Search Header Logo
IBONG ADARNA (ARALIN 4)

IBONG ADARNA (ARALIN 4)

Assessment

Presentation

Education

7th Grade

Practice Problem

Easy

Created by

Maricho Barrit

Used 5+ times

FREE Resource

27 Slides • 5 Questions

1

IBONG ADARNA (ARALIN 4)

FILIPINO 7

Slide image

2

Aralin 4

ANG MULING PAGTAKSIL KAY DON JUAN AT ANG PANAGHOY NI DONYA LEONORA

3

LAYUNIN

F7PN-IVe-f-21

Nabibigyang-kahulugan ang napakinggang mga pahayag ng isang tauhan na nagpapakilala ng karakter na ginampanan nila

 

 F7PD-IVc-d-20 Nagagamit ang karikatyur ng tauhan sa paglalarawan ng kanilang mga katangian batay sa napanood na bahagi ng akda

4

Ibong Adarna Buod Kabanata 22: Ang Panibagong Panlilinlang (Saknong 659 – 731)


5

Nang umalis ay naiwan ni Prinsesa Leonora ang singsing na diyamante na pinamana pa ng kaniyang ina. Tanging ang kanyang lobo lamang ang naisama. Dahil sa ginawang pagtataksil ng kapatid ay nahimatay si Prinsesa Leonora. Nagkaroon muli ng malay ang prinsesa habang nasa bisig ni Don Pedro. Ipinangako ni Don Pedro na gagawin niyang reyna ng Berbanya si Prinsesa Leonora.

6


Pinakawalan ng prinsesa ang alagang lobo at inutusang iligtas si Don Juan. Umuwi si Don Pedro at Don Diego kasama ang dalawang prinsesa. Sinabi ni Don Pedro na hindi nila natagpuan si Don Juan sa halip ay iniligtas nila ang dalawang prinsesa sa kamay ng higante at ng serpyente. Iniutos ng hari na maikasal agad ang apat ngunit tumanggi si Prinsesa Leonora sa hari at nakiusap na ipakasal ito pagkaraan ng pitong taon dahil siya ay may panata.


7

Pumayag ang hari na sina Don Diego at Donya Juana muna ang ipakasal. Nagkaroon ng siyam na araw na pagdiriwang sa kaharian.

8

Open Ended

1. Anong kataksilan ang nabanggit sa mga saknong? Posible kayang mangyari sa tunay na buhay ang ganitong kataksilan? Patunayan.

9

Ibong Adarna Buod Kabanata 23: Ang Lobong Engkantada (Saknong 732 – 757) 


10

Naabutan ng lobo si Don Juan na duguan at lamog ang katawan. Dali-dali itong kumuha ng tatlong bote at nagtungo sa Ilog ng Jordan.

11


Nalinlang ng lobo ang mahigpit na tagapagbantay sa ilog at nilagyan ng tubig ang tatlong bote. Nang matuklasan ng tagapagbantay ang ginawa ng lobo ay hinabol ito ngunit agad itong tumalon sa bangin ng isang burol. Nang makabalik sa kinaroroonan ni Don Juan ay ipinahid ng lobo ang tubig sa buong katawan ng prinsipe. Muling nanumbalik ang lakas ng prinsipe at nawala ang mga sugat nito. Niyakap ni Don Juan ang lobo dahil sa labis na tuwa at pasasalamat.

12


Nagtungo sina Don Juan at ang lobo sa palasyo upang kuhanin ang naiwang singsing ni Prinsesa Leonora. Nang makuha ang singsing ay tinulungan ng lobo si Don Juan na makaahon mula sa ilalim ng balon. Pagkatapos ay tuluyan nang nagpaalam at iniwan ng lobo ang prinsipe. Malapit na sana itong makarating sa kaharian ng Berbanya ngunit ito ay nakaramdam na ng pagod. Natagpuan niya ang isang punongkahoy na mayabong at dun nagpahinga.

13

Open Ended

2. Bakit mahalagang mamayani ang katotohanan?

14

Ibong Adarna Buod Kabanata 24: Ang Muling Pagkikita ng Ibong Adarna at ni Don Juan (Saknong 758 -794)


15

Nagising si Don Juan dahil sa awit ng Ibong Adarna. Nang magising ay laking tuwa ng prinsipe nang makita niya ang ibon na nakadapo sa sanga. Muling nagsalaysay ang ibon kay Don Juan sa pamamagitan ng awit nito. Natuklasan ng prinsipe na kaya umalis ang ibon ay dahil gusto nitong iligtas ang prinsipe sa isang pasakit.

16


Balak na patayin nina Don Pedro at Don Diego ang ibon at si Don Juan. Inutusan ng Ibong Adarna na maglakbay si Don Juan sa napakalayo ngunit magandang reyno. Ito ay matatagpuan sa dakong silangan. Ayon dito, sa lugar na iyon ay matatagpuan niya ang tatlong magkakapatid na prinsesa na sina Isabel, Juana, at Maria Blanca. Ang kanilang ama ay si Haring Salermo, isang hari na ubod ng tuso at talino. Bilin ng ibon na si Maria Blanca ang piliin sa tatlo dahil walang kaparis ang kagandahan nito.

17

Pumayag ang prinsipe sa utos ng ibon at agad naglakbay patungo Reyno delos Cristales. Sa kabilang banda, puno parin ng pag-aalala si Prinsesa Leonora dahil sa pagkabahala na baka hindi nailigtas ng lobo ang kaniyang mahal na si Don Juan.

18

Open Ended

3. Ano ang magagawa ng tao upang mamayani ang katotohanan laban sa kasinungalingan?

19

Ibong Adarna Buod Kabanata 25: Ang Bagong Mundo (Saknong 795 – 831)


20

Sa loob ng tatlong taon na paglalakbay ni Don Juan sa parang at mga gubat ay imbes na mapalapit ito sa Reyno delos Cristales ay mas lalo lang napalayo at naligaw. May natagpuan siyang isang matanda at dahil sa gutom ay humingi ito dito ng limos. Binigyan ng matanda si Don Juan ng durog at bukbukin na sa itim na tinapay.

21

Dahil sa labis na gutom ay hindi na ito alintana ni Don Juan. Ngunit sa kaniyang pagtataka ay napakalinamnam ng tinapay nang ito ay kaniyang kainin. Binigyan din siya ng matanda ng pulot-pukyutan at inabutan ng inumin sa bumbong. Muling nagtaka si Don Juan dahil sa kabila ng pag-inom nito ay pansing hindi nababawasan ang tubig mula sa bumbong.

22

Muling bumalik ang lakas at sigla ni Don Juan. Nalaman din ng matanda ang pakay ng prinsipe na hanapin at puntahan ang Reyno delos Cristales. Nagulat ito dahil sa isang daang taong paninirahan nito doon ay hindi niya alam ang daan patungo sa Reyno. Sa halip ay ibinilin nito na pumunta ang prinsipe sa ikapitong bundok upang hanapin ang isang ermitanyo.


23

Nagbigay din ang matanda ng kapirasong baro upang marapatin siyang paglingkuran ng ermitanyo. Bilin din nito na sabihin na ang kapirasong baro ay galing sa isang matandang sugatan.


24

Open Ended

4. Bakit mahalagang making sa mga pangarap at payo ng magulang at nakatatanda sa atin?

25

Kabanata 26: Ang Panangis ni Prinsesa Leonora (Saknong 832 – 858)


26


Habang si Don Juan ay patuloy sa paglalakbay, si Prinsesa Leonora naman ay patuloy din sa pagtangis. Sa tuwing nalalaman niyang hindi si Don Juan ang dumadalaw sa kanya kundi si Don Pedro ay hindi nito pinagbubuksan ng pinto. Ang pangalan pa rin ni Don Juan ang laging sambit ng prinsesa.

27


Nagbanta naman si Don Pedro na may mangyayaring masama kung siya ay mabibigo sa pag-ibig niya kay Prinsesa Leonora. Hiniling ni Don Pedro sa prinsesa na limutin na nito si Don Juan dahil ito ay hindi na muling magbabalik sapagkat patay na.


28

Gayunpaman, tanging si Don Juan lang ang nasa puso’t-isip ng dalaga. Sa kabila ng tatlong taong pag-iintay at pagtitiis ay hindi nito magawang pakasalan si Don Pedro.


29

Sa kabilang banda, nagpatuloy sa paglalakbay si Don Juan. Inabot pa siya ng limang buwan na paglalakbay. Pitong bundok ang kaniyang binagtas bago tuluyang makarating sa dampa ng ermitanyo.


30

Open Ended

5. Bilang kabataan, paano ka makatutulong sa isang taong nagdaranas ng matinding kalungkutan o pangungulila?

31

MARAMING SALAMAT SA IYONG KOOPERASIYON...

32


Nagtungo sina Don Juan at ang lobo sa palasyo upang kuhanin ang naiwang singsing ni Prinsesa Leonora. Nang makuha ang singsing ay tinulungan ng lobo si Don Juan na makaahon mula sa ilalim ng balon. Pagkatapos ay tuluyan nang nagpaalam at iniwan ng lobo ang prinsipe. Malapit na sana itong makarating sa kaharian ng Berbanya ngunit ito ay nakaramdam na ng pagod. Natagpuan niya ang isang punongkahoy na mayabong at dun nagpahinga.

IBONG ADARNA (ARALIN 4)

FILIPINO 7

Slide image

Show answer

Auto Play

Slide 1 / 32

SLIDE