Wayground logo

Free Printable Worksheets

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

AP 7 - 3rd Quarter Reviewer - SY 2025-2026

Total questions: 50

Worksheet time: 25mins

Name
Class
Date
1.

Alin ang tawag sa kalagayang estado bilang isang nahihiwalay at malayang bansa?

a)

Kasarinlan

b)

Nasyonalismo

c)

Pagkabansa

d)

Patriotismo

2.

Alin sa mga sumusunod ang tamang pahayag tungkol sa nasyonalismo?

a)

Pangkat ng tao na may iisang kasaysayan, relihiyon, o iba pang kombinasyon na bumubuo sa isang pangkat.

b)

Kondisyon ng isang estado, bansa, o nasyon na pinamamahalaan ang sarili at malaya mula sa anumang impluwensiya o panghihimasok ng ibang bansa.

c)

Malakas o matibay na pakiramdam ng katapatan at debosyon sa sariling nasyon o estado na karaniwang may kasamang paniniwala sa kahigitan o kaibahan ng sariling nasyon sa iba.

d)

Pagmamahal at katapatan ng isang patriota sa bansang pinagmulan at madalas na nauugnay sa pakiramdam na pagkakaisa na hindi kinakailangang bumukod sa iba o idiskrimina ang mga naiiba.

3.

Paano naipapakita ng isang mamamayan ang nasyonalismong sibiko?

a)

Pagbibigay-halaga sa lahi at pinagmulan ng sariling bansa.

b)

Paniniwala na mas nakahihigit ang sariling bansa kaysa sa iba.

c)

Aktibong pakikilahok sa mga gawaing pampamayanan at pagsunod sa batas.

d)

Pagpapalaganap ng tradisyon at wika ng bansa lamang.

4.

Paano nagiging instrumento ng kapayapaan ang nasyonalismo sa mga bansang may iba’t ibang kultura at paniniwala?

a)

Sa pamamagitan ng pagtataguyod ng ganap na pagsasarili ng bansa.

b)

Sa pamamagitan ng paghikay at mabilis na pag-unlad ng ekonomiya.

c)

Sa pamamagitan ng pagbibigay-diin sa pagmamahal sa bayan lamang.

d)

Sa pamamagitan ng pagpapatibay ng pagkakaisa at paggalang sa pagkakaiba-iba.

5.

Sino sa mga sumusunod ang pinakamainam na nagpapakita ng pagpapahalaga sa nasyonalismo?

a)

Si Belen na masipag magtrabaho para sa ikabubuti ng kanyang pamilya.

b)

Si Ana na sumusunod sa mga aral ng kanyang relihiyon.

c)

Si Maria na aktibong nananawagan para sa karapatan ng mga Pilipino kahit nasa ibang bansa.

d)

Si Ruben na tumutulong sa mga gawaing pangkomunidad nang walang pakialam sa kapakanan ng bansa.

6.

Bilang isang kabataang Pilipino, alin sa mga sumusunod na sitwasyon ang nagpapakita ng wastong paglalapat ng kasarinlan ng bansa?

a)

Pagsunod ng pamahalaan sa dikta ng ibang bansa sa paggawa ng mahahalagang patakaran.

b)

Pagpapasya ng bansa sa sariling mga batas at programang pambansa nang walang panghihimasok ng ibang bansa.

c)

Pag-angkat ng lahat ng produkto mula sa mas maunlad na bansa.

d)

Pagpapahintulot sa mga dayuhan na mamahala sa mahahalagang tanggapan ng pamahalaan.

7.

Anong kilusan ang binubuo ng mga edukadong Pilipino o ilustrado na naghahandog ng reporma sa ilalim ng pamahalaang Espanyol?

a)

Katipunan (KKK)

b)

Kilusang Gerilya

c)

Kilusang Propaganda

d)

La Liga Filipina

8.

Ang damdaming nasyonalismo ng mga Pilipino ay mas lalo pang pinaalab ng Unang Sigaw sa Pugad Lawin noong Agosto 1896 sa pamumuno ni Andres Bonifacio. Ano ang mahalagang pangyayari na naganap dito?

a)

Pagpapatalsik kay Rizal

b)

Pagsunog sa mga bahay ng Espanyol

c)

Pagpirma ng Kasunduan sa Biak na Bato

d)

Pagpunit ng mga cedula bilang tanda ng paghihimagsik

9.

Bilang kabataan, paano mo maipakikita ang diwa ng reporma at pagbabago?

a)

Pagsuway sa mga patakaran.

b)

Pag–iwas sa mga isyung panlipunan.

c)

Pagwawalang bahala sa mga problema sa paaralan.

d)

Pagpapahayag ng opinyon ng may respeto at layuning makabubuti.

10.

Paano nakaapekto ang Kasunduan sa Paris sa mithiin ng mga Pilipino para sa kasarinlan?

a)

Nawala ang interes ng mga Pilipino sa politika.

b)

Naging daan ito sa agarang kalayaan ng bansa.

c)

Natapos ang pakikipaglaban ng mga Pilipino para sa kasarinlan.

d)

Naging hadlang ito dahil napalitan lang ng bagong mananakop sa Pilipinas.

11.

Paano nakatulong ang Misyong OsRox sa pagkamit ng kasarinlan ng Pilipinas?

a)

Nagdulot ito ng hidwaan laban sa Amerika.

b)

Nagtatag ng Pamahalaang Rebolusyonaryo.

c)

Nagtapos sa pagkakansela ng kalayaan ng bansa.

d)

Nagbukas ito ng landas sa pagbuo ng mga patakarang naglalayong bigyan ng kalayaan ang Pilipinas.

12.

Ano ang pinakamahalagang aral na dapat matutuhan ng mga kabataan sa paggunita ng Hunyo 12, 1898 bilang Araw ng Kalayaan?

a)

Ang kalayaan ay ibinibigay lang ng mga dayuhan.

b)

Mas mainam ang pamumuno ng mga dayuhan sa Pilipinas.

c)

Ang laban ay tapos na kung kaya’t wala ng dapat alalahanin.

d)

Ang kalayaan ay may halaga na dapat ipagtanggol at pahalagahan.

13.

Kailan nakamit ng Indonesia ang kasarinlan mula sa Netherlands at ito rin ang nagtatapos ng kolonyalismo ng mga Dutch sa Indonesia?

a)

Enero 27, 1949

b)

Agosto 27, 1949

c)

Setyembre 27, 1949

d)

Disyembre 27, 1949

14.

Bakit mahalaga ang pagkakaroon ng mahusay na pinuno sa pakikipaglaban para sa kasarinlan?

a)

Para matakot ang mananakop.

b)

Para mapaabilib ang ibang bansa.

c)

Para may mag-utos sa mga mamamayan.

d)

Para magkaroon ng direksyon ang kilusan.

15.

Sa paanong paraan maihahambing ang pakikibaka ng mga Indones at Vietnamese laban sa mga mananakop?

a)

Parehong gumamit ng armadong pakikipaglaban bilang tugon sa patuloy na pananakop.

b)

Parehong walang lider na nangunguna sa pakikipaglaban.

c)

Parehong nakamit ang kalayaan ng mabilis at hindi nahirapan.

d)

Parehong nakipag-alyansa sa Japan upang makamit ang kalayaan.

16.

Ano ang maaaring naging kalagayan ng Burma kung hindi nagkaisa ang mga mamamayan nito sa paglabab para sa kalayaan?

a)

Nananatili ang pananakop sa Burma.

b)

Umunlad ang ekonomiya ng Burma.

c)

Nagkaroon ng kalayaan ang mga Burmese.

d)

Naging payapa ang pamumuhay ng mga Burmese.

17.

Ano ang pinakamahalagang aral na makukuha sa pagtamo ng kasarinlan ng Myanmar, Indonesia at Vietnam?

a)

Mahalaga ang pananakop.

b)

Hindi mahalaga ang pagkakaisa.

c)

Ang kalayaan ay kusang ibinibigay.

d)

Ang kalayaan ay pinaghihirapan at ipinaglalaban.

18.

Bilang isang mag-aaral, alin sa mga sumusunod na gawain ang nagpapakita ng wastong paggamit ng aral mula sa pakikibaka ng mga bansa sa Timog Silangang Asya para sa kasarinlan?

a)

Pagwawalang-bahala sa mga isyung panlipunan dahil tapos na ang panahon ng kolonyalismo.

b)

Aktibong pakikilahok sa mga gawain sa paaralan na nagpapalaganap ng kamalayang makabayan.

c)

Pagsunod lamang sa opinyon ng ibang bansa ukol sa mga suliranin ng Pilipinas.

d)

Pag-asa sa mga dayuhang bansa sa paglutas ng lahat ng suliraning pambansa.

19.

Ano ang tawag sa pagbibigay ng pabor sa isang kawani dahil sa kaugnayan nito sa politiko?

a)

Diktadura

b)

Dinastiyang Politikal

c)

Principalia

d)

Sistemang Patronage

20.

Ano ang tawag sa paggamit ng kapangyarihan para sa sariling kapakinabangan sa hindi patas na paraan?

a)

Diktadura

b)

Korapsiyon

c)

Nepotismo

d)

Sedisyon

21.

Alin ang HINDI itinuturing na hamon sa bansa sa panahon ng diktadura?

a)

Kawalan ng katatagang politikal

b)

Pagguho ng institusyong demokratiko

c)

Pagkakaroon ng krisis pang-ekonomiya

d)

Kakulangan sa pagsusulong sa sariling kultura

22.

Alin sa mga sumusunod ang pinakamaainam na gawin upang maalis ang dinastiyang politikal sa Pilipinas?

a)

Magpatupad ng batas na nagbabawal sa dinastiya.

b)

Huwag iboto ang mga magkakamag-anak.

c)

Alamin ang plataporma ng bawat kandidato bago bumoto.

d)

Iwasan ang utang na loob sa politiko na nagbibigay ng pabor.

23.

Aling sitwasyon ang isang halimbawa ng graft and corruption o katiwalian?

a)

Pagbibigay ng insentibo sa mahusay na empleyado.

b)

Pagtanggap ng suhol mula sa kontratista.

c)

Pagsunod sa patakaran sa paggastos ng pondo.

d)

Pagbibigay ng premyo sa mahusay na opisyal.

24.

Ano ang kaibahan ng nepotismo sa cronyismo?

a)

Ang nepotismo ay namamana samantalang ang cronyismo ay hindi namamana.

b)

Ang nepotismo ay pagtutol sa kamag-anak samantalang ang cronyismo ay sa kaibigan.

c)

Ang nepotismo ay pagpabor sa kamag-anak samantalang ang cronyismo ay pagpabor sa kaibigan.

d)

Ang nepotismo ay pamumuno ng magkakamag-anak samantalang ang cronyismo ay pamumuno ng mga magkapartido.

25.

Bakit humihiling ng awtonomo ang mga Moro mula sa pamahalaan ng Pilipinas?

a)

Nais nilang ipalaganap ang Islam.

b)

Nais nilang sumanib sa ibang bansa.

c)

Nais nilang pamahalaan ang kanilang sarili.

d)

Nais nilang takasan ang kanilang kaso sa pamahalaan.

26.

Ano ang tawag sa pagsasamantala ng makapangyarihang bansa sa papaunlad na bansa, lalo na sa ekonomiya?

a)

Cronyismo

b)

Diktadura

c)

Korapsiyon

d)

Neokolonyalismo

27.

Alin ang HINDI hamon sa sektor ng Agrikultura?

a)

Mataas na tubo sa utang ng magsasaka.

b)

Kakulangan ng oportunidad sa pamilihan.

c)

Kawalan ng sapat na modernong teknolohiya.

d)

Sapat na pasilidad sa ani ng produkto.

28.

Ano ang maaaring gawin upang maibsan ang labis na agwat ng mahirap at mayaman?

a)

Magtapos ng pag-aaral at maghanap ng trabaho.

b)

Huwag tangkilikin ang mga business ng mga mayayaman.

c)

Magbigay ng subsidiya o tulong pinansyal ang pamahalaan sa mahihirap.

d)

Taasan ang buwis sa mayayaman at bawasan sa mahihirap.

29.

Alin ang HINDI suliraning dala ng Neokolonyalismo sa Pilipinas?

a)

Patuloy na pag-asa ng bansa sa dayuhang pamumuhunan.

b)

Pagkakaroon ng puhunan, hanapbuhay, at teknolohiya sa bansa.

c)

Pananamantala ng mga makapangyarihang organisasyon o bansa.

d)

Pagpigil sa pag-unlad ng mga lokal na negosyo at paglago ng industriya.

30.

Alin sa mga sumusunod ang HINDI dahilan kung bakit mahina ang industriyalisasyon sa Pilipinas?

a)

Napakaraming utang ng Pilipinas kaya walang pondo para dito.

b)

Walang nais mamuhunan sa Pilipinas dahil sa labis na burukrasya at katiwalian.

c)

Kawalang maayos na imprastraktura at sapat at murang suplay ng elektrisidad.

d)

Matagal sumailalim sa kolonyalismo ang Pilipinas na nagsilbing pinagkukunan-yaman.

31.

Alin ang HINDI katuturan ng kawalan ng pagkakapantay-pantay sa kita ng mamamayan?

a)

Nakapipigil ito sa pagsisikap ng pamahalaan na mabawasan ang kahirapan.

b)

Maaring mauwi sa kaguluhan ang malaking agwat sa kita ng mamamayan.

c)

Natural itong nangyayari sa mga bansang papaunlad pa lamang kaya hindi dapat ipag-alala.

d)

Nahahadlangan nito ang pagkakaisa ng mamamayan dahil sa malaking agwat ng mayaman at mahirap.

32.

Bakit mahalaga ang pananatili ng seguridad sa pagkain sa Pilipinas?

a)

Upang umunlad ang ekonomiya

b)

Upang hindi tumaas ang presyo ng bilihin

c)

Upang manatiling malusog ang mamamayan

d)

Upang mapanatili ang kaayusan at kapayapaan

33.

Ano ang tawag sa pagkakaroon ng pantay na karapatan at oportunidad para sa lahat ng kasarian?

a)

Gender Equality

b)

Gender Sensitivity

c)

Inclusive Education

d)

Women Empowerment

34.

Alin ang HINDI salik kaugnay sa usaping pagkakakilanlan ng isang Pilipino?

a)

Pagkalito kung ibabatay ba ito sa rehiyon o nasyonalidad.

b)

Isang opisyal na wika ang ginagamit at ito ay ang Filipino.

c)

May pinagmulang Asyano ngunit may matibay na tradisyong Kanluranin.

d)

Pagkawala ng mga tradisyonal na pagpapahalaga at pamantayang moral dahil sa globalisasyon.

35.

Bilang kabataan, paano mo maipapakita ang suporta sa karapatan ng katutubo ayon sa Indigenous People’s Rights Act (IPRA) of 1997?

a)

Bigyan ng limos ang mga katutubo.

b)

Aralin ang kanilang kultura at ipakita ang respeto sa kanilang karapatan.

c)

Sumali sa mga programang nagtuturo ng pangkabuhayan sa katutubo.

d)

Hayaan na lamang ang pamahalaan na gawin ang kanyang katungkulan.

36.

Paano nakatutulong ang media sa pagsusulong ng gender equality?

a)

Madaling maipararating ang tamang impormasyon sa publiko.

b)

Nahihikayat ang kabataan na kumilos laban sa pang-aabuso.

c)

Naiimpluwensiyahan ang kabataan sa tamang pagpapahalaga sa kasarian.

d)

Naipapakita ang impormasyon tungkol sa pang-aabuso sa kasarian.

37.

Paano nakatutulong sa pagsusulong ng kapakanan at kagalingan ng mga pangkat etniko ang inclusive education?

a)

Naipagpapatuoy ng katutubo ang kanilang nakagisnang kultura.

b)

Hindi epektibo kung hindi pantay ang pagpapatupad.

c)

Natuturuan ang kabataan na igalang at kilalanin ang kultura ng katutubo.

d)

Natutulungan din ng katutubo ang kultura ng iba.

38.

Alin sa mga sumusunod ang pinakamasamang epekto ng social media?

a)

Kumakalat ang maling impormasyon at balita.

b)

Nauubos ang oras ng kabataan.

c)

Naiimpluwensiyahan ang kabataan sa maling paraan.

d)

Dumarami ang kaso ng cybercrime tulad ng scams at cyberbullying.

39.

Ano ang tawag sa sistemang pampulitika sa Thailand kung saan nakasentro ang kapangyarihan sa gobyerno at militar, hindi sa mamamayan?

a)

Bureaucratic polity

b)

Democratic interlude

c)

Patronage network

d)

Soft authoritarianism

40.

Ano ang tawag sa sistemang pampulitika sa Thailand kung saan nagbibigay ng pabor ang mga lider kapalit ng katapatan?

a)

Bureaucratic polity

b)

Doi Moi

c)

Patronage network

d)

Thai Rak Thai

41.

Ano ang pangunahing katangian ng soft authoritarianism sa Thailand?

a)

Pinamumunuan ng relihiyon

b)

Walang pakikilahok ang mamamayan

c)

Lubos na awtoritaryan at walang kalayaan sa pamamahayag

d)

May halong awtoritaryan at demokratikong elemento sa pamamahala

42.

Kung ikaw ay pinuno ng bansa matapos ang Kumperensiya ng Bandung, alin ang pinakamainam mong gagawin upang harapin ang hamon ng pagkabansa?

a)

Magtatag ng diktatoryal na pamahalaan

b)

Iwasan ang pakikipag-ugnayan sa ibang bansa

c)

Umasa lamang sa tulong ng dating mananakop

d)

Palakasin ang nasyonalismo at pagkakaisa ng mamamayan

43.

Alin sa mga sumusunod ang naging bunga ng Black May Uprising noong 1992 sa Thailand?

a)

Pagbagsak ng ekonomiya

b)

Paghihiwalay ng mga lalawigan

c)

Pagtatag ng komunismo sa bansa

d)

Pagbitiw ng punong ministro at pagbabalik ng demokrasya

44.

Paano napagtagumpayan ng Vietnam ang sistemang Doi Moi?

a)

Pag-alis sa ugnayan sa mga bansa sa Asya at pagtutok lamang sa lokal na agrikultura.

b)

Pagpapalit ng sistemang pulitikal mula komunismo tungo sa ganap na demokrasya.

c)

Mahigpit na pagkontrol ng estado sa lahat ng negosyo at pagsasara sa mga dayuhang mamumuhunan.

d)

Pagpapatupad ng mga repormang pang-ekonomiya na pinagsama ang sosyalismo at pamilihang ekonomiya upang pasiglahin ang produksyon at kalakalan.

45.

Ano ang SLORC at paano ito naging makapangyarihan sa Myanmar?

a)

Isang samahang sibiko na nagtataguyod ng karapatang pantao at sinuportahan ng mamamayan.

b)

Isang partidong demokratiko na itinatag ni Aung San Suu Kyi upang isulong ang kalayaan sa pamamahayag.

c)

Isang alyansang pang-ekonomiya ng mga negosyante na naglayong paunlarin ang agrikultura.

d)

Isang konsehong militar na kumontrol sa pamahalaan matapos ang kudeta at nagkaroon ng lubos na kapangyarihang pampulitika.

46.

Kung ikaw ay pinuno ng Indonesia noong panahon ng Guided Democracy, alin sa mga sumusunod ang pinakamainam na hakbang upang mapanatili ang balanse sa kapangyarihan at maitaguyod ang demokratikong partisipasyon ng mamamayan?

a)

Limitahan ang halalan at kontrolin ang midya upang walang oposisyon

b)

Magtatag ng mga konsultatibong konseho at hikayatin ang pakikilahok ng mamamayan sa mga desisyon

c)

Palakasin ang kapangyarihan ng militar upang pangalagaan ang gobyerno

d)

Isara ang mga partido ng mamamayan at ipatupad ang monarkiya

47.

Kung ikaw ang punong ministro ng isang umuunlad na bansa, paano mo magagamit ang prinsipyo ng New Economic Policy (NEP) ng Malaysia upang bawasan ang kahirapan at di-pagkakapantay-pantay sa lipunan?

a)

Magbigay ng pabor lamang sa isang pangkat ng mamamayan

b)

Palakasin ang industriya ng militar at bawasan ang tulong sa mahihirap

c)

Ipatupad ang mga reporma na magpapataas ng kabuhayan ng mahihirap at magbawas ng agwat sa yaman

d)

Iwasan ang anumang pagbabago sa lipunan at ekonomiya

48.

Alin sa mga polisiya ng Singapore ang maaaring gamitin ng umuunlad na bansa gaya ng Pilipinas upang pasiglahin ang ekonomiya?

a)

Import-substitution

b)

Export-oriented economy

c)

Isolationism sa ekonomiya

d)

Militarisasyon sa ekonomiya

49.

Bilang pinuno ng Timor-Leste, alin ang pinakamainam na hakbang upang palakasin ang demokrasya?

a)

Isara ang midya

b)

Limitahan ang halalan

c)

Ipatupad ang monarkiya

d)

Palawakin ang partisipasyon ng mamamayan

50.

Paano nagkakatulad ang mga hamon sa pagkabansa ng Indonesia at Vietnam matapos ang Kumperensiya ng Bandung?

a)

Pareho silang nakaranas ng pamahalaang kolonyal bago ang Bandung

b)

Pareho silang nahirapan sa pagbuo ng pambansang identidad

c)

Pareho silang hindi aktibong lumahok sa kumperensiya

d)

Pareho silang humarap sa suliranin ng pagkakaisa ng mamamayan