wayground logo

Free Printable Worksheets

NEW

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

Kaalaman tungkol sa United Nations

Total questions: 62

Worksheet time: 31mins

Name
Class
Date
1.

Kailan pinagtibay ang kasalukuyang disenyo ng watawat ng United Nations?

a)

Oktubre 24, 1945

b)

Hunyo 26, 1945

c)

Oktubre 20, 1947

d)

Enero 1, 1942

2.

Anong kulay ang ginamit sa background ng watawat ng UN na sumisimbolo sa seguridad at katahimikan?

a)

Puti

b)

Asul

c)

Berde

d)

Dilaw

3.

Saang bahagi ng mundo nakasentro ang mapa sa watawat ng UN?

a)

Equator

b)

Europe

c)

Asia

d)

North Pole

4.

Ilan ang concentric circles o magkakasunod na bilog sa grid ng mapa sa watawat ng UN?

a)

Tatlo

b)

Apat

c)

Lima

d)

Anim

5.

Anong uri ng sanga ang nakapalibot sa mapa sa watawat ng UN?

a)

Laurel

b)

Palm

c)

Olive

d)

Pine

6.

Saan nilagdaan ang Inter-Allied Declaration noong Hunyo 12, 1941?

a)

Paris

b)

Washington D.C.

c)

Moscow

d)

London

7.

Ano ang pangunahing layunin ng Inter-Allied Declaration?

a)

Itatag ang UN Charter

b)

Wakasan ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig

c)

Isulong ang pandaigdigang kapayapaan at kalayaan

d)

Bumuo ng bagong alyansang militar

8.

Sino ang bumuo ng Atlantic Charter noong Agosto 14, 1941?

a)

Roosevelt at Stalin

b)

Churchill at Stalin

c)

Roosevelt at Churchill

d)

Truman at Churchill

9.

Ano ang kahalagahan ng Atlantic Charter?

a)

Ito ang UN Charter

b)

Ito ang nagsilbing blueprint ng kapayapaan matapos ang digmaan

c)

Ito ay kasunduang pangkalakalan

d)

Ito ay dokumentong militar lamang

10.

Aling dokumento ang unang gumamit ng terminong “United Nations”?

a)

Atlantic Charter

b)

Moscow Declaration

c)

Declaration by United Nations

d)

UN Charter

11.

Ilang bansa ang lumagda sa Declaration by United Nations noong Enero 1, 1942?

a)

15

b)

26

c)

50

d)

51

12.

Alin sa mga sumusunod ang kabilang sa “Big Four”?

a)

USA, UK, France, Germany

b)

USA, UK, USSR, China

c)

USA, China, Japan, Germany

d)

UK, France, China, Italy

13.

Kailan naganap ang Tehran Conference?

a)

Oktubre 1943

b)

Disyembre 1, 1943

c)

Pebrero 1945

d)

Hunyo 1945

14.

Ano ang codename ng Tehran Conference?

a)

Victory

b)

Freedom

c)

Unity

d)

Eureka

15.

Saang kumperensya binalangkas ang pormal na estruktura ng United Nations?

a)

Yalta Conference

b)

Tehran Conference

c)

Dumbarton Oaks Conference

d)

San Francisco Conference

16.

Kailan ginanap ang San Francisco Conference?

a)

Enero–Marso 1945

b)

Abril 25–Hunyo 26, 1945

c)

Hunyo–Oktubre 1945

d)

Oktubre–Disyembre 1945

17.

Ilang bansa ang lumahok sa San Francisco Conference?

a)

26

b)

45

c)

50

d)

51

18.

Kailan opisyal na naitatag ang United Nations?

a)

Hunyo 26, 1945

b)

Oktubre 20, 1947

c)

Enero 1, 1942

d)

Oktubre 24, 1945

19.

Ano ang ipinagdiriwang tuwing Oktubre 24?

a)

World Peace Day

b)

UN Charter Day

c)

United Nations Day

d)

Global Cooperation Day

20.

Alin ang pangunahing layunin ng UN na may kinalaman sa pag-iwas sa digmaan?

a)

Mabuting Ugnayan

b)

Pagtutulungan

c)

Sentro ng Pagkakaisa

d)

Kapayapaan at Seguridad

21.

Ano ang layunin ng UN na tumutukoy sa koordinasyon ng mga bansa sa paglutas ng suliranin?

a)

Kapayapaan at Seguridad

b)

Mabuting Ugnayan

c)

Pagtutulungan

d)

Sentro ng Pagkakaisa

22.

Ano ang tinutukoy ng “Sentro ng Pagkakaisa”?

a)

Militar na tanggapan ng UN

b)

Lugar kung saan pinipilit ang desisyon

c)

Samahan ng mga bansa upang makamit ang iisang layunin

d)

Hukuman ng mga bansa

23.

Kailan inilunsad ang 17 Sustainable Development Goals (SDGs)?

a)

2000

b)

2010

c)

2015

d)

2020

24.

Kailan inilunsad ang 17 Sustainable Development Goals (SDGs)?

a)

2000

b)

2010

c)

2015

d)

2020

25.

Hanggang kailan target na makamit ng mga bansa ang SDGs?

a)

2025

b)

2030

c)

2040

d)

2050

26.

Ano ang pangunahing layunin ng Sustainable Development?

a)

Paunlarin ang ekonomiya lamang

b)

Tugunan ang pangangailangan ngayon nang hindi sinisira ang kinabukasan

c)

Itigil ang paggamit ng teknolohiya

d)

Pagyamanin ang iilang bansa

27.

Alin sa mga sumusunod ang layunin ng Moscow Declaration noong Oktubre 30, 1943?

a)

Itaas ang UN Charter

b)

Wakasan ang League of Nations

c)

Tiyakin ang pandaigdigang kapayapaan at papanagutin ang Germany

d)

Bumuo ng bagong alyansang pang-ekonomiya

28.

Alin sa mga bansa ang KASAMA sa paglagda ng Moscow Declaration?

a)

USA, UK, China, USSR

b)

USA, France, Germany, Italy

c)

UK, Japan, China, USSR

d)

USA, China, Japan, Germany

29.

Ano ang pangunahing layunin ng Yalta Conference noong Pebrero 1945?

a)

Tapusin ang UN Charter

b)

Simulan ang San Francisco Conference

c)

Selyuhan ang estruktura ng UN at ipahayag ang pormal na pagpupulong

d)

Wakasan ang digmaan sa Asya

30.

Sino-sino ang bumuo sa “Big Three”?

a)

Roosevelt, Churchill, Truman

b)

Churchill, Stalin, Hitler

c)

Roosevelt, Churchill, Stalin

d)

Roosevelt, Truman, Stalin

31.

Ano ang naging papel ng Dumbarton Oaks Conference sa pagkakatatag ng UN?

a)

Dito nilagdaan ang UN Charter

b)

Dito unang ginamit ang terminong United Nations

c)

Dito binalangkas ang pormal na estruktura ng UN

d)

Dito ipinagdiwang ang UN Day

32.

Ilang bansang tagapagtatag ang lumagda sa UN Charter noong Oktubre 24, 1945?

a)

26

b)

45

c)

50

d)

51

33.

Alin sa mga sumusunod ang HINDI kabilang sa mga bansang nanguna sa paglagda ng Declaration by United Nations?

a)

USA

b)

UK

c)

USSR

d)

France

34.

Ano ang pangunahing dahilan kung bakit binuo ang United Nations matapos mabigo ang League of Nations?

a)

Upang magkaroon ng mas malaking pondo

b)

Upang magkaroon ng mas malinaw na sistema ng pandaigdigang kooperasyon

c)

Upang palitan ang lahat ng pamahalaan

d)

Upang kontrolin ang ekonomiya ng mundo

35.

Alin sa mga sumusunod ang tumutukoy sa layuning “Mabuting Ugnayan”?

a)

Pagpigil sa digmaan

b)

Pagbuo ng maayos na relasyon sa pagitan ng mga bansa

c)

Pagtulong sa kalikasan

d)

Pagpaparusa sa lumalabag na bansa

36.

Ilan ang kabuuang bilang ng Sustainable Development Goals (SDGs)?

a)

15

b)

16

c)

17

d)

18

37.

Alin sa mga sumusunod ang HALIMBAWA ng SDG na binanggit sa PPT?

a)

Gender Equality

b)

World Peace

c)

Global Trade

d)

Military Security

38.

Alin sa mga sumusunod ang HINDI kabilang sa mga SDG na nasa PPT?

a)

Zero Hunger

b)

Quality Education

c)

Climate Action

39.

Aling kilusan ang naglalayong itigil ang hindi pantay na pagtingin sa mga Itim at Puting Aprikano?

a)

Civil Rights Movement

b)

Solidarity Movement

c)

Anti-Apartheid Movement

d)

Tiananmen Square Protest

40.

Ano ang tawag sa kilos-protesta sa China na ikinamatay ng maraming demonstrador dahil sa kahilingan sa reporma sa lipunan at ekonomiya?

a)

Cultural Revolution

b)

Tiananmen Square Protest

c)

Great Leap Forward

d)

Boxer Rebellion

41.

Anong kilusan ang itinatag sa Amerika upang magkaroon ng pantay na karapatan ang mga mamamayan?

a)

Anti-Apartheid Movement

b)

Solidarity Movement

c)

Civil Rights Movement

d)

Women’s Liberation Movement

42.

san ang itinatag sa Amerika upang magkaroon ng pantay na karapatan ang mga mamamayan?

a)

Anti-Apartheid Movement

b)

Solidarity Movement

c)

Civil Rights Movement

d)

Women’s Liberation Movement

43.

Anong kilusan ang itinatag sa Poland upang bigyan ng proteksyon ang mga manggagawa at panatilihin ang pagiging malaya ng bansa?

a)

Civil Rights Movement

b)

Anti-Apartheid Movement

c)

Tiananmen Square Protest

d)

Solidarity Movement

44.

Sino ang kilalang tagapagtaguyod ng karapatan at pagkakapantay-pantay ng mga Black Africans laban sa White Africans?

a)

Martin Luther King Jr.

b)

Mahatma Gandhi

c)

Nelson Mandela

d)

Lech Wałęsa

45.

Ano ang tawag sa repormang pang-ekonomiya sa China na nakabatay sa “socialism with Chinese characteristics at socialist market economy”?

a)

Great Leap Forward

b)

Cultural Revolution

c)

Reform and Opening-Up Policy

d)

One China Policy

46.

Anong negosasyon ang nagbigay-daan sa limitado ngunit malayang halalan sa Poland noong 1989?

a)

Yalta Conference

b)

Warsaw Pact

c)

Solidarity Agreement

d)

Round Table Talks

47.

Anong batas sa United States ang nagpatibay sa doktrinang “separate but equal”?

a)

Civil Rights Act

b)

Emancipation Proclamation

c)

Jim Crow Laws

d)

Voting Rights Act

48.

Ano ang tawag sa rehimeng totalitaryan sa Germany na sumakop at nag-alis ng kalayaan sa Poland?

a)

Weimar Republic

b)

Axis Powers

c)

Third Reich

d)

Nazi Party

49.

Sino ang pinakaprominenteng pinuno ng Civil Rights Movement sa United States?

a)

Malcolm X

b)

Rosa Parks

c)

Martin Luther King Jr.

d)

Frederick Douglass

50.

Layuning wakasan ang lahat ng uri ng kahirapan sa buong mundo.

a)

SDG #1

b)

SDG #2

c)

SDG #3

d)

SDG #10

51.

Layuning wakasan ang kagutuman at isulong ang food security at tamang nutrisyon.

a)

SDG #1

b)

SDG #2

c)

SDG #12

d)

SDG #15

52.

Layuning tiyakin ang mabuting kalusugan at kagalingan ng lahat ng tao.

a)

SDG #3

b)

SDG #4

c)

SDG #6

d)

SDG #11

53.

Layuning matiyak ang inklusibo at dekalidad na edukasyon para sa lahat.

a)

SDG #3

b)

SDG #4

c)

SDG #5

d)

SDG #8

54.

Layuning makamit ang pagkakapantay-pantay ng kasarian at bigyang-kapangyarihan ang kababaihan.

a)

SDG #4

b)

SDG #5

c)

SDG #10

d)

SDG #16

55.

Layuning tiyakin ang pagkakaroon ng malinis na tubig at maayos na sanitasyon.

a)

SDG #6

b)

SDG #7

c)

SDG #11

d)

SDG #14

56.

Layuning tiyakin ang access sa abot-kaya, maaasahan, at malinis na enerhiya.

a)

SDG #6

b)

SDG #7

c)

SDG #9

d)

SDG #13

57.

Layuning gawing ligtas, matatag, at napapanatili ang mga lungsod at komunidad.

a)

SDG #9

b)

SDG #10

c)

SDG #11

d)

SDG #15

58.

Layuning tiyakin ang responsableng pagkonsumo at produksyon.

a)

SDG #11

b)

SDG #12

c)

SDG #13

d)

SDG #17

59.

Layuning magsagawa ng agarang aksyon laban sa climate change at mga epekto nito.

a)

SDG #12

b)

SDG #13

c)

SDG #14

d)

SDG #15

60.

Layuning pangalagaan at mapanatili ang buhay sa karagatan at yamang-dagat.

a)

SDG #13

b)

SDG #14

c)

SDG #15

d)

SDG #16

61.

Layuning protektahan ang mga kagubatan, lupa, at biodiversity.

a)

SDG #14

b)

SDG #15

c)

SDG #16

d)

SDG #17

62.

Layuning itaguyod ang kapayapaan, katarungan, at matatag na institusyon.

a)

SDG #10

b)

SDG #12

c)

SDG #16

d)

SDG #17