

AP 6-4.2 Martial Law
Presentation
•
Other
•
6th Grade
•
Medium
Angelie Chua
Used 6+ times
FREE Resource
49 Slides • 17 Questions
1
AP 6-4.2 Martial Law
By Angelie Chua
2
Multiple Choice
Nakailang termino si Pangulong Marcos bago niya ideklara ang batas militar?
isa
dalawa
tatlo
3
Multiple Choice
Ano ang tawag sa sobrang gastusin ng pamahalaan kaysa sa kita nito?
budget expense
budget plan
budget deficit
4
Multiple Choice
Saang paaralan naganap ang Diliman commune?
Unibersidad ng Pilipinas
Unibersidad ng Ateneo
Unibersidad ng Manila
5
Multiple Choice
Sinong senador ang nagbunyag sa sinasabing planong pagdeklara ng batas militar ni pangulong Marcos?
Juan Ponce Enrile
Benigno Aquino
Eduardo Quintero
6
Multiple Choice
Ano ang tinawag ng senador sa nasabing plano ni pangulong Marcos?
Oplan Virgo
Oplan Gemini
Oplan Sagittarius
7
Multiple Choice
Sino ang nagbunyag na sinuhulan siya ni Imelda Marcos para sa halalan tungkol sa pagbabago ng mga batas?
Juan Ponce Enrile
Benigno Aquino
Eduardo Quintero
8
Multiple Choice
Ito ang naging huling dahilan kung bakit idineklara ang batas militar sa ating bansa.
Pananambang kay Juan Ponce Enrile
Pagpatay kay Benigno Aquino
Pagpapakulong kay Eduardo Quintero
9
Multiple Choice
Anong proklamasyon ang pinirmahan ni Marcos na siyang nagsasaad na ang bansang Pilipinas ay nasa ilalim ng batas militar?
Proclamation No. 1081
Proclamation No. 1000
Proclamation No. 1018
10
Multiple Select
Ano-ano ang kaagad na nangyari pagkatapos magdeklara ng batas militar. (Pumili ng 3 sagot)
Inaresto ang mga kasapi ng oposisyon
Ipinasara ang mga pahayagang
Nagsagawa ng Edsa People Power I ang mga Pilipino
Inaresto ang mga mamamahayag na Kritiko ng pangulo
11
Open Ended
Bakit naging matagumpay ang unang bahagi ng deklarasyon ng batas militar?
12
Mga pagbabago sa lipunan dulot ng Batas Militar
*Pagbabagong Pampolitika
*Pagbabagong Pang-ekonomiya
13
Mga pagbabago sa lipunan dulot ng Batas Militar
Ang pagdedeklara ng batas militar sa bansa ay nagbigay-daan kay Pangulong Marcos para ilunsad ang “Bagong Lipunan.” Ito ang kaniyang idea ng lipunang Pilipino na nais niyang makamit sa pamamagitan ng batas militar. Sa bagong lipunan, nais ni Pangulong Marcos na mawaksi ang kahirapan at magkaroon ng pagkakapantay-pantay, mawala ang pagkagutom, matigil ang katiwalian, pairalin ang katotohanan, mahinto ang karahasan at magkaroon ng kapayapaan. Ang mga layuning ito ang inihayag ni Pangulong Marcos na makakamit sa ilalim ng pagbabagong pampolitika na kaniyang ginawa. Ngunit sa paglipas ng panahon, marami sa mga mithiin niyang ito ang hindi naganap.
14
Pagbabagong Pampolitika
15
Sa bisa ng Letter of Instruction 1 ay ipinasara at kinumpiska ang pinagkukunan ng impormasyon ng mamamayan tulad ng mga pahayagan, radyo, at telebisyon. Kalaunan, ang hakbang na ito ni Marcos ay naging daan sa pag-usbong ng mga tinatawag na mosquito press. Ito ay mga pahayagang lihim na nagbabalita ng kalagayan ng bansa na hindi karaniwang nalalaman ng mga Pilipino dahil sa pagkontrol ng pamahalaan sa midya.
16
Nakulong din ang mga kilalang kritiko ni Pangulong Marcos na mga politiko at mamamahayag. Tinatayang 30 000 ang naipakulong ni Pangulong Marcos na mga kalaban sa politika pagsapit ng 1975. Naipasara rin ng Pangulo ang dalawang kapulungan ng Kongreso. Natigil at nanahimik ang mga tumutuligsa sa pamahalaan. Napasakamay ni Pangulong Marcos ang kapangyarihang lehislatibo o ang kapangyarihang gumawa ng batas na dating nasa kamay ng Kongreso.
17
Ang mga deklarasyon ni Pangulong Marcos ang nagsilbing batas ng bansa. Sa kasong Planas kontra Commission on Elections, kinuwestiyon ang legalidad ng pagpapatawag ng isang plebisito para sa ratipikasyon ng Saligang Batas ng 1973. Bilang tugon ay hindi tinuloy ni Pangulong Marcos ang plebisito at sa halip ay nagpatawag ng citizen’s assemblies na nagpatibay sa bagong Saligang Batas noong ika-15 ng Enero 1973. Noong ika-17 ng Enero ay nakatakda ang pagdinig sa Korte Suprema para kuwestiyunin ang hakbang na ito ni Pangulong Marcos. Ngunit noong araw ding iyon ay inilabas ang Proclamation 1102 na nagdedeklara ng ratipikasyon ng Saligang Batas ng 1973. Kaya naman ay ibinasura ang petisyon na kumukuwestiyon sa legalidad ng hakbang na ito ni Pangulong Marcos.
18
Bagama’t sa pananaw ng karamihan ng mga hukom ng Korte Suprema ay mayroong iregularidad sa proseso ng ratipikasyon ng Saligang Batas ng 1973 ay sinabi rin nito na tanging ang taumbayan lamang ang may kakayahang tukuyin kung tinanggap ba nila ang bagong Saligang Batas at hindi ang korte. Kaya naman pinagtibay ng desisyong ito ang legalidad ng bagong Saligang Batas at ang pamumuno ni Pangulong Marcos.
19
Siyam na taon. Tinanggal ni Pangulong Marcos ang pag-iral ng batas militar sa bansa noong 1981 dahil na rin sa pagbisita noon ni Santo Papa Juan Pablo II. Ang pagbisitang ito ay nakitang pagkakataon ng pamahalaan para maipakita sa mundo na ang Pilipinas ay may maayos at matiwasay na pamamahala. Ang pag-alis ng batas militar ay para masiguro nila na pauunlakan ng Santo Papa ang imbitasyon ng pamahalaan.
20
Naging makapangyarihan din sa panahong ito si Unang Ginang Imelda Marcos. Itinalaga siya ni Pangulong Marcos bilang gobernador ng bagong tatag na Metro Manila at Ministro ng Human Settlement. Sa katunayan, inilarawan ni Primitivo Mijares, isang dating mamamahayag na naging malapit kay Pangulong Marcos, ang pamumuno ng mag-asawang Marcos bilang “Conjugal Dictatorship” o diktadura ng mag-asawa.
21
Pagsapit ng 1973 ay tuluyan nang pinalitan ang Saligang Batas ng 1935. Sa ilalim ng bagong Saligang Batas ng 1973 ay namuno si Pangulong Marcos bilang isang diktador. Nanungkulan siya kapuwa bilang punong ministro at pangulo ng bansa. Nanatili pa ring si Marcos ang bumubuo ng mga batas sa bansa sa pamamagitan ng mga presidential decree (PD). Tinatayang nakapaglabas si Pangulong Marcos ng nasa 1 900 presidential decree at 890 executive order. Naglabas din si Marcos ng mga letters of instructions (LOI) at general orders (GO). Ang GO No. 2, halimbawa, ay nag-uutos ng pag-aresto sa mga taong magkikilos-protesta laban sa pamahalaan.
22
Ang kapangyarihang hawak ni Marcos ay nagbigay-daan sa kaniya para magawa ang kaniyang mga naisin. Ginamit ni Marcos na instrumento ang pagpapatayo ng mga imprastruktura para mapalawig ang kaniyang impluwensiya. Nakinabang nang husto sa mga imprastruktura ang balwarte ni Marcos na Ilocos Norte at ang balwarte ng kaniyang asawa na Leyte. Kabaligtaran naman ang nangyari sa mga lugar na kilalang balwarte ng mga kalaban ni Marcos sa politika.
23
Ayon sa pagsusuri ng political scientist na si Alexander Magno, maraming proyekto si Marcos ang maituturing bilang white elephant (Ito ay tumutukoy sa mga proyektong nangangailangan ng malaking halaga para mabuo ngunit halos hindi naman nagamit o walang silbi.). Isang halimbawa na rito ang pagtatayo ng San Juanico Bridge. Noong mga panahong iyon ay pinagduduhan ang kahalagahang pang-ekonomiya ng pagtatayo nito na nagdudurugtong ng mga lalawigan ng Samar at Leyte. Umutang ang pamahalaan ng $22 milyon para pondohan ang konstruksiyon ng naturang tulay.
24
Isa pang halimbawa ng proyektong maituturing na white elephant ay ang Manila Film Center na itinayo para pagdausan ng kauna-unahang Manila International Film Festival noong 1982. Ngunit sa kasamaang palad, habang ginagawa ang naturang gusali ay gumuho ito noong ika-17 ng Nobyembre 1981 na naging dahilan ng pagkasawi ng 168 tao. Sa kabila ng insidente, tinapos pa rin ang konstruksiyon at nagamit para sa film festival. Paglipas ng panahon ay napabayaan ang gusaling ito.
25
Bagama’t may mga proyektong itinuring na kontrobersiyal, may ibang proyekto sa panahon ni Marcos na napakinabangan ng mga mamamayan. Kabilang dito ang pagtatayo ng Light Rail Transit (LRT), North Luzon Expressway (NLEX) at South Luzon Expressway (SLEX), at ang mga ospital tulad ng National Kidney and Transplant Institute (NKTI), Lung Center of the Philippines, at Philippine Heart Center. Pinangunahan naman ni Imelda Marcos ang pagtatayo ng mga gusali at ahensiya na may kinalaman sa pagpapaunlad ng sining tulad ng Cultural Center of the Philippines, Folk Arts Theatre, Philippine International Convention Center, at Philippine High School for the Arts.
26
Ayon sa historyador na si Patricio Abinales, sa unang bahagi ng batas militar ay nagkaroon ng pagbabago sa ekonomiya kung ihahambing sa mga nakalipas na panahon. Nagbunga ng maganda ang mga programang pang-agrikultura ng pamahalaan. Lumago ang produksiyon ng palay, asukal, at niyog. Ang huling dalawang produkto ang iniluluwas ng bansa. Nagpatupad din si Pangulong Marcos ng programa ng reporma sa lupa. Ngunit hindi naglaon ay lumabas din ang limitasyon dito ng mga patakaran ni Pangulong Marcos. Ang kautusang ibigay sa mga magsasaka ang mga lupa ay limitado lamang sa mga lupang ang tanim ay palay. Ito ay dulot na rin ng impluwensiya ng ilang may-ari ng lupa tulad ng mga nagtatanim ng asukal na sumusuporta kay Pangulong Marcos. Kaya naman hindi lahat ng mga magsasaka ay tunay na nakinabang sa patakarang ito dahil ang iba ay nagtatanim lamang ng ibang produkto.
27
Pagbabagong Pang-ekonomiya
28
Para sa mga kritiko, ang rehimeng Marcos ay isang pamahalaan na itinatag para magnakaw sa kaban ng bayan. Patunay umano rito ang paglobo ng halaga ng ari-arian ng pamilya Marcos na tinatayang umabot sa $10 bilyon noong 1986 mula sa P30 000 lamang noong 1966. Ipinagpatuloy rin ni Pangulong Marcos ang pangungutang ng malaking halaga sa ibang bansa o sa mga internasyonal na ahensiya tulad ng World Bank (WB) at International Monetary Fund (IMF) para pondohan ang ilan sa kaniyang mga ambisyosong proyekto. Ngunit sa kasamaang palad, malaking bahagi ng inutang ay napupunta lamang sa katiwalian.
29
Ang isa pang patunay sa akusasyon na nagpayaman lamang si Pangulong Marcos at kaniyang mga kaalyado ay ang pagkakaroon ng tinatawag na crony capitalism. Tumutukoy ito sa pagkontrol ng mga crony o kaibigan at kamag-anak ni Pangulong Marcos sa ilang mahahalagang industriyang pang-ekonomiko ng bansa. Ang mga crony na ito ay mayroong monopolyo sa negosyo at nakakautang din nang malaki sa pamahalaan. Sa katunayan, nang bumagsak ang negosyo ng ilang kompanyang hawak ng mga crony noong unang bahagi ng dekada 1980, isinalba sa pagkalugi ang mga ito ni Pangulong Marcos gamit ang pera ng taumbayan.
30
Ipinagpatuloy pa rin ni Pangulong Marcos ang pangungutang sa ibang bansa dulot na rin ng mababang interes na kasama nito. Tinatayang ang $4.1 bilyon na utang ng bansa noong 1975 ay lumobo sa $24.4 bilyon noong 1982. Ayon sa pagsusuri ng ekonomistang si Emmanuel de Dios, nakatulong ang labis na pangungutang ni Marcos para mapalago ang ekonomiya noong mga unang taon ng batas militar. Ngunit ito rin ang naging malaking salik para sa pagbagsak ng ekonomiya ng bansa kalaunan. Sa katunayan, bagama’t umabot sa 9% ang Gross Domestic Product (GDP) ng bansa mula 1973–1976, bumagsak naman sa isang recession ang ekonomiya pagdating ng mga huling taon ni Pangulong Marcos sa puwesto. Ito ang pinakamatinding pagbagsak ng ekonomiya ng bansa mula nang matapos ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig.
31
"Golden age of Philippine economy"
Ayon sa mga datos na ito ay tila kabaligtaran pa nga ang naranasan ng mga Pilipino pagdating sa aspektong pang-ekonomiko. Tinatayang 6 sa bawat 10 pamilyang Pilipino ang maituturing na mahirap sa pagtatapos ng panunungkulan ni Pangulong Marcos. Batay pa rin sa pag-aaral ng website, mas naging mahirap ang mga magsasaka at mga manggagawa kung pagbabatayan ang halaga ng kanilang kita bago ideklara ang batas militar at nang magwakas ang pamamahala ni Pangulong Marcos. Tumaas din nang husto ang presyo ng mga pangunahing bilihin ng kada pamilyang Pilipino. Sa katunayan, ang mga produktong nagkakahalaga ng P100 noong 1976 ay nagkakahalaga na ng P350 pagsapit ng 1986. Ayon sa kongklusyon ng pag-aaral ng ekonomistang si JC Punongbayan, kasama si Kevin Mandrilla, halos dalawang dekada ang nawala sa kaunlaran ng bansa dahil sa mga polisiyang pang-ekonomiya na ipinatupad ni Pangulong Marcos. Ibig sabihin, 20 taon pa ang binilang ng mga Pilipino para lang mabawi ang pag-unlad ng ekonomiya mula nang ito ay bumagsak noong 1982.
32
Ano-ano ang mga naging pagbabagong pampolitika at pang-ekonomiya?
Some text here about the topic of discussion
33
Multiple Choice
Mas naging makapangyarihan si Pangulong Marcos noong niratipikahan ang Saligang batas ng 1973.
tama
mali
34
Multiple Choice
Ang batas militar ay nagtagal ng limang taon sa ating bansa sa ilalim ng panunungkulan ni pangulong Marcos.
tama
mali
35
Multiple Choice
Itinalaga si Imelda Marcos ni Pangulong Marcos bilang gobernador ng bagong tatag na Metro Manila at Ministro ng Human Settlement.
tama
mali
36
Multiple Choice
Ang White Elephant ay tumutukoy sa mga proyektong nangangailangan ng malaking halaga para mabuo ngunit halos hindi naman nagamit o walang silbi.
tama
mali
37
Multiple Choice
Umangat ang ekonomiya ng Pilipinas matapos ang panunungkulan ni Pangulong Marcos.
tama
mali
38
Multiple Choice
Ang Crony capitalism ay tumutukoy sa pagkontrol ng mga kaibigan at kamag-anak ni Pangulong Marcos sa ilang mahahalagang industriyang pang-ekonomiko ng bansa.
tama
mali
39
Multiple Choice
Lumaki ng husto ang utang ng Pilipinas matapos ang panunungkulan ni Pangulong Marcos.
tama
mali
40
Ang mga Pagtugon at Pagtutol sa Batas Militar
41
Jose Diokno- isang senador at isa sa mga unang pinaaresto.
42
Jovito Salonga- kasapi ng Partido Liberal na tumutuligsa kay Pangulong Marcos.
43
Edgar Jopson- Lider-estudyante ng Ateneo de Manila University.
44
Lino Brocka- mahusay na direktor ng bansa mula noong dekada 1970.
45
Macli-ing Dulag- pinuno ng tribu ng Butbut sa Bugnay sa lalawigan ng Kalinga.
46
Eugenio Lopez, Jr- anak ni Don Eugenio Lopez. Ang may-ari ng Meralco, ABS-CBN at Manila Chronicle.
47
Emmanuel Lacaba- isang makata, manunulat, at guro..
48
Benigno "Ninoy" Aquino, Jr.- pinakamahigpit na kalaban ni Pangulong Marcos sa Politika.
49
Mga Samahang tumutol sa Diktadurang Marcos
50
New People's Army
Ang Communist Party of the Philippines (CPP) itinatag noong ika-26 ng Disyembre 1968 sa pamumuno ni Jose Maria Sison. Si Sison ay isang batang propesor at dating kaanib ng Partido Komunista ng Pilipinas. Noong ika-29 ng Marso 1969, pinangunahan ni Sison at ni Bernabe Buscayno, ang pagtatag ng armadong samahan tinawag na New People’s Army (NPA). Isa ito sa ginawang dahilan sa pagdedeklara ng batas militar ngunit nagpalakas lamang ito ng puwersa.
Subject | Subject
Some text here about the topic of discussion
51
Moro National Liberation Front (MNLF)
Ang layunin ng MNLF ay ang pagsasarili ng buong Mindanao. Itinatag ni Nuruladji “Nur” Misuari, isang guro sa UP, ang MNLF noong 1972. Nagkaroon ng madugong engkuwentro ang MNLF at mga sundalo sa Zamboanga, Tawi-Tawi, Cotabato, at Sulu.
Subject | Subject
Some text here about the topic of discussion
52
Free Legal Assistae Group (FLAG)
Ito ay itinatag sa pangunguna ni dating senador Jose Diokno, Lorenzo Tanada, at Joker Arroyo. Layunin ng FLAG na ipagtanggol ang mga bilanggong politikal sa korte. Sila ay nagbibigay ng pagsasanay sa mga paralegal para makatulong sa pagtatanggol sa maraming nakakulong noong panahon ng batas militar.
Subject | Subject
Some text here about the topic of discussion
53
Task Force Detainees of the Philippines
Ito ay itinatag noong Enero 1974 ng Association of Major Religious Superiors of the Philippines (AMRSP). Pinangunahan ito ng Amerikanong si Fr. Mel Brady na kalaunan ay hinalinhan ni Sr. Mariani Dimaranan. Pangunahing layunin ng samahan ay mangalap ng datos at tulungan ang mga biktima ng pang-aabuso sa karapatang pantao.
Subject | Subject
Some text here about the topic of discussion
54
Mga Paglabag sa Karapatang Pantao
55
Maraming naitalang paglabag sa karapatang pantao noong mga panahon ito. Ayon sa NAtional Historical Commission of the Philippines (NHCP), halos 50 000 indibidwal ang ilegal na inaresto at ikinulong mula nang ideklara ang batas militar. Ipinagbawal ang malayang pagpapahayag ng saloobin at ang mga pagtitipon at demonstrasyon. Ipinatupad ang curfew na naglimita sa pagkilos ng taumbayan.
56
Ayon sa datos ng Task Force Detainees of the Philippines na sinuri ng ABS-CBN Investigative and Research Group, tinatayang ang biktima ng paglabag sa karapatang pantao at nasa 9 079.
46.6 %- Mindanao
31.6%- Luzon
21.8- Visayas
57
Ang mga paraan ng paglabag sa karapatang pantao:
Pagkakulong- 5 044
Salvaging o pagpatay- 1 217
Massacre- 892
Higit sa isang uri ng pang-aabuso- 2 470
Desaparecidos- 352
58
TORTYUR: Human Rights Violations the Regime ni Michael Charleston Chua
Roland Simbulan
Satur Ocampo
Hilda Narciso, Judy Taguiwalo, Etta Rosales, at Fe Mangahas.
Primitivo Mijares
59
Ang pagwawakas ng Pamumuno ni Pangulong Marcos
60
Pagkamatay ni Ninoy
1980
Muling bumalik si Ninoy Aquino ng bansa upang kumbinsihin si Marcos na magtayo ng isang pamahalaan ng pagkakaisa.
Ika- 21 ng Agosto- Marcial Bonifacio ang ginamit niyang pangalan matapos kanselahin ng pamahalaan ang kaniyang pasaporte.
Aviation Security Command (AVSECOM) ang sumalubong kay Ninoy
Rolando Galman
Some text here about the topic of discussion
61
Pagkamatay ni Ninoy
Some text here about the topic of discussion
62
Snap Election
Pebrero 1986
Cory Aquino for President Movement
Ang ilang problema noong araw ng botohan ay ang mayroong naganap na bilihan ng boto. Nag walk-out rin ang ilang computer technician ng COMELEC dahil sa paniniwalang mayroong dayaan na nangyayari.
Iprinoklamang nanalo si Marcos-Tolentino, na hindi tinanggap ng maraming tao.
Some text here about the topic of discussion
63
Mapayapang Rebolusyon sa EDSA
Noong Enero pa lamang ay may plano na si Defense Minister Juan Ponce Enrile na magsawa ng kudeta laban sa pamahalaan ng Marcos.
Hindi ito natuloy dahil natuklasan ni Marcos ang plano.
Ika-22 ng Pebrero ay nagpunta sa Kampo Aguinaldo si Enrile at kinumbinsi niya si Heneral Fidel Ramos, ang AFP Vice Chief of Staff at pinuno ng Philippine Constabulary na sumama sa kaniya. Inihayag nila ang pagkalas sa administrasyon at kinilala si Cory Aquino bilang tunay na nahalal na pangulo.
Some text here about the topic of discussion
64
Mapayapang Rebolusyon sa EDSA
Radyo Veritas- estasyon na pagmamay-ari ng Simbahang Katoliko, ay nanawagan si Jaime Cardinal Sin, ang arsobispo ng Maynila, na protektahan ang mga puwersa nina Enrile at Ramos. Hindi nagtagal ay libo-libong tao ang nagtipon sa kahabaan ng Epifanio de los Santos Avenue (EDSA) upang sila ay protektahan.
Ika-26 ng Pebrero- nagkaroon ng sabay na panunumpa si Cory Aquino at Ferdinand Marcos bilang pangulo. Ngunit kinagabihan ay nilisan ng pamilya Marcos ang Malacanang at tumungo sa Hawaii.
Some text here about the topic of discussion
65
66
AP 6-4.2 Martial Law
By Angelie Chua
Show answer
Auto Play
Slide 1 / 66
SLIDE
Similar Resources on Wayground
54 questions
Eleutheran Adventurers 2024
Presentation
•
7th Grade
63 questions
DESARROLLO DE SISTEMAS
Presentation
•
KG
56 questions
EsP Week 1 & Week 2
Presentation
•
4th Grade
60 questions
123 Cours du lundi 1 février 2021
Presentation
•
7th Grade
64 questions
HIMPUNAN
Presentation
•
7th Grade
55 questions
Danial_10.10.21
Presentation
•
6th Grade
63 questions
Mida me nendes tundides teeme?
Presentation
•
4th - 5th Grade
67 questions
Mastery Test Review (Yay!)
Presentation
•
7th Grade
Popular Resources on Wayground
20 questions
"What is the question asking??" Grades 3-5
Quiz
•
1st - 5th Grade
20 questions
“What is the question asking??” Grades 6-8
Quiz
•
6th - 8th Grade
10 questions
Fire Safety Quiz
Quiz
•
12th Grade
20 questions
Equivalent Fractions
Quiz
•
3rd Grade
34 questions
STAAR Review 6th - 8th grade Reading Part 1
Quiz
•
6th - 8th Grade
20 questions
“What is the question asking??” English I-II
Quiz
•
9th - 12th Grade
20 questions
Main Idea and Details
Quiz
•
5th Grade
47 questions
8th Grade Reading STAAR Ultimate Review!
Quiz
•
8th Grade
Discover more resources for Other
20 questions
“What is the question asking??” Grades 6-8
Quiz
•
6th - 8th Grade
34 questions
STAAR Review 6th - 8th grade Reading Part 1
Quiz
•
6th - 8th Grade
20 questions
Context Clues
Quiz
•
6th Grade
36 questions
6th Grade Math STAAR Review
Quiz
•
6th Grade
20 questions
Figurative Language Review
Quiz
•
6th Grade
20 questions
6th Grade Reading Vocabulary STAAR Review
Quiz
•
6th Grade
76 questions
STAAR Mixed Review (Print Review)
Quiz
•
3rd - 7th Grade
23 questions
6th Grade Math Review
Quiz
•
6th Grade