

ESP 3 QUARTER 3 WEEK 1
Presentation
•
English
•
3rd Grade
•
Practice Problem
•
Easy
JAYSON ELACION
Used 7+ times
FREE Resource
29 Slides • 16 Questions
1
ESP 3
QUARTER 3
WEEK 1 - 2
By JAYSON ELACION
2
Aralin:
Pagmamahal sa mga Kaugaliang Filipino
3
Maraming katangian ang maipagmamalaki ng isang batang Filipino na katulad mo. Aminin mo man ito o hindi, ang mga ito ay makikita sa iyo, sa kapatid, sa kaibigan, at sa iyong mga kalaro.
4
Minsan ay hindi mo ito napapansin dahil iniisip mo na pangkaraniwan lamang ang mga ito.
5
May mga panahon na ikaw ay nakalilimot sa mga magagandang kaugalian. Kaya may mga nakatatanda na nag-papaalala sa kung ano ang dapat mong matutuhan at gawin.
6
Ano-ano nga ba ang mabubuting kaugaliang Filipino? Pagmasdan at suriin ang mga larawan sa ibaba.
7
8
Sa araling ito, pag-aaralan mo ang pagpapamalas ng pag-unawa sa kahalagahan ng pananatili ng mga natatanging kaugaliang Filipino.
9
Gawain 1: Piliin ang tsek (/)kung ito ay iyo nang nagagawa o naipakikita sa iba bilang paggalang. Piliin mo naman ng ekis (x) kung hindi.
10
Multiple Choice
1. Nagmamano ako sa matatanda.
✓
X
11
Multiple Choice
2. Nagsasalita ako nang may po at opo.
✓
X
12
Multiple Choice
3. Nagpapaalam ako kapag may gusto akong hiramin sa iba.
✓
X
13
Multiple Choice
4. Malumanay akong nakikipag-usap kay ate at kuya.
✓
X
14
Multiple Choice
5. Humahalik ako sa pisngi ng aking mga magulang.
✓
X
15
Multiple Choice
6. Nagsasabi ako ng “salamat po”.
✓
X
16
Multiple Choice
7. Binabati ko ang bisita sa tahanan.
✓
X
17
Multiple Choice
8. Sumusunod ako sa mga tuntunin at utos sa aming tahanan.
✓
X
18
Multiple Choice
9. Nagsasabi ako ng “excuse me, po”.
✓
X
19
Multiple Choice
10. Nagsasabi ako ng “makikiraan po”.
✓
X
20
Ilang tsek ang iyong namarkahan? Kung meron kang pito (7) o higit pang tsek ay batiin mo ang iyong sarili sapagkat ito ay nagpapakita ng iyong mabuting ugali ng paggalang.
21
Kung hindi mo naman namarkahan ng tsek ang lahat, huwag mag-alala dahil ang mga ito ay maaari mong matutuhan sa araling ito.
22
Ang Sinigang ni Papa
Ako si Hazel at ito ang aking kuwento tungkol kay Papa. Oo, magkukuwento ako tungkol kay Papa kasi ngayong gabi ang unang beses na nagluto siya ng ulam para sa hapunan. Maaga siyang umuwi galing sa trabaho. Sinalubong ko siya upang kunin ang kaniyang kamay para
23
at binati ng magandang hapon.
Ibinigay niya sa akin ang kaniyang dala-dalang karne at gulay na lulutuin at inutos niya na dalhin ko ito sa kusina. “Opo, sige po.” ang aking sagot. Pero dahil mabigat ito ay tinawag ko ang aking kapatid. “Ate, maaari mo ba akong tulungan,” ang aking pakiusap. “Aba, e, oo naman,”
24
ang malumanay niyang sagot sa akin at dali-dali kaming pumasok sa kusina. Nung ako ay nagpasalamat kay Ate ay napalingon ako kay Papa at nakita ko ang ngiti sa kaniyang mukha. “Bakit kaya siya masaya?” ang bigla kong naisip.
25
Sinimulan agad ni Papa ang pagluluto. Pinanood ko siya at ako ay naaliw dahil patuloy siyang nakangiti at pakanta-kanta pa. Kapag tinutulungan ko siya sa paghuhugas ng mga gulay ay lalo siyang napapangiti. Naku, lalo na nang tumulong din si Ate sa paglilinis ng kusina at paghahanda ng mga plato at baso sa
26
lamesa.
Maya-maya pa ay nagsimula na kaming maghapunan. Agad naming tinikman ang sinigang at laking gulat namin dahil hindi ito lasang sinigang. Kulang ito sa lasa at walang asim. Tumingin kami kay Papa at gusto kong sumimangot at magreklamo.
27
Gusto ko ring magalit dahil noon lang uli ako sana makakakain ng sinigang mula nang mamatay si Mama. Ang Papa ko ay hindi marunong magluto.
Hindi ko na ba kakainin ang paborito kong sinigang na niluto ni Papa? Siyempre kakainin ko pa rin. Naalala ko ang sinabi sa akin ni Mama noong nabubuhay pa
28
siya. Mahalin at igalang ko si Papa at si Ate. Ang tagubilin sa bahay ay magtulungan at sundin ang matatanda. At dahil dito ay magiging masaya pa rin kami kahit wala na siya. At totoo nga, kahit walang lasa at asim ang sinigang, ito pa rin ang pinakamasarap na luto ni Papa.
29
Hindi man siya marunong magluto ay masaya naman kami. Akin siyang mamahalin at igagalang hanggang sa kaniyang pagtanda.
30
Gawain 2: Mula sa kuwentong binasa, sagutin ang sumusunod na mga tanong.
31
1. Ano ang pamagat ng kuwento?
2. Sino ang mga tauhan sa kuwento?
3. Ano ang hindi nila nagustuhan sa sinigang?
32
4. Bakit ito pa rin ang pinakamasarap na sinigang para kay Hazel?
5. Paano ipinakita ni Hazel and pagmamahal at paggalang sa kaniyang ate? sa kaniyang Papa?
33
Narito ang mga kaugaliang tunay na nagpapakita nito:
34
1. Pagmamano.
Ito ay isang tradisyon at natatanging kaugaliang Filipino na kung saan ay babatiin nating mga bata ang matatanda sa pagkuha ng kanilang kamay at paglagay nito sa ating noo sabay bigkas ng “mano po.”
35
2. Paggamit ng “po” at “opo”.
Ang paggamit nito ay isang tradisyon at natatanging kaugaliang Filipino na kung saan ay nilalagyan ng po at opo ang mga salitang ating binibigkas sa tuwing tayo ay sumasagot o nakikipag-usap lalo na sa matatanda.
36
Kasabay nito ang malumanay na pagsasalita bilang tanda ng ating pagrespeto.
37
3. Pagsunod sa tamang tagubilin ng nakakatanda.
Isang napakabuting kaugalian natin ang pagsunod sa tamang tagabulin ng nakatatanda na kung saan ipinapakita natin ang ating pagtitiwala sa kanila na tayo ay kanilang gagabayan.
38
Ang pagsunod nang may kababaang-loob at sigla ay tanda ng tunay na paggalang at pagmamahal.
39
Gawain 3: Piliin ang tsek (✓) kung ang larawan ay nagpapakita ng mabuting ugali ng paggalang sa kapuwa at nakatatanda at piliin naman ng ekis (x) kung hindi.
40
Multiple Choice
✓
x
41
Multiple Choice
✓
x
42
Multiple Choice
✓
x
43
Multiple Choice
✓
x
44
Multiple Choice
✓
x
45
Multiple Choice
✓
x
ESP 3
QUARTER 3
WEEK 1 - 2
By JAYSON ELACION
Show answer
Auto Play
Slide 1 / 45
SLIDE
Similar Resources on Wayground
40 questions
Mga Uri ng Mapat at Populasyon / Hamon at Panganib
Presentation
•
3rd Grade
41 questions
Comparing and Ordering Numbers Review
Presentation
•
3rd Grade
37 questions
2nd Filipino 3 Pagsusulit Blg. 3
Presentation
•
3rd Grade
38 questions
Q3 PE W3 L1
Presentation
•
4th Grade
41 questions
AP 2 Quiz 3.3 Reviewer
Presentation
•
2nd Grade
38 questions
PE and Health 3rd Q Week 5-6
Presentation
•
4th Grade
40 questions
Gamit ng Koryente
Presentation
•
3rd Grade
38 questions
Primary 2 - Review Unit 1-3
Presentation
•
2nd Grade
Popular Resources on Wayground
20 questions
"What is the question asking??" Grades 3-5
Quiz
•
1st - 5th Grade
20 questions
“What is the question asking??” Grades 6-8
Quiz
•
6th - 8th Grade
10 questions
Fire Safety Quiz
Quiz
•
12th Grade
20 questions
Equivalent Fractions
Quiz
•
3rd Grade
34 questions
STAAR Review 6th - 8th grade Reading Part 1
Quiz
•
6th - 8th Grade
20 questions
“What is the question asking??” English I-II
Quiz
•
9th - 12th Grade
20 questions
Main Idea and Details
Quiz
•
5th Grade
47 questions
8th Grade Reading STAAR Ultimate Review!
Quiz
•
8th Grade
Discover more resources for English
20 questions
"What is the question asking??" Grades 3-5
Quiz
•
1st - 5th Grade
15 questions
Day 1: 3rd Grade Reading STAAR Review
Quiz
•
3rd Grade
76 questions
STAAR Mixed Review (Print Review)
Quiz
•
3rd - 7th Grade
17 questions
Day 2: 3rd Grade Reading STAAR Review
Quiz
•
3rd Grade
20 questions
Revising and Editing Practice
Quiz
•
3rd Grade
12 questions
Figurative Language
Quiz
•
3rd Grade
20 questions
Main Idea
Quiz
•
3rd Grade
10 questions
Using context clues #1
Quiz
•
3rd Grade