
Edukasyon sa Pagpapakatao Module 4 (Day 1)
Presentation
•
Other
•
2nd Grade
•
Practice Problem
•
Easy
Ma. Belgar
Used 1+ times
FREE Resource
16 Slides • 34 Questions
1
Edukasyon sa Pagpapakatao Ikatlong Markahan - Modyul 4: Salamat sa Karapatang Tinatamasa Ko
March 6, 2023 (Day 1)
Inihanda ni:
Ma. Veronica B. Belgar
2
Alamin
Sa pagtatapos ng modyul na ito, inaasahan na makapagbabahagi ka ng pasasalamat sa pamamagitan ng pagkukuwento tungkol sa tinatamasa mong karapatan. Ang mga inihandang pagsasanay ay tiyak na makatutugon upang makamit ang layuning ito.
3
Subukin
I-click ang tsek (✓) kung ang bata sa bawat pahayag ay nagpapakita ng pagpapasalamat sa karapatang tinatamasa at ekis (X) naman kung hindi.
4
Multiple Choice
Gumawa ng card si Carlo para sa kanyang nanay at tatay dahil sa paghahanda ng mga ito para sa kanyang kaarawan.
5
Multiple Choice
Pinaghuhusay pang lalo ni Grace ang kanyang pag-aaral upang hindi masayang ang kanilang pagsasakripisyo.
6
Multiple Choice
Ipinagmamalaki ni Andrew ang kanyang mga magulang dahil sa pag-aalaga ng mga ito sa kanya.
7
Multiple Choice
Nagbigay si Amanda ng rosas sa kanyang guro dahil sa pagtuturo nito nang maayos sa kanila.
8
Multiple Choice
Hindi pinakikinggan ni Carl ang mga payo ng kanyang mga magulang.
9
Basahin ang sinasabi ng mga bata sa dayalogo.
10
Open Ended
Sino-sino ang mga bata sa dayalogo?
11
Open Ended
Ano-ano ang kanilang mga wika?
12
Open Ended
Sino kaya ang pinasasalamatan ng mga bata?
13
Open Ended
Bakit kaya sila nagpapasalamat?
14
Balikan
Basahin ang bawat sitwasyon.
I-click ang tamang sagot.
15
Multiple Choice
Araw-araw na pumasok si Mildred sa paaralan upang matuto siya ng mga dapat niyang matutunan sa buhay.Anong karapatan ang ipinapakita dito?
Magkaroon ng Pangalan
Makapaglibang
Makapag-aral
16
Multiple Choice
Tuwing Linggo ay namamasyal ang Pamilya Suarez kasama ang kanilang mga anak. Ito ay nagpapakita ng karapatang ________________
Magkaroon ng Pangalan
Makapaglibang
Makapag-aral
17
Multiple Choice
Ang bawat bata ay nakikilala sa kanilang pangalan.
Magkaroon ng Pangalan
Makapaglibang
Makapag-aral
18
Multiple Choice
Si Lucas ay lumaki sa bahay-ampunan. Hindi na niya nakilala ang kanyang tunay na magulang. Anong karapatan ang ipinagkait sa kanya?
Mabuhay
Makapaglibang
Magkaroon ng pamilyang mag-aaruga
19
Multiple Choice
Ang Pamilya Santos ang kumupkop kay Leila nang makita ng mga ito na siya ay palaboy-laboy sa kalsada. Anong karapatan ito?
Mabuhay
Makapaglibang
Magkaroon ng pamilyang mag-aaruga
20
Tuklasin
Basahin ang kuwento. Paano ipinakita ng bidang bata ang kanyang pasasalamat sa karapatang tinatamasa?
21
Salamat sa Karapatan
(ni: RG Arenas)
Biyernes ng hapon. Masayang-masayang umuwi si Josephine mula sa paaralan bitbit ang malaking star na papel na bigay ng kanyang guro. Nais niya itong ipakita sa kanyang ina.
22
Pagpasok pa lang ng pinto, “Nay, tignan po ninyo. Binigyan ako ni Teacher ng malaking star,” galak na bigkas ni Josephine.
“Aba, oo nga ano. Bakit ka nakakuha ng ganyang kalaking star?” tanong ng ina. “Nagprisinta po kasi ako na basahin ang liham pasasalamat ko inyo ni Tatay,” pagmamalaking sagot niya.
23
“May liham ka sa amin?” takang pagtatanong ng ina. “Opo. Sabi po ni Teacher, gumawa kami ng liham para sa mga taong nagbibigay sa amin ng aming mga karapatan. Kayo po iyon ni Tatay. Dahil mahal po ninyo ako. Nakakapag-aral po ako. Sinisigurado ninyo na malusog ako. Masaya po tayong nakatira sa tahanan natin. At higit sa lahat…teka nanay. May naaamoy po ako,” natigilang wika ni Josephine habang naaamoy ang niluluto ng kanyang ina.
24
“Oo, Josephine. Nagluto ako ng paborito mong Chicken Pork Adobo. Alam ko kasing pagod ka mula sa paaralan. Ang dami ninyo kayang pagsusulit ngayon,” natutuwang paliwanag ng ina. “Salamat po nanay. Hindi lang po ako busog sa pagmamahal pati na rin po sa masasarap na ulam,” at sabay na nagtawanan ang mag-ina habang yakap ang isa’t isa.
25
Multiple Choice
Paano nakuha ni Josephine ang malaking star na bitbit niya pag-uwi ng bahay?
sa pagkakaroon ng mataas na grado sa pagsusulit
sa pagkakapanalo sa isang paligsahan
sa pagbasa ng liham pasasalamat
26
Multiple Choice
Bakit sila pinagawa ng liham pasasalamat?
upang pasalamatan ang mga taong nagbibigay ng karapatan
upang pasalamatan ang mga mabubuting kalaro
upang pasalamatan ang mga kapitbahay
27
Multiple Choice
Para kanino ang liham na ginawa ni Josephine?
para sa mga kapitbahay
para sa mga magulang
para sa mga kapatid
28
Multiple Choice
Bakit kaya nagprisinta si Josephine sa pagbasa ng kanyang liham?
upang ipagmalaki ang kabutihan ng kanyang mga magulang.
upang makakuha ng malaking star
upang matuwa ang kanyang mga magulang
29
Multiple Choice
Sa paanong paraan pa maipapakita ng isang batang tulad mo ang pasasalamat sa mga karapatang tinatamasa?
sa pamamagitan ng pagiging mabuting bata
sa pamamagitan ng pag-aaral nang mabuti
lahat ng nabanggit
30
I-click ang puso kung ang karapatan ay iyong naranasan at tatsulok naman kung hindi.
31
Multiple Choice
Si Pedro ay naglalaro kasama ang kaniyang mga kaibigan.
32
Multiple Choice
Mahusay si Lee Roy sa pagpipinta at nais niya itong sanayin.
33
Multiple Choice
Madalas mag-away ang magkapatid na Dan at Rita.
34
Multiple Choice
Nagsisimba ang mag-anak ni Mang Ben tuwing Linggo.
35
Multiple Choice
Namamalimos ang batang si Lemuel upang makabili ng pagkain.
36
Sa nakaraang modyul ay natutunan mo na ang isang batang tulad mo ay may karapatan.
Ngayon naman, ating pag-aralan kung paano natin pasasalamatan ang karapatang ating tinatamasa. Ngunit bago iyan, subukin muna natin kung natatandaan mo pa ang iyong mga natutunan sa nakaraang modyul.
37
Basahin ang sumusunod na pangungusap.
I-click ang tsek (✓) kung ito ay tumutukoy sa karapatan mo bilang bata at ekis (X) naman kung hindi.
38
Multiple Choice
Si Lota ay lumaking malusog at matalino.
39
Multiple Choice
Masayang nag-aaral si Kaloy kasama ang kaniyang kaibigan.
40
Multiple Choice
Hinahayaan si Karla ng kaniyang magulang na maglaro at maglibang.
41
Multiple Choice
Si Rene ay nagtratrabaho sa murang edad.
42
Multiple Choice
Madalas makipag-away si Baldo sa kaniyang kaklase.
43
Basahin ang kuwento sa harap ng iyong kasama sa bahay.
Ang Galing Naman!
44
Masayang-masaya si Bella nang dumating mula sa paaralan. Niyakap at hinalikan niya ang kaniyang ina na kasalukuyang nagluluto.
“Inay, nakakuha po ako nang mataas na marka sa pagsusulit at napuri ako ng aking guro sa harapan ng aming klase”.
45
Tuwang tuwa ang ina ni Bella, “Binabati kita, anak. Ang galing mo naman! Sige magpalit ka ng damit at tayo’y kakain na”.
Nakita ni Bella na ang kaniyang nanay ay naghahanda ng masustansiyang pagkain para sa hapunan. Wow! “Ang sarap naman po niyan inay. Alam ninyo po talaga ang aking paborito! Maraming salamat po!”
46
Open Ended
Sino ang batang babae sa kuwento?
47
Open Ended
Bakit nagpapasalamat si Bella sa kaniyang ina?
48
Open Ended
Sino ang nagbibigay ng karapatan kay Bella?
49
Open Ended
Naranasan mo rin ba ang mga karapatang naranasan ni Bella?
50
Open Ended
Nagpapasalamat ka ba sa nagbibigay sa iyo ng iyong mga karapatan? Paano mo ito ginagawa?
Edukasyon sa Pagpapakatao Ikatlong Markahan - Modyul 4: Salamat sa Karapatang Tinatamasa Ko
March 6, 2023 (Day 1)
Inihanda ni:
Ma. Veronica B. Belgar
Show answer
Auto Play
Slide 1 / 50
SLIDE
Similar Resources on Wayground
43 questions
Ang Aking Paaralan
Presentation
•
1st Grade
46 questions
Lezione 07 Marzo 2024 FACDER
Presentation
•
1st Grade
52 questions
português - Termos da oração
Presentation
•
KG
50 questions
Q3 AGHAM ARALIN 9-11
Presentation
•
3rd Grade
47 questions
Regina Rene King
Presentation
•
3rd Grade
46 questions
Balik-aral para Mahabang Pagsusulit
Presentation
•
2nd Grade
41 questions
Retomada
Presentation
•
2nd Grade
40 questions
Concordância verbal
Presentation
•
KG
Popular Resources on Wayground
25 questions
The Ultimate College Knowledge Quiz
Quiz
•
8th Grade
20 questions
Math Review
Quiz
•
3rd Grade
15 questions
Fast food
Quiz
•
7th Grade
20 questions
Math Review
Quiz
•
6th Grade
20 questions
Context Clues
Quiz
•
6th Grade
20 questions
Inferences
Quiz
•
4th Grade
19 questions
Classifying Quadrilaterals
Quiz
•
3rd Grade
20 questions
Figurative Language Review
Quiz
•
6th Grade
Discover more resources for Other
30 questions
Multiplication Facts 1-12
Quiz
•
2nd - 5th Grade
20 questions
Cartoon Characters!
Quiz
•
KG - 5th Grade
12 questions
Summer Trivia
Quiz
•
1st - 5th Grade
17 questions
Natural Resources
Presentation
•
2nd Grade
39 questions
Arrays and Repeated Addition
Quiz
•
2nd Grade
10 questions
Memorial Day
Quiz
•
2nd - 5th Grade
20 questions
Multiplication facts 1-12
Quiz
•
2nd - 3rd Grade
10 questions
Movie Trivia
Quiz
•
KG - 2nd Grade