Search Header Logo
AP6,Q1,W7 Ang mga Natatanging Pilipino at ang Kanilang Kontribusyon para sa Kalayaan

AP6,Q1,W7 Ang mga Natatanging Pilipino at ang Kanilang Kontribusyon para sa Kalayaan

Assessment

Presentation

Social Studies

6th Grade

Medium

Created by

Krissa Gail Marie Cajurao

Used 6+ times

FREE Resource

2 Slides • 36 Questions

1

AP6,Q1,W7

Ang mga Natatanging Pilipino at ang Kanilang Kontribusyon para sa Kalayaan

AP6PMK-Ih-11​

by Krissa Gail Marie K. Cajurao

2

Multiple Choice

Sino ang heneral na namatay sa Pasong Tirad habang pinipigilan ang mga Amerikanong tumutugis sa Pangulo ng Republika ng Pilipinas?

1

Antonio Luna

2

Miguel Malvar

3

Vicente Lukban

4

Gregorio Del Pilar

3

Multiple Choice

Anong sagisag panulat ang ginamit ni Antonio Luna sa Propaganda?

1

Plaridel

2

Taga-ilog

3

Dimasalang

4

Tikbalang

4

Multiple Choice

Bakit tinaguriang Bayani ng Pasong Tirad si Gregorio del Pilar?

1

Dahil doon siya ipinanganak

2

Dahil doon siya nahuli ng mga Amerikano

3

Dahil doon siya nanalo laban sa mga Amerikano

4

Dahil doon siya namatay habang ipinagtatanggol ang ating kalayaan

5

Multiple Choice

Ano ang tanyag na larawang ipininta ni Juan Luna at nanalo sa pandaigdigang paligsahan?

1

La Pieta

2

Madonna

3

Spolarium

4

Mona Lisa

6

Multiple Choice

Bakit itinuturing na bayani si Miguel Malvar sa pakikipaglaban para sa kalayaan ng bansa?

1

Dahil lumaban siya sa himagsikan laban sa mga Kastila

2

Dahil lumaban siya sa Ikalawang Digmaang Pandaigdig

3

Dahil ayaw niyang kilalanin ang pamahalaan ng Amerika

4

Dahil naging pinunong heneral siya sa Batangas at patuloy na nakipaglaban kahit na nahuli si Emilio Aguinaldo

7

8

Multiple Choice

Paano ipinakita ni Macario Sakay ang kanyang pag-aalsa laban sa pamamahala ng mga Amerikano?

1

Nagtatag ng isang pabrika para sa manggagawa

2

Nagprotesta siya sa pamamagitan ng pagrarali

3

Nagsulat siya ng mga artikulo laban sa mga Amerikano

4

Nagtatag siya ng isang pamahalaan na tinatawag na Republikang Tagalog

9

Multiple Choice

Sino ang unang pangulo at nagpahayag ng kalayaan buhat sa mga Espanyol?

1

Jose Rizal

2

Emilio Jacinto

3

Emilio Aguinaldo

4

Andres Bonifacio

10

Multiple Choice

Sa anong taguri na kilala si Apolinario Mabini?

1

Dakilang Lumpo

2

Dakilang Pintor

3

Dakilang Mamamahayag

4

Dakilang Supremo

11

Multiple Choice

 Anong katangian ng mga natatanging Pilipino ang kanilang ipinakita nang ipinaglaban nila ang kalayaan ng ating bansa?

1

katapatan

2

kagitingan

3

lakas ng loob

4

pakikipagkapwa

12

Multiple Choice

Sina Antonio Luna, Gregorio del Pilar, Apolinario Mabini at iba pang mga bayaning Pilipino ay nakipaglaban para sa kalayaan ng bansa. Bilang isang mag-aaral, ano ang iyong magagawa sa kanilang mga ginawang kabayanihan?

1

Hamakin ang kanilang nagawa

2

Pagtawanan ang kanilang nagawa

3

Hindi kilalanin ang kanilang nagawa

4

Ipagmalaki at pahalagahan ang kanilang nagawa

13

Multiple Choice

Question image

Si Dr. Jose Rizal ay may angking pambihirang talino, isang manunulat, magsasaka, manggagamot, siyentipiko, makata, imbentor, iskultor, inhinyero, kuwentista, at linguwista

1

TAMA

2

MALI

14

Multiple Choice

Question image

Bukod sa Noli Me Tangere , isinulat din ni Marcelo H. Del Pilar ang aklat na El Filibusterismo

1

MALI

2

TAMA

15

Multiple Choice

Si Melchora Aquino ay kilala sa din tawag na “Lakambini ng Katipunan.

1

MALI

2

TAMA

16

Multiple Choice

Question image

Ginamit naman ni Emilio Aguinaldo at mga Katipunero ang kanilang lakas upang ipaglaban ang ating kalayaan.

1

MALI

2

TAMA

17

Multiple Choice

Question image

Si Gregorio del Pilar ang pinakabatang heneral na naitala sa kasaysayan.

1

TAMA

2

MALI

18

Multiple Choice

Ano ang mahalagang ambag ni Andres Bonifacio sa pagbuo ng bansang Pilipinas?

1

Itinatag niya ang Katipunan

2

Naging pambansang bayani siya ng Pilipinas

3

Naging mabuti siyang miyembro ng Katipunan

4

Naipanalo niya ang himagsikan laban sa Kastila

19

Multiple Choice

Si Emilio Jacinto ay ang tinaguriang "Utak ng Katipunan". Ano ang kanyang mahalagang nagawa para sa kalayaan ng bansa?

1

Nagtatag siya ng samahan laban sa Kastila

2

Sinulat niya ang Kartilya ng Katipunan

3

Tumulong para magkasundo ang mga Pilipino at Kastila

4

Nagsulong ng reporma sa mga Kastila

20

Multiple Choice

Ang La Liga Filipina ay isang samahan na naglalayon na humingi ng reporma sa mga Espanyol. Sino ang nagtatag ng samahang ito?

1

Andres Bonifacio

2

Marcelo H. Del Pilar

3

Emilio Jacinto

4

Jose Rizal

21

Multiple Choice

Bakit mahalaga ang naging papel ng mga kababaihan sa Katipunan?

1

Nagtago sila ng mga kasulatan, dokumento at liham ng samahan

2

Tumulong sila sa mga Kastila upang mahuli ang mga Katipunero

3

Ipinagkanulo ang mga Katipunero sa mga Kastila

4

Nagbigay ulat sa mga Kastila tungkol sa gawain ng samahan

22

Multiple Choice

Alin sa mga sumusunod ang naging ambag ni Gregoria De Jesus sa KKK?

1

Tumahi ng watawat ng Pilipinas

2

Tagatago ng mga dokumento at kasulatan ng kilusan

3

Nakipaglaban sa mga Kastila hanggang matalo ito

4

Naging ispiya ng mga Kastila sa kilusan

23

Multiple Choice

Siya ang naging unang pangulo ng Pilipinas na nakipaglaban sa mga Espanyol at Amerikano para sa ating kasarinlan.

1

Andres Bonifacio

2

Emilio Aguinaldo

3

Jose Rizal

4

Marcelo H. del Pilar

24

Multiple Choice

Ang nagtatag ng KKK at ang supremo ng Katipunan.

1

Andres Bonifacio

2

Apolinario Mabini

3

Gregorio del Pilar

4

Jose Rizal

25

Multiple Choice

Isang propagandista na nakipaglaban sa mga Espanyol gamit ang panulat, may akda ng dasalan at tocsohan.

1

Apolinario Mabini

2

Gregorio del Pilar

3

Marcelo H. del Pilar

4

Graciano Lopez Jaena

26

Multiple Choice

Ang pambansang bayani ng Pilipinas, ang may akda ng El Filibusterismo at Noli Me Tangere na gumising sa damdaming nasyonalismo nating mga Pilipino.

1

Andres Bonifacio

2

Apolinario Mabini

3

Emilio Aguinaldo

4

Jose Rizal

27

Multiple Choice

Tinaguriang “Ina ng Katipunan”, ginamot, pinakain at binuksan ang kaniyang tahanan para sa mga Katipunero.

1

Gregoria de Jesus

2

Josefa Rizal

3

Melchora Aquino

4

Trinidad Tecson

28

Multiple Choice

Nagsulat ng dalawang tanyag na nobela si Jose Rizal tungkol sa masamang karanasan ng mga Pilipino sa kamay ng Kastila. Ano ang nobelang ito?

1

Dasalan at Tocsohan

2

Diariong Tagalog

3

Fray Botod

4

Noli Me Tangere at El Filibusterismo

29

Multiple Choice

Ang mga repormista ay mga ilustrado na naghahangad ng pagbabago sa pamamahala ng mga Kastila. Sino ang hindi kabilang sa pangkat na ito?

1

Jose Rizal

2

Graciano Lopez Jaena

3

Andres Bonifacio

4

Marcelo H. Del Pilar

30

Multiple Choice

Si Marcelo H. Del Pilar ay nagtatag ng kauna-unahang pahayagang tagalog na dito ibinunyag ang kalupitan ng mga Espanyol sa mga Pilipino. Ano ang tawag sa dyaryong ito?

1

Diariong Tagalog

2

Philippine Bulletin

3

La Solidaridad

4

La Liga Filipina

31

Multiple Choice

Ang kilusang Propaganda ay isang mapayapang kampanya para sa mga reporma. Alin sa mga sumusunod ang kabilang sa kanilang layunin?

1

Matamo ang pantay-pantay na pakikitungo sa mga Pilipino

2

Maging alipin ang mga Pilipino sa mga Kastila

3

Magkaroon ng malaking buwis ang mga Pilipino para sa pamahalaan

4

Ang mga kastilang pari lamang ang may karapatan na magsilbi sa pamahalaan

32

Multiple Choice

Hindi maituturing na tagumpay ang Kilusang Propaganda sa kahilingan nitong pagbabago sa pamahaaan. Alin sa mga sumusunod ang hindi kabilang sa mga dahilan?

1

Walang sapat na pondo na panggastos sa paglathala ng pahayagan

2

Bingi ang Espanyol sa mga hinaing na inihain sa kanila

3

Hindi nakasagot ang mga prayle sa mga batikos at pag-atake ng mga repormista

4

Kulang sa pagkakaisa ang mga repormista

33

Multiple Choice

Question image

Ang opisyal na pahayagan ng Kilusang Propaganda ay unang inilathala sa Barcelona, Spain noong Pebrero 15, 1889. Sino ang unang patnugot nito?

1

Jose P. Rizal

2

Marcelo H. Del Pilar

3

Graciano Lopez-Jaena

4

Jose Maria Panganiban

34

Multiple Choice

Question image

Anong samahan ang itinatag ni Jose Rizal noong Hulyo 3, 1892 matapos makabalik sa Pilipinas, layunin ng samahan na magkaisa ang lahat ng Filipino sa paghingi ng reporma sa mapayapang paraan?

1

Katipunan

2

La Liga Filipina

3

La Solidaridad

4

Asosacion Hispano-Filipino

35

Multiple Choice

Question image

Bakit itinatag nila Andres Bonifacio ang Katipunan noong Hulyo 7, 1892 sa kalye Azcarraga, Tondo, Maynila?

1

Upang gawing lalawigan ng Espanya ang Pilipinas

2

Upang magkaroon ng kinatawan ang Pilipinas sa Cortes ng Espanya

3

Upang ibulgar ang mga pang-aabuso ng mga prayle sa marahas paraan

4

Upang makamit ng Pilipinas ang kalayaan sa pamamagitan ng rebolusyon

36

Multiple Choice

Question image

Ang mga sumusunod ay kasama ni Andres Bonifacio na nagtatag ng Katipunan, maliban sa isa. Sino ito?

1

Jose Dizon

2

Ladislao Diwa

3

Emilio Jacinto

4

Teodoro Plata

37

Multiple Choice

Question image

Sinong Repormista ang may sagisag-panitik na “Naning, Tikbalang, at Kalipulako”?

1

Jose Maria Panganiban

2

Graciano Lopez-Jaena

3

Mariano Ponce

4

Antonio Luna

38

Multiple Choice

Question image

Ang mga sumusunod ay sagisag-panitik ni Marcelo H. Del Pilar, alin ang hindi kasama?

1

Kupang

2

Diego Laura

3

Piping Dilat

4

Dolores Manapat

AP6,Q1,W7

Ang mga Natatanging Pilipino at ang Kanilang Kontribusyon para sa Kalayaan

AP6PMK-Ih-11​

by Krissa Gail Marie K. Cajurao

Show answer

Auto Play

Slide 1 / 38

SLIDE