

PHIL-IRI (FILIPINO GST)
Presentation
•
Other
•
5th Grade
•
Medium
Julie Sabaway
Used 3+ times
FREE Resource
10 Slides • 20 Questions
1
PHIL-IRI (FILIPINO GST)
by Julie Sabaway
2
PANUTO : Basahin nang tahimik ang bawat kuwento. Pagkatapos, basahin ang mga tanong at sagutin
3
Ang Regalo kay Lea
May biglang sumigaw sa labas ng bahay nina Lea. Narinig niya ang malakas na ungol ni Dagul, ang alaga niyang tuta. Dumungaw si Lea sa bintana. Nakita niya ang kanyang tuta sa daan. Nakahiga at may dugo ito sa mukha. Tumakbo siya sa labas. “Patay na si Dagul. Nasagasaan siya ng dyip,” malungkot na sabi ng kanyang kapatid na si Bong. “May bibilhin ako sa tindahan. Sumunod siya sa akin,” paliwanag ni Bong.
4
Bumalik si Lea sa bahay. Ayaw niyang kumain at maglaro. Naiisip niya si Dagul. Kinabukasan ay Pasko na! Nagising si Lea sa ingay. Sa tabi niya ay may basket na may kard. Nakasulat sa kard ang “Para kay Lea, mula kina Daddy at Mommy.” Inalis ni Lea ang takip ng basket. Nakita niya ang isang magandang tuta. Ito ay katulad na katulad ni Dagul. Inakap ni Lea ang tuta!
5
Multiple Choice
Ano ang nangyari kay Dagul? (Literal)
natapakan ng bata
nabundol ng kotse
nasagasaan ng dyip
nawala sa tindahan
6
Multiple Choice
Nasaan si Lea nang maaksidente ang tuta? (Paghinuha)
nasa tabi ng tindahan
nasa loob ng bahay
nakasakay sa dyip
nasa paaralan
7
Multiple Choice
Ano ang naramdaman ni Lea nang pumasok siya sa bahay? (Paghinuha)
nagalit
natakot
nalungkot
nangamba
8
Multiple Choice
Kailan nangyari ang aksidente? (Paghinuha)
sa araw ng pasko
pagkatapos ng Pasko
sa araw ng bagong taon
isang araw bago mag -Pasko
9
Multiple Choice
Bakit kaya inisip ni Tatay regaluhan si Lea ng isa pang tuta?(pagsusuri)
dahil ito ang nasa tindahan
dahil mura lang bilhin ang tuta
para maibigay kay Lea ang hiningi niya
para makalimutan ni Lea ang nangyar
10
Ang Regalo kay Lea
“Kuya! May napulot ako sa daan.” Tuwang-tuwa si Luis. “Anong napulot mo?” tanong ni Jun. “Nakapulot ako ng pitakang may lamang pera.” “Pera? Magkano ang pera, Luis?” tanong ni Jun. “Sandaang piso, Kuya. May sandaang piso na ako. Mapalad ako, hindi ba?” tuwang-tuwang sabi ni Luis. “Hindi, Luis. Hindi iyo ang perang iyan. Isasauli natin ang pitaka sa may ari,” sabi naman ni Jun. “Kuya, napulot ko ito sa daan. Akin na ito, hindi ba?” Nagtataka si Luis.
11
“Pero kawawa naman ang may-ari ng pitaka. Hala, tingnan mo ang loob ng pitaka. Baka may pangalan sa loob,” utos pa ni Jun. Tiningnan ng dalawa nang mabuti ang loob ng pitaka. Isang tarheta ang nakita ni Luis. “Isabelo Santos. Labing-isa, daang Sta. Elena, Sampalok.” Ito ang nabasa ni Jun. “Kilala ko ang may-ari ng pitaka, Kuya. Nakikita ko siya tuwing umaga. Alam ko rin ang kanyang bahay. Sige, isauli natin ang pitaka,” yaya ni Luis.
12
Multiple Choice
Ano ang napulot ni Luis? (Literal)
pera
piso
pitaka
tarheta
13
Multiple Choice
Magkano ang laman ng pitaka? (Literal)
piso
dalawampiso
sampung piso
sandaang piso
14
Multiple Choice
Ano ang nakita nila sa tarheta? (Inferential)
pangalan at tirahan ng may-ari
listahan ng bibilhin
pera ng may ari
tatak ng pitaka
15
Multiple Choice
Ano ang pinakitang ugali ng magkapatid sa katapusan ng kuwento? (Inferential)
matapat
masakim
matalino
palakaibigan
16
Multiple Choice
Bakit kaya sinulat ang kuwentong “Napulot Ko!”? (Critical)
Hatid nito ang isang balita
. Nais nitong magbigay ng mungkahi.
Nais nitong magbigay ng aliw sa mga bata
Gusto nitong magbigay ng mabuting halimbawa.
17
Ang Matanda
Tanghaling tapat na. Marami sa mga mag-aaral ang nagmamadali nang umuwi. Walang lilim na masisilungan kahit saan. Sa gitna ng initan ay may isang matandang babaeng may dalang malaking balutan. Palinga-linga ang matanda. Parang may hinahanap ito. Maraming batang mabilis na nagdadaan sa tabi niya. “Mga bata, ” ang sabi ng matanda. Nguni't hindi siya pinapansin ng mga bata. Paminsan-minsan, may ilang batang napapalingon sa kanya, ngunit patuloy pa rin ang matulin nilang lakad. Dumating si Nelia. Nagmamadali rin si Nelia na makauwi. Nagugutom na kasi siya.
18
Napansin niya ang matanda. Nakita niya ang nakakaawang ayos nito. “Bakit po, Lola?” ang tanong ni Nelia. “Ay Ineng” ang sagot ng matanda. “Naligaw ako. Saan ba ang papunta sa istasyon ng bus?” “Doon lang iyon sa kabilang kanto, Lola.” Kahit na pagod si Nelia, inihatid niya ang matanda. Bago sumakay sa bus ang matanda ay hinaplos si Nelia sa ulo. “Pagpapalain ka ng Diyos, Ineng,” ang sabi nito sa kanya.
19
Multiple Choice
Saan naligaw ang matanda sa kuwento? (Inferential)
sa sakayan ng bus
sa labas ng paaralan
sa bahay nina Noel
sa labas ng simbahan
20
Multiple Choice
Ano ang panahon nang maganap ang kuwento? (Literal)
maaraw
mahangin
maulan
maulap
21
Multiple Choice
Ano-ano ang hindi pinansin ni Nelia habang kinakausap ang matanda? (Paghinuha)
gutom at pagod
nanay at tatay
ang bitbit niyang mga gamit
kung saan ang istasyon ng bus
22
Multiple Choice
Anong ugali ang ipinakita ni Nelia? (Paghinuha)
malinis
madasalin
matulungin
mapagmahal
23
Multiple Choice
Bakit kaya sinulat ang kuwentong “Ang Matanda”? (Pagsusuri)
Hatid nito ang isang balita.
Nais nitong magbigay ng mungkahi.
Nais nitong magbigay ng aliw sa mga bata.
Gusto nitong magbigay ng mabuting halimbawa.
24
Sinaunang Sistema ng Pagsulat at Panitikan
Ang sistema ng pagsulat ng sinaunang Pilipino ay ang baybayin. Binubuo ito ng 17 na titik – 14 na katinig at tatlong patinig. Ang pagsulat ay mula itaas pababa at mula kaliwa pakanan. Ang sinusulatan ay balat ng puno, buho ng kawayan, malapad na dahon, o hinabing himaymay ng halaman. Ang panulat ay matulis na kawayang patpat o kahoy. Ang tinta at tina ay mula sa dagta ng mga halaman.
25
Ang panitikan ay binubuo ng mga awiting bayan, kuwentong bayan, alamat, pabula, salawikain, bugtong, at epiko. Halimbawa ng ating mga alamat ay ang “Alamat ni Mariang Makiling,” “Alamat ni Malakas at Maganda” at “Alamat ni Mariang Sinukuan.” Ang epiko naman ay isang mahabang tula tungkol sa pakikipagsapalaran ng isang bayani. Nabibilang sa mga epiko ng ating mga ninuno ang “Biag ni Lam-ang” nga mga Ilocano, “Ibalon” ng mga Bicolano, at “Batugan” ng mga Maranao.
26
Multiple Choice
Alin sa sumusunod ang nagsasabi tungkol sa sinaunang sistema ng pagsulat?
Binubuo ito ng 17 katinig at 3 patinig.
Matulis na kawayang patpat ang panulat
Malapad na dahon at papel ang sinusulatan
Mula itaas pababa at mula kanan pakaliwa ang pagsulat
27
Multiple Choice
Alin sa sumusunod ang halimbawa ng sinaunang panitikan? (Literal)
kuwentong awit at epiko
tula at awiting salawikain
awiting bugtong at pabula
kuwentong bayan at alamat
28
Multiple Choice
Ano ang tinutukoy na baybayin sa seleksyon? (Paghinuha)
Ang direksyon ng pagsulat ang tinutukoy nito.
Ito ang paggamit ng panulat na mula sa kawayan
Sistema ito ng pagsulat ng ating ninuno gamit ang 17 titik.
Ito ang sistema ng pagsulat na gamit natin sa kasalukuyan.
29
Multiple Choice
Ano ang sinasabi ng seleksyon tungkol sa mga ninuno natin? (Pagsusuri)
Mahilig sila sumulat ng mga alamat at epiko
Nagtulungan sila kaya nabuo nila ang baybayin.
Hindi madali ang paghanap nila sa pansulat at susulatan.
Pinakita nila ang pagiging malikhain sa maraming paraan
30
Multiple Choice
Ano ang ginamit ng may-akda ng seleksyon upang ipaabot ang mensahe nito? (Pagsusuri)
Naglarawan ito at nagbigay ng mga halimbawa.
Binanggit ang kasaysayan ng sinaunang sistema ng pagsulat
Nakasaad ang mga dahilan ng sinaunang sistema ng pagsusulat.
Tinalakay nito ang sanhi at bunga ng sinaunang sistema ng pagsusulat
PHIL-IRI (FILIPINO GST)
by Julie Sabaway
Show answer
Auto Play
Slide 1 / 30
SLIDE
Similar Resources on Wayground
20 questions
Leccion
Presentation
•
5th Grade
20 questions
4TH QUARTER_FILIPINO (KINDER 2)
Presentation
•
KG
27 questions
Q1W4 ESP
Presentation
•
5th Grade
22 questions
Mga Pilipinong lumaban para sa Kalayaan at Kasarinlan
Presentation
•
5th Grade
19 questions
Pag-uugnay ng Sariling Karanasan sa Napakinggang Teksto
Presentation
•
5th Grade
25 questions
Pangngalan
Presentation
•
5th Grade
26 questions
Q1 W5 ESP5
Presentation
•
5th Grade
20 questions
THỬ THÁCH TUẦN 16 - LỚP 5
Presentation
•
5th Grade
Popular Resources on Wayground
19 questions
Naming Polygons
Quiz
•
3rd Grade
10 questions
Prime Factorization
Quiz
•
6th Grade
20 questions
Math Review
Quiz
•
3rd Grade
15 questions
Fast food
Quiz
•
7th Grade
20 questions
Main Idea and Details
Quiz
•
5th Grade
20 questions
Context Clues
Quiz
•
6th Grade
20 questions
Inferences
Quiz
•
4th Grade
19 questions
Classifying Quadrilaterals
Quiz
•
3rd Grade
Discover more resources for Other
20 questions
Main Idea and Details
Quiz
•
5th Grade
12 questions
PS.5.1.1 & PS.5.2.2 EOG Practice
Quiz
•
5th Grade
10 questions
Candy
Quiz
•
4th - 8th Grade
16 questions
Graphing - First Quadrant
Quiz
•
5th Grade
10 questions
Fact Check Ice Breaker: Two truths and a lie
Quiz
•
5th - 12th Grade
20 questions
Math Review
Quiz
•
5th Grade
20 questions
Order Of Operations
Quiz
•
5th Grade
30 questions
Multiplication Facts 1-12
Quiz
•
2nd - 5th Grade