

Q3W2A3-Pagbása at Pagsusuri
Presentation
•
Other
•
11th Grade
•
Medium
Edgar Monte
Used 2+ times
FREE Resource
30 Slides • 47 Questions
1
Aralin 3- Katangian at Kalikasan ng Iba’t Ibang Uri ng Teksto
By Edgar Monte
2
Alamin
Kasanayang Pampagkatuto:
Naibabahagi ang katangian at kalikasan ng iba’t ibang tekstong binasa
(F11PS-IIIb-91)
Subject | Subject
Some text here about the topic of discussion
3
Layunin:
1. Natutukoy ang mga katangian at kalikasan ng iba’t ibang uri ng teksto,
2. Nakasusuri ng iba’t ibang teksto batay sa katangian at kalikasan nito, at
3. Naibabahagi ang sariling pananaw batay sa napag-aralan sa pamamagitan ng isang graphic organizer
Subject | Subject
Some text here about the topic of discussion
4
Subukin
Basahing mabuti ang bawat tanong. Piliin ang titik ng wastong sagot.
Subject | Subject
Some text here about the topic of discussion
5
Multiple Choice
Anong katangian ng tekstong impormatibo ang pagkuha ng
makatotohanang datos o impormasyon mula sa mapagkakatiwalaang
batayan?
Obhetibo
Subhetibo
6
Multiple Choice
Anong uri ng paglalarawan ang nakabatay sa mayamang imahinasyon
ng manunulat at hindi sa katotohanan?
Obhetibo
Subhetibo
7
Multiple Choice
Isa sa katangian ng tekstong naratibo ang pagkakaroon nito ng
elemento, ano ang tawag sa elemento kung saan may maayos na daloy o
pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari sa teksto upang mabigyanglinaw
ang temang taglay ng akda?
Tagpuan
Banghay
8
Multiple Choice
Isa sa katangian ng tekstong naratibo ang pagkakaroon nito ng iba’t
ibang pananaw, saan nabibilang ang pagsasalaysay ng pangunahing
tauhan sa mga bagay na kaniyang nararanasan, naaalala, o naririnig sa
kuwento?
Unang Panauhan
Ikalawang PanauhanBanghay
9
Multiple Choice
Anong uri ng tauhan ang nagtataglay ng iisa o dadalawang katangiang
madaling matukoy?
Tauhang Bilog
Tauhang Lapad
10
Multiple Choice
Anong katangian ng tekstong persuweysib ang nagpapakita ng personal
na opinyon at paniniwala ng may akda?
Obhetibo
Subhetibo
11
Multiple Choice
Isa sa mga katangian ng ganitong uri ng teksto ang pangungumbinsi
batay sa datos o impormasyong nakalap.
Argumentatibo
Persuweysib
12
Multiple Choice
Anong uri ng teksto ang may katangiang kagaya ng larawang ipininta
kung saan kapag nakita ito ng iba ay parang nakita na rin nila ang
orihinal na pinagmulan ng larawan?
Impormatibo
Deskriptibo
13
Multiple Choice
Isa sa mga katangian ng ganitong uri ng teksto ang makatotohanang
pagpapaliwanag sa mga paksang tulad ng isports, kasaysayan,
siyensiya, panahon, heograpiya, at iba pa.
Impormatibo
Deskriptibo
14
Multiple Choice
Anong uri ng teksto ang maaaring maging subhetibo at obhetibong
paglalarawan?
Naratibo
Deskriptibo
15
Multiple Choice
Anong katangian ng teksto ang ipinapakita sa pahayag na “Siya ay
balat-sibuyas”?
Obhetibo
Subhetibo
16
Multiple Choice
Anong uri ng teksto ang may layuning patunayan ang isang pahayag sa
pamamagitan ng matibay na pangangatwiran batay sa lohika at
katotohanan?
Argumentatibo
Persuweysib
17
Multiple Choice
Isang halimbawa ng tekstong impormatibo ang balita kung saan
naglalaman ito ng mga makatotohanang impormasyon na maingat
na sinaliksik at tinaya.
Tama
Mali
18
Multiple Choice
Ano ang isang halimbawa ng tekstong persuweysib?
Debate
Patalastas
19
Multiple Choice
Anong damdamin ang nakapaloob sa pahayag na “Para akong
sinukluban ng langit at lupa”?
Kalungkutan
Kalituhan
20
Multiple Choice
Anong uri ng teksto ang may layuning magsalaysay o magkuwento?
Impormatibo
Naratibo
21
Multiple Choice
Anong damdamin ang nakapaloob sa pahayag na “Para akong
sinukluban ng langit at lupa”?
Kalungkutan
Kalituhan
22
Balikan
Bago natin simulan ang iyong magiging paglalakbay sa modyul na ito, muli mong balikan ang iyong natutuhan sa naunang aralin sa pamamagitan ng pagsagot sa katanungang ito:
Subject | Subject
Some text here about the topic of discussion
23
Open Ended
Masasabi mo bang mahalagang pag-aralan ang iba’t ibang uri ng teksto?
Bakit?
24
Tuklasin
Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang maikling kuwentong “Mabangis na Lungsod”. Ilista sa papel ang mahahalagang detalye na iyong mababasa upang makatulong sa pagsagot sa mga katanungan.
Subject | Subject
Some text here about the topic of discussion
25
Ang gabi ay mabilis na lumatag sa mga gusali, lumagom sa malalaki’t maliliit na lansangan, dumantay sa mukha ng mga taong pagal, sa mga taong araw-araw ay may bagong lunas na walang bisa. Ngunit ang gabi ay waring manipis na sutla lamang ng dilim na walang lawak mula sa lupa hanggang sa mga unang palapag ng mga gusali. Ang gabi sa kalupaan ay ukol lamang sa dilim sa kalangitan sapagkat ang gabi sa kalupaan ay hinahamig lamang ng mabangis na liwanag ng mga ilaw-dagitab.
MABANGIS NA LUNGSOD
(ni Efren R. Abueg)
26
Ang gabi ay hindi napapansin ng lalabindalawahing taong gulang na si Adong. Ang gabi ay tulad lamang ng pagiging Quiapo ng pook na iyon. Kay Adong, ang gabi’y naroroon, hindi dahil sa may layunin sa pagiging naroroon, kundi dahil sa naroroon katulad ng Quiapo. Sa walang muwang na isipan ni Adong, walang kabuluhan sa kaniya kung naroon man o wala ang gabi- at ang Quiapo.
27
Ngunit isang bagay ang may kabuluhan kay Adong sa Quiapo. Alisin na ang nagtatayugang gusali roon, alisin na ang bagong lagusan sa ilalim ng lupa, alisin na ang mga tindahang hanggang sa mga huling oras ng gabi’y mailaw at mabawasan ang mga taong pumapasok at lumalabas doon, dahil sa isang bagay na hinahanap sa isang marikit na altar. Sapagkat ang simbahan ay buhay ni Adong.
28
Kung ilang hanay ang mga pulubing naroroon at mga nagtitinda ng tiket ng suwipistek, ng kandila, ng kung ano-anong ugat ng punongkahoy at halaman. At sa mga hanay na iyon ay nakatunghay ang simbahan, naawa, nahahabag. At nakatingala naman ang mga hanay na iyon, kabilang si Adong. Hindi sa simbahan kundi sa mga taong may puso pa upang dumukot sa bulsa at maglapag ng konting barya sa maruruming palad.
29
Mapapaiyak na si Adong. Ang tingin niya tuloy sa mga ilaw-dagitab ay parang mga piraso ng apoy na ikinakalat sa kalawakan. Kangina pa siyang tanghali sa loob ng marusing na bakuran ng simbahan, nagsawa na ang kaniyang mga bisig sa wala pang tunog ng katuwaan. Bagkus ang naroon ay bahaw na tunog ng babala. Babalang ipinararamdam ng pangangalam ng kaniyang sikmura at sinasapian pa ng takot na waring higad na gumagapang sa kaniyang katawan.
30
“Mama... Ale, palimos na po.”
Ang maraming mukhang nagdaraan ay malalamig na parang bato, ang imbay ng mga kamay at hiwatig ng pagwawalang-bahala, ang hakbang ay pagpapahalata ng pagmamadali - pag-iwas.
“Palimos na po, ale... hindi pa po ako nanananghali!” Kung may
pumapansin man sa panawagan ni Adong, ang nakikita niya ay irap, pandidiri, pagkasuklam.
31
“Pinaghahanapbuhay ‘yan ng mga magulang para maisugal,” madalas naririnig ni Adong. Nasasaktan siya, sapagkat ang bahagi ng pangungusap na iyon ay untag sa kaniya ni Aling Ebeng, ang matandang pilay na kaniyang katabi sa dakong liwasan ng simbahan. At halos araw-araw, lagi siyang napapaiyak, hindi
lamang niya ipinahahalata kay Aling Ebeng, ni kanino man sa naroroong nagpapalimos. Alam niyang hindi maiiwasan ang paghindi sa kaniya ng limang piso, sa lahat. Walang bawas.
32
“Pinaghahanapbuhay ‘yan ng mga magulang para maisugal,” madalas naririnig ni Adong. Nasasaktan siya, sapagkat ang bahagi ng pangungusap na iyon ay untag sa kaniya ni Aling Ebeng, ang matandang pilay na kaniyang katabi sa dakong liwasan ng simbahan. At halos araw-araw, lagi siyang napapaiyak, hindi
lamang niya ipinahahalata kay Aling Ebeng, ni kanino man sa naroroong nagpapalimos. Alam niyang hindi maiiwasan ang paghindi sa kaniya ng limang piso, sa lahat. Walang bawas.
33
“May reklamo?” ang nakasisindak na tinig ni Bruno. Ang mga mata nito’y nanlilisik kapag nagpatumpik-tumpik siya sa pagbibigay. At ang mga kamay ni Adong ay manginginig pa habang inilalagay niya sa masakim na palad ni Bruno ang salapi, mga baryang matagal ding kumalansing sa kaniyang bulsa, ngunit
kailanman ay hindi nakarating sa kaniyang bituka.
34
“Maawa na po kayo, Mama... Ale... gutom na gutom na ako!” Ang mga daing ay walang halaga, waring mga patak ng ulan sa malalaking bitak ng lupa. Ang mga tao’y naghihikahos na rin. Ang panahon ay patuloy na ibinuburol ng karukhaan.
Ang kampana ay tumutugtog at sa loob ng simbahan, pagkaraan ng maikling sandali, narinig ni Adong ang pagkilos ng mga taong papalabas, waring nagmamadali na tila ba sa wala pang isang oras na pagkakatigil sa simbahan ay napapaso, nakararamdam ng hapdi, hindi sa katawan, kundi sa kaluluwa. Natuwa si Adong. Pinagbuti niya ang paglalahad ng kaniyang palad at pagtawag sa mga taong papalapit sa kaniyang kinaroroonan.
35
“Malapit nang dumating si Bruno...” ani Aling Ebeng na walang sino mang pinatutungkulan. Manapa’y para sa lahat na maaaring makarinig. Biglang-bigla, napawi ang katuwaan ni Adong. Nilagom ng kaniyang bituka ang nararamdamang gutom. Ang pangambang sumisigid na kilabot sa kaniyang mga laman at nagpapantindig sa kaniyang mga balahibo ay waring dinaklot at itinapon sa malayo ng isang mahiwagang kamay.
36
Habang nagdaraan sa kaniyang harap ang mga taong malamig, walang awa, walang pakiramdam-nakadarama siya ng kung anong bagay na apoy sa kaniyang kalooban. Aywan niya kung bakit gayon ang nararamdaman niya matapos mapawi ang kaniyang gutom at pangamba. Kung ilang araw na niyang nadarama iyon, at hanggang sa ngayon ay naroroon pa’t waring umuuntag sa kaniya na gumawa ng isang marahas na bagay. Ilang barya ang nalaglag sa kaniyang palad, hindi inilagay kung inilaglag, sapagkat ang mga palad na nagbibigay ay nandidiring mapadikit sa marurusing na palad na wari bang mga kamay lamang na maninipis ang malinis. Dali-daling inilagay ni Adong ang mga barya sa kaniyang lukbutan. Ilan pang barya ang nalaglag sa kaniyang palad. At sa kaabalahan niya’y hindi na napansing kakaunti na ang mga taong lumalabas mula sa simbahan. Nakita na naman ni Adong ang mga mukhang malamig, ang imbay ng mga kamay na nagpapahiwatig ng pagwawalang bahala, ang mga hakbang ng nagmamadaling pag-iwas.
37
“Adong... ayun na si Bruno,” narinig niyang wika ni Aling Ebeng. Tinanaw ni Adong ang ininguso sa kaniya ni Aling Ebeng. Si Bruno nga. Ang malapad na katawan, ang namumutok na mga bisig. Ang maliit na ulong pinapangit ng suot na gora. Napadukot si Adong sa kaniyang bulsa. Dinama niya ang mga barya roon. Malamig. At ang lamig na iyon ay waring dugong biglang umagos sa kaniyang mga ugat. Ngunit ang lamig na iyon ay hindi nakasapat upang ang apoy na nararamdaman niya kangina pa ay mamamatay. Mahigpit niyang kinulong sa kaniyang palad ang mga baryang napagpalimusan. “Diyan na kayo, Aling Ebeng... sabihin ninyo kay Bruno na wala ako!” mabilis niyang sinabi sa matanda.
38
“Ano? Naloloko ka na ba, Adong? Sasaktan ka ni Bruno. Nakita ka na ni Bruno!”
Narinig man ni Adong ang sinabi ng matanda, nagpatuloy pa rin sa
paglalakad, sa simula’y marahan, ngunit nang makubli siya sa kabila ng bakod ng simbahan ay pumulas siya ng takbo. Lumusot siya sa pagitan ng mga dyipni na mabagal sa pagtakbo. Sumiksik siya sa kakapalan ng mga taong salu-salubong sa paglalakad. At akala niya’y nawala na siya sa loob ng sinuot niyang mumunting
iskinita.
39
“Ano? Naloloko ka na ba, Adong? Sasaktan ka ni Bruno. Nakita ka na ni Bruno!”
Narinig man ni Adong ang sinabi ng matanda, nagpatuloy pa rin sa paglalakad, sa simula’y marahan, ngunit nang makubli siya sa kabila ng bakod ng simbahan ay pumulas siya ng takbo. Lumusot siya sa pagitan ng mga dyipni na mabagal sa pagtakbo. Sumiksik siya sa kakapalan ng mga taong salu-salubong sa paglalakad. At akala niya’y nawala na siya sa loob ng sinuot niyang mumunting
iskinita.
40
“Adong!” Sinundan iyon ng papalapit na mga yabag. Napahindik si Adong. Ang basag na tinig ay naghatid sa kaniya ng lagim. Ibig niyang tumakbo. Ibig niyang ipagpatuloy ang kaniyang paglayo. Ngunit ang mga kamay ni Bruno ay parang bakal na nakahawak na sa kaniyang bisig, niluluray ang munting lakas na nagkakaroon ng kapangyarihang maghimagsik laban sa gutom, sa pangamba at
kabangisan.
41
Sumandal siya sa poste ng ilaw-dagitab. Dinama niya ang tigas niyon sa pamamagitan ng kaniyang likod. At sa murang isipang iyon ni Adong ay tumindig ang tagumpay ng isang musmos na paghihimagsik ng paglayo kay Bruno, ng paglayo sa Quiapo, ng paglayo sa gutom, sa malalamig na mukha, sa nakatunghay na simbahan, sa kabangisang sa mula’t pa’y nakilala niya at kinasusuklaman.
Muling dinama niya ang mga barya sa kaniyang bulsa. At iyon ay matagal din niyang ipinakalansing.
42
“Bitiwan mo ako! Bitiwan mo ako!” naisigaw na lamang ni Adong. Ngunit hindi na niya muling narinig ang basag na tinig. Naramdaman na lamang niya ang malupit na palad ni Bruno. Natulig siya. Nahilo. At pagkaraan ng ilang sandali, hindi na niya naramdaman ang kabangisan sa kapayapaang biglang kumandong
sa kaniya.
Sanggunian: Khadija L. Sarael, “Mabangis na Lungsod ni Efren R. Abueg,” G7Fil Ira & Khads, Pebrero 2013, http://filipinoeinsteinirakhads.blogspot.com/
43
Suriin
Panuto: Sagutin ang sumusunod na katanungan batay sa binasang tekstong naratibong ang “Mabangis na Lungsod”.
Subject | Subject
Some text here about the topic of discussion
44
Fill in the Blank
Ang gabi ay mabilis na lumatag sa mga gusali, lumagom sa malalaki’t
maliliit na lansangan, dumantay sa mukha ng mga taong pagal, sa
mga taong araw-araw ay may bagong lunas na walang bisa.
45
Open Ended
Sino ang tagapagsalaysay sa binasang teksto? Sa anong pananaw o paningin ito
isinasalaysay?
46
Open Ended
Sino ang pangunahing tauhan sa teksto? Siya ba’y isang tauhang bilog o lapad?
47
Open Ended
Sino naman ang katunggaling tauhan sa teksto? Siya ba’y isang tauhang bilog o
lapad?
48
Open Ended
May kasamang tauhan ba sa akda? Kung mayroon, sino siya? Siya ba’y tauhang
bilog o lapad?
49
Open Ended
Anong pangunahing kaisipan ang nakapaloob sa binasang teksto?
50
PAGSASANAY 2
Panuto: Suriin ang sumusunod na mga pahayag mula sa tekstong “Mabangis na Lungsod”. Isulat sa baba kung ito ay paglalarawang Subhetibo o Obhetibo.
Subject | Subject
Some text here about the topic of discussion
51
PAGSASANAY
Panuto: Bigyan ng subhetibo at obhetibong paglalarawan ang sumusunod na mga salita.
Subject | Subject
Some text here about the topic of discussion
52
Isaisip
Panuto: Sagutin ang sumusunod na mga tanong.
Subject | Subject
Some text here about the topic of discussion
53
Open Ended
Sa iyong palagay, bakit kailangang pag-aralan ang mga katangian at
kalikasan ng iba’t ibang teksto?
54
Open Ended
Paano makatutulong sa iyo bilang mag-aaral ang pag-alam sa mga
katangiang ito?
55
Open Ended
Masasabi mo bang naging makabuluhan ang panahong ginamit mo sa pagaaral
ng iba’t ibang uri ng teksto? Ipaliwanag ang sagot.
56
Isagawa
Panuto: Balikan ang iba’t ibang uri ng tekstong tinalakay sa mga naunang aralin. Ibigay ang mga katangian nito.
Subject | Subject
Some text here about the topic of discussion
57
Open Ended
Tekstong Impormatibo
58
Open Ended
Tekstong Deskriptibo
59
Open Ended
Tekstong Naratibo
60
Open Ended
Tekstong Prosidyural
61
Open Ended
Tekstong Persuweysib
62
Open Ended
Tekstong Argumentatibo
63
Tayahin
Panuto: Basahing mabuti ang bawat pahayag. Tukuyin kung ito ay Tama o Mali.
Subject | Subject
Some text here about the topic of discussion
64
Multiple Choice
Isang halimbawa ng tekstong impormatibo ang balita kung saan
naglalaman ito ng mga makatotohanang impormasyon na maingat
na sinaliksik at tinaya.
Tama
Mali
65
Multiple Choice
Nais ng tekstong persuweysib na mabago ang takbo ng isip ng
mambabasa at tanggapin ang posisyon ng may-akda.
Tama
Mali
66
Multiple Choice
Ang tekstong naratibo ay may katangiang manghikayat o
mangumbinsi ng mambabasa.
Tama
Mali
67
Multiple Choice
Lahat ng tekstong naratibo ay nagtataglay ng mga tauhan.
Tama
Mali
68
Multiple Choice
Ang paglalarawan sa tekstong deskriptibo ay maaaring subhetibo at
obhetibo.
Tama
Mali
69
Multiple Choice
Obhetibo ang paglalarawan kung ito ay nakabatay sa mayamang
imahinasyon ng manunulat at hindi sa katotohanan.
Tama
Mali
70
Multiple Choice
Isa sa katangian ng tekstong persuweysib ang pagiging
subhetibo kung saan nagpapakita ng personal na opinyon at
paniniwala ang may akda.
Tama
Mali
71
Multiple Choice
Ang tauhang lapad ay tauhang may multidimensiyonal o
maraming saklaw ang personalidad.
Tama
Mali
72
Multiple Choice
Impormatibo ang isang teksto kung ito ay di-piksiyon.
Tama
Mali
73
Multiple Choice
Layunin ng tekstong naratibo ang magsalaysay o magkuwento.
Tama
Mali
74
Multiple Choice
Ang mga tekstong argumentatibo at persuweysib ay parehong
may layuning manghikayat sa mambabasa.
Tama
Mali
75
Multiple Choice
Ang tekstong impormatibo ay maaaring maging bahagi ng
tekstong naratibo.
Tama
Mali
76
Multiple Choice
Ang salitang “balat-sibuyas” ay isang halimbawa ng obhetibong
paglalarawan.
Tama
Mali
77
Multiple Choice
Isang halimbawa ng tekstong argumentatibo ang debate kung
saan ay layunin nitong manghikayat ng mambabasa batay sa
mga katotohanan at lohika.
Tama
Mali
Aralin 3- Katangian at Kalikasan ng Iba’t Ibang Uri ng Teksto
By Edgar Monte
Show answer
Auto Play
Slide 1 / 77
SLIDE
Similar Resources on Wayground
72 questions
Pays Francophones en Afrique Centrale
Lesson
•
10th Grade
71 questions
4.5.6. лекција Мрежна опрема
Lesson
•
12th Grade
69 questions
Bosanski jezik i književnost
Lesson
•
9th - 12th Grade
75 questions
Révision pour l'examen de grammaire 2.0
Lesson
•
11th Grade
76 questions
LIPUNAN
Lesson
•
10th Grade
71 questions
muối halide bài giảng
Lesson
•
10th Grade
69 questions
Introduction to Equilibrium Chemistry
Lesson
•
10th - 11th Grade
Popular Resources on Wayground
15 questions
Fractions on a Number Line
Quiz
•
3rd Grade
10 questions
Probability Practice
Quiz
•
4th Grade
15 questions
Probability on Number LIne
Quiz
•
4th Grade
20 questions
Equivalent Fractions
Quiz
•
3rd Grade
25 questions
Multiplication Facts
Quiz
•
5th Grade
22 questions
fractions
Quiz
•
3rd Grade
6 questions
Appropriate Chromebook Usage
Lesson
•
7th Grade
10 questions
Greek Bases tele and phon
Quiz
•
6th - 8th Grade
Discover more resources for Other
15 questions
Making Inferences
Quiz
•
7th - 12th Grade
23 questions
TSI Math Vocabulary
Quiz
•
10th - 12th Grade
20 questions
-AR -ER -IR present tense
Quiz
•
10th - 12th Grade
15 questions
ACT Reading Practice
Quiz
•
11th Grade
80 questions
ACT Math Important Vocabulary
Quiz
•
11th Grade
20 questions
SSS/SAS
Quiz
•
9th - 12th Grade
16 questions
ACT English - Grammar Practice #2
Quiz
•
11th Grade
12 questions
Unit 8: The Early Cold War
Quiz
•
11th Grade