Search Header Logo
Arts Week 1-4

Arts Week 1-4

Assessment

Presentation

Arts

4th - 6th Grade

Hard

Created by

arnulfo singian

Used 6+ times

FREE Resource

22 Slides • 0 Questions

1

Arts Week 1-4

Slide image

2

Aralin 1


Tekstura, Contrast ng Pakurba at Tuwid na Linya at Relief Printing

3

Tuklasin

Karaniwang naipapakita ng mga Pilipino sa kanilang mga gawang produkto ang iba’t

ibang disenyo na nagpapakilala sa lugar o pangkat na kinabibilangan nila. Marami sa mga produktong ito ang kinakalakal sa ibang bansa at ang mga ito ay nagugustuhan ng mga dayuhan dahil sa ganda at tibay ng mga ito.

4

Tekstura (Texture)

Iba’t ibang tekstura ang taglay ng mga produktong ito. Basket, banig, at bag na yari sa yantok ay may matigas at magaspang na tekstura. Ang ibang bag naman ay may teksturang malalambot at makinis. Ang tekstura ay maaaring makinis, madulas, makapal, mapino, mabako, manipis, o magaspang. Nalalaman ang tekstura ng isang bagay sa pamamagitan ng pandama o paghipo o teksturang taktil at pagmamasid o pagtingin o teksturang biswal.

5

Slide image

6

Contrast ng Pakurba at Tuwid na Linya


Mayaman ang Pilipinas sa sining at kultura. Dahil ito sa kontribusyon ng iba’t ibang pangkat-etniko. Nakabatay ang kanilang mga disenyo sa mga bagay-bagay na matatagpuan o makikita sa kanilang kultura at lugar o kapaligiran. Nagtataglay ang mga ito ng contrast sa pamamagitan ng paggamit ng mga linyang tuwid at pakurba, paputol-putol at patuldok-tuldok, parisukat at pabilog, at iba pa.

7

Iba’t ibang uri ng linya sa disenyo.

1. Inuulit na tuwid na linya-Ito ay nagpapakita ng linyang hindi gumagalaw dahil nagpapahiwatig din ito ng kapayapaan, kalungkutan, kaayusan, katatagan, at iba pa.

Slide image

8

2. Inuulit na pakurbang linya

Ito ay halimbawa ng linyang gumagalaw. Nagpapakita ito ng aksiyon, kasiglahan o kalikutan

Slide image

9

3. Inuulit na pakurba at tuwid na linya

Ito ay nagpapakita ng pinagsamang gumagalaw at hindi gumagalaw na linya.

Slide image

10

Relief Printing

Makikita sa maraming bagay tulad ng banga, tela, sarong, damit, malong, cards, at iba pa ang mga disenyong may etnikong motif. Napapaganda nito ang mga kagamitan.

Ang etnikong motif ay binubuo ng mga hugis at linya. Sa pamamagitan ng pag-uulit, pagsasalit-salit at radial na ayos (paikot) ng mga hugis at linya, nagkakaroon ng maganda at kaaya-ayang disenyo ang mga ethnic motif designs.

11


Ang relief prints ay mga disenyo, letter print, slogan, o logo na makikita sa mga papel, tela, tarpaulin at iba pang materyales upang hindi paulit-ulit ang pagguhit o pagpinta. Ito ay ginagawa sa pamamagitan ng pagbuo ng isang relief master o molde na maaaring gamitin sa paglilipat o pagpaparami sa disenyo.

Slide image

12

Pagyamanin (PBT1)

Pagsasanay 1. Disenyong Panggilid (Border Design)

Kagamitan: oslo paper, cardboard, pandikit, butones, hairclip, barbecue sticks, barya ng iba’t ibang halaga, mga dahon na may iba’t ibang hugis at tekstura, acrylic paint, paint brush, gunting, dyaryo at lumang plastik.

13

Mga Hakbang Sa Paggawa:

  • Pumili ng mga dahon na may iba’t ibang laki at tekstura

  • Ayusin ang mga napiling dahon. Ang disenyong gagawin ay maaaring katulad ng mga disenyo sa inyong paligid o komunidad. Iayos ang mga ito sa ibabaw ng mesang panggagawaan.

  • Kulayan ang mga dahon ng acrylic paint (kulayan lamang ang bahagi ng dahon na may tekstura para lumitaw ang disenyo).

  • Ayusin ang mga dahon sa gilid ng oslo paper. Pagkatapos maihanay ang mga dahon, maaari ng ipatong ang oslo paper sa mga nakaayos na dahon sa ilalim nito.

14


  • Idiin nang maigi ang kamay sa ibabaw ng oslo paper para bumakat ang mga tekstura nito na nasa ilalim.

  • Alisin nang marahan ang oslo paper (at ang mga dahon na nasa ilalim nito).

  • Patuyuin ang papel na may disenyong panggilid.

  • Linisin at ayusin ang lugar na pinag gawaan ng proyekto o disenyo.

  • Maglagay ng paliwanag sa likod ng iyong proyekto tungkol sa inyong natutuhan sa gawaing ito. Ipasa sa guro ang natapos na proyekto

15

Pagsasanay 2. Eco Bag Na May Disenyong Etnikong Motif

Kagamitan: recycled paper bag o eco bag, watercolor o acrylic paint, paint,

brush, folder o cardboard at gunting.

(PBT 2) Mga Hakbang sa Paggawa:

  • Umisip ng disenyo na nais mong mailimbag sa recycled paper bag. Ang mga disenyong gagamitin ay hango sa etnikong motif na napag-aralan o anumang disenyong ibig mong idibuho na.





16


  • Kumuha ng cardboard at gupitin ang nais na hugis. Maaari kang gumawa ng dalawa o tatlong uri ng hugis. Gumupit din ng mga linyang tuwid at pakurba para sa isang panig ng paper bag.

  • Pagkatapos makagawa ng mga disenyo, ayusin ang paper bag sa mesa. Kailangang pantay ang pagkakalatag nito sa mesa.

  • Gamit ang paint brush, pahiran ng acrylic paint o watercolor ang ginupit na motif at mga linyang tuwid at pakurba. Maingat ilapat sa paper bag.

17

  • Ulitin nang ilang beses ang bilang 4 (pasalit-salit o inuulit) upang makabuo ng disenyo sa iyong bag.

  • Patuyuin ang paper bag.

  • Sagutan sa isang malinis na papel kung paano mo maibabahagi ang kahalagahan ng likhang sining sa iyong pamilya.

18

Paggawa ng mga Relief Prints sa Kamiseta (PBT3). Kagamitan: luwad (plastic clay), acrylic paint, gamit na puting kamiseta.

Mga Hakbang sa Paggawa

  • Takpan ng lumang diyaryo ang mesang gawaan.

  • Ilabas ang dalang luwad.

  • Pagulungin o diinan sa mesa ang luwad upang lumambot

  • Gumawa ng disenyong may iba’t ibang hugis.

19


  • Siguraduhin na ang bahaging ididiin sa papel o materyales na paglagyan ng disenyo ay pantay

  • Patuyuin ito para magamit sa relief printing.



20

Gawain B

  • Kulayan/pintahan ang nabuong disenyong relief ng matitingkad na kulay. Maaari ring gumamit ng mga kulay at isalit-salit sa mga matitingkad, maputlang/malabnaw na kulay sa pagbuo ng relief prints.

  • Kunin ang dalang puting kamiseta.

  • Ilimbag ang disenyo sa relief. Ang disenyo ay ilimbag nang paulit-ulit at salit-salit upang lumabas ang magandang likhang sining.

  • Maging malikhain sa pagbuo ng disenyo.

  • Patuyuin ang natapos na likhang sining, lagyan ito ng pamagat, at ipasa sa guro.

21

PBT4

Nais mong lumikha ng isang kakaibang disenyo para sa inyong proyekto sa sining. Gamit ang mga etnikong motif sa susunod na slide, paano mo maipapakita ang iyong disenyo sa pamamagitan ng pagsasalit-salit. Iguhit ang naisip na disenyo

22

Slide image

Arts Week 1-4

Slide image

Show answer

Auto Play

Slide 1 / 22

SLIDE