

Q2W1-FPL_ Deskripsyon ng Produkto
Presentation
•
Other
•
11th Grade
•
Medium
Edgar Monte
Used 1+ times
FREE Resource
29 Slides • 56 Questions
1
Ikalawang Markahan Unang Linggo Deskripsyon ng Produkto
by Edgar Monte
2
Alamin
Ang modyul na ito ay dinisenyo at sinulat na makakatulong sa lubos na pagkatuto. Makakatulong ito upang mabatid ang kaligirang kaalaman sa teknikal na mga sulatin. Ang saklaw ng modyul na ito ay angkop sa iba’t ibang pamamaraang pampagkatuto. Ang mga aralin ay nilapatan ng angkop na talasalitaan na magagamit sa pag-unawa sa nilalaman ng bawat teksto. Ang mga aralin ay nakadisenyo batay sa sistematikong balangkas ng kurso.
3
Aralin 1- Deskripsyon ng Produkto
​
4
Pagkatapos ng modyul, inaasahan ang bawat mag-aaral na:
Naililista ang mga katawagang teknikal kaugnay ng piniling anyo- Deskripsyon ng Produkto (CS_FTV11/12PT-0g-i-94)
1. Nakikilala ang kaligiran sa pagtatala ng mga katawagang teknikal kaugnay sa piniling anyo katulad ng deskripsyon ng produkto;
2. Nakabubuo ng makabuluhang pangungusap na may kaugnayan sa mga katawagang teknikal batay sa deskripsyon ng isang produkto;
3. Nakapagsasagawa ng isang pananaliksik hinggil sa paglalarawan ng mga katangiang ginagamit sa pagsulat ng deskripsyon ng produkto mula sa piling trabaho;
5
​
4. Naipapaliwanag ang paggamit ng deskripsyon ng produkto at paglalarawan sa mga katawagang teknikal nito;
5. Nakaguguhit ng mga angkop na ilustrasyon o disenyo ng isang produkto na may kaugnayan sa deskripsyon nito at mga gagamiting katawagang teknikal; at
6. Nakalilikha at/o nakasusulat ng isang video presentation/ iskrip na naglalaman ng maayos na paglalarawan ng isang produkto gamit ang mga katawagang teknikal
6
Subukin o Pretest
Basahin ang mga tanong at piliin ang letra ng tamang sagot.
7
Multiple Choice
Sa pagsulat ng deskripsyon ng produkto, alin sa sumusunod ang angkop
na kinakailangang simulain?
paglalarawan ang manunulat
pagsasalaysay ang manunulat
pangangatwiran ang manunulat
mga kinakailangang datos ang manunulat
8
Multiple Choice
Paano mapapanatili ang angkop na pagkakabuo ng pangungusap sa
pagsulat ng deskripsyon ng produkto?
Maging payak
Gumamit ng kolokyal na salita
Isama ang mga Teknikal na salita
Bigyang pansin ang mga salitang naglalarawan sa isnag produkto
9
Multiple Choice
Sa nilalaman ng isang deskripsyon ng produkto, ano ang pangunahing
tungkulin ng mga katawagang teknikal batay sa maayos na
paglalarawan?
Maipabatid ang kaalaman sa mga mamimili.
Magbigay ng kaukulang pang-akit sa mamimili.
Mabigyan ng kaukulang kahulugan ang bawat salita.
Maayos na magamit ito sa paglalarawan ng isang produkto.
10
Multiple Choice
Ano ang gamit ng ilustrasyon sa paglalarawan ng isang produkto?
Mapukaw ang interes ng mamimili.
Maipakita ang mga benepisyo ng produkto.
Maipakita ang orihinalidad nito sa karamiha
Maipakita ang kabuoang nilalaman ng produkto.
11
Multiple Choice
Alin sa sumusunod ang HINDI kabilang sa kahalagahan ng deskripsyon
ng isang produkto?
Masuri at makilatis ang isang produkto.
Maipakilala ang nilalaman at benepisyo nito.
Magbigay ng masining na paglalarawan sa mamimili.
Mabatid ang kahalagahan nito sa pansariling pangangailangan
12
Multiple Choice
Bilang mamimili ng isang produkto, ano ang pangunahing impormasyon
ang kinakailangan na mabatid?
nilalaman, kulay, at presyo
katangian, kulay, sukat, at benipisyo
nilalaman, presyo, at pinagmulang pagawaan
benepisyo, katangian, gamit o estilo, at presyo
13
Multiple Choice
Ano ang pangunahing tungkulin ng isang produkto sa isang mamimili?
Maipakilala ang orihinalidad nito batay sa pagkakabuo.
Maipakita ang kabuoang benepisyo nito sa pangkalahatan.
Matugunan ang mga impormasyon na nais maipabatid o maipakilala
Maipabatid sa mamimili ang angkop na produkto batay sa kanilang pangangailangan.
14
Multiple Choice
Bakit kinakailangan ng masusing pananaliksik sa mga salita o
terminolohiya sa pagbuo ng paglalarawan sa isang produkto?
Upang makabuo ng isang masining at teknikal na paglalarawan
Upang maihanay ang mga ito sa kabuoang disenyo ng produkto
Upang mabilis na mahikayat ang mamimili sa nilalaman ng produkto
Upang maisaayos ang mga ito batay sa malinaw na pagpapakahulugan ng mga teknikal na salita
15
Multiple Choice
Paano isusulat ang mga teknikal na salita sa pagbuo ng deskripsyon
ng produkto?
Isulat ito ng buo.
Isulat ito ng tuwiran.
Isulat ito na may kasamang kahulugan.
Isulat ito batay sa salin ng iba pang wika.
16
Multiple Choice
Paano maiaangkop ang teknikal na mga slita sa pagkakabuo ng
paglalarawan ng isang produkto
Batay sa gamit
Batay sa halaga
Batay sa benepisyo
Batay kabuoan at nilalaman nito
17
Multiple Choice
Sa pagsunod sa tamang tuntunin mula sa masinop na pagsulat sa
ilalim ng paglalarawan ng isang bagay o produkto, ano ang
kinakailangang tandaan?
Isinusulat sa malaking titik ang ikalawang pangalan ng produkto, mga tatak o brandnames, at trademarks.
Isinusulat sa malaking titik ang ikalawang pangalan ng produkto, mga tatak o brandnames, at trademarks.
Isinusulat sa malaking titik ang simula ng mga pangalan ng produkto, mga tatak o brandnames, at trademarks.
Isinusulat sa maliit na titik ang simula ng mga pangalan ng produkto, mga tatak o brandnames, at trademarks.
18
Multiple Choice
Ano ang kahalagahan ng maayos na paggamit ng teknikal na salita sa
loob ng pangungusap sa pagbuo ng deskripsyon ng produkto?
makatulong sa katangiang taglay ng produkto.
makabuo ng isang tuwirang pagpapakahulugan.
mabilis na maintindihan ng mamimili ang nais ilarawan ng produktong ibebenta.
makabuo nang maayos na paglalarawan mula sa hinihinging benepisyo ng produkto.
19
Multiple Choice
Sino ang nararapat na pokus ng deskripsyon ng produkto upang
makatugon sa kabuoang serbisyo nito?
target na mamimili
manunulat
nilalaman ng produkto
teknikal na mga salita
20
Multiple Choice
Anong salita ang maaaring magamit upang magkaroon ng orihinalidad
ang kabuong katangian ng produkto?
mas nakahihigit
mas nakaangat
mas kakaiba
mas nakakatawag-pansin
21
Multiple Choice
Paano makukuha ang interes ng isang mamimili sa isang produkto?
Dalhin ang mamimili sa likhang sining mula sa paglalarawan ng isang produkto.
Dalhin ang mamimili sa likhang panulat mula sa paglalarawan ng isang produkto.
Dalhin ang mamimili sa likhang produkto mula sa paglalarawan ng isang produkto.
Dalhin ang mamimili sa likhang imahinasyon mula sa paglalarawan ng isang produkto.
22
Aralin 1-Deskripsyon ng Produkto
Napakahalaga sa kasalukuyang panahon na higit na makilala at mabigyan ng angkop na katangian ang isang produkto bago ito lubusang maipakilala sa mga mamimili. Kaugnay nito, madalas na makikita ang deskripsyon ng isang produkto sa pabalat o di kaya’y sa mga patalastas o anunsyo na mula sa telebisyon, radyo at sa mga pahayagan. Inilalapit sa mga mamimili ang isang produkto na may makatotohanang pagkilala batay sa inaasahang pansariling kagustuhan. Sa makabagong lagay ng teknolohiya sa pagpapakilala sa alinmang produkto ay kinakailangan na maipabatid sa mamimili ang malinaw at madaling maunawaan sa pagkilala nito. Subalit kung ikaw ay isang mamimili, ano–ano ang mga hahanapin mo sa isang produkto bago
23
Balikan
I click ang letrang T kung TAMA ang isinasaad ng mga pahayag at M naman kung MALI.
24
Multiple Choice
Naglalaman ang poster ng mas kakaunting teksto at mas nakatuon sa larawan o ibig iparating na mensahe sa biswal na paraan.
Tama
Mali
25
Multiple Choice
Pinakamaikling uri ng promotional material ang brochure at may isa o dalawang impormasyon ang nakapaloob sa kabuoan nito.
Tama
Mali
26
Multiple Choice
Ang mga uri ng promotional material ay ang mga flyer at brochure.
Tama
Mali
27
Multiple Choice
Isa sa mga layunin ng pagsulat ng flyer ay makapagbigay ng malawak na pangangatwiran sa nilalaman na kinakailangan ng mga mamimimili.
Tama
Mali
28
Multiple Choice
Isang katangian ng isang flyer o leafleat ay naglalaman ito ng mga impormasyon hinggil sa isang produkto o napiling serbisyo
Tama
Mali
29
Tuklasin
​
30
Open Ended
Pumili ng isa hanggang tatlong (3) taong kasama sa iyong bahay at itanong ang pinakahuling bagay na kanilang binili at ipalarawan sa kanila ang mga ito. Gamitin ang ilustrasyon sa ibaba sa pag-iisa-isa ng iyong sagot.
A. Taong kasama sa bahay
B. Biniling produkto
C. Paglalarawan sa produkto
31
Open Ended
Magtala ng mga impormasyong maaaring makita sa nilalaman ng isang deskripsyon ng produkto at ibigay ang mga dahilan kung bakit ito mahalaga. Isulat ito sa nakalaang ilustrasyon sa ibaba.
Deskripsyon ng Produkto- Mga Impormasyon- Mga Dahilan
32
Suriin
Ang Deskripsyon ng Produkto
Sa pagkilala natin sa isang produkto na nais bilhin upang maging tugon sa personal na pangangailanagan, ito ay naglalaman ng sistematikong paglalarawan batay sa kabuoang serbisyo nito.
Sa kasanayan ng teknikal na pagsulat ng isang deskripsyon ng produkto ay mahalagang isa-isahin nang maayos ang mga tiyak na katangiang nais ilahad. Kaugnay nito, ang pagiging payak at makatotohanan ang magbibigay ng malinaw na pagkaunawa ng mamimili
33
​
Sa istruktura ng paglalahad ay kalimitang binubuo ng tuwiran at detalyadong paglalarawan sa mga produktong inaasahan ng mga ibig bumili o nais gumamit nito.
Binubuo ang mga salita sa paglalarawan ng isang produkto mula sa pormal na pagkakagamit ng wika. Kalimitang makikita ang iba pang teknikal na salita kung ito ang pangangailangang deskripsyon ng bibilhing produkto.
34
Kahalagahan ng Deskripsyon ng Produkto
1. Upang maipabatid sa mamimili ang kaukulang impormasyon hinggil sa mga benipisyo, katangian, gamit o estilo, at presyo.
2. Pagpapakita sa mamimili ng angkop na produkto batay sa kanilang pangangailangan.
3. Pagpapataas sa kalakasan ng produkto sa larang ng kompetensiya sa merkado.
35
Paraan sa Paglilista ng mga Katawagan Teknikal na Ginagamit sa Pagsulat ng Deskripsyon ng isang Produkto
1. Magsaliksik ng mga salita o terminolohiya na aangkop sa maayos na gagawing paglalarawan sa isang produkto at humanap ng mga salitang makakaapekto sa kanilang pandama.
2. Isulat ng buo ang teknikal na salita sa paglalarawan at iwasan na isalin ito sa iba pang wika upang di magkaroon ng kalituhan ang mambabasa.
3. Iangkop ang teknikal na mga salita sa pagkakabuo ng paglalarawan sa isang produkto na naaayon sa nilalaman nito.
36
​
4. Sumunod sa tamang tuntunin mula sa masinop na pagsulat sa ilalim ng paglalarawan ng isang bagay o produkto.
5. Isinusulat sa malaking titik ang simula ng mga pangalan ng produkto, mga tatak o brandnames, at trademarks.
6. Sistematikong isaayos ang mga teknikal na salita sa loob ng pangungusap upang mabilis na maintindihan ng mamimili ang nais ilarawan ng produktong ibebenta.
37
Halimbawa ng isang Deskripsyon ng Produkto
-------------------Pangalan ng Produkto
Deskripsyon ng Produkto na naglalaman ng sumusunod:
✓ Mga teknikal na salita
✓ Nilalaman ng produkto katulad ng benepisyo nito
✓ Orihinalidad na katangian
38
Open Ended
Pagyamanin
Gawain 1 Paglinang ng Talasalitaan
Para sa bilang 1-3: Batay sa larawan, isa-isahin ang mga teknikal na salita na nakapaloob sa produkto at bigyan ito ng kahulugan.
1._____________Kahulugan:
2._____________Kahulugan:
3._____________Kahulugan:
39
Open Ended
Para sa bilang 4-5: Bakit mahalaga ang mga teknikal na salita sa pagbuo ng isang deskripsyon ng produkto?________________________________________________
40
Gawain 2 Panimulang Pananaliksik
Matapos mong mabasa ang kaligiran ng deskripsyon ng produkto at paraan ng pagtatala ng mga katawagang teknikal na nakapaloob dito, ikaw ay gagawa ng isang munting pananaliksik hinggil sa mga produktong nababasa
Maaari kang pumili sa sumusunod na produkto:
1. pagkain
6. appliances
2. sabon
7. gatas
3. shampoo
8. gadget
4. mga tinapay
9. gamot
5. lotion
10. kape
41
Mula sa napili, ilarawan ang mga katangiang ginagamit sa pagsulat ng deskripsyon ng produkto. Inaasahan na makapagtatala ka ng hindi bababa sa tatlong katangian.
Maaaring gumamit ka ng mga sanggunian na makikita sa internet.
Isulat sa malinis na papel ang mga katangiang ito at tiyaking isulat ang bibliyograpiya/sanggunian ng pinagkuhanan ng impormasyon.
RUBRIK (3 ang pinakamataas at 1 ang pinakamababa)
42
43
Gawain 3 Pag-unawa sa Paglinang na Kasanayan
​
44
Open Ended
Ano ang natutuhan mo sa ginawang pananaliksik?
__________________________________________________
45
Open Ended
Ano ang masasabi mo tungkol sa produktong napili hinggil sa pagsulat ng deskripsyon?
________________________________________________________
46
Open Ended
May epekto kaya ang deskripsyon ng produkto sa kabuoang nilalaman nito? Isa-isahin.
_______________________________________________________
47
Open Ended
Sa iyong mga nasaliksik na pagbibigay ng maayos na deskripsyon ng produkto, masasabi mo bang naging epektibo ang paggamit nila ng mga katawagang teknikal? Ipaliwanag
_______________________________________________________
48
Open Ended
Ano-ano ang mga kahinaan at kalakasang nakita mo sa pagsulat ng isang deskripsyon ng produkto?
_______________________________________________________
49
Isaisip
Punan ang hinihinging impormasyon sa nakalaang patlang. Hanapin ang sagot sa ibaba.
​
50
Fill in the Blanks
Type answer...
51
Fill in the Blanks
Type answer...
52
Fill in the Blanks
Type answer...
53
Fill in the Blanks
Type answer...
54
Fill in the Blanks
Type answer...
55
Fill in the Blanks
Type answer...
56
Fill in the Blanks
Type answer...
57
Fill in the Blanks
Type answer...
58
Fill in the Blanks
Type answer...
59
Fill in the Blanks
Type answer...
60
Isagawa
Mula sa ilustrasyon sa ibaba, lumikha ng isang poster na naglalaman ng isang produkto batay sa inyong hilig o interes. Maaaring tunay o sariling likhang produkto. Iguhit ito na may kabuoang layunin na maakit ang mamimili na bumili ng iyong produkto. Sumulat ng maikling paglalarawan na ginagamitan ng mga katawagang teknikal.
Larawan ng nais na produkto:
Paglalarawan o deskripsyon ng produkto na ginagamitan ng mga katawagang teknikal:
61
Gabay na Tanong:
62
Open Ended
Bakit kailangang mabatid ng isang mamimili ang maayos na deskripsyon ng produkto?
63
Open Ended
Paano makatutulong ang mga katawagang teknikal na ginamit sa paglalarawan ng isang produkto? Ipaliwanag.
64
Tayahin
Basahin ang sumusunod na tanong at piliin ang letra ng tamang sagot.
65
Multiple Choice
Ano ang kinakailangang nilalaman ng isang produkto upang higit na
makilala ito bilang tugon sa personal na pangangailangan ng mamimili?
Ito ay naglalaman ng mga larawan na may maayos na pagsasalaysay.
Ito ay naglalaman ng pagkakasunod-sunod na pamamaraan ng paggamit.
Ito ay naglalaman ng sistematikong paglalarawan batay sa kabuoang serbisyo nito.
Ito ay naglalaman ng iba’t ibang teknikal na mga salita na madaling mabatid ng mambabasa mula sa produkto.
66
Multiple Choice
Ano ang tungkulin ng kasanayang teknikal sa pagsulat ng isang
deskripsyon ng isang produkto?
Maayos na mailahad ang pangunahing layunin ng produkto
Mailapit ang kabuoang interes sa pag-unawa ng isang mamimili.
Isa-isahin nang maayos ang mga tiyak na katangiang nais ilahad.
Pagpapangkat batay sa antas ng kahulugan sa nilalaman ng isang produkto.
67
Multiple Choice
Ano ang magiging bunga sa mamimili ng isang produkto kung ang
pagiging payak at makatotohanan ang nilalaman ng isinulat na deskripsyon?
Magbibigay ito ng mabilis na pamukaw interes.
Magbibigay ito ng malinaw na pagkaunawa sa mamimili.
Magkakaroon ito ng kalituhan sa kabuoan ng produkto.
Magbibigay ito ng pagkakataon na tumingin pa ang mamimili sa iba pang produkto.
68
Multiple Choice
Batay sa istruktura ng paglalahad ng isang produkto, paano ito
nabubuo?
payak at detalyadong pagsasalaysay
tuwiran at detalyadong paglalarawan
tuwiran at sistematikong paglalahad
di-tuwiran at teknikal na paglalarawan
69
Multiple Choice
Anong uri ng wika ang ginagamit sa pagsulat ng kabuoang deskripsyon
ng produkto?
Kolokyal
Payak
Tuwiran
Pormal
70
Punan ang hinihinging impormasyon sa bawat patlang. Piliin ang tamang sagot sa ibaba ng tanong.
71
Fill in the Blanks
Type answer...
72
Fill in the Blanks
Type answer...
73
Fill in the Blanks
Type answer...
74
Fill in the Blanks
Type answer...
75
Fill in the Blanks
Type answer...
76
Fill in the Blanks
Type answer...
77
Fill in the Blanks
Type answer...
78
Fill in the Blanks
Type answer...
79
Fill in the Blanks
Type answer...
80
Fill in the Blanks
Type answer...
81
Karagdagang Gawain
Lumikha ng maikling video gamit ang iyong cellphone upang makabuo ng isang malikhaing patalastas. Gumamit ng mga likhang larawan na magpapakilala sa iyong produkto.
Tiyaking makikita ang maayos at malinaw na deskripsyon ng produkto at gamitan ng mga kaugnay na katawagang teknikal sa nilalaman nito. (Hindi hihigit sa limang (5) minuto ang presentasyon)
82
RUBRIKS
83
Para sa mag-aaral na walang gadget ay gumuhit ng isang produkto na makikita sa loob ng iyong bahay. Sumulat ng isang iskrip na naglalaman ng isang malikhaing patalastas na naglalahad nang maayos na deskripsyon ng isang produkto.
84
RUBRIKS
85
​
Ikalawang Markahan Unang Linggo Deskripsyon ng Produkto
by Edgar Monte
Show answer
Auto Play
Slide 1 / 85
SLIDE
Similar Resources on Wayground
85 questions
Nomenclatura inorganica
Presentation
•
10th Grade
85 questions
leis de Newton
Presentation
•
10th Grade
77 questions
Gotejamento de soluções
Presentation
•
KG - University
79 questions
ORM_L1 Pages_6_7 Vocabulary
Presentation
•
9th - 12th Grade
84 questions
Cardiovascular System
Presentation
•
11th Grade - University
80 questions
2526 SESSION 3:Ang Mahiyaing Manok
Presentation
•
KG
83 questions
sistem koordinasi
Presentation
•
11th Grade
76 questions
Chemianalysis and Experimental Technique
Presentation
•
11th Grade
Popular Resources on Wayground
10 questions
Factors 4th grade
Quiz
•
4th Grade
10 questions
Cinco de Mayo Trivia Questions
Interactive video
•
3rd - 5th Grade
13 questions
Cinco de mayo
Interactive video
•
6th - 8th Grade
20 questions
Math Review
Quiz
•
3rd Grade
20 questions
Main Idea and Details
Quiz
•
5th Grade
20 questions
Context Clues
Quiz
•
6th Grade
20 questions
Inferences
Quiz
•
4th Grade
19 questions
Classifying Quadrilaterals
Quiz
•
3rd Grade
Discover more resources for Other
5 questions
A.EO.1-4 Quizizz Day 1
Quiz
•
9th - 12th Grade
100 questions
Biology EOC Review
Quiz
•
9th - 12th Grade
5 questions
A.EO.1-4 Quizizz Day 2
Quiz
•
9th - 12th Grade
5 questions
A.EI.1-3 Quizizz Day 4
Quiz
•
9th - 12th Grade
5 questions
A.EI.1-3 Quizizz Day 6
Quiz
•
9th - 12th Grade
5 questions
G.RLT.1-3 Quizizz Day 1
Quiz
•
9th - 12th Grade
25 questions
Biology EOC review Quiz
Quiz
•
9th - 12th Grade
5 questions
G.TR.1-4 Quizizz Day 1
Quiz
•
9th - 12th Grade