NEW
Font size
WorksheetsESP BOYLE
Total questions: 50
Worksheet time: 25mins
Ang “persona” ay “ang pagka-ako” ng bawat tao na nagpapaka bukod tangi sa kanya. Ito ay ayon kay:
Scheler
Sto.Tomas
Socrates
Aristotle
Ang konsepto ng personal na ugnayan ng tao sa Diyos at pag-asa sa mga bagay na hindi nakikita:
pagmamahal
konsensya
pananampalataya
espiritwalidad
Ang mga sumusunod ay nagpapakita ng pagmamahal sa Diyos sa ating kapwa at sa lahat ng Kanyang nilikha maliban sa:
Pag-aalaga sa may sakit
Pagpapakain sa mga nagugutom
Pag-aabuso sa kapaligiran
Pagbisita sa mga bilanggo
Ang mga susumusunod na nagpapakita ng pagmamahal sa Diyos sa ating kapwa at sa lahat ng Kanyang nilikha maliban sa:
Pag-aalaga sa may sakit
Pagpapakain sa mga nagugutom
Pag-aabuso sa kapaligiran
Pagbisita sa mga bilanggo
Ang mga sumusunod ay pagpapakita ng tao ng pagmamahal at pagpapahalaga sa Diyos maliban sa:
Pagpapainom sa taong nauuhaw
Pagsunod sa hindi magandang ginagawa ng iba
Pagpapatuloy sa taong walang matitirhan
Pagpapakain sa taong nagugutom
Ang tatlong pangunahing relihiyon sa daigdig ay nagkakaisa sa panuntunan ng kanilang aral. Ito ay:
Iisa ang Diyos
debosyon
Golden Rule
pagmamahal
Nalaman ni Margie ang kanyang kahinaan sa asignaturang Matematika at nagsikap siya na matuto sa pamamagitan ng paglalaan ng higit na oras sa pag-aaral. Paano naipapakita ang pagmamahal ng Diyos sa nabanggit na sitwasyon:
Ang pagmamahal ng Diyos ay nagbibigay ng ginhawa at kagalingan sa buhay ng bawat isa.
Nababago ng Diyos ang kamalayan ng tao.
Sa pamamagitan ng pagmamahal ng Diyos, naipapakita natin ang pagmamahal sa ating kapwa at sa lahat ng Kanyang nilikha.
Dahil sa pagmamahal ng Diyos, nagagabayan ang tao na magpasya at kumilos batay sa pagpapahalagang moral at pagsasabuhay ng mga birtud.
Ang mga sumusunod ay mga kilos na ginawa ni Mother Teresa ng Calcutta na nagpapakita ng pagmamahal sa kanyang kapwa maliban sa:
Kinalinga ang mga outcast sa lipunan
Pinakain ang mga pulubi
Paglilingkod sa mga outcaste system
Ginamot ang may ketong
Isa si dating DENR Secretary Gina Lopez sa mga “environmental advocates” na nangangangalaga sa ating mga kagubatan at tutol sa mga pagmimina sa ating mga kabundukan dahil sa masamang epekto nito sa kalikasan katulad ng mga sumusunod maliban sa:
polusyon sa hangin
pagkasira ng ecosystem
polusyon sa tubig
lahat ng nabanggit
Mahalin mo ang iyong kapwa gaya nang pagmamahal mo sa iyong sarili. Mababasa ang mga talatang ito sa aklat sa Bagong Tipan:
Mateo
Roma
Juan
Genesis
Gayon na lamang ang pag-ibig ng Diyos sa sanlibutan, kaya ibinigay Niya ang kanyang bugtong na Anak, upang ang sinumang sumampalataya sa kanya ay hindi mapahamak kundi magkaroon ng buhay na walang hanggan. Anong uri ng pag-ibig ang tumutukoy sa talatang ito sa Bibliya?
Philia
Eros
Affection
Agape
Ang pagmamahal sa Diyos ay hindi lamang sa pagdarasal o sa pagdedebosyon, nangangahulugan ito na:
Ang pagmamahal sa Diyos ay maipapadama sa pamamagitan ng paglilingkod sa kapwa.
Hindi sapat ang panalangin at debosyon upang mahalin ang Diyos.
Ang pagmamahal sa Diyos ay naipapakita sa gawa.
Ang pananampalataya at gawa ang patunay na nagmamahal ang tao sa Diyos.
Pinatuloy ni Marites sa kanyang bahay ang mag-anak na basang-basa ng ulan. Paano ito nagpapakita ng pagmamahal sa kapwa?
Mahalin ang kapwa bilang representasyon o kinatawan ng Diyos.
Ang pagmamahal sa kapwa ay walang pinipili o tinatangi at walang kinikilingan.
Ang pagmamahal sa kapwa ay hindi ayon sa kondisyon.
Ang pagmamahal ng Diyos ay nagbibigya ng ginhawa at kagalingan sa buhay ng bawat isa.
Malalim ang galit ni Eda sa kanyang kaibigan subalit tinulungan pa rin niya ito nang nagsabi ito na kailangan ng gamot ang kanyang ama. Ano ang ipinapakitang uri ng pagmamahal sa kapwa?
Mahalin ang kapwa bilang representasyon o kinatawan ng Diyos.
Ang pagmamahal sa kapwa ay walang pinipili o tinatangi at walang kinikilingan.
Ang pagmamahal sa kapwa ay hindi ayon sa kondisyon.
Ang pagmamahal ng Diyos ay nagbibigya ng ginhawa at kagalingan sa buhay ng bawat isa.
Binigyan ni Jose ng tinapay ang batang yagit na lumapit sa kanya. Ano ang ipinapakitang uri ng pagmamahal sa kapwa?
Mahalin ang kapwa bilang representasyon o kinatawan ng Diyos.
Ang pagmamahal sa kapwa ay walang pinipili o tinatangi at walang kinikilingan.
Ang pagmamahal sa kapwa ay hindi ayon sa kondisyon.
Ang pagmamahal ng Diyos ay nagbibigya ng ginhawa at kagalingan sa buhay ng bawat isa.
Tumutukoy sa paglabag sa karapatan sa buhay tungkol sa pagpapalaglag o pag-alis ng fetus o sanggol na hindi maaaring mabuhay sa pamamagitan ng kanyang sarili sa labas ng bahay-bata ng ina.
Aborsiyon
Euthanasia
Alkoholismo
Pagpapatiwakal
Ang mga sumusunod ay pisikal na epekto ng labis na pag-inom ng alak maliban sa:
Nagpapabagal ng isip
Nagpapahina sa enerhiya
Nagiging sanhi ng iba’t ibang uri ng sakit
Nababawasan ang kakayahan sa pakikipagkapwa
Anong proseso ang isinasagawa sa modernong medisina upang wakasan ang buhay ng taong may malubhang sakit na kailanman ay hindi na gagaling pa?
Suicide
Abortion
Euthanasia
Lethal injection
Ang karapatan sa buhay ay siyang pinakamataas na antas sa lahat ng karapatan mo bilang tao. Ano ang mahalagang diwa nito?
Dahil ako ay natatangi at naiiba sa ibang nilalang na may buhay.
Dahil ang buhay ko ay sagrado o banal at maituturing na pinakamahalagang kaloob ng Panginoon sa akin.
Dahil ang pagkaunawa sa iba’t ibang pananaw o isyu o mga paglabag sa mga karapatan sa buhay na may paglabag ay mga isyung moral na papanig sa kabutihan upang mapanatili ang kasagraduhan ng aking buhay.
Lahat ng nabanggit
Dahil sa isip at loob ng tao, inaasahan na ang tao ay makabuo ng mabuti at matalinong posisyon sa kanila ng iba’t ibang isyung moral na umiiral sa ating lipunan. Ang pangungusap na ito ay:
Tama, dahil ginagabayan tayo ng ating isip at loob tungo sa kabutihan.
Tama, sapagkat ang tao ay may isip na nagbibigay ng kakayahang gumawa, kumilos, pumili at magmahal.
Mali, dahil ang tao ay malayang mamili at mamuno sa kaniyang paghuhusga, gawi, at kilos.
Mali, dahil ang tao ay may kakayahang hanapin, alamin, unawain, at ipaliwanag ang katotohanan sa kanyang paligid.
Alin sa sumusunod na pahayag ang hindi angkop na pagpapaliwanag ukol sa kasagraduhan ng buhay?
Sagrado ang buhay ng tao mula pagkakalalang hanggang kamatayan.
Sa mga panahon ng dilemma, maaaring magpasya ang tao batay sa hinihingi ng pagkakataon.
Ang buhay ay isang banal na biyaya ng Diyos sa tao. Tanging Diyos lamang ang may Karapatan na bawiin ito.
Ang buhay ng tao ay katangi-tangi sa kalikasan, Sapagkat binigyan Niya tayo ng kakayahan upang magpasya nang naaayon sa katotohanan at kabutihan.
Ano ang pinakamabuting gawin kung nagpatapat ang iyong kaibigan na siya ay buntis at hindi pa handa upang mapanindigan ito?
Ipaalam agad sa magulang.
Payuhan ang kaibigan na ituloy na lang ang pagbubuntis.
Hikayatin ang kaibigan na sumangguni sa isang counselor o sinomang propesyonal.
Sabihing lumayo at magtago muna sa probinsya upang makaiwas sa tsismis.
Ano ang pinakamainam na gawin kung ikaw ay nalilito sa pagpapasyang moral?
Mangalap pa ng impormasyon.
Suriin ang mabuti at masamang maaaring dulot ng kahihinatnan ng pagpapasiya.
Sumangguni sa iba upang mangalap ng mga opinyon na makapagpapalinaw ng pag-iisip at magandang pananaw.
Manalangin at sundin kung ano ang ninanais kahit mali dahil wala ng ibang paraan.
Si Matteo ay mahilig sumama sa kanyang mga kaibigan sa labas ng paaralan. Dahil dito, naimpluwesyahan at nagumon siya sa paggamit ng ipinagbabawal na gamot. Hindi nagtagal, nakagagawa na siya ng mga bagay na hindi inaasahan tulad ng pagnanakaw. Marami ang nalungkot sa kalagayan niya sapagkat lumaki naman siyang mabuting bata. Ipaliwanag ang naging kaugnayan ng ipinagbabawal na gamot sa isip at loob ni Matteo at sa kanyang maling pagpapasiya.
Ang isip ay nagiging “black spot,” nahihirapang iproseso ang iba’t ibang impormasyong na dumadaloy dito.
Ang isip ay nawalan ng kakayahang iproseso dahil na rin sa pag-aabuso rito at di pag-ayon ng kilos sa pagpapasya.
Ang isip at loob ay humina dahil sa maraming bagay na humahadlang sa paggawa nito ng kabutihan.
Ang isip at loob ay hindi nagtatugma dahil sa kawalan ng pagpipigil at matalinong pag-iisip.
“May tamang oras ang lahat ng pangyayari sa ating buhay at hindi tayo dapat mawalan ng pag-asa. Sa kabilang banda, hindi nararapat husgahan ang mga taong nagpatikwalak. Maaaring sila ay may pinagdaraanang mabigat na suliranin at wala sa tamang pag-iisip (halimbawa, depresyon) sa oras na ginawa nila iyon. Ano ang mahalagang diwa ang isinasaad ng pahayag?”
Ang buhay ay sadyang mahalaga anoman ang pinagdaraanan ng tao sa kanyang kasalukuyang buhay
May responsibilidad ang tao sa kanyang sariling buhay.
Hindi sagot ang mga pinagdaraanang suliranin upang magpasyang magpatiwakal.
Ang pag-asa ay magiging daan sa pagpapatuloy sa buhay gaano man kabigat ang pinagdaraanan
Ano ang kahulugan ng “pater” na pinagmulan ng salitang patriyotismo?
Katatagan at katapangan
Kabayanihan at katapangan
Pinagkopyahan o pinagbasehan
Pinagmulan o pinanggalingan
Alin ang HINDI angkop na kilos ng nagmamahal sa bayan?
Pagiging tapat sa sarili, sa kapwa, sa gawain, at sa lahat ng pagkakataon
Pag-awit sa Pambansang Awit nang may paggalang at dignidad
Pagsisikap makamít ang mga pangarap para guminhawa ang sariling pamilya
Paggawa ng paraan upang makatulong sa suliranin ng bansa
Alin sa mga sumusunod ang hindi nagpapakita ng pagmamahal sa bayan?
Paggalang sa watawat ng Pilipinas
Pagtangkilik sa mga produktong sariling atin
Pagbibigay-pugay habang inaawit ang Lupang Hinirang
Pagmamalaki sa mga imported na gawa ng ibang bansa
Sa binibigkas nating Panatang Makabayan, alin ang hindi tugma sa pagkakasunod ng talata?
Iniibig ko ang Pilipinas.
Ito ang aking lupang sinilangan
Ako ay kanyang kinukopkop at tinutulungan
Ito ang tahanan ng aking lahi.
Ito ang mga halimbawa ng angkop na kilos na nagpapakita ng ating pagmamahal sa bayan, MALIBAN sa:
Pagdiriwang ng Araw ng Kalayaan sa makabuluhang paraan
Pagsunod sa mga alintuntunin ng paaralan at mga batas ng bansa
Paggalang sa mga sagisag ng bansa
Pagbili ng mga produkto ng ibang bansa
Paano napapalawak ng pagmamahal sa bayan ang pakikipagkapwa?
Nagmumula ng kamalayan sa mga tao sa mga isyu at problema ng bayan
Gumagamit ang midya at teknolohiya sa pagpapalawak ng kawilihan at kaalaman
Nagbibigay ng pagkakataon sa mga mamamayan na magkaisa, magtulungan, at magdamayan
Nagtataguyod ng reporma ng pamahalaan para sa mas mabuting pamumuno
Alin ang HINDI kabilang sa mga pagpapahalagang dapat linangin upang tuwirang maisabuhay ang pagmamahal sa bayan?
Paggalang at pagmamahal
Katotohanan at pananampalataya
Katahimikan at kapayapaan
Katarungan at pagkakaisa
Paano nakahahadlang ang pandaraya at pagkamakasarili sa pag-unlad ng isang bayan gayundin sa pagkakaisa ng Pilipino?
Hindi ito nagpapahayag ng pagmamahal sa bayan
Masamang matutuhan ng mga batang Pilipino
Nawawala ang kapayapaan sa bayang sinilangan
Nakaaapekto sa mabuting pakikipagkapwa
Bakit mahalagang mahalin ng bawat Pilipino ang kanilang bayan?
Utang natin sa ating bayang sinilangan ang kalayaan at pagkakataong hubugin ang ating pagkatao
Biyaya ng Diyos ang pagkakalooban ang tao ng lipunang kinabibilangan at pamayanang matitirhan
Dito tinatanggap at iniingatan ang tao ng kaniyang mga mahal sa buhay upang hubugin ang kaniyang mga kakayahan.
Nakilala siya ng mundo dahil sa talino at angking kagalingan na hinubog sa kanyang bayang sinilangan.
Saan nakikita ang tunay na kahulugan ng patriyotismo para sa isang Pilipino?
Sa bawat pagkilos ng bawat Pilipino natutugunan ang mga pangangailangan ng isang bayan
Sa mga hangarin at pangarap ng bawat mamamayan tungo sa pag-unlad ng sarili at kapuwa Pilipino
Sa pagtutulungan ng bawat Pilipino sa panahon ng sakuna at kalamidad
Sa pagsulong ng adhikaing ipagmalaki ang mga kultura at isulong ang turismo ng bansa
Alin sa sumusunod ang epekto ng materyalismo sa kalikasan?
Binabago nito ang pag-unawa sa galaw ng kalikasan
Inaalis nito ang pananagutan natin sa kalikasan
Sinisira nito ang ating kalikasan
Nagiging makasarili ang tao sa paggamit ng kalikasan
Ang pagiging mapanagutan sa kalikasan ay pagpapakita ng paggalang sa awtoridad ng Diyos sapagkat
Ginawa at ipinagkatiwala ito sa atin ng Diyos
Tungkulin natin na igalang ang limitasyon ng kalikasan
Ang kalikasan ay para sa kapakinabangan ng lahat at hindi ng iilan lamang
Ang lahat ng tao ay mamamayan ng iisang mundo, sapagkat nabubuhay sa iisang kalikasang lalang ng Diyos
Alin sa mga sumusunod na pahayag ang hindi nagpapakita ng pagiging mapanagutan sa kalikasan?
Mamuhay nang simple
Itapon ang mga bagay na hindi kailangan
Maging matalino sa pagpili at paggamit ng mga produkto
Pakikibahagi sa mga grupong nagsusulong ng programang makakalikasan
Upang mapangalagaan ang kapaligiran, ang bawat isa ay nararapat ______.
Maging mapanagutan sa paggamit ng mga materyal na bagay
Pigilan ang paggamit ng mga materyal na bagay
Huwag itapon ang mga materyal na bagay
Lahat ng nabanggit
Isa sa mga dahilan ng pagkasira ng kalikasan ay ang ating materyalistikong pamamaraan. Ang materyalismo ng tao ay dulot ng sumusunod maliban sa ______.
Maling konsepto ng kaligayahan at mga bagay na nagpapaligaya
Maling pagpapahalaga sa mga bagay sa paligid
Maling pagpili sa mga bilihin at gamit
Maling paggamit sa kalikasan dahil sa kaisipan na ito ay nasa ating kontrol bilang tao
Ano ang pangunahing dahilan kung bakit kailangang pangalagaan ng tao ang kalikasan?
Sa kalikasan nanggagaling ang mga materyal na bagay na bumubuhay sa kaniya
Responsibilidad itong ipinagkatiwala sa kaniya na dapat niyang gampanan
Ang kalikasan ay kakambal ng kaniyang pagkatao; ito ang buhay sa kaniya at bilang kapalit, kailangan niya itong alagaan at pahalagahan
Sa kalikasan nakadepende ang hinaharap ng tao dahil sa biyayang taglay nito
Paano ipinapakita ng tao na pinahahalagahan niya ang kalikasan sa mga bagay na kaniyang ginagawa?
Nagpapatupad ng mga batas na ayon sa pangangailangan ng kalikasan na ipinagkatiwala sa kaniya
Ginagawang tungkulin bilang isang mamamayang tagapangalaga ng kalikasan kahit na ito ay mapag-iwanan ng pag-unlad at panahon
Gumagawa ng mga paraan upang matulungan ang sarili at ang kaniyang kapuwa na maiwasan ang pagkawasak
Nakikiisa sa mga programang nagsusulong ng industriyalisasyon gaya ng road widening at earth balling
Ano ang maaaring epekto ng global warming?
Unti-unting mababawasan ang bilang ng tao dahil sa gutom at mga trahedyang mangyayari.
Matutunaw ang mga yelo, lalawak ang dagat at magkakaroon ng malawakang pagbaha
Unti-unting mararamdaman ng tao ang pag-iiba ng klima na maaaring magdulot ng pinsala sa buhay at ari-arian
Magiging madalas ang pag-ulan, pagguho ng lupa at pag-init ng panahon
Paano mo isasagawa ang programang magsusulong ng pangangalaga ng kalikasan?
Ipapatupad ang batas sa pamamagitan ng dagdag na multa sa bawat paglabag
Hihikayatin ang bawat indibidwal na magtanim at makiisa sa isang gawaing makakalikasan
Magkakaroon ng takot sa batas at sa Diyos na nagbigay ng kalikasan
Makikipag-ugnayan at gagawa ng isang komprehensibong pag-aaral upang makapagsagawa ng isang gawang pangkalikasan
Anong paraan ang maaaring gawin ng isang simpleng mamamayan bilang tagapamahala at tagapangalaga ng kalikasan?
Magtapon ng basura sa tamang tapunan
Magpatupad ng batas
Magkaroon ng pagkukusa at maging disiplinado
Maging mapagmasid at matapang sa pakikipaglaban para sa bayan
Ang kalikasan ay tumutukoy sa _____.
Lahat ng mga salik na tumutugon sa pangangailangan ng mga nilalang na may buhay
Lahat ng nilalang na may buhay
Lahat ng nakapaligid sa atin
Lahat ng mga bagay na nagpapayaman sa tao
Kung bibigyan ka ng pagkakataon na gumawa ng isang bagay na makakaya mo para sa kalikasan, alin sa sumusunod ang iyong gagawin?
Lilinisin ang ilog Pasig at sasali sa mga proyektong lilikom ng pondo para sa Ilog Pasig
Gagawa ng mga programang susundan ng barangay upang makatulong ng malaki.
Maging mapanuri at magkukusa sa mga gawaing kailangan ako
Magdarasal para sa bayan
Ang pagiging tagapangalaga ng kalikasan ay nangangahulugang ____ .
Paggamit sa kalikasan na naaayon sa sariling kagustuhan
Paggamit sa kalikasan na may pananagutan
Paggamit sa kalikasan ng walang pakundangan
Paggamit sa kalikasan na hindi isinasaalang-alang ang iba
Ang sumusunod ay maling pagtrato sa kalikasan, maliban sa isa
Hindi maayos na pagtatapon ng basura
Paghihiwa-hiwalay ng basura bilang nabubulok at di nabubulok
Pagtatapon ng mga anyong tubig
Pagsusunog ng basura
Alin sa sumusunod ang nagpapakita ng paggamit ng kalikasan bilang isang kasangkapan?
Pagputol ng puno at pagtatanim muli ng mga bagong binhi
Paggamit ng lupain na may pagsasaalang-alang sa tunay na layunin nito
Malawakang paggamit ng mga kemikal upang makakuha ng maraming ani
Pagkamalikhain at responsibilidad sa gagawing pagbabago sa kapaligiran
