Search Header Logo
FILIPINO 7 Aralin 4

FILIPINO 7 Aralin 4

Assessment

Presentation

Education

7th Grade

Practice Problem

Easy

Created by

Maricho Barrit

Used 9+ times

FREE Resource

38 Slides • 3 Questions

1

FILIPINO 7 Aralin 4

Slide image

2

Layunin

  • Naipaliliwanag ang pinagmulan ng salita (etimolohiya)

  • Natutukoy ang mahahalagang detalye sa napakinggang teksto tungkol sa epiko sa Kabisayaan

  • Naisusulat ang isang tekstong naglalahad tungkol sa pagpapahalaga ng mga taga-Bisaya sa kinagisnang kultura

  • Nagagamit nang maayos ang mga pangugnay sa paglalahad (una, ikalawa, halimbawa, at iba pa)

3

Epiko ng Hinilawod (Epiko)


4


Ang Hiniláwod ay isa sa pinakamatanda at pinakamahabang epiko ng Kanlurang Bisaya. Ito’y nagsasaad ng kaunlaran at kultura ng Panay noong unang panahon. Ito raw ay inaawit nang mga tatlong linggo, isa o dalawang oras gabi-gabi.

           Panahon noon nang ang mga datu galing Borneo ay dumaong sa Panay. Labingwalong kuwento ang napapaloob sa Hinalawod at ang bawat kuwento ay sumasaklaw sa tatlong henerasyon. Nagsimula ang kuwento noong panahong ang mga diyoses ay nakikipamuhay pa sa mga tao at nagtatapos naman sa panahon nang bilhin ni Bankaya (datu galing Borneo) kay Marikudo, Hari ng mga Aeta.Ayon kay Dr. Jose Villa Panganiban, ang epikong Hinalawod ay dinatnan na sa Panay ng mga Kastila.


5

Epiko ng Hinilawod

(Epiko ng mga Bisaya)


6

Ipinag-utos ni Kaptan, ang hari ng mga diyos at diyosa na ang magandang diwatang si Alunsina ay ikasal pagsapit niya sa edad ng pagdadalaga. Maraming makikisig na diyos sa iba’t ibang bahagi ng daigdig ang naghangad sa kaniyang kamay subalit silang lahat ay nabigo dahil si Alunsina ay umibig at nagpakasal sa isang mortal na si Datu Paubari, ang pinuno ng Halawod.


7

Dahil dito’y nagalit ang mga manliligaw ni Alunsina at nagkaisa silang gantihan ang bagong kasal. Binalak nilang sirain ang Halawod sa pamamagitan ng isang malaking baha. Mabuti na lamang at nalaman ni Suklang Malayon, kapatid ni Alunsina ang maitim na balak ng mga nabigong manliligaw kaya’t ang magkabiyak ay nakatakas patungo sa isang mataas na lugar kaya’t sila’y nakaligtas sa baha. Bumalik lang sila nang napawi na ang baha. Tahimik silang nanirahan sa bukana ng Ilog Halawod.


8

Pagkalipas ng ilang buwan ay nagsilang ng tatlong malulusog na sanggol na lalaki si Alunsina. Labis-labis ang kaligayahan ng mag-asawa sa Pagdating ng kanilang mumunting biyaya. Pinangalanan nilang Labaw Donggon, Humadapnon, at Dumalapdap ang tatlong sanggol. Ipinatawag nila agad si Bungot-Banwa, ang iginagalang na pari ng kanilang lahi upang isagawa ang ritwal na magdudulot ng mabuting kalusugan sa tatlo. 


9

Nagsunog si Bungot-Banwa ng talbos ng halamang alanghiran na sinamahan niya ng kamangyan at saka inialay sa isang altar. Pagkatapos ay binuksan niya ang bintana at sa pagpasok ng malamig na hangin mula sa hilaga, ang tatlong sanggol ay biglang naging malakas at makikisig na binata.


10

*Ang Pakikipagsapalaran ng Panganay na si Labaw Donggon*


11

Sa tatlong magkakapatid, si Labaw Donggon ang nagpakita ng interes sa magagandang babae. Nang marinig niyang may isang magandang babaeng nagngangalang Angoy Ginbitinan mula sa bayan ng Handug ay nagpaalam agad siya sa ina upang hanapin ang dalaga. Pagkalipas ng ilang araw na paglalakbay sa mga kapatagan, kabundukan, at mga lambak ay narating din niya ang Handug. 

12

Kinausap niya ang ama ng dalaga upang hingin ang kamay ng anak. Sinabi ng ama na papayag lamang siyang makasal ang anak na si Angoy Ginbitinan kay Labaw Donggon kung mapapatay niya ang halimaw na si Manalintad. Agad pinuntahan ni Labaw Donggon ang halimaw at nakipaglaban siya rito. Napatay niya ang halimaw at ibinigay ang pinutol na buntot nito sa ama ni Angoy Ginbitinan bilang patunay ng kanyang tagumpay. Ikinatuwa ito ng ama kaya’t pumayag siyang ipakasal ang anak kay Labaw Donggon. Pagkatapos ng kasal ay naglakbay ang dalawa pagbalik sa tahanan nina Labaw Donggon.

13

Sa kanilang paglalakbay ay may nasalubong silang mga binata na nag-uusap-usap tungkol sa isang napakagandang dalagang nagngangalang Abyang Durunuun na nakatira sa Tarambang Burok. Narinig niya mula sa usapan ng mga binata na sila’y papunta sa tirahan ng dalaga upang manligaw sa kanya. Naging interesado sa narinig si Labaw Donggon kaya naman Pagkalipas lang ng ilang linggong pagsasama ay inihabilin niya ang bagong asawa sa inang si Alunsina at siya’y naglakbay na patungo sa Tarambang Burok upang suyuin si Abyang Durunuun. Nagtagumpay si Labaw Donggon na mapaibig ang napakagandang si Abyang Durunuun.

14

Subalit hindi pa roon nagtapos ang kanyang paghahanap ng mapapangasawa sapagkat pagkalipas ng ilang panahon nabalitaan na naman niyang may isa pang napakagandang babae, si Nagmalitong Yawa Sinagmaling Diwata na asawa ni Buyong Saragnayan, ang diyos ng kadiliman. Nais din niyang mapangasawa ito. Sinabi ni Doronggon ang kanyang balak sa dalawang asawa. Ayaw man nila, wala naman silang nagawa.

15

Sumakay si Labaw Donggon sa isang inagta o itim na Bangka at naglayag sa malalawak na karagatan patungong Gadlum. Naglakbay rin siya sa malalayong kaulapan at sa mga batuhan hanggang sa marating niya ang Tulogmatian, ang tahanan ni Buyong Saragnayan. Agad siyang hinarap ni Saragnayan at tinanong kung ano ang kanyang kailnagan. Sinabi niyang gusto niyang mapangasawa si Nagmalitong Yawa Sinagmaling Diwata. Pinagtawanan ng diyos ng kadiliman si Labaw Donggon at sinabing imposible ang hinahangad nito dahil asawa na niya ang diwata.

16

Subalit hindi basta sumuko si Labaw Donggon. Hinamon niya sa isang labanan si Saragnayan at sila’y naglaban sa loob ng maraming taon. Inilubog ni Labaw Donggon ang ulo ni Saragnayan sa tubig sa loob ng pitong taon subalit hindi niya pa rin napatay ang diyos ng kadiliman. Binayo niya nang binayo subalit hindi rin niya ito nagapi. Sa pamamagitan ng pamlang o anting-anting ni Saragnayan ay natalo niya ang noo’y nanghihina at pagod na pagod nang si Labaw Donggon. Ibinilanggo niya si Labaw Donggon sa isang kulungan sa ilalim ng kanyang tahanan.

17

Samantala, kapwa nanganak ang dalawang asawa ni Labaw Donggon. Parehong lalaki ang naging anak nila. Ang anak ni Angoy Ginbitinan ay tinawag niyang Asu Mangga samantalang ang anak ni Abyang Durunuun ay pinangalanang Abyang Baranugon. Nakapagsalita at nakatindig agad ang mga bata. Hinanap nila kapwa ang kanilang ama.


18

Sa kanilang paghahanap ay nagkasalubong ang magkapatid sa karagatan. Naglalakad sa ibabaw ng tubig si Baranugon at lulan naman ng Bangka si Asu Mangga. Napag-alaman nilang kapwa nila hinahanap ang amang mahilig sa magagandang babae. Naglakbay sila patungong Tulogmatian kung saan nila nalaman ang ginawa ni Saragnayan sa kanilang ama. 

19

Sinabihan nila itong pakawalan ang kanilang ama. Pinagtawanan lamang ni Saragnayan ang sinabi ng mga anak ni Labaw Donggon kaya’t hinamon siya ng mga ito sa isang labanan. Buong tapang na nakipaglaban ang magkapatid kay Saragnayan. Ngunit napakahusay ni Saragnayan kaya’t hindi nila ito matalo-talo. Bumalik si Baranugon sa kanilang lolang si Abyang Alunsina upang sumangguni. Dito niya nalamang ang kapangyarihan pala ni Saragnayan ay nakatago sa isang baboy-ramo. Mapapatay lamang daw si Saragnayan kapag napatay ang baoy-ramong kinatataguan ng kanyang hininga. 

20

Sa tulong ng taglay nilang anting-anting ay natagpuan at napatay ng magkapatid ang baboy-ramo. Sa pagkamatay ng baboy-ramo ay nanghina si Saragnayan kaya’t madali na siyang napatay ng palaso ni Baranugon. Gayunma’y hindi rin nila nakita ang ama sa bilangguan nito. Maging ang mga tiyo nilang sina Humadapnon at Dumalapdap ay tumulong na rin sa paghahanap kay Labaw Donggon. Pagkalipas ng mahabang panahon ng paghahanap, natagpuan din nila ang ama sa loob ng isang lambat na nasa may pampang malapit sa bahay ng asawa ni Saragnayan.

21

Subalit wala na ang dating kakisigan at kagitingan ni Labaw Donggon. Nawala ito dahil sa matagal na pagkakakulong nang dahil sa labis na paghahangad sa Magaganda, kahit na may asawa nang babae. Naibalik ng magkapatid sa kanilang tahanan si Donggon subalit hindi pa rin nawala ang pagnanais nitong makahanap pang muli ng magandang mapapangasawa. Ikinagalit ito ng kanyang dalawang asawa subalit ipinaliwanag niyang pantay-pantay ang gagawin niyang pagmamahal sa kanyang mga asawa. Ipinagdasal ng dalawang babaeng nagmamahal sa kanya na muling lumikas si Donggon. Hindi nga nagtagal ay muling nagbalik ang kakisigan at lakas ni Labaw Donggon.

22

Open Ended

Ano-anong kaugalian at kultura ng mga sinaunang mamamayan ng Sulod ang makikita sa buod ng epiko?

23


Pagpapahalaga sa Saliri Nating Kultura


24

Ang kultura ay nagpapakilala sa mga katangian ng isang bayan at ng kanayng mga mamamayan. Masasalamin sa kultura ang uri ng pamumuhay, mga kaugalian, tradisyon, hanapbuhay, paniniwala, relihiyon, wika, pagkain, panitikan, sining, kasuotan, hanapbuhay, paniniwala, at iba pa. 

25


Mahigpit na Pagkakabuklod ng Pamilya

26

Marami tayong mabubuting kulturang dapat mapanatili. Isa na rito ang mabuting samahan o mahigpit na pagkakabuklod ng pamilyang Pilipino. Sa oras ng pangangailangan, nandiyan ang kapamilya para dumamay. Karaniwan ding ang matatandang miyembro ng pamilya ay nakatira at inaalagaan ng mga anak o nakababatang miyembro. Hindi rin matatawaran ang paggalang at pagpapahalaga sa mga nakatatandang miyembro ng pamilya tulad ng lolo, lola, ama, o ina.

27

Pagpapahalga sa mga Kauglian at Tradisyon

28

Ang isa pang kagandahan ng ating kultura ay ang pagkakaroon ng pagpapahalaga at pagpapanatili sa makiukulay nating kaugalian at tradisyon. Marami tayong mga pamahiin, paniniwala, at tradisyong patuloy na isinasagawa magpahanggang ngayon na nag-ugat pa sa mga nakagisnan natin mula sa ating mga ninuno. Ang ilan naman sa mga pagdiriwang ng Pista ng Patron, Flores de Mayo, Santakrusan, at iba pa. Kilala rin tayo bilang isang bansang may pinakamahabang pagdiriwang ng Pasko kung saan bahagi na ng tradisyon ang pangangaroling, pagdalo ng siyam na Simbang-gabi, atbpagsasalo-salo ng pamilya sa Noche Buena.


29

Pagpapahalaga sa Edukasyon

30

Kilala ang mga Pilipino sa pagpapahalaga sa edukasyon. Maraming magulang na Pilipino ang nagsasakripisyo at nagtitiis sa pagtatrabaho rito man o sa ibang bansa. Minsa’y nakapagsasanla o nakapagbebenta pa ng mahahalagang ari-arian tulad ng mga lupain para lang makapagpatuloy ng pag-aaral ang mga anak.


31

Matibay na Pananalig o Pananampalataya sa Panginoon


32



Ang pananalangin ay bahagi na ng ating pang-araw-araw na buhay mula paggising, pagkain, pagtulog, at maging sa iba’t iba nating gawain tulad nang bago bumiyahe, bago o pagkatapos ng klase, miting, o salo-salo. Nagagawa pa rin nating ngumiti sa kabila ng mga unos o problemang dumarating sa ating buhay dahil pinalalakas tayo ng ating pananalig at pananampalataya sa Panginoon.


33

Pagkakaroon ng Mayamang Panitikan at Sining


34


Mayaman ang panitikan at sining nating mga Pilipino kaya naman ipinagkakapuri natin ang mga ito. Bukod sa mga panitikang nasusulat sa kasalukuyan, marami ring katutubo o sinumang panitikan ang nananatili at tinatangkilik ng mga Pilipino sa paraang pasalindila. Mayaman tayo sa panitikan tulad ng alamat, epiko, pabula, awiting-bayan, bulong, bugtong, salawikain, sawikain at iba pa. 


35

Open Ended

Ano ang kultura? Bakit mahalaga ito sa isang bansa?

36

Pagsasalaysay at Paglalahad

Gramatika at Retorika

37

Pagsasalaysay at Paglalahad


Sa paghahambing - Ginagamitan ito ng mga salitang pareho sa, magkaiba

sa, magkalayo ang katangian sa, sa kabilang banda.

Sa paglalarawan - Inilalarawan ang mga katangian ng anumang isinasalaysay kaya't karaniwan itong gumagamit ng mga salitang ang mga katangian ay, ang anyo ay, ang itsura ay, ang lasa ay, ang kulay ay, at iba pa

38

Ang Pagsasalaysay o Paglalahad

Mga Pahayag na Karaniwang Ginagamit sa Pagsasalaysay o Paglalahad


Sa paglalahad ng sanhi o dahilan - Ginagamitan ito ng mga pang-ugnay na dahi sa, sapagkat, palibhasa at iba pa.


Sa paglalahad ng suliranin o solusyon - Ginagamitan ng mga salitang ang problema ay, ang suliranin ay, ang diprensiya ay,

ang tanong ay, ang sagot diyan ay, ang solusyon ay.

39

Pagsasalaysay o Paglalahad


Sa pagsasalaysay ng isang kuwento o mahalagang karanasan o pangyayari - sa ganitong pagsasalaysay nagagamit ang mga pang-ugnay tulad ng isang araw, samantala at iba pa.


Sa Pagsusunod-sunod ng pangyayari o pagbibigay ng hakbang o proseso sa pagsasagawa ng isang bagay - Mahalagang masundan ng mambabasa o tagapakinig ang hakbang o proseso kaya karaniwang ginagamit sa ganitong pagsasalaysay ang mga salitang una, ikalawa, ikatlo, kasunod - panghuli

40

Open Ended

Ibigay ang tatlong uri ng Pagsasalaysay at paglalahad.

41

Maraming salamat sa pakikinig. Puntahan lamang po ang Quipper (ESSAY).

FILIPINO 7 Aralin 4

Slide image

Show answer

Auto Play

Slide 1 / 41

SLIDE