
AGHAM MODYUL 6.1 TO 6.2
Presentation
•
Other
•
3rd Grade
•
Practice Problem
•
Medium
ZHARINA ANNE VERDIJO
Used 3+ times
FREE Resource
32 Slides • 50 Questions
1
AGHAM MODYUL 6
PANGUNAHING PANGANGAILANGAN NG TAO, HAYOP AT HALAMAN
2
SUBUKIN NATIN
Panuto: Isulat ang TAMA kung wasto ang pangungusap at MALI kung di-wasto ang pangungusap.
3
Multiple Choice
1.Tubig, hangin, damit at tirahan ang pinakamahalagang pangangailangan ng tao, hayop at halaman.
4
Multiple Choice
2. Hindi kailangan ng mga nabubuhay sa mundo ang hangin.
5
Multiple Choice
3. Napaka importante na mayroong apat na pangunahing pangangailangan upang mabuhay nang maayos.
6
Multiple Choice
4. Ang apat na pangunahing pangangailangan ay hangin, tubig, pagkain at tirahan.
7
Multiple Choice
5. Bilang isang tao, importanteng magkaroon ng tirahan upang maging ligtas sa ano mang oras.
8
BALIK-TANAW
Panuto: Iguhit ang puso kung nagpapakita ng katangian ng bagay na may buhay (living things) , bituin naman kung ito ay nagpapakita ng katangian ng isang bagay na walang buhay (non-living things).
9
Multiple Choice
1.Ito ay gumagalaw
10
Multiple Choice
2. Ito ay nanatili lamang sa isang lugar at hindi gagalaw kung hindi mo ito gagalawin.
11
Multiple Choice
3. Ang mga living things ay ang mga bagay na lumalaki at may buhay.
12
Multiple Choice
4.Karaniwan sa mga bagay na walang buhay ay ang mga bagay na kadalasang ginagamit nating mga tao.
13
Multiple Choice
5. Ang mga bagay na walang buhay ay mga bagay na karaniwang hindi nagbabago ang anyo kahit tumagal man ang panahon.
14
15
MAIKLING PAGPAPAKILALA SA ARALIN
Alam natin na ang lahat ng nabubuhay sa mundo ay may mga pangunahing pangangailangan upang mabuhay. Maaari nilang ikamatay ang kakulangan sa mga ito. Ano nga ba ang mga ito?
Ito ay ang pagkain, tubig, hangin at tirahan.
16
MAIKLING PAGPAPAKILALA SA ARALIN
Alam natin na upang mabuhay, tayong mga tao ay nangangailangan ng hangin upang makahinga. Tubig para makontrol ang temperatura ng ating katawan. Ang pagkain ay isa sa mga nagbibigay ng enerhiya sa ating katawan upang tayo ay makagawa ng iba’t ibang gawain sa araw- araw. Ang tirahan naman ay upang mapanatili nating ligtas ang ating sarili sa ano mang uri ng kapahamakan, kagaya ng masamang panahon na maaaring magdulot ng sakit sating katawan.
17
MAIKLING PAGPAPAKILALA SA ARALIN
Samantala, ang pagkain, tubig, hangin at tirahan ay kailangan din ng mga hayop upang sila ay mabuhay. Sa paanong paraan? Kinakailangan nila ng hangin upang sila ay makahinga tulad natin, tubig para makontrol ang temperatura ng kanilang katawan, pagkain upang pagkunan nila ng lakas at enerhiya, tirahan upang mag silbing proteksyon nila mula sa kanilang mga mandaragit o predators at sa kapaligiran na kanilang ginagalawan.
18
MAIKLING PAGPAPAKILALA SA ARALIN
Habang ang mga halaman naman ay kailangan din ng mga ito upang sila ay mabuhay, ang hangin (carbon dioxide) at tubig ay pangunahing pangangailangan ng halaman upang makagawa sila ng sarili nilang pagkain. Ang nagsisilbing tirahan ng halaman ay ang lupa o hardin na kung saan ay maaari itong tumubo ng ligtas at lumaki ng malusog. Kinakailangan din ng halaman ng liwanag mula sa sikat ng araw dahil isa rin ito sa pangunahing pangangailangan nila upang makagawa ng pagkain sa pamamagitan ng proseso na kung tawagin ay photosynthesis.
19
Gawain 1:
Panuto: Iguhit ang iyong inaasam na alagang hayop at isulat ang mga pangunahing pangangailangan nito sa bilog. Gawin sa sagutang papel.
20
Gawain 2:
Panuto: Piliin ang mga salita sa loob ng kahon upang mabuo ang pangungusap sa bawat bilang.
21
Multiple Choice
1. Ang lahat ng nabubuhay sa mundo ay kailangan ng
_________________ upang mapangalagaan ang temperatura ng kanilang katawan.
PAGKAIN
TUBIG
HANGIN
SIKAT NG ARAW
TIRAHAN
22
Multiple Choice
2. Ang lahat ng nabubuhay sa mundo ay kailangan ng
_________________ upang maging ligtas sa kapahamakan.
PAGKAIN
TUBIG
HANGIN
SIKAT NG ARAW
TIRAHAN
23
Multiple Choice
3. Ang lahat ng nabubuhay sa mundo ay kailangan ng
_________________ upang lumaki, lumakas at sumigla.
PAGKAIN
TUBIG
HANGIN
SIKAT NG ARAW
TIRAHAN
24
Multiple Choice
4. Ang lahat ng nabubuhay sa mundo ay kailangan ng
_________________ upang makahinga at mabuhay.
PAGKAIN
TUBIG
HANGIN
SIKAT NG ARAW
TIRAHAN
25
Multiple Select
5. Ang apat na pangunahing pangangailangan ng tao, hayop at halaman ay ____________, _____________,
______________ at ______________.
PAGKAIN
TUBIG
HANGIN
SIKAT NG ARAW
TIRAHAN
26
GAWAIN 3
HINDI NA PO SASAGUTAN
27
TANDAAN
Ang apat na pangunahing pangangailangan ng tao, hayop at halaman ay ang mga sumusunod:
· Hangin upang makahinga.
· Tubig upang makontrol ang temperature ng katawan.
· Pagkain upang mapagkunan ng lakas at enerhiya.
· Tirahan nagsisilbing proteksyon laban sa ulan, matinding sikat ng araw at iba pa.
28
Panuto: Iguhit ang puso( ) kung ang impormasyon ay tama at malaking ekis (X) naman kung mali.
29
Multiple Choice
1. Kailangan nating uminom ng tubig para maginhawaan ang ating katawan.
30
Multiple Choice
2.Ang pagkain ng masustansya ay nagdudulot ng panghihina ng katawan.
31
Multiple Choice
3. Hindi kailangan ng katawan ang malinis na hangin.
32
Multiple Choice
4. Kailangan ng hayop ang tubig, pagkain, hangin at tirahan upang mabuhay
33
Multiple Choice
5. Hindi kailangan ng mga hayop ang magkaroon ng sarili nilang tirahan.
34
Multiple Choice
6. Kailangan ng halaman ang tubig, sikat ng araw at hangin upang mabuhay
35
Multiple Choice
7. Pangunahing pangangailangan ng mga nabubuhay sa mundo ay tubig, hangin, pagkain at tirahan.
36
Multiple Choice
8. Hindi kailangan ng mga nabubuhay sa mundo ang pagkain.
37
Multiple Choice
9. Tirahan ang nagsisilbing proteksyon ng lahat laban sa mga sakuna o kapahamakan na maaaring mangyari sa ating paligid.
38
Multiple Choice
10. Malinis na hangin at tubig ang kailangan natin upang makaiwas sa mga sakit.
39
Panuto: Isulat ang letrang T kung ang impormasyon ay tama at letrang M naman kung mali.
40
Multiple Choice
1. Ang mga tao, halaman at hayop ay nabubuhay sa mundo
T
M
41
Multiple Choice
2. Ang mga kotse, computer at cellphone ay mga pangunahing pangangailangan ng mga tao upang mabuhay sa mundo.
T
M
42
Multiple Choice
3. Hindi kailangan ng mga nabubuhay sa mundo ng pagkain.
T
M
43
Multiple Choice
4. Lahat ng mga nabubuhay na bagay ay kumukuha ng oxygen mula sa hangin.
T
M
44
Multiple Choice
5. Hindi kailangan ng katawan ang malinis na hangin.
T
M
45
Multiple Choice
6.Kailangan nating uminom ng tubig upang maginhawaan ang ating katawan.
T
M
46
Multiple Choice
7. Hindi kailangan ng mga hayop ng pagkain upang mabuhay.
T
M
47
Multiple Choice
8. Ang hindi pagkain ng masustansyang pagkain ay nagdudulot ng panghihina ng katawan.
T
M
48
Multiple Choice
9. Kailangan ng hayop ang tubig, pagkain, hangin at tirahan upang mabuhay.
T
M
49
Multiple Choice
10.Hindi kailangan ng ating katawan ang malinis na tubig.
T
M
50
III. Sanaysay
Bakit mahalaga ang tubig, pagkain, hangin, at tirahan para sayo? Gawin ito sa sagutang papel.
51
MODYUL 6.2
52
Isulat ang TAMA kung wasto ang pangungusap sa bawat bilang. Isulat ang MALI kung di-wasto ang pangungusap. Isulat ang sagot sa sagutang papel
53
Multiple Choice
1. Ang lahat ng nabubuhay sa mundo ay nakadepende sa kapaligiran (ecosystem).
54
Multiple Choice
2. Ang organismo ay isang indibidwal na nabubuhay sa mundo.
55
Multiple Choice
3. Ang mga may buhay sa mundo ay kayang mabuhay kahit walang mga halaman at puno.
56
Multiple Choice
4. Ang mga nabubuhay sa mundo ay hindi kailangan ng iba pang organismo upang mabuhay.
57
Multiple Choice
5. May ibang nabubuhay sa mundo na hindi makagawa ng sarili nilang pagkain at kinakailangan pang kumain ng ibang organismo upang mabuhay.
58
HINDI NA PO SASAGUTAN
59
60
Alam natin na ang lahat ng nabubuhay sa mundo ay nakasalalay sa kapaligiran (ecosystem) dahil dito kinukuha ang mga pangunahing pangangailangan. Ano nga ba ulit ang mga ito? Ito ay pagkain, tubig, hangin pati na rin ang tirahan. Ang lahat ng nabanggit ay nakukuha sa kapaligiran. Ang kapaligiran ay binubuo ng mga bagay na walang buhay gaya ng lupa, hangin, tubig, at temperatura na siyang nakaaapekto sa paraan ng pamumuhay ng bawat bagay na may buhay sa paligid. Bawat nilalang sa mundo ay nangangailangan nito. Kung wala ito, hindi magkakaroon ng buhay sa mundo
61
Ano nga ba ang organismo? Ito ay isang indibidwal na bagay na nabubuhay sa mundo. Halimbawa nito ay ang mga tao, hayop, at halaman. Maraming mga bagay na nabubuhay ang nakikipag-ugnayan sa iba pang organismo upang mabuhay. Sa katunayan, maari nilang kailanganin ang iba pang organismo upang mabuhay. Halimbawa ng mga ito ay ang mga puno at halaman na kung saan nagbibigay ng mga kagamitan na kadalasang ginagamit sa pang araw-araw na pamumuhay. Dito rin tayo kumukuha ng ilang materyales na ginagamit sa paggawa ng ating bahay. May ilang halaman naman na ginagamit sa pagawa ng mga damit, gamot at pagkain. Ang mga puno din ang nagsisilbing kanlungan ng mga hayop sa kagubatan. Kung wala ang mga puno, mawawalan ng masisilungan ang ilang hayop at mabilis silang mahuhuli ng kanilang mga mandaragit. May mga halaman naman na kailangan ang kapwa nila halaman upang mabuhay gaya ng mga orchids.
62
May ibang nabubuhay sa mundo na hindi makagawa ng sarili nilang pagkain at kinakailangan nilang kumain ng iba pang organismo upang mabuhay. Halimbawa, kailangan ng hayop na kumain ng kapwa nila hayop o hindi naman ay halaman upang mabuhay. Samantala, tayo naman ay kinakailangang kainin ang mga hayop at halaman upang tayo ay magkaroon ng lakas at mabuhay. Bawat isa ay konektado sa kapaligiran. Lahat ay kasama sa tinatawag na Food chain, ang proseso kung saan ipinakikita ang pagdaloy ng enerhiya mula sa isang organismo papunta sa ibang organismo.
63
Kinakailangan din natin ang mga puno dahil ito ay nakapagbibigay ng oxygen na ating ginagamit upang makahinga. Samantala, ang hangin na ating nilalabas na kung tawagin ay carbon dioxide ay kailangan naman ng mga halaman dahil isa ito sa pinakakailangan sa paggawa ng kanilang sariling pagkain, kasama ang tubig at sinag ng araw.
64
Samantala, sa tubig-ulan at malilinis na anyo ng tubig nagmumula ang iniinom na tubig. Kapag walang tubig na maiinom, ang lahat ng organismo ay maaaring magkasakit o hindi naman kaya ay tuluyang mamatay.
65
Ano sa tingin ninyo ang mangyayari kung masisira ang kapaligiran? Tama ka. Maaaring mamatay ang mga nabubuhay sa mundo. Kung walang puno, saan kaya maninirahan ang mga hayop tulad ng mga ibon? Saan tayo kukuha ng materyales na ginagamit sa paggawa ng bahay? Ano ang kakapit sa lupa upang hindi ito gumuho? Saan tayo kukuha ng malinis na hangin na kailangan natin upang mabuhay? Ilan lamang ito sa mga maaaring mangyari kung masira ang kapaligiran. Sa dami ng masamang maaaring mangyari, sa pagkawala ng kaayusan sa kapaligiran, dapat lamang natin itong ingatan at protektahan.
66
TANDAAN
Ang lahat ng nabubuhay sa mundo ay nakasalalay sa kapaligiran (ecosystem) dahil dito kinukuha ang mga pangunahing pangangailangan.
67
TANDAAN
Ang organismo ay isang indibidwal na bagay na nabubuhay sa mundo. May mga organismo na nakagagawa ng sarili nilang pagkain gaya ng mga puno at halaman ngunit may iba rin na hindi makagawa ng sarili nilang pagkain at kinakailangan nilang kumain ng iba pang organismo upang mabuhay.
68
TANDAAN
Kapag nasira ang kapaligiran, ikamamatay ito ng mga nabubuhay sa mundo kaya kinakailangan natin itong pangalagaan at pag-ingatan.
69
Panuto: Isulat ang (✓) tsek kung ang impormasyon ay tama at ekis (X) naman kung mali.
70
Multiple Choice
1. Ang organismo ay isang indibidwal na bagay na nabubuhay sa mundo.
71
Multiple Choice
2.Nakakakuha ng pagkain sa kapaligiran ang mga nabubuhay sa mundo.
72
Multiple Choice
3. Hindi kailangan ng tao ang mga puno kahit sila ay nagbibigay ng malinis na hangin dahil maaari namang mabuhay kung walang hangin.
73
Multiple Choice
4.Kailangan ng mga hayop ang iba pang mga hayop o halaman upang sila ay may makakain.
74
Multiple Choice
5. Kailangan ng mga tao at ibang hayop ang isa’t isa upang mabuhay ngunit hindi nito kailangan ang mga halaman.
75
Panuto: Isulat ang letrang T kung ang impormasyon ay tama at letrang M naman kung mali. Isulat ang sagot sa sagutang papel.
76
Multiple Choice
1. Ang organismo ay bagay na may buhay sa mundo.
T
M
77
Multiple Choice
2.Ang mga nabubuhay sa mundo ay hindi kailangan ng iba pang organismo para mabuhay.
T
M
78
Multiple Choice
3.May ibang nabubuhay sa mundo ang hindi makagawa ng sarili nilang pagkain kaya kinakailangan nilang kumain ng iba pang organismo upang mabuhay.
T
M
79
Multiple Choice
4.Ang lahat ng nabubuhay sa mundo ay nakadepende sa kapaligiran (ecosystem).
T
M
80
Multiple Choice
5. Ang mga may buhay sa mundo ay kayang mabuhay kahit walang mga halaman at puno.
T
M
81
#6-11
Panuto: Iguhit ang larawan ng kapaligiran na may kaugnayan sa mga pangunahing pangangailangan ng tao, hayop at halaman. Isulat sa sagutang papel ang kahalagahan nito para sa lahat ng nabubuhay sa mundo.
82
AGHAM MODYUL 6
PANGUNAHING PANGANGAILANGAN NG TAO, HAYOP AT HALAMAN
Show answer
Auto Play
Slide 1 / 82
SLIDE
Similar Resources on Wayground
88 questions
luyện tập katakana
Lesson
•
1st Grade
82 questions
Test de Posit Vente et Commerce Niveau 3
Lesson
•
KG
81 questions
ARALING PANLIPUNAN FINAL ASSESSMENT (3RD TERM)
Lesson
•
3rd Grade
80 questions
Hiragana A KA
Lesson
•
5th - 6th Grade
79 questions
Révision cours CHAP3
Lesson
•
1st Grade
76 questions
ALPABETONG FILIPINO
Lesson
•
1st Grade
63 questions
Quarter: Mathematics: Week 5
Lesson
•
2nd Grade
64 questions
Sining at mga Bagay Pangkultura
Lesson
•
3rd Grade
Popular Resources on Wayground
10 questions
5.P.1.3 Distance/Time Graphs
Quiz
•
5th Grade
10 questions
Fire Drill
Quiz
•
2nd - 5th Grade
20 questions
Equivalent Fractions
Quiz
•
3rd Grade
15 questions
Hargrett House Quiz: Community & Service
Quiz
•
5th Grade
20 questions
Main Idea and Details
Quiz
•
5th Grade
20 questions
Context Clues
Quiz
•
6th Grade
20 questions
Inferences
Quiz
•
4th Grade
15 questions
Equivalent Fractions
Quiz
•
4th Grade
Discover more resources for Other
10 questions
Fire Drill
Quiz
•
2nd - 5th Grade
20 questions
Equivalent Fractions
Quiz
•
3rd Grade
14 questions
Equivalent Fractions
Quiz
•
3rd Grade
22 questions
Adding & Subtracting fractions with like denominators
Quiz
•
3rd - 5th Grade
22 questions
fractions
Quiz
•
3rd Grade
10 questions
Fire Safety
Quiz
•
3rd Grade
15 questions
Rounding to the Nearest Ten and Hundreds
Quiz
•
3rd Grade
24 questions
Comparing Fractions
Quiz
•
3rd Grade