ipinakita ng Marshall Plan bilang hakbang ng Estados Unidos pagkatapos ng digmaan?
Pagpapalakas ng militar sa mga bansang Asyano
Pagbibigay ng tulong pinansyal upang muling mapatayo ang ekonomiya ng Europa
Pagpapalaganap ng sosyalismo sa mga bansang nasira ng digmaan
Pagpapatayo ng mga bagong base-militar sa Kanlurang Europa
Paano maipapakita ng isang mamamayan ang pakikiisa sa layunin ng United Nations sa kasalukuyang panahon?
Sa pamamagitan ng pagtuturo ng kasaysayan ng mga digmaan sa paaralan
Sa pamamagitan ng paglahok sa mga proyektong pangkapayapaan at pagtulong sa mga biktima ng kaguluhan
Sa pamamagitan ng pagtangkilik sa mga produktong mula sa ibang bansa
Sa pamamagitan ng pagtalikod sa mga isyung panlipunan at pampulitika
Ano ang pangunahing layunin ng League of Nations matapos ang Unang Digmaang Pandaigdig?
Upang palakasin ang ekonomiya ng mga bansang Europeo
Upang mapanatili ang kapayapaan at maiwasan ang mga susunod na
digmaan
Upang bumuo ng mga bagong alyansa laban sa mga kaaway
Upang maibalik ang dating sistemang monarkiya sa Europa
Ano ang isa sa mga pangunahing dahilan kung bakit nabigo ang League of Nations sa pagtupad ng layunin nito?
Dahil sa pagkakaroon ng sobrang maraming kasaping bansa
Dahil sa labis na kapangyarihan ng mga bansang Asyano
Dahil sa kawalan ng suporta mula sa mga bansang Europeo
Dahil wala itong sariling hukbong sandatahan upang ipatupad ang mga
desisyon
Kung umiiral pa ang League of Nations sa kasalukuyan, paano mo maipapakita ang pakikiisa sa layunin nito?
Sa pamamagitan ng pagtutol sa lahat ng uri ng alyansang pandaigdig
Sa pamamagitan ng pag-iwas sa mga isyung may kinalaman sa
kapayapaan
Sa pamamagitan ng aktibong paglahok sa mga proyektong nagtataguyod
ng pagkakaisa at kapayapaan
Sa pamamagitan ng pagsuporta sa mga digmaang makabayan sa iba’t
ibang bansa
Ano ang pangunahing epekto ng Spanish Flu sa populasyon ng daigdig noong 1918?
Bumuti ang kalusugan ng mga tao dahil sa bagong bakuna
Bumaba ang bilang ng populasyon dahil sa milyon-milyong nasawi
Lumakas ang ekonomiya dahil sa pagdami ng manggagawa
Umusbong ang turismo dahil sa mas maayos na transportasyon
Ano ang tinutukoy na Great Depression sa kasaysayan ng daigdig?
Isang panahon ng digmaan sa pagitan ng mga bansang Europeo
Panahon ng mabilis na pag-unlad ng mga industriya sa Amerika
Malawakang pagbagsak ng ekonomiya na nagsimula noong 1929
Panahon ng paglawak ng kalakalan sa iba’t ibang bansa
Bakit lubos na naapektuhan ang mga manggagawa sa panahon ng Great Depression?
Dahil maraming kompanya ang nagsara kaya nawalan sila ng trabaho
Dahil tumaas ang sahod ngunit bumaba ang presyo ng mga bilihin
Dahil pinayagan silang magtayo ng mga bagong negosyo
Dahil tinulungan sila ng pamahalaan na makahanap ng trabaho
Kung mangyari muli ang krisis na tulad ng Great Depression, ano ang dapat gawin ng mga mamamayan upang makaiwas sa labis na epekto nito?
Umasa lamang sa tulong ng pamahalaan at mga bangko
Gumastos nang labis upang mapaikot ang ekonomiya
Mag-imbak ng suplay at magtulungan sa komunidad
Iwasan ang pagtatrabaho upang hindi maapektuhan ng krisis
Ano ang pangunahing katangian ng isang pamahalaang totalitaryan?
Lahat ng kapangyarihan ay nakasentro sa isang pinuno o partido
Malaya ang mga mamamayan na magpahayag ng kanilang saloobin
Pinahihintulutan ang malayang halalan at oposisyon
Ipinagbabawal ang paggamit ng puwersa sa pagpapatupad ng batas
Bakit itinuturing na banta sa demokrasya ang totalitaryanismo?
Dahil nagbibigay ito ng karapatan sa lahat ng mamamayan
Dahil pinapalaganap nito ang pagkakapantay-pantay ng tao
Dahil sinisikil nito ang kalayaan at karapatang pantao ng mga mamamayan
Dahil pinalalakas nito ang ugnayan ng mga bansa sa daigdig
Paano maipapakita ng isang mamamayan ang pagtatanggol sa demokrasya laban sa totalitaryanismo?
Sa pamamagitan ng pagwawalang-bahala sa mga isyung pampulitika
Sa pamamagitan ng pagsuporta sa mga pinunong mapang-abuso
Sa pamamagitan ng hindi pagboto sa panahon ng halalan
Sa pamamagitan ng aktibong pakikilahok sa mga gawaing sibiko at pampulitika
Ano ang pangunahing katangian ng pamahalaang pasista?
Malayang halalan at pantay na karapatan ng mamamayan
Sentralisadong pamumuno na may lubos na kapangyarihan sa estado
Pagpapalaganap ng ideolohiyang komunista sa lahat ng bansa
Pagtataguyod ng pandaigdigang kalakalan sa pagitan ng mga bansa
Bakit nagkaroon ng pag-usbong ng komunismo sa Russia at China noong ika-20 siglo?
Dahil sa pagnanais na mapalakas ang ekonomiya ng mga kapitalista
Dahil sa pakikialam ng mga dayuhang bansa sa kanilang pamahalaan
Dahil sa sobrang kalayaan ng mga mamamayan sa kanilang lipunan
Dahil sa matinding kahirapan at kawalang katarungan sa lipunan
Kung ikaw ay mamamayan sa panahong lumaganap ang mga ideolohiyang ito, paano mo mapapanatili ang kalayaan at karapatang pantao?
Sa pamamagitan ng pagiging mulat, kritikal, at aktibong kalahok sa mga usaping panlipunan
Sa pamamagitan ng pagtangkilik sa mga pinunong mapang-abuso sa kapangyarihan
Sa pamamagitan ng pagwawalang-bahala sa mga isyung pampulitika
Sa pamamagitan ng pagsuporta sa mga patakarang marahas ng pamahalaan
Kailan opisyal na nagsimula ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig?
Setyembre 1, 1939
Hunyo 6, 1944
Disyembre 7, 1941
Mayo 8, 1945
Sino ang lider ng Nazi Germany noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig?
Benito Mussolini
Franklin D. Roosevelt
Adolf Hitler
Joseph Stalin
Bakit itinuring ang pagsalakay ng Germany sa Poland bilang simula ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig?
Dahil nilabag nito ang kasunduan ng Versailles Treaty
Dahil ito ang unang bansa na lumaban sa Japan
Dahil naging dahilan ito ng pagbagsak ng League of Nations
Dahil ito ang nagbigay daan sa Cold War
Kung ikaw ay isang pinunong nagnanais mapanatili ang kapayapaan sa kasalukuyan, anong aral mula sa Ikalawang Digmaang Pandaigdig ang dapat mong isabuhay?
Pagpapalakas ng militar upang makapanakot sa iba
Pagsasagawa ng alyansa at diplomasya upang maiwasan ang sigalot
Pagpapalaganap ng kolonyalismo
Pagpapatahimik sa mga mamamayan sa pamamagitan ng propaganda
Sa iyong palagay, alin sa mga sumusunod ang pinakamahalagang epekto ng
Ikalawang Digmaang Pandaigdig sa daigdig?
Pagkakaroon ng United Nations upang mapanatili ang pandaigdigang
kapayapaan
Pagbagsak ng ekonomiya ng Amerika
Paglawak ng kapangyarihan ng Germany sa Europa
Pagbabalik ng sistemang imperyalismo
