

Fil10_Q3_Modyul8-9
Presentation
•
World Languages
•
10th Grade
•
Medium
Ana Mae Santos
Used 2+ times
FREE Resource
21 Slides • 13 Questions
1
By Ana Mae Santos
2
Isang ngiti naman diyan bago tayo magsimula ng ating aralin. Malaman ko lang na maayos ang kalagayan ninyo, makakapagsimula na tayo.
3
Nabibigyang-kahulugan ang iba‟t ibang simbolismo at
matatalinghagang pahayag sa tula
Layuning Pampagkatuto
A. Naibibigay ang pakahulugan ng mga matatalinghagang pahayag at
simbolismo mula sa binasang tula
B. Napahahalagahan ang aral na nais iparating ng may-akda sa
mambabasa
Some text here about the topic of discussion
4
Multiple Choice
1. Ang tula ay naglalaman ng matatalinghagang pananalita at
simbolismo na nakatutulong upang maging malikhain at masining
ang akda.
Tama
Mali
5
Paunang Pagsubok
Some text here about the topic of discussion
6
Multiple Choice
2. Ginagamit ang matatalinhagang pahayag o pananalita sa tula na
naglalahad ng malalim o hindi lantad na kahulugan sa akda.
Tama
Mali
7
Multiple Choice
3. Ang paggamit ng salitang “pusang- itim” na nangangahulugang
“malas” ay isang halimbawa ng matalinghagang pananalita na
ginagamit sa tula.
Tama
Mali
8
Multiple Choice
4. Ang kulay asul ay sumisimbolo sa katapangan.
Tama
Mali
9
Multiple Choice
5. Ang paggamit ng salitang “bahag ang buntot” na nangangahulugang
“duwag” ay isang halimbawa ng idyoma na ginagamit sa tula.
Tama
Mali
10
Open Ended
Magbigay ng mga salita na maiuugnay natin sa TULA.
11
Open Ended
Ilarawan ninyo, paano magmahal ang isang ina.
12
Ang matatalinhagang pahayag o pananalita ay may malalim o hindi lantad na kahulugan. Ito ay may tagong kahulugan.
13
Halimbawa:
1. butas ang bulsa - walang pera 4. alimuom - tsismis
2. ilaw ng tahanan - ina 5. bahag ang buntot - duwag
3. kalog na ang baba - matanda na
Idyoma - ito ay matalinhagang pahayag na nakatago sa likod ng salita ang tunay na kahulugan nito. Natututuhan ang kahulugan nito sa tulong ng mga salitang nakapaligid dito.
14
Bakit kaya rito sa mundong ibabaw
Marami sa tao‟y sa salapi silaw?
Kaya kung isa kang kapus-kapalaran
Wala kang pag-asang umakyat sa lipunan.
(Panambitan ni Myrna Prado salin ni Ma. Lilia Realubit)
Ang mga may salungguhit sa tula ay matatalinghagang pananalita
sapagkat ang una'y nangangahulugan ng pagiging mukhang pera ng tao
samantalang ang ikalawa'y tumutukoy sa mahirap.
15
Ang simbolismo naman ay naglalahad ng mga bagay at kaisipan sa pamamagitan ng sagisag at mga bagay na mahiwaga at metapisikal. Ito ay ordinaryong bagay, pangyayari, tao o hayop na may nakakabit na natatanging kahulugan.
Halimbawa:
1. silid-aklatan-karunungan o kaalaman
2. gabi-kawalan ng pag-asa
3. pusang-itim-malas
4. tanikalang-bakal-kawalan ng kalayaan
5. bulaklak-pag-ibig
16
Palay siyang matino
Nang humangi‟y yumuko
Ngunit muling tumayo
Nagkabunga ang ginto!
(Palay, Tanaga ni Ildefonso Santos)
Ang salitang palay sa tula ay sumisimbolo sa taong dumaan sa
pagsubok na kaniyang nilampasan at nagsilbing susi sa kaniyang
pagtatagumpay.
17
Hele ng Ina sa Kaniyang Panganay
A Song of a Mother to Her Firstborn salin sa Ingles ni Jack H. Driberg
Isinalin sa Filipino ni Mary Grace A. Tabora
Mangusap ka, aking sanggol na sinisinta.
Mangusap ka sa iyong namimilog at nagniningning na mga mata,
Wangis ng mata ng bisirong-toro ni Lupeyo.
Mangusap ka, aking musmos na supling.
Ang iyong mga kamay na humahaplos sa akin.
Na puno ng tibay at tatag bagaman yari‟y munsik.
Magiging kamay ito ng mandirigma, aking anak.
Kamay na magpapasaya sa iyong ama.
18
Tingnan mo‟t nananabik na ako‟y sapulin:
Nagbabalak nang humawak ng panulag na matalim.
Aking giliw, ngalan ng mandirigma sa‟yo ilalaan,
at mamumuno sa kalalakihan.
At ika‟y hahalikan sa yapak ng mga kaapo-apohan,
Kahit pa malaon nang naparam sa sanlibutan.
Ngunit lagi kong maaalala ang pagkapit mo sa akin,
Maging ang paghimlay mo sa aking dibdib,
At ang pagsulyap-sulyap sa akin.
Kapag ika‟y itinanghal na gererong marangal,
Ako‟y malulunod sa luha ng paggunita.
19
Munting mandirigma, paano ka namin pangangalanan?
Masdan ang pagbubuskala sa pagkakakilanlan.
Hindi hamak na ngalan sa iyo‟y ibibigay,
Hindi ka rin ipapangangalan sa iyong amang si Nawal sapagkat ika‟y panganay.
Higit kang pagpapalain ng poon at ang iyong kawan.
Ikaw ba‟y tatawaging “Hibang” o “Kapusugan?”
Ikaw ba‟y tatawaging waring dumi ng baka na “anak ng kamalasan?”
Ang poo‟y di marapat na pagnakawan,
Sa iyo‟y wala silang masamang pinapagimpan.
20
Ika‟y kanilang pinaliguan at dinamitan ng kagandahan.
Ika‟y biniyayaan ng mga matang naglalagablab.
At ang pambihirang pangungunot ng iyong kilay
Ay hindi ba palatandaan na ika‟y maingat nilang pinanday?
Yaman ni Zeus at Aphrodite sa iyo‟y kanilang inalay.
At ang katalinuhang nangungusap sa iyong mga mata,
Maging sa iyong halakhak.
Paano ka pangangalanan, aking inakay?
Ikaw ba‟y lahi na iyong lahi o naiibang nilalang?
21
Munting mandirigma, sinong anito sa iyo‟y nananahan?
Kaninong mapagpalang kamay ang sa aking dibdib dumadantay?
Sinong yumuyungyong sa iyo‟t nagpapasigla ng buhay?
Ikaw ba‟y kanlong ng kapayapaan?
Ngunit ika‟y tila leopardong nasa palumpong at tumatanaw.
Hayaan, sa araw na yao‟y iyong ibubuyangyang.
Aking supling, ngayon ako‟y nasa kaluwalhatian.
Ngayon, ako‟y ganap na asawa.
22
Hindi na isang nobya, kundi isang ina.
Maging maringal, aking supling na ninanasa.
Maging mapagmalaki kaparis ng aking pagmamalaki.
Ika‟y magbunyi kaparis ng aking pagbubunyi.
Ika‟y irugin kaparis ng pagliyag na aking nadarama.
Anak, na ibinunga ng pag-ibig ng matipunong kabiyak.
Sa wakas, ako‟y kahati ng kaniyang puso, ina ng kaniyang unang anak.
Ang kaniyang kaluluwa‟y ligtas sa iyong pag-iingat,
Aking supling, ako, ako na sadyang sa iyo‟y humulma.
23
Samakatuwid, ako‟y minahal.
Samakatuwid, ako‟y lumigaya.
Samakatuwid, ako‟y kapilas ng buhay.
Samakatuwid, ako‟y nagtamasa ng dangal.
Iingatan mo ang kaniyang libingan kung siya‟y nahimlay.
Tuwinang gugunitain yaring kaniyang palayaw.
Aking supling, mananatili siya sa iyong panambitan,
Walang wakas sa kaniya‟y daratal mula sa pagsibol ng „yong kabataan.
24
Ikaw ang kaniyang kalasag at sibat, pag-asa‟t kaligtasan sa hukay.
Sa iyo, siya‟y muling mabubuhay tulad ng suwi sa kalupaan.
At ako ang ina ng kaniyang panganay.
Ika‟y mahimbing, supling ng leon, nyongeza‟t nyumba.
Ika‟y mahimbing,
Ako‟y wala nang mahihiling.
25
26
27
Ibigay ang iyong pananaw ukol dito?
28
Open Ended
Magbigay ng salita na sumisimbolo sa isang ina.
29
30
Multiple Choice
1. Ang paksa ng tulang "Hele ng Ina sa Kaniyang Panganay" ay tungkol
sa_________.
A. pag-aalala ng ina sa kanyang anak.
B. pag-aaruga ng ina sa kanyang anak.
C. pagmamalaki ng ina sa kanyang anak
D. pagmamahal at paghahangad ng magandang kinabukasan para sa
anak.
31
Multiple Choice
2. Ang tulang ito ay nasa anyong___________.
A. berso blangko
B. malayang taludturan
C. tradisyunal
D. walang sukat, may tugma
32
Multiple Choice
3. Magiging kamay ito ng madirigma, aking anak
Kamay na mapagpapasaya sa iyong anak. Ano ang kahulugan nito?
A. Magiging sundalo ang anak
B. Ang kahihinatnan ng anak ay dahil sa ginawa ng magulang
C. Dapat sumunod sa mga magulang upang sila ay maging masaya
D. Ipinagmamalaki ng magulang ang anak na nagkaroon ng magandang
kinabukasan at naging mabuting mamamayan
33
Multiple Choice
4. Mangusap ka, aking musmos na supling,
Ang iyong mga kamay na humahaplos sa akin
Na puno ng tibay at tatag bagaman yari‟y munsik. Ito ay nangangahulugang?
A. Lubos ang pagmamahal ng ina sa anak
B. Ang anak ay umaaasa lamang sa mga magulang
C. Siya ay nagpapakita na ng katatagan kahit na siya ay bata pa
D. Ang haplos ng pagmamahal ng isang anak ang makapagbibigay ng
katatagan sa kanya
34
Multiple Choice
5. Mangusap ka, aking sanggol na sinisinta
Mangusap ka sa iyong namimilog at nagniningning na mga mata
Wangis ng mata ng bisirong-toro ni Lupeyo. Nangangahulugang itong?
A. Inilalarawan ang hitsura ng sanggol
B. Nais kausapin ng ina ang kanyang anak
C. Ang mga mata ng sanggol ay tulad ng bisirong-toro ni Lupeyo
D. Ang kanyang sanggol ay nangungusap sa pamamagitan ng kanyang
magandang mata
By Ana Mae Santos
Show answer
Auto Play
Slide 1 / 34
SLIDE
Similar Resources on Wayground
30 questions
Ortografía
Presentation
•
10th Grade
25 questions
Landeskunde: Deutschland und Österreich
Presentation
•
9th - 10th Grade
29 questions
Properties of Water Part 2
Presentation
•
10th Grade
26 questions
2.1 C, D The Nature of Matter
Presentation
•
10th Grade
29 questions
Adjunto adnominal e complemento nominal
Presentation
•
11th Grade
27 questions
Pre-song story: No lo tengo
Presentation
•
9th - 10th Grade
27 questions
Covalent Nomenclature
Presentation
•
10th Grade
24 questions
Simple present - 2° série
Presentation
•
10th Grade
Popular Resources on Wayground
10 questions
How much do you know about our Portrait of an Eagle?
Quiz
•
10th Grade
10 questions
Fast Food Slogans
Quiz
•
6th - 8th Grade
21 questions
Continents and Oceans
Quiz
•
6th Grade
20 questions
Parts of Speech
Quiz
•
5th Grade
16 questions
Subject & Predicate
Quiz
•
5th Grade
25 questions
Multiplication Facts
Quiz
•
5th Grade
12 questions
Map Skills
Quiz
•
3rd Grade
22 questions
Continents and Oceans
Quiz
•
5th Grade
Discover more resources for World Languages
20 questions
Ser y estar
Quiz
•
9th - 10th Grade
20 questions
Preterite vs. Imperfect
Quiz
•
10th Grade
25 questions
Spanish Cognates
Quiz
•
7th - 12th Grade
14 questions
Hispanic / Latino Heritage Month
Presentation
•
9th - 12th Grade
20 questions
Ser vs. Estar
Quiz
•
10th Grade
17 questions
Spanish Adjective Agreement & SER
Quiz
•
9th - 12th Grade
18 questions
REFLEXIVE VERBS IN SPANISH
Quiz
•
9th - 12th Grade
10 questions
Exploring Hispanic Heritage Month
Interactive video
•
6th - 10th Grade