wayground logo

Free Printable Worksheets

NEW

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

AP 9 REVIEWER 3RDQ

Total questions: 35

Worksheet time: 18mins

Name
Class
Date
1.

Ang pinakasukatan ng tagumpay ng ekonomiya ay ang kakayahan ng bansa na makapagpa- pataas ng antas ng pamumuhay at ang mabilisang paglago ng mga kalakal at paglilingkod. Anong konsepto ng ekonomiks ang sumasaklaw sa pag-aaral ng kabuuang ekonomiya partikular sa antas ng implasyon, empleyo, produksyon at relasyon ng bansa sa ibang bansa sa ibang ekonomiya?

a)

Ekonomiks

b)

Makroekonomiks

c)

Maykroekonomiks

d)

Oikonomiks

2.

Ito ay modelo ng pambansang ekonomiya na kung saan inilalarawan bilang “simple,sa kadahilananang ang sambahayan at bahay-kalakal ay iisa.

a)

Ikatlong modelo

b)

Ikalawang modelo

c)

Unang modelo

d)

Ikalimang model

3.

Ang buwis ay mahalaga upang maisakatuparan ang pagbibigay ng wasto at hustong paglilingkod na tutugon sa kalusugan, Edukasyon, kaligtasan at proteksyon ng mamamayan upang magpatuloy at manatiling maayos ang lipunan. Alin sa mga sumusunod na sektor sa paikot na daloy ng ekonomiya ang nangongolekta ng buwis sa mamamayan at bahay- kalakal?

a)

Bahay-kalakal

b)

Pamahalaan

c)

Panlabas na sektor

d)

Sambahayan

4.

Sa-ikatlong modelo sa paikot na daloy ng ekonomiya, Alin sa mga sumusunod na pamilihan ang HINDI matatagpuan dito?

a)

Pamilihan ng kalakal at paglilingkod

b)

Pamilihan ng salik ng produksyon

c)

Panlabas na sektor

d)

Pamilihang pinansyal

5.

Ano ang inilalarawan ng paikot na daloy ng ekonomiya?

a)

Ugnayan ng bawat sektor ng ekonomiya

b)

Kalakalan sa loob at labas ng bansa

c)

Kita at gastusin ng pamahalaan

d)

Transaksiyon ng mga institusyong pinansyal

6.

Ipinakikita ng paikot na daloy ng ekonomiya kung papaano nagkakaroon ng interaksyon ang iba’t-ibang sektor at pamilihan. Paano nagkakaroon ng ugnayan ang sambahayan at bahay-kalakal sa paikot na daloy ng ekonomiya?

a)

Sa sambahayan nagmumula ang iba’t-ibang salik ng produksyon samantalang ang bahaykalakal naman ang namamahala dito

b)

Ang sambahayan ang nagbibigay ng buwis sa bahay-kalakal upang madagdagan ang kanilang produksiyon

c)

Nagbibigay ng trabaho ang bahay-kalakal sa sambahayan

d)

Sa sambahayan ginagawas ang produksyon ng kalakal

7.

Ang panlabas na sektor ay makikita sa ikalimang modelo ng paikot na daloy ng ekonomiya, Ano ang kahalagahan nito sa pag-unlad ng ating ekonomiya?

a)

Nagkakaroon ng mga produkto ng ibang bansa ang ating bansa na nakatutulong sa pagpapaataas ng produksyon

b)

May pagkakataon ang mga dayuhan na makipagkalakalan sa ating bansa

c)

Nakapag-aangkat at nakapagluluwas ng produkto ang bansa upang mapalago ang ekonomiya

d)

Nakikilala ng ibang bansa ang mga produktong gawa ng mga Pilipino

8.

Ang ikalimang modelo ng paikot na daloy ng ekonomiya ay itinuturing na bukas na ekonomiya. Alin sa mga sumusunod na pahayag ang HINDI naglalarawan sa bukas na ekonomiya?

a)

Hindi pakikipag-ugnayan ng isang bansa sa ibang bansa

b)

Nakikipagpalitan ng produkto at salik ng produksyon ang bansa sa mga dayuhang ekonomiya

c)

Ang bahay-kalakal ay nagluluwas ng mga produkto sa panlabas na sektor

d)

Nag-aangkat ng mga produkto ang sambahayan mula sa ibang bansa

9.

Si Sky at si Cloud ay nainstranded sa isang pulo dahil sa paglubog ng barkong kanilang sinasakyan, dahil dito nagpasya silang gumawa ng pansamantalang masisilungan at maghanap ng mga prutas upang makain. Anong modelo sa paikot na daloy ng ekonomiya ang ipinapakita ng sitwasyon.

a)

Unang Modelo

b)

Ikalawang Modelo

c)

Ikatlong Modelo

d)

Ikaapat na Modelo

10.

Ang kabuuang produksyon na nagawa ng mga mamamayan ng bansa sa loob at labas ng bansa sa loob ng isang taon ay ang ____?

a)

CPI

b)

GNI

c)

PPP

d)

GDP

11.

Mga produktong handa nang ikonsumo na isinasama sa pagkwenta ng GNI ay ang ____?

a)

Final Goods

b)

Economic Goods

c)

Intermediate Goods

d)

Market Goods

12.

Bakit mahalagang masukat ang economic performance ng isang bansa?

a)

Dahil magagamit ito upang makabuo ng mga patakarang makapagpapaangat sa ekonomiya ng bansa

b)

Dahil magiging tanyag ang bansa sa mga pandaigdigang institusyon.

c)

Dahil repleksyon ito sa performance ng pinuno ng bansa upang umani muli ng malaking boto sa eleksyon

d)

Dahil makikilala ang bansa sa buong mundo.

13.

Piliin kung alin sa mga sumusunod ang makukuha kapag ibinawas ang halaga ng kinita ng mga dayuhan sa loob ng bansa sa halaga ng kinita ng mga Pilipino.

a)

Gross Domestic Product (GDP)

b)

Statistical Discrepancy (SD)

c)

Net Primary Income (NPI)

d)

Personal Consumption Expenditure (PCE)

14.

Matagal nang nagtatrabaho bilang inhinyero ang pinoy na si G. Mendez sa Saudi Arabia. Sa pagsukat ng kalagayan ng ekonomiya ng Pilipinas, saan dapat na bilang ang kinikita ni G. Mendez?

a)

Gross National Income ng parehong bansa

b)

Gross National Income ng Saudi Arabia

c)

Gross National Income ng Pilipinas

d)

Gross Domestic Product ng Pilipinas

15.

Tumutukoy sa patuloy na pagtaas ng pangkalahatang presyo sa pamilihan

a)

Implasyon

b)

Depresyon

c)

Market Basket

d)

Buwis

16.

Alin sa mga sumusunod ang maaaring mabuo kapag pinagsama-sama ang lahat ng demand ng mga sektor?

a)

Aggregate Demand

b)

Aggregate Supply

c)

Cost Push

d)

Demand Pull

17.

Ayon sa kanya, ang labis na money supply ay dahilan ng pagtaas ng demand sa bawat sektor.

a)

John Meynard Keynes

b)

Francis Quesnay

c)

Milton Friedman

d)

David Ricardo

18.

Uri ng implasyon kung saan mataas ang gastosin sa produksyon at nagiging batayan ng pagtatakda ng presyo ng bilihin.

a)

Structural Inflation

b)

Hyper Inflation

c)

Demand Pull

d)

Cost Push

19.

Kailan nagaganap ang Demand Pull Inflation?

a)

Mataas ang demand ng produkto at serbisyo kaysa supply na nasa pamilihan

b)

Mataas ang gastosin sa produksyon

c)

Mataas ang kita sa produksyon

d)

Mataas ang aggregate supply

20.

Ang implasyon ay isang uri ng suliranin na hindi mapipigil at isa sa mga dahilan nito ay ang pagkakaroon ng monopo ly o kartel. Bakit nagiging dahilan ito ng implasyon?

a)

Sa pamilihan ng Monopolyo ang konsyumer ang may kapangyarihang kontrolin ang presyo

b)

Ang kartel ay may kapangyarihan na kontrolin ang presyo ng produkto dahil umaasa sa kanila ang gobyerno

c)

Nagkakaroon ng collusion ang mga prodyuser at pamahalaan upang makontrol at maitaas ang presyo ayon sa dami ng demand

d)

Sa pamilihan na nasa ilalim ng Monopolyo ang prodyuser ay may kapangyarihan na kontrolin ang presyo dahil ito ang mga produktong walang kapalit

21.

Sa panahon ng pagkakaroon ng mas mataas na antas ng implasyon kaysa sa interes ng salaping inilagak sa pamilihang pinansyal, sino ang higit na apektuhan ng implasyon?

a)

Nag-iimpok

b)

Speculators

c)

Mangungutang

d)

Taong hindi tiyak ang kita

22.

Kabi-kabila ang pagtaas ng halaga ng mga pangunahin bilihin gayundin ang pagtaas ng halaga ng pamasahe sa mga pampublikong sasakyan. Bilang isang mamimili, paano ka makatutulong sa paglutas ng suliranin ng implasyon?

a)

Bumili lamang kung kakilala ang nagtitinda sa pamilihan

b)

Bumili lamang kung bagsak presyo ang bilihin sa pamilihan

c)

Bumili lamang sa mga supermarket o grocery upang makatiyak sa presyo

d)

Bumili lamang ng sapat sa pangangailangan upang makatipid

23.

Alin sa mga sumusunod na pamamaraan ang ginagamit ng pamahalaan sa ilalim ng patakarang piskal upang pasiglahin ang matamlay na ekonomiya ng bansa.

a)

Expansionary Fiscal Policy

b)

Tight Money Policy

c)

Contractionary Fiscal Policy

d)

Easy Money Policy

24.

Kapag mas mataas ang gastusin ng pamahalaan kaysa sa nalikom nitong pondo ng 2020, nagkakaroon ito ng ____?

a)

Budget Surplus

b)

Budget Deficit

c)

Trade Deficit

d)

Trade Surplus

25.

Ipagpalagay na ikaw ay isang taong mandaray a o hindi nagbabayad ng buwis, ikaw ay isang ____?

a)

Income Tax

b)

Tax Exempted

c)

Tax Evader

d)

Tax Amnesty

26.

Kung ikaw ay tagapangasiwang pambansang badyet at paggasta ng pamahalaan, at nagkaroon ng mas maliit na paggasta kaysa pondo ng pamahalaan. Ano ang idudulot nito?

a)

Budget Deficit

b)

Budget Surplus

c)

Trade Surplus

d)

Trade Deficit

27.

Suriin kung aling pamamaraan ang ginagamit ng pamahalaan patungkol sa pagbubuwis ng mamamayan at mga polisiya sa pagbadbadyet nito upang mapaunlad ang ekonomiya ng bansa.

a)

Patakarang Piskal

b)

Patakaran sa Pananalapi

c)

Patakaran sa Pagbabaydet

d)

Patakaran sa Kartel

28.

Pangunahing layunin ng patakarang ito na kontrolin ang implasyon at patatagin ang halaga ng salapi sa loob at labas ng bansa para sa katatagan ng buong ekonomiya.

a)

Patakaran sa Pananalapi

b)

Patakarang pagbabaydet

c)

Patakarang Kartel

d)

Patakarang Piskal

29.

Ito ang pangunahing tagapangasiwa ng pagba­bangko at mga institusyon ng pananalapi sa Pilipinas.

a)

International Monetary Fund

b)

Philippine National Bank

c)

Bangkong Komersyal

d)

Bangko Sentral ng Pilipinas

30.

Piliin kung aling institusyong ‘di bangko ang itinatag upang mag-asikaso sa kapakanan ng mga empleyado ng pamahalaan, nagbibigay ng tulong, pautang, seguridad at pensiyon sa mga kasaping nagretiro.

a)

Finance Companies

b)

SSS

c)

Pag-ibig Fund

d)

GSIS

31.

Suriin kung alin sa mga institusyong di-bangko ang itinatag na may layuning matulungan ang mga kasapi nito sa panahon ng kanilang pangangailangan lalo na sa bahay.

a)

Pag-IBIG Fund

b)

GSIS

c)

SSS

d)

Bahay-sanglaan

32.

Alin ang tamang pahayag patungkol sa isang Regulation ng Philippine Deposit Insurance Corporation (PDIC)

a)

Nagpapautang sa mga taong madalas mangailangan ng pera

b)

Nagpapanatili isa katatagan ng halaga

c)

Nagrerehistro sa mga Kompanya

d)

Nagbibigay proteksyon sa mga depositor

33.

Ang pagpapaliban sa paggastos ng kita/salapi ay tinatawag na _____.

a)

Bonus

b)

Kita

c)

Impok/Savings

d)

Tubo

34.

Alin sa mga sumusunod ang HINDI kabilang sa “Seven habits of wise Saver”.

a)

Kilalanin ang iyong bangko

b)

Alamin ang produkto ng bangko

c)

Alamin ang serbisyo at bayarin ng iyong bangko

d)

Ipaubaya lamang sa tauhan ng mga bangko ang iyong mga records

35.

Kung ang salaping inilalagak ng mga depositors sa bangko ay lumalago dahil sa interest sa deposito, at ipinauutang naman ito ng bangko sa mga namumuhunan na may dagdag na kaukulang tubo, nangangahulugan ito ng _____.

a)

Pagliit ng interest

b)

Paglaki ng kita

c)

Paglaki ng ipautang sa namumuhunan

d)

Paglaki ng ipon