Search Header Logo
Filipino (Madaling Bahagi)

Filipino (Madaling Bahagi)

Assessment

Presentation

Other

Professional Development

Practice Problem

Hard

Created by

Rhaffy Onofre

Used 4+ times

FREE Resource

6 Slides • 5 Questions

1

Tagisan ng Talino​

(Madaling Bahagi)

​BALARILA

2

Multiple Choice

Darating ang Inay bukas. Kailangang (walisin, walisan) ko ang kanyang kwartong gagamitin.

1

WALISIN

2

WALISAN

3

​Ginagamit ang salitang walisin kung ang ibig tukuyin ay ang pag-aalis ng partikular na dumi o kalat.

​Halimbawa :

​    Walisin mo ang mga tuyong dahon sa bakuran

​Ginagamit naman ang salitang walisan kung ang tinutukoy ay lugar na marumi

​Halimbawa :

​     Walisan mo ang bakuran

4

Multiple Choice

Gawa sa narra ang kanilang (pintuan,pinto)

1

PINTUAN

2

PINTO

5

P​into - ang inilalapat sa puwang upang hindi ito mapagdaanan at kung ang tinutukoy ay ang kongkretong bagay.

Pintuan - ang ginagamit kung ang tinutukoy ay isang lugar. Ito ay ang lagusan o pasukan o ang lugar kung saan nakalagay ang pinto kung meron man.

6

Multiple Choice

Ang bukol sa matres ni Marites ay (ooperahin,ooperahan) bukas.

1

OOPERAHIN

2

OOPERAHAN

7

Operahin - tiyak na bahagi ng katawan na titistisin:

        Ang tumor sa dibdib ng may sakit ay ooperahin mamaya

Operahan - tumutukoy sa tao

       Si Luis ay ooperahan sa Martes.

8

Multiple Choice

Mag-ingat ka naman (kung,kapag) nagmamaneho ka

1

KUNG

2

KAPAG

9

Ginagamit ang KUNG (di- katiyakan ng isang kalagayan.)

​ Sasama ako kung sasama ka.

Ipinakikilala ang KAPAG (kalagayan ay tiyak.)

Sasama ako kapag sasama si Paul.

10

Multiple Choice

Si Lea ang laging (taga,tiga) saing tuwing gabi

1

TAGA

2

TIGA

11

Walang unlaping tiga-. Taga- ang dapat gamtin. Gumagamit lamang ng gitling kapag sinusundan ito ng pangngalang pantangi.

     Si Paul ay taga- Leyte.

​     Ako ang laging tagapinggan.

Tagisan ng Talino​

(Madaling Bahagi)

​BALARILA

Show answer

Auto Play

Slide 1 / 11

SLIDE