

Suplay
Presentation
•
Social Studies
•
9th Grade
•
Easy
Noe noe.llegojr@deped.gov.ph
Used 4+ times
FREE Resource
40 Slides • 25 Questions
1
Ikalawang Markahan (Ikatlong Linggo)
by Noe noe.llegojr@deped.gov.ph
2
Balik-Aral
3
Multiple Choice
1. Ang dami ng produkto at serbisyo na handa at kayang bilhin ng mamimili sa
iba’t-ibang presyo sa isang takdang panahon ay tinatawag na __________.
Demand Curve
Demand
Demand Schedule
Demand Function
4
Multiple Choice
2. Ang __________ ay isang talahanayang nagpapakita sa dami ng produkto
o serbisyong nais at kayang bilhin ng mamimili sa iba’t-ibang presyo.
Demand Schedule
Demand Curve
Demand Function
Demand
5
Multiple Choice
3. Inihahayag ng Batas ng Demand ang __________ na ugnayan sa pagitan
ng presyo at quantity demanded nito. (ceteris paribus).
Mataas
Mababa
Magkasalungat
Magkapareho
6
Multiple Choice
4. Ang __________ ay ang grapikong paglalarawan sa demand schedule.
Demand
Demand Function
Demand Curve
Demand Schedule
7
Multiple Choice
5. Ang kurba ng demand ay kumikilos mula itaas, pababa, at pakanan o
__________.
Upward Sloping
Downward Sloping
Sideward Sloping
Forward Sloping
8
Pulso ng Bayan!
9
Poll
1. Ano ang tawag sa dami ng produkto at serbisyong handa at kayang ipagbili ng prodyuser sa iba’t-ibang presyo sa isang takdang panahon?
a. Demand
b. Pamilihan
c. Stock
d. Suplay
10
Poll
2. Alin sa mga sumusunod na pahayag ang HINDI totoo tungkol sa Batas ng Suplay?
a. Mayroong direkta o positibong ugnayan ang presyo sa quantity supplied ng isang
produkto.
b. Kapag tumataas ang presyo, tumataas din ang dami ng produkto o serbisyo na handa at
kayang ipagbili.
c. Presyo ang pangunahing batayan sa dami ng produkto o serbisyong ipagbibili.
d. Kapag bumababa ang presyo, nadadagdagan ang dami ng nais ipagbili.
11
Poll
3. Ang kurba ng suplay ay gumagalaw mula ibaba, paitaas at pakanan o upward sloping.
Ano ang ibig ipahiwatig nito?
a. Salungat na ugnayan ng presyo at suplay.
b. Walang pagbabago sa presyo at suplay.
c. Direktang ugnayan ng presyo at suplay.
d. Walang ugnayan ang presyo at suplay.
12
Poll
4. Ano ang tawag sa talaan na nagpapakita ng ugnayan ng presyo at quantity supplied?
a. Supply curve
b. Demand curve
c. Supply schedule
d. Demand schedule
13
Poll
5. Alin sa mga sumusunod ang grapikong naglalarawan ng ugnayan ng presyo at quantity supplied?
a. Supply curve
b. Demand curve
c. Supply schedule
d. Demand
14
Matapos mong maunawaan ang aralin na ito, ikaw ay inaasahang:
• nailalahad ang kahulugan ng Suplay;
• natatalakay ang konsepto ng Batas ng Suplay;
• naiisa-isa ang pamamaraan sa pagpapakita ng konsepto ng Suplay; at
• nailalahad ang bahaging ginampanan ng Suplay sa pang araw-araw na pamumuhaybilang mag aaral at bahagi ng pamilya.
15
16
- Ang suplay ay tumutukoy sa dami ng mga produkto o paglilingkod na gustong ipagbili ng mga prodyuser sa pamilihan sa isang takdang panahon sa iba't ibang presyo.
17
​
18
- bubuo ng plano ng produksyon na magtatakda ng suplay.
19
Ito ay nagsasaad na may direkta o positibong ugnayan (positively related) ang presyo sa quantity supplied. Kapag tumaas ang presyo, tumataas din ang dami ng produkto o serbisyong handa at kayang ipagbili. Ngunit kapag ang presyo ay bumaba, bababa din ang dami ng produkto o serbisyo na handa at kayang ipagbili.
Presyo (P) ↑, Supply (Qs) ↑
Presyo (P) ↓, Supply (Qs) ↓
20
21
Ito ay isang talahanayan na nagpapakita ng dami ng produkto o serbisyo na handa at kayang ipagbili ng prodyuser sa iba’tibang presyo sa isang takdang panahon.
22
Kapag ang mga datos sa supply schedule ay inilagay sa isang graph o
talangguhit, mabubuo ang supply curve. Ito ay tumutukoy sa grapikong
paglalarawan ng direkta o positibong ugnayan ng presyo at dami ng produkto o serbisyong handang ipagbili ng prodyuser.
23
24
Ipinapakita sa graph ang paggalaw sa supply
curve. Mangyayari ang paggalaw sa supply
curve kung ang salik na nakaaapekto ay ang sariling presyo ng produkto na nagbabago. Kung ang presyo ng tsinelas ay tumaas mula Php 80 patungong Php 100, makikita sa
graph na lilipat ang punto A sa punto B. Kung bababa naman ang presyo mula Php 160 patungong Php 140, ang punto E
ay lilipat sa punto D.
25
Paano ba ipakita ang kurba ng suplay sa pamamagitan ng ekwasyon? Ang bilang ng suplay (quantity suplay) ay ipakikita bilang mathematical function ng presyo.
Ang suplay function ay maisusulat sa ekwasyon na ito:
Qs = -a + bP
Qs = dami ng suplay (quantity supplied)
-a = dami ng suplay kung ang presyo ay zero o horizontal intercept
(+b) = slope ng supply function. (ito ay nagpapakita ng positibo at direktang relasyon sa pagitan ng presyo at dami ng suplay.
P = Presyo
26
Qs Presyo
A ____ 10
B ____ 12
C ____ 15
D ____ 18
E ____ 25
F ____ 30
27
28
Qs Presyo
A 0 10
B ____ 12
C ____ 15
D ____ 18
E ____ 25
F ____ 30
29
​
30
Multiple Choice
1. Ano ang tawag sa dami ng produkto at serbisyong handa at kayang ipagbili ng prodyuser sa iba’t-ibang presyo sa isang takdang panahon?
a. Demand
b. Pamilihan
c. Stock
d. Suplay
31
Multiple Choice
2. Alin sa mga sumusunod na pahayag ang HINDI totoo tungkol sa Batas ng Suplay?
a. Mayroong direkta o positibong ugnayan ang presyo sa quantity supplied ng isang
produkto.
b. Kapag tumataas ang presyo, tumataas din ang dami ng produkto o serbisyo na handa at
kayang ipagbili.
c. Presyo ang pangunahing batayan sa dami ng produkto o serbisyong ipagbibili.
d. Kapag bumababa ang presyo, nadadagdagan ang dami ng nais ipagbili.
32
Multiple Choice
3. Ang kurba ng suplay ay gumagalaw mula ibaba, paitaas at pakanan o upward sloping.
Ano ang ibig ipahiwatig nito?
a. Salungat na ugnayan ng presyo at suplay.
b. Walang pagbabago sa presyo at suplay.
c. Direktang ugnayan ng presyo at suplay.
d. Walang ugnayan ang presyo at suplay.
33
Multiple Choice
4. Ano ang tawag sa talaan na nagpapakita ng ugnayan ng presyo at quantity supplied?
a. Supply curve
b. Demand curve
c. Supply schedule
d. Demand schedule
34
Multiple Choice
5. Alin sa mga sumusunod ang grapikong naglalarawan ng ugnayan ng presyo at quantity supplied?
a. Supply curve
b. Demand curve
c. Supply schedule
d. Demand
35
36
Matapos mong maunawaan ang nilalalaman ng modyul na ito, ikaw ay inaasahang:
• nasusuri ang mga salik na nakakaapekto sa suplay;
• naiiisa -isa at natatalakay ang mga salik na nakakapekto sa suplay;
• naiuugnay sa kasalukuyang sitwasyon at realidad ang mga salik na nakaaapekto sa suplay; at
• naipaliliwanag ang iba’t ibang paggalaw ng supply curve
37
Pulso ng Bayan!
38
Poll
1. Ang mga sumusunod ay halimbawa ng mga di-presyong salik na nakakaapekto sa suplay maliban sa isa:
a. Buwis at Subsidiya
b. Dami ng Nagtitinda
c. Panahon at Klima
d. Presyo
39
Poll
2. Alin ang kabilang sa gastos ng produksyon?
a. Bayad sa upa
b. Kita ng Entrepreneur
c. Halaga ng Impok o Savings
d. Dami ng bumibili ng iyong produkto
40
Poll
3. Alin sa mga sumusunod ang maaaring magpataas sa suplay ng mga produktong alternatibo sa langis at coal bilang enerhiya katulad ng solar panel at windmill?
a. Mataas na Buwis
b. Regulasyon sa Enerhiya
c. Pagbibigay ng Subsidiya
d. Pagbabantay sa Kagubatan
41
Poll
4. Ano ang salitang kasing-kahulugan ng espekulasyon?
a. Ekspektasyon
b. Hinuha
c. Inaasahan
d. Lahat ng nabanggit
42
Poll
5. Ano ang mangyayari sa kurba ng suplay kapag ang pagbabago sa suplay ay dulot ng di-presyong salik?
43
Kung ang demand ay nagsisilbing tawag sa pag-uugali ng mga mamimili, ang suplay naman ay para sa mga prodyuser o gumagawa ng produkto. Kung ang motibasyon ng mga mamimili ay makamit ang pangangailangan at kagustuhan, nakatuon naman ang mga prodyuser at mga manininda sa pagkakaroon ng kita.
Bukod sa presyo, marami pang salik ang nagpapabago sa dami ng suplay ng produkto at serbisyo sa mga pamilihan. Dahil walang kinalaman ang mga salik na ito sa presyo ng produkto, tinatawag itong mga DI-PRESYONG SALIK.
44
Kabilang sa isinasaisip sa pagbuo ng produkto ay ang halaga ng mga salik ng produksyon. Ang mga salik ng produksyon ay may katumbas na gastos para sa Entrepreneur: Upa para sa Lupa, Sahod para sa Lakas Paggawa, at Interes para sa perang Kapital. Ang mga ito ang bumubuo sa gastos ng produksyon o Cost of Production. Kapag nagbago ang presyo ng isa o lahat ng salik ng produksyon, makakaapekto ito sa dami ng produkto na kakayaning mabuo ng bahay-kalakal.
45
...ang SUPLAY ay bababa (↓). Ang karagdagang gastos para sa isa o higit
pang salik ay maaaring magdulot ng pagpapababa sa gastos para sa ibang salik.
Implikasyon: Kung pipigilan ang pagbaba ng suplay, ipapasa ng entrepreneur ang dagdag na gastos ng produksyon sa mga mamimili sa pamamagitan ng pagtatas ng presyo.
Implikasyon: Ang pagtataas ng presyo ay magpapababa sa dami ng demand ng tao. Upang maiwasan ito, pananatilihin o di kaya ay paliliitin lamang ang pagtaas sa presyo, ngunit babawasan ang laman, liliitan, o pasisimplehin ang balot ng produkto upang makabawas sa gastos.
46
Epekto sa Suplay:
...ang SUPLAY ay tataas (↑). Ang pagbaba ng halaga ng isa o higit pang salik ng produksyon ay makatutulong upang madagdagan ang mga produktong mabubuo sa mga pagawaan.
Implikasyon: Hindi sa lahat ng pagkakataon ay bumababa ang presyo ng
produkto. Karaniwan ay dinadagdagan na lamang ng mga bahay-kalakal ang laman, nilalakihan, o di kaya ay pinapaganda ang balot ng produkto. Nagsasagawa din sila ng promosyon katulad ng buy-one-take-one at sale.
47
Malaki ang naitutulong ng makabago at maunlad na teknolohiya pagdating sa produksyon.
Implikasyon: Ang halaga ng kabuuan ng produksyon ay nakabatay sa halaga ng teknolohiya na gagamitin para dito. Isinasang-alang-alang ang gastos para sa research, gastos para sa pagbili ng mga makina, at gastos para sa pagpapanatili nito. Dahil sa malaking paunang gastos, maaaring magsimula sa mataas na presyo ang produktong mabubuo mula dito. Gayunpaman, matapos mabawi ang naunang gastos,
maaaring mapanatili ang presyo ng mahabang panahon.
48
Katulad ng mga mamimili, ang mga manininda ay tumitingin din sa
espekulasyon. Sa tuwing may inaasahang pagbabago sa presyo ang mga
prodyuser sa susunod na araw o sa darating na lingo at buwan, binabago nila ang dami ng suplay na handa nilang itinda sa mga pamilihan sa kasalukuyan.
49
sa Suplay:
...ang SUPLAY ay bababa (↓) sa kasalukuyan. Upang maitinda sa mas mataas na presyo ang produkto ng mga manininda, babawasan nito ang dami ng suplay na kanilang ititinda sa kasalukuyan. Kapag tumaas na ang presyo ng produkto, dadamihan naman nila ang suplay nito sa mga tindahan.
Implikasyon: Ang ganitong gawain ay maituturing na halimbawa ng
HOARDING. Isa itong illegal na gawain kung saan ang mga produkto ay
itinatago upang magkaroon ng artipisyal na kakulangan sa suplay. Isinasagawa ito upang tumaas ang presyo ng produkto na hudyat upang ilabas ang produkto at muli itong itinda sa mga pamilihan.
50
sa Suplay:
...ang SUPLAY ay tataas (↑) sa kasalukuyan. Kukunin ng mga manininda ang pagkakataon upang maitinda ang produkto.
Implikasyon: Ang ganitong pangyayari ay maaaring magdulot ng bahagyang pagbaba sa suplay ng produkto sa hinaharap. Kapag bumaba na ang presyo, maaaring babaan muli ng mga manininda ang suplay ng kanilang produkto. Magdadala ito ng MALING SIGNAL sa mga mamimili na kailangan nilang mamili ng higit sa pangangailangan sa kasalukuyan.
51
Nakabatay ang dami ng suplay ng produkto sa dami ng manininda at prodyuser.
52
sa Suplay:
...ang SUPLAY ay tataas (↑).
1. Pagdiriwang at Okasyon.
2. Pagbabago sa Uso at Demand.
3. Pagbaba ng Regulasyon.
4. Paglaki ng populasyon.
53
Epekto sa Suplay:
...ang SUPLAY ay bababa (↓).
Sa inyong sagutang papel, ano ang dahilan ng pag-dami ng manininda batay sa mga sumusunod:
5. Pagbabago sa Uso at Demand.
6. Pagdami ng Regulasyon.
7. Mababang populasyon.
Implikasyon: Malaki ang epekto ng regulasyon ng pamahalaan sa motibasyon ng entrepreneur para magsimula ng produksyon. Ang ilan sa mga regulasyon na ito ay buwis, subsidiya, mga permit at iba pa. Ang buwis ay halagang kinukuha ng pamahalaan mula sa kita ng isang negosyo. Ang subsidiya ay abaliktaran ng buwis. Ito ay halagang nakatakdang bayaran dapat ng tao para sa produkto at serbisyo ngunit ang pamahalaan ang nagbabayad.
54
Ang Pilipinas ay maituturing na bansang agrikultural dahil hitik ito sa likas na yaman at lupain maaaring mapagtaniman. Gayunpaman, may panahon ang pagbunga ng mga produktong agrikultural na tumutubo dito. Kapag in-season, ang suplay ng bungang produkto ay mataas ↑. Kabaliktaran naman kapag offseason. May mga bunga naman na maaaring anihin sa buong taon ngunit nagkakaiba-iba ang dami depende sa buwan. Nauuri ito sa high peek, low peek, at arawan.
55
Implikasyon: Ang pagbaba ng suplay tuwing may kalamidad ay may natural na epekto sa presyo ng produkto. Upang mapigilan ang pagtaas ng presyo ng mga pangunahing pangangailangan, nagpapatupad ang pamahalaan ng pansamantalang price freeze. Dahil dito, hindi maaaring itaas o ibaba ang presyong itinakda ng price freeze.
56
Dahil sa pabago-bagong presyo at kakulangan ng hilaw na materyales sa
pagbuo ng produkto, ang mga prodyuser at manininda ay nakatuon sa
paghahanap ng alternatibo. Tinatawag itong substitute goods o kapalit na produkto. Ang kapakinabangan sa mga produktong ito ay halos katulad ng nakasanayang produktong ginagamit.
57
Suplay:
...ang SUPLAY ng alternatibo ay tataas (↑).
Halimbawa: Kapag bumaba ang halaga ng itinatanim ng mga magsasaka, magsisimula silang maghanap ng alternatibo at magtanim ng ibang halaman. Maaari ding maghanap ng ibang hanapbuhay ang mga magsasaka o hindi kaya ay bumuo ng ibang produkto na may mas mataas na halaga.
58
Suplay:
...ang SUPLAY ng alternatibo ay bababa (↓). Kapag mataas ang halaga ng isang produkto, nae-engganyo ang mga negosyanteng itinda ang produktong ito. Samakatuwid, mababawasan ang mga magtitinda ng mga produktong substitute o kapalit.
59
Kapag ang pagbabago sa suplay ay dulot ng mga di-presyong salik, ang mismong kurba ng suplay ang nagbabago ng puwesto. Nagdudulot ito ng paggalaw pakaliwa at pakanan.
60
Multiple Choice
1. Ang mga sumusunod ay halimbawa ng mga di-presyong salik na nakakaapekto sa suplay maliban sa isa:
a. Buwis at Subsidiya
b. Dami ng Nagtitinda
c. Panahon at Klima
d. Presyo
61
Multiple Choice
2. Alin ang kabilang sa gastos ng produksyon?
a. Bayad sa upa
b. Kita ng Entrepreneur
c. Halaga ng Impok o Savings
d. Dami ng bumibili ng iyong produkto
62
Multiple Choice
3. Alin sa mga sumusunod ang maaaring magpataas sa suplay ng mga produktong alternatibo sa langis at coal bilang enerhiya katulad ng solar panel at windmill?
a. Mataas na Buwis
b. Regulasyon sa Enerhiya
c. Pagbibigay ng Subsidiya
d. Pagbabantay sa Kagubatan
63
Multiple Choice
4. Ano ang salitang kasing-kahulugan ng espekulasyon?
a. Ekspektasyon
b. Hinuha
c. Inaasahan
d. Lahat ng nabanggit
64
Multiple Choice
5. Ano ang mangyayari sa kurba ng suplay kapag ang pagbabago sa suplay ay dulot ng di-presyong salik?
65
Maraming salamat po!
Ikalawang Markahan (Ikatlong Linggo)
by Noe noe.llegojr@deped.gov.ph
Show answer
Auto Play
Slide 1 / 65
SLIDE
Similar Resources on Wayground
64 questions
HIMPUNAN
Presentation
•
7th Grade
60 questions
PV DESIGN 101
Presentation
•
9th Grade
57 questions
Hikaye
Presentation
•
9th Grade
62 questions
RCR
Presentation
•
9th - 10th Grade
68 questions
Week 4: Iba't-ibang sistemang Pang ekonomiya
Presentation
•
9th Grade
53 questions
POLITIKAL NA PAKIKILAHOK
Presentation
•
10th Grade
61 questions
Les verbes et le vocabulaire du quotidien
Presentation
•
9th - 12th Grade
54 questions
Eleutheran Adventurers 2024
Presentation
•
7th Grade
Popular Resources on Wayground
10 questions
Safety Day 2026 – Student Review
Quiz
•
9th Grade
21 questions
Continents and Oceans
Quiz
•
6th Grade
20 questions
Parts of Speech
Quiz
•
5th Grade
16 questions
Subject & Predicate
Quiz
•
5th Grade
25 questions
Multiplication Facts
Quiz
•
5th Grade
12 questions
Map Skills
Quiz
•
3rd Grade
22 questions
Continents and Oceans
Quiz
•
5th Grade
15 questions
Rounding Decimals
Quiz
•
5th Grade
Discover more resources for Social Studies
10 questions
Exploring the Age of Exploration: Key Events and Figures
Interactive video
•
6th - 10th Grade
10 questions
Debating the Legacy of Christopher Columbus
Interactive video
•
6th - 10th Grade
27 questions
World Geography - Q1 9week Test
Quiz
•
9th Grade
25 questions
Gilded Age Gallery Walk
Presentation
•
9th - 12th Grade
30 questions
The Americas Review
Quiz
•
9th Grade
10 questions
Exploring the 13 Colonies Regions
Interactive video
•
6th - 10th Grade
23 questions
USHC 6 FDR and The New Deal Programs
Quiz
•
9th - 12th Grade
19 questions
Spanish American War
Presentation
•
8th - 12th Grade