Search Header Logo
ESP-MODYUL 4-WEEK 4-Q2

ESP-MODYUL 4-WEEK 4-Q2

Assessment

Presentation

Other

3rd Grade

Easy

Created by

DINA ALCARADO

Used 2+ times

FREE Resource

21 Slides • 18 Questions

1

ESP-MODYUL 4-WEEK 4-Q2

Mga may Kapansanan: Makilahok sa mga Programang Pampaaralan

by DINA ALCARADO

2

​LAYUNIN:

Nakapagpapakita ng malasakit sa may kapansanan sa pamamagitan ng pagbibigay ng pagkakataon upang sumali at lumahok sa mga palaro o larangan ng isport at iba pang programang pampaaralan.

3

SUBUKIN​

Panuto: Basahin at i-click ang bilog ng tamang sagot.

4

Multiple Choice

1. May programa sa inyong paaralan, isa ka sa mga nanonood sa palatuntunan. Habang kumakanta ang isang bulag ay bigla itong napatigil dahil nakalimutan niya ang liriko ng awitin. Ano ang nararapat mong gawin bilang manonood?

1

Tatawagin siya at pauupuin na lang.

2

Sisigaw at pabababain na sa entablado.

3

Papalakpakan ang bulag sa pagkakamali niya

4

Tatahimik na lang at mananalangin na sana ay maalala niya ang liriko ng awitin.

5

Multiple Choice

2. Sa inyong talakayan sa klase, sumagot ang kaibigan mong bingot. Hindi ninyo masyado naunawaan ang kanyang isinagot. Ano ang maitutulong mo sa kaniya?

1

Makikinig ako sa sagot niya.

2

Sasabihin ko ang sagot.

3

Hihintayin ang guro na ipaliwanag ang kaniyang sagot.

4

Tatayo rin ako at sasabayan ko siyang sumagot upang maunawaan ng iba ang kaniyang sagot.

6

Multiple Choice

3. May kaibigan kang pilay na gustong sumali sa isang paligsahan sa pag-awit sa inyong barangay. Humingi siya ng tulong upang magpalista ng pangalan, ano ang iyong gagawin?

1

Ituturo ko lang sa kaniya ang daan papunta sa barangay.

2

Tatawanan ko siya at sasabihing huwag na sumali.

3

Hindi ko siya tutulungan dahil alam kong hindi naman siya mananalo.

4

Tutulungan ko at sasamahan siya na makapagpalista ng pangalan.

7

Multiple Choice

4. Napag-alaman mong may paligsahan sa pagsayaw ang inyong paaralan. Ang kaibigan mong si Roy ay may angking talento sa pagsayaw. Ano ang iyong gagawin upang malaman ni Roy ang nasabing patimplalak?

1

Huwag na lamang siyang sasali dahil siya ay may kapansanan.

2

Hihikayatin kong sumali si Roy dahil alam kong mahusay siyang sumayaw

3

Hindi ko sasabihin kay Roy na may paligsahan sa pagsayaw sa paaralan.

4

Wala akong gagawin.

8

Multiple Choice

5. Nagkaroon ng palatuntunan ang mga special education children sa inyong paaralan. Unang nagpakita ng kakayahan sa larangan ng tula ay ang hearing impaired child na si Jano. Nasa kalagitnaan na siya ng kaniyang tula nang bigla niyang makalimutan ang susunod na linya. Kung ikaw ay isa sa mga manonood, ano ang dapat mong gawin?

1

Tatawanan ko si Jano.

2

Tatawagin ko na siya para umupo na.

3

Tahimik akong mananalangin na sana ay maalala niya ang nalimutang linya.

4

Sisisihin ko siya at sasabihan na sana hindi na lang sumali sa palatuntunan.

9

​Aralin 1: Mga may kapansanan: Makilahok sa mga Programang Pampaaralan

​​BALIKAN

Ang sakop na kondisyon ng “kapansanan” ay malawak at iba’t iba, may nakikita at hindi nakikita. Ang isang kapansanan ay maaaring simula pa nang kapanganakan, dulot ng aksidente, o binuo sa paglipas ng panahon. May mga kapansanan na pisikal, mga sakit sa kaisipan, mga kapansanan sa pandinig o paningin, epilepsy, palaasa sa droga at alkohol, pagiging sensitibo sa kapaligiran, at iba pang mga kondisyon.

10

​Ang kapansanan ay isang mamamayan na may pisikal na kapinsalaan o kasiraan sa anumang bahagi ng kaniyang katawan. Ito ang nagiging sanhi ng pagiging kaiba niya sa ibang mga tao. Sa makabagong panahon, nalalaman na ng mga tao na kailangang tulungan natin ang mga may kapansanan. Maaaring mapabuti ang mga pisikak na depektong ito sa pamamagitan ng siruhiya o panggagamot na pisikal.

11

​TUKLASIN: Si Ada at Neneng

Isinulat nina Jasmine Balboa Marites R. Santiago Iginuhit ni Emmanuel Louis G. Frias

​  Ito ang kuwento ni Neneng at Ada. Bawat isa sa atin ay may kapansanan, literal man o hindi. Isa itong kuwento ng tagumpay na nakamit sa tulong ng pagkakaisa. Kuwento ng dalawang uri ng kapansanan – pisikal at mental.

   Ang Barangay Holy Spirit ay isang lugar na matatagpuan sa pusod ng Lungsod Quezon. Ito ay binubuo ng magkakalapit na barangay. Marami ang naninirahan dito. Malaking bahagi ng populasyon ang matatagpuan sa lugar na ito. At dahil nasa sentro ito ng Kamaynilaan, maraming nais manirahan dito. Ang kuwento ay iikot sa Mababang Paaralan ng Holy Spirit. Isa itong malaking paaralan kung saan ang pamunuan ng paaralan ay naghuhubog ng talino, kakayahan at nagtuturo ng disiplina sa kabataan ng nasasakupan nitong barangay. Maraming hamon ang kinakaharap ng paaralan tulad ng mga batang galing sa Mindanao, child labor, kakulangan sa disiplina at may kapansanan.

12

media

13

media

14

media

15

media

16

media

17

media

18

media

19

​SURIIN

Maituturing na hamon para sa paaralan ang palaganapin ang karunungan sa kabataan lalo’t higit sa pagbibigay ng pundasyon sa karunungan. Sina Ada at Neneng, magkamag-aral sa Ikatlong baitang ay may parehong kahinaan; pisikal at paggawa ng desisyon. Naging kanlungan nila ang isa’t isa para malagpasan ang pagsubok na ito sa kanilang buhay. Pinatunayan nilang ang kapansanan ay maaaring mapatagumpayan kung sama-sama at nagtutulungan.

20

Open Ended

Sino-sino ang magkaibigan sa kuwento?

21

Open Ended

Ano-ano ang pagkakaiba sa kanilang ginagawa?

22

Open Ended

Magbigay ng tatlong magkakatulad at magkaiba sa kanilang ugali.

23

Open Ended

Ano ang kapansanan ni Neneng? Ano ang saloobin ni Ada tungkol dito?

24

Open Ended

Ano naman ang kakulangan ni Ada? Mabuti ba ito?

25

Open Ended

Ano ang pangyayaring nakapagpabago sa kanilang buhay? Panno ito nasolusyunan?

26

Open Ended

Isipin mo ang mga kahinaang mayroon ka, ano sa palagay mo ang dpat mong gawin tungkol dito?

27

Open Ended

Ano-ano ang mabibisang paraan upang malunasan o matulungan ang mga taong may kapansanan o may pinagdadaanan?

28

​ISAISIP

Ang pagmamalasakit sa may mga kapansanan ay maipakikita mo sa pamamagitan ng pagbibigay ng pagkakataon at suporta sa sandaling maipamalas nila ang kanilang natatanging kakayahan sa larangan ng laro at iba pang programang pampaaralan.

29

TANDAAN

Walang imposible sa taong may pananalig sa Panginoon at may tiwala sa sarili! Ang kapansanan ng isang tao ay hindi magiging hadlang sa ating mga pangarap, ang ating mga kakulangan sa katawan ay pinagkaloob ng diyos dahil alam niya na tayo ay malakas at matatag.

30

​Ang mga pagsubok ay isang paraan niya para lalong pagtibayin ang kakayahan at tiwala sa sarili upang hindi sumuko at panghinaan ng loob. Ang mga may kapansanan ay pinili ng Diyos para maging inspirasyon sa lahat, dahil sa kabila ng kakulangan nagagawa pa rin nila ang lumaban sa hirap at mga pagsubok ng buhay, nagagawa nila ang mga imposible sa pamamagitan ng sariling kakayahan at sariling pag-iisip ng buong tapang.

​ Special sila, dahil sila ay pinili para magbigay ng liwanang at pag-asa sa mga nagdidilim at naliligaw na daan ng iba.

31

FORMATIVE ASSESSMENT

Lagyan o i-click ang tsek ( √ ) kung ang pangungusap ay nagpapakita ng pagmamalasakit sa mga taong may kapansanan at ekis ( X ) kung hindi.

32

Multiple Choice

_______1. Iniwan sa simbahan ng kanilang ina ang kapatid dahil ito’y may bingot at pangit ang itsura.

1
2

33

Multiple Choice

_______2. Isinali ni Mr. Villamor ang kaniyang mag-aaral sa paligsahan sa pagkanta kahit na ito ay isang bulag.

1
2

34

Multiple Choice

_____3. Pinatigil ni Mang Ben kaniyang anak sa pag-aaral dahil sa pipi at bingi ito.

1
2

35

Multiple Choice

_______4. Nilapitan nina Akiko ang pilay na kaklase at inalalayan sa pagbaba ng hagdan.

1
2

36

Multiple Choice

______5. Niyaya ni Yoko ang piping kaklase na sumali sa paligsahan sa pagsayaw

1
2

37

Takdang-aralin sa ESP

Gawin ang gawain sa PAGYAMANIN modyul 4,pahina 7.

media

38

​B. Paghambingin ang dalawang bata at ang kanilang kahinaan gamit ang dayagram. Iguhit ang diyagram sa kuwaderno at gawin ito.

media

39

media

ESP-MODYUL 4-WEEK 4-Q2

Mga may Kapansanan: Makilahok sa mga Programang Pampaaralan

by DINA ALCARADO

Show answer

Auto Play

Slide 1 / 39

SLIDE