NEW
Font size
WorksheetsGMRC 4_Review 3rd Periodic Test
Total questions: 25
Worksheet time: 13mins
1. May pamilyang nawalan ng bahay dahil sa bagyo. Alin sa mga kilos ng isang pamilya ang nagpapakita
ng tunay na malasakit sa kapuwa?
Pagbibigay ng tulong kung may kapalit
Pag-iwas sa pagtulong dahil abala
Pakikiisa ng buong pamilya sa pagtulong at pagdamay
Paghintay na lamang sa ibang tutulong
2. Kung may kakayahang tumulong ang isang pamilya, alin ang pinakamainam na pasya upang maipakita ang malasakit sa kapuwa?
Tumulong lamang kapag may pumupuri
Unahin ang sarili at huwag makialam
Tumulong ayon sa kakayahan nang hindi napapabayaan ang pamilya
Iasa ang pagtulong sa barangay lamang
3. Kung nais mong makatulong sa kapuwa sa oras ng pangangailangan, alin ang pinakamainam na gawin?
Gastusin agad ang lahat ng baon
Mag-ipon ng bahagi ng baon para sa tulong
Manghiram ng pera sa iba
Itabi ang pera para sa sarili lamang
4. Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng pagkakapantay-pantay sa kapuwa?
Pagrespeto sa lahat kahit magkakaiba
Pakikipaglaro lamang sa kakilala
Pag-iwas sa mga naiiba sa iyo
Pagmamaliit sa kakayahan ng iba
5. Kung may kaklaseng may kapansanan, alin ang pinakamainam na gawin?
Iwasan siya upang hindi maabala
Tulungan siya at igalang ang kanyang
kakayahan
Hayaang mag-isa siya palagi
Pag-usapan ang kanyang kahinaan
6. Kung ikaw ay gagawa ng proyekto tungkol sa pagkakapantay-pantay, alin ang pinakamainam na
paraan?
Isama lamang ang piling kaklase
Gumawa ng proyekto na nagpapakita ng paggalang sa lahat
Pumili ng lider na may pinakamataas na marka
Ipakita lamang ang pagkakaiba ng mga tao
7. Ano ang kahulugan ng kababaang-loob?
Pagmamataas sa kakayahan
Paggalang at pagpapakumbaba sa kapuwa
Pag-iwas sa ibang tao
Pagpapakita ng galit
8. Alin sa mga sumusunod ang halimbawa ng kababaang-loob?
Pag-amin sa pagkakamali
Pagsisi sa ibang tao
Pagyayabang sa nagawa
Pag-iwas sa responsibilidad
9. Kung ikaw ay nagkamali sa kaklase, ano ang dapat mong gawin?
Iwasan siya
Ipagwalang-bahala ang nangyari
Humingi ng paumanhin
Isisi sa iba ang pagkakamali
10. Bakit mahalaga ang kababaang-loob sa pakikitungo sa kapuwa?
Upang makilala bilang pinakamagaling
Upang maiwasan ang pakikipag-usap
Upang mapanatili ang mabuting ugnayan
Upang maiwasan ang gawain
11. Ano ang kahulugan ng pagpapanatili ng kalinisan ng kapaligiran?
Paglilinis lamang kapag may bisita
Pag-aalaga sa paligid upang maiwasan ang
sakit
Pagtatapon ng basura kahit saan
Pag-iwas sa gawaing bahay
12. Paano nakatutulong ang malinis na kapaligiran sa kalusugan ng tao?
Nagdudulot ito ng pagod
Nakakaiwas ito sa sakit
Nakababawas ito ng kaibigan
Nagpaparumi ng paligid
13. Kung may nakitang basura sa bakuran ng paaralan, ano ang tamang gawin?
Iwanan na lamang ito
Itapon sa tamang basurahan
Sipain papalayo
Hintaying may maglinis
14. Alin sa mga sumusunod ang maaaring mangyari kung marumi ang kapaligiran?
Mas nagiging masigla ang katawan
Dumadami ang sakit
Mas nagiging ligtas ang paligid
Nawawala ang basura
15. Alin ang pinakamainam na pasya upang mapanatiling malinis ang kapaligiran sa barangay?
Umasa lamang sa mga tagalinis
Maglinis lamang kapag inutusan
Makilahok sa sama-samang paglilinis
Iwasan ang gawain sa labas
16. Kung ikaw ay gagawa ng plano para sa kalinisan ng inyong lugar, alin ang pinakamainam na isama?
Pagtatapon ng basura sa ilog
Sama-samang paglilinis at tamang segregasyon ng basura
Pagpapabaya sa maruruming lugar
Paglilinis lamang sa sariling bahay
17. Ano ang isang hamon sa pagpapanatili ng kalinisan ng kapaligiran?
Maraming nagtutulungan
Wastong pagtatapon ng basura
Kawalan ng disiplina ng ilan
Regular na paglilinis
18. Bakit nagiging mahirap panatilihin ang kalinisan ng kapaligiran?
Dahil may malinaw na tuntunin
Dahil hindi lahat ay sumusunod
Dahil maraming basurahan
Dahil may programa sa kalinisan
19. Kung may kapitbahay na hindi nagtatapon ng basura nang tama, ano ang dapat gawin?
Gayahin ang kanyang ginagawa
Ipagwalang-bahala ang sitwasyon
Paalalahanan siya nang maayos
Iwasan ang pakikipag-usap
20. Paano nakatutulong ang pakikipagtulungan sa kapuwa sa paglutas ng suliranin sa kalinisan?
Pinapahirap nito ang gawain
Pinapabagal nito ang paglilinis
Pinapadali nito ang pagpapanatili ng
kalinisan
Pinipigilan nito ang pakikilahok
21. Kung may dalawang paraan ng paglilinis ng barangay, alin ang pinakamainam upang tumagal ang
kalinisan?
Linisin lamang kapag may okasyon
Maglinis nang mag-isa at minsan lang
Magtakda ng iskedyul at sama-samang
maglinis
Maghintay ng utos bago kumilos
22. Kung ikaw ang magpaplano ng gawain para sa kalinisan ng inyong lugar, alin ang pinakamainam na
gawin?
Hayaang ang matatanda lamang ang
maglinis
Gumawa ng plano na may tungkulin ang
bawat isa
Ipagpaliban ang paglilinis kapag mainit
Ituon ang paglilinis sa iisang lugar lamang
23. Ano ang tinutukoy ng mga Laro ng Lahi?
Mga larong mula sa ibang bansa
Mga modernong laro sa computer
Mga tradisyunal na larong Pilipino
Mga paligsahan sa paaralan
24. Bakit mahalaga ang paglalaro ng mga Laro ng Lahi?
Dahil nagpapalipas lang ito ng oras
Dahil nagpapakita ito ng kultura at pagmamahal sa bayan
Dahil mas madali itong laruin
Dahil wala itong patakaran
25. Kung may programang pangpaaralan, alin ang pinakamainam upang maipakita ang pagpapahalaga sa Laro ng Lahi?
Maglaro lamang ng online games
Iwasan ang tradisyunal na laro
Isama ang mga Laro ng Lahi sa mga
gawain
Pumili lamang ng modernong palaro
