Search Header Logo
Q4_W2_Pagbása at Pagsusuri

Q4_W2_Pagbása at Pagsusuri

Assessment

Presentation

Other

11th Grade

Medium

Created by

Edgar Monte

Used 6+ times

FREE Resource

41 Slides • 55 Questions

1

Pagbasá sa at Pagsusuri ng

Iba’t ibang Teksto Tungo

sa Pananaliksik



Pagbibigay Kahulugan sa mga Konseptong Kaugnay ng Pananaliksik

2

Alamin

Kasanayang Pampagkatuto:

Nabibigyang-kahulugan ang mga konseptong kaugnay ng pananaliksik (Halimbawa: balangkas konseptuwal, balangkas teoretikal, datos empirikal, atbp.) (F11PT-IVcd-89)

3

Layunin:

A. Natutukoy ang kahulugan ng balangkas konseptwal, balangkas teoretikal, datos

empirikal, atbp.

B. Nakikilala ang mga konseptong kaugnay ng pananaliksik batay sa kahulugan

nitó.

C. Nagagamit ang konseptong kaugnay ng pananaliksik ayon sa kahulugan nitó.

4

Subukin






Panuto: Piliin ang tamang sagot.

5

Multiple Choice

Ang datos empirikal ay mga impormasyong nakalap mula sa kombinasyon ng dalawa o higit pang metodo ng pananaliksik na maaaring sa obserbasyon, pakikipanayam, at ekperimentasyon, o iba pang pamamaraan.

1

Datos Empirikal

2

Datos Numerikal

3

Sarbey

4

Talang Marhinal

6

Multiple Choice

Ito ay paglalarawan sa datos sa paraang patalatâ.

1

grapikal

2

narativ

3

tabular

4

tekstuwal

7

Multiple Choice

Paglalarawan ito sa datos gámit ang biswal na representasyon katulad ng line graph, pie graph, at bar graph.

1

grapikal

2

narativ

3

tabular

4

tekstuwal

8

Multiple Choice

Gumagamit ito ng estadistikal na talahanayan sa paglalarawan ng datos.

1

grapikal

2

narativ

3

tabular

4

ekstuwal

9

Multiple Choice

Ang konseptuwal na balangkas ay naglalaman ng konsepto ng mananaliksik hinggil sa pag-aaral na isinasagawa.

1

Datos Empirikal

2

Datos na Tekstwal

3

Balangkas Konseptuwal

4

Balangkas Teoretikal

10

Multiple Choice

Ang teoretikal na balangkas ay nakabatay sa mga umiiral na teorya sa iba’t ibang larang na may kaugnayan o repleksiyon sa layunin o haypotesis ng pananaliksik.

1

Datos Empirikal

2

Datos na Tekstwal

3

Balangkas Konseptuwal

4

Balangkas Teoretikal

11

Multiple Choice

Ito ay nababagay gamitin kung may dalawa o higit pang datos na magkahiwalay at ipinaghahambing.

1

Bar graph

2

Line graph

3

Pictograph

4

Pie graph

12

Multiple Choice

Ito ay nababagay gamitin kung nais ipakita ang pagbabago sa baryabol o numero sa haba ng panahon.

1

Bar graph

2

Line graph

3

Pictograph

4

Pie graph

13

Multiple Choice

Isang bílog na nahahati sa iba’t ibang bahagi upang maipakita ang pagkakaiba-iba ng bílang ng isang grupo ayon sa mga kategorya ng iyong pag-aaral.

1

Bar graph

2

Line graph

3

Pictograph

4

Pie graph

14

Multiple Choice

Ayon sa isang eksperto sa pananaliksik, ang sumusunod ay ilan lámang sa mga punto na maaaring gamitin sa paghahanda ng teoretikal na balangkas, maliban sa isa, alin ito?

1

Pagbabasá at pagbabalik-aral sa mga kaugnay na literatura ng iyong paksa

2

Pagtatalâ ng kabuoan at baryabol na maaaring makaapekto sa paksa

3

Pagsipat sa iba pang mga baryabol na kaugnay ng paksa

4

Pagwawalang-bahala sa pagtukoy sa pangunahing layunin ng paksa

15

II. Panuto: Ang sumusunod ay mga katangian ng balangkas konseptuwal at balangkas teoretikal. Isulat sa iyong sagutang papel ang BK kung ang pahayag ay tumutukoy sa Balangkas Konseptuwal at BT naman kung ito ay tumutukoy sa Balangkas Teoretikal.

16

Multiple Choice

Nakabatay sa mga konseptong may kaugnayan sa pangunahing baryabol ng pananaliksik.

1

BK

2

BT

17

Multiple Choice

Ito ay may focal point para sa dulog na gagamitin sa saliksik sa isang tiyak na larang upang masagot ang katanungan.

1

BK

2

BT

18

Multiple Choice

Ito ay ginagamit sa pagpapaunlad ng teorya.

1

BK

2

BT

19

Multiple Choice

Ito ay ginagamit upang subukin ang isang teorya.

1

BK

2

BT

20

Multiple Choice

Mahusay ang pagkakabuo, disenyo, at tinatanggap na.

1

BK

2

BT

21

Multiple Choice

Hindi pa tinatanggap ngunit isinasangguni ng manunulat batay sa suliranin ng pananaliksik na ginagawa.

1

BK

2

BT

22

Multiple Choice

Modelong binuo ng mananaliksik batay sa mga baryabol ng papel.

1

BK

2

BT

23

Multiple Choice

Mas malawak ang mga nilalatag na ida.

1

BK

2

BT

24

Multiple Choice

Mas tiyak ang mga idea

1

BK

2

BT

25

Pagbibigay-Kahulugan sa mga Konseptong Kaugnay ng Pananaliksik

26

​Ito ang mga konseptong pangwika na pag-uukulan nang pansin sa bahaging ito:

1. Balangkas Teoretikal – ay mga umiiral na teorya sa iba’t ibang larang o disiplina na subók na at may balidasyon ng mga pantas.

2. Balangkas Konseptuwal – ay mga konsepto o idea na tutugon sa baryabol ng pananaliksik na maaaring binuo ng mga mananaliksik

3. Datos Empirikal – ang mga datos mula sa resulta ng metodong ginamit sa pangangalap ng datos

27

Balikan

Panuto: Suriin ang ilang mga bahagi ng pananaliksik sa Filipino. Lagyan ng 1 ang Layunin, 2 ang Gámit, 3 ang Metodo, at 4 ang Etika ng pananaliksik.

28

Multiple Choice

Magsasagawa ang mga mananaliksik ng panayam at magbibigay rin ng

sarbey upang malaman ang naging epekto ng pandemya sa kanila.

1

1

2

2

3

3

4

4

29

Multiple Choice

Tutukuyin ang mga epekto ng COVID-19 sa mga kabataang mag-aaral.

1

1

2

2

3

3

4

4

30

Multiple Choice

Hihingi ng pahintulot sa mga magulang ng mga respondente bago gawin

ang mga panayam at pagbibigay ng sarbey.

1

1

2

2

3

3

4

4

31

Multiple Choice

Ang impormasyong makukuha sa saliksik ay makatutulong upang

matugunan ang mga positibo o negatibong epekto nitó sa mga kabataan.

1

1

2

2

3

3

4

4

32

Tuklasin

Panuto: Ngayon, nais kong basahin mo ang teksto sa ibaba. Pagkatapos ay sagutan sa iyong sagutang papel ang mga kasunod na tanong.

33

Edukasyon sa Gitna ng Pandemya

ni Jac Sarito

Isa sa kinahaharap ngayon ng bansa ay ang hamon ng muling pagsisimula ng klase sa Agosto 24, 2020 batay na rin sa isinaad ni Gng Briones, Kalihim ng Kagawaran ng Edukasyon.
Hati ang saloobin ng mga Pilipino hinggil sa naging panukala ng kalihim. May sumasang-ayon, may tumatanggi at umusbong ang maraming agam-agam at mga katanungan dahil sa muling pagbubukas ng klase sa kabila ng pandemya dulot ng COVID-19.

34

Sa kabila nito, naglahad ng mga solusyon ang Kagawaran ng Edukasyon upang maipakitang kakayanin ang hamon o suliraning ito. Inilatag ng kagawaran ang pagkakaroon ng iba’t ibang pamamaraan o modalities ng pagkatuto: Online Learning, Blended Learning, Modular Learning, telebisyon, at radyo, binigyang diin nila na hindi kailangan ang Face to Face Learning hangga’t hindi pa ito pinahihintulatan ng pamahalaan at hindi pa ligtas lalo na sa mga mag-aaral.

35

Bukod dito, upang mapanatili ang kaligtasan ng mga mag-aaral, guro at magulang sa enrollment o pagpapatala, nagbigay din ng iba’t ibang paraan ng pagpapatala katulad ng online enrollment, pagpapadala ng mensahe/text, pagtawag/call, at kung talagang hindi kakayanin ang mga naunang paraan saka lamang pupunta sa paaralan. Ito ay isasagawa batay sa ligtas na pamamaraan.

36

Habang papalapit ang klase, patuloy ang paghahanda ng mga guro, administrasyon at mga ahensya upang masiguro ang maayos na pagbubukas ng paaralan.

Sa kabila ng suliranin, may mga solusyon upang ang edukasyon ay sumulong, kailangan lamang ang pakikiisa upang ito ay maging matagumpay.

37

Open Ended

Ano ang suliranin sa teksto?

38

Open Ended

Pansinin ang mga nakadiin (bold) na salita, paano nito nabigyan ng solusyon ang suliranin?

39

​Suriin

Ayon kina Grant at Osaloon (2014) sa jornal ni Adom (2018), ang balangkas ay nagsisilbing ‘blueprint’ o gabay sa pananaliksik. Ito ay mahalagang bahagi ng pananaliksik upang matiyak ang landas na tinutungo habang ginagawa ang papel at maiwasan ang paglihis sa paksang napili. Ang balangkas na ito ay makatutulong sa mga mananaliksik bílang pundasyon ng tila binubuong gusali.

40

​Balangkas Teoretikal

Ang teoretikal na balangkas ay nakabatay sa mga umiiral na teorya sa iba’t ibang larang na may kaugnayan o repleksiyon sa layunin o haypotesis ng pananaliksik (Adom, 2018)

41

​Balangkas Teoretikal

Isinaad din ni Akintoye (2015) sa parehong jornal na mahalaga ang teoretikal na balangkas upang matulungan ang mananaliksik sa paghahanap sa angkop na dulog, analitikal na kaparaanan, at mga hakbangin ukol sa katanungan o layunin ng saliksik na ginagawa. Sa pamamagitan nitó mas binigyang-lalim at paglalapat ang ginagawang saliksik.

42

​Balangkas Teoretikal

Ayon kina Simon at Goes (2011), narito ang ilan sa mga punto na maaaring gamitin sa paghahanap ng teoretikal na balangkas:

43

1. Ang pagtukoy sa pangunahing layunin ng paksa

2. Alamin ang mga pangunahing baryabol ng ginagawang saliksik

3. Pagbabása at pagbabalik-aral sa mga kaugnay na literatura ng iyong paksa

4. Pagtatalâ ng kabuoan at baryabol na maaaring makaapekto sa paksa

5. Pagsipat sa iba pang mga baryabol na kaugnay ng paksa

44

6. Pagrerebisa ng saliksik habang idinadagdag ang salitang teorya

7. Pag-iisa-isa sa mga teoryang nasaliksik at kaugnayan nitó sa iyong papel

8. Pagtingin sa iba pang teorya na humahamon sa perspektibo ng napiling teorya

9. Pagsasaisip ng mga limitasyon ng napiling teorya

45

Isang halimbawa ng teorya ay Attachment Theory ni John Bowlby (1971) na ginamit sa pananaliksik na pinamagatang Mga Batas ukol sa Child Abuse ni Abadejos. Napili nila ang teorya sapagkat ito ang sumasagot sa baryabol nilang child abuse na pumapaksa sa pagkawalay sa ina bílang isang dahilan ng pagkakaroon ng pang-aabuso sa mga bata.

Kung iyong mapapansin, ang Attachment Theory na ginamit sa papel ay isang subok na teorya na kinikilala ng iba pang mga pantas. Ito rin ay sumasagot sa kung bakit nga ba nagkakaroon ng pang-aabuso sa baryabol na “child abuse”.

46

​Balangkas Konseptuwal

Ang konseptuwal na balangkas ay naglalaman ng konsepto ng mananaliksik hinggil sa pag-aaral na isinasagawa. Ito ang pangunahing tema at panuntunan ng pagsisiyasat. Ang nasabing balangkas ay ipinakikita sa isang paradigma ng pananaliksik na kailangan maipaliwanag nang maayos.

47

​Balangkas Konseptuwal

Isinaad naman nina Grant at Osanloo (2014) na ito ay naglalahad ng estruktura na nagpapakita kung paano binibigyang-kahulugan ng mananaliksik ang pilosopikal, epistemolohikal, metodolohikal, at analitikal ang kaniyang ginagawang pananaliksik (Adom, 2018).

48

​Balangkas Konseptuwal

Ito rin ay pinagsama-samang magkakaugnay na konsepto upang maipaliwanag o masagot ang haypotesis ng ginagawang saliksik (Imenda, 2014). Sapagkat ito ay magkakaugnay na konsepto, ito ay dapat na nakaayos sa lohikal na estruktura sa tulong ng larawan o biswal na nagpapakita ng pagkakaugnay ng mga idea (Grant at Osanloo, 2014).

49

​Balangkas Konseptuwal

Halimbawa, ang iyong paksa ay ukol sa “Mga Paraan sa Pag-iingat sa Kalikasan,” mula rito, ito ang iba’t ibang konsepto na nabuo ng mga mananaliksik upang masukat ang kanilang baryabol ukol sa “paraan sa pag-iingat”.

50

“Mga Paraan sa Pag-iingat sa Kalikasan”

media

Kung iyong susuriin, mapapansing nagtataglay ito ng IBA-IBANG konsepto upang matugunan ang baryabol o suliranin hinggil sa kalikasan. Totoong ang ilan dito ay mula sa kilalang batas o pantas ngunit ito ay ISINAMA sa iba pang konsepto at nabuo ng mananaliksik ang konseptong ito na ipinakikita sa dayagram.

51

media
media

52

​DATOS EMPIRIKAL

Ang datos empirical ay mga impormasyong nakalap mula sa kombinasyon ng dalawa o higit pang metodo ng pananaliksik (obserbasyon, pakikipanayam, at/o ekperimentasyon, atbp.). Ito ay dumadaan sa pagsusuri at maaaring mapatunayan na totoo o hindi, makabuluhan o hindi.

53

​TATLONG URI NG DATOS EMPIRIKAL

1. Tekstuwal. Paglalarawan sa datos sa paraang patalata.

Halimbawa:

Ayon sa UNESCO (2020) 87% o 1.5 bilyon na mag-aaral ang naapektuhan nang dahil sa 2019 Corona Virus sa buong mundo at 28 milyon naman ang naapektuhan sa Pilipinas.

54

2. Tabular. Paglalarawan sa datos gamit ang estadistikal na talahanayan..

media

55

3. Grapikal. Paglalarawan sa datos gámit ang biswal na representasyon katulad ng line graph, pie graph, at bar graph.

media

56

Pie Graph. Isang bílog na nahahati sa iba’t ibang bahagi upang maipakita ang pagkakaiba-iba ng bílang ng isang grupo ayon sa mga kategorya ng iyong pag-aaral.

media

57

Bar Graph. Maaaring gamitin kung may dalawa o higit pang datos na magkahiwalay at ipinaghahambing.

media

58

​Pagyamanin

PAGSASANAY A (Unang Linggo) Panuto: Basahin at suriing mabuti ang dalawang halimbawa ng Abstrak na nása ibaba. Pagkatapos ay sagutan sa iyong sagutang papel ang mga kasunod na tanong

59

​Mga Batas Ukol sa Child Abuse

Alynna Joyce S. Abadejos, Karl Cyrille D. Bello,

Stanley Lawrence B. Chua, at Katrina Ysabel L. Salita

*Ito ay ilang bahagi lamang ng kanilang pananaliksik.

Dalawang teorya ang pinagbasehan ng mga mananaliksik ukol sa sanhi ng mga pang-aabuso sa bata upang magabayan sila sa riserts na kanilang gagawin. Ang mga teoryang ito ay ang attachment theory at learning theory.

Nagmula ang dogma ng attachment theory kay John Bowlby (1971) noong ikalawang digmaang pandaigdig. Ayon sa kaniya, ang pagkawalay ng bata mula sa kaniyang ina sa unang limang taon ng kaniyang pagkabuhay ay maaaring magkaroon ng nakapipinsalang epekto sa emosyonal na aspekto ng bata na maaaring magbunga sa ilang sikolohikal at sosyal na problema sa kaniyang paglaki, kagaya ng pagkawala ng interes sa mga bagay-bagay at pagiging pabaya o delinkuwente.

60

​Mga Batas Ukol sa Child Abuse

Alynna Joyce S. Abadejos, Karl Cyrille D. Bello,

Stanley Lawrence B. Chua, at Katrina Ysabel L. Salita

Ang learning theory naman ay isang konsepto kung saan ang ugali ay nasusukat, o natutuhan sa pamamagitan ng pakikisalamuha ng isang indibidwal sa kalikasan at lipunan. Ayon kina Pavlov at Skinner, ang ugali ay nagmumula sa mga external stimuli o mga bagay na nararanasan ng isang indibidwal sa kaniyang paligid. Mula dito, napagtanto nila na kung ano ang hindi nakikita ng isang indibidwal ay hindi umiiral sa totoong buhay.

61

PAGSASANAY B (Unang Linggo)

Pananaliksik Ukol sa Depresyon at Pagkabahala

*Ito ay ilang bahagi lamang ng pananaliksik.

Ang mga karaniwang nagiging biktima ay ang mga mag-aaral sa kolehiyo subalit mayroon ring ilang nasa sekondarya. Isa sa mga tinitingnang dahilan sa mga insidenteng ito ay ang gami ng nagdudumga gawaing pang akademiko na naiipon sapagkat hindi binibigyang halaga ang oras. Karamihan sa mgamag-aaral ay pinipiling gawin ang sabay-sabay na mga gawain isang linggo bago ang itinakdang panahon o mas mababa pa sa isang linggo. Dahil dito, hindi nila maiwasang mabahala na kalauna’y maaaring magbunga ng depresyon. Bukod pa rito, ang mga problemang kinahaharap ng bawat isa ay hindi rin natinmaaaring isantabi. Ang bugso ng mga gawaing pang-akademiko, ang mga problemang kinahaharap sa pisikal, emosyonal, mental, pinansyal, at marami pang iba ay nakadaragdag ng posibilidad upang ang isang tao ay makaranas ng sinasabing depresyon. Datapwat, hindi dapat nating alisin sa ating pag-iisip na ang buhay ay tunay ngang punong-puno ng pagsubok. Mga pagsubok na maaaring magpalakas o maging dahilan ng ating pagbagsak

62

Open Ended

Ano ang balangkas na ginamit upang masagot ang suliranin o layunin ng pananaliksik?

Pagsasanay 1:

Pagsasanay 2:

63

Open Ended

Ipaliwanag ang iyong naging sagot.

Pagsasanay 1:

Pagsasanay 2:

64

​PAGSASANAY C (Ikalawang Linggo)

Panuto: Pumili ka ng isang suliranin o paksa sa ibaba. Mula sa napili mong suliranin magsaliksik ka ng mga teorya o pamamaraan upang mabigyan mo ito ng solusyon o lunas.

65

Open Ended

Question image

PAKSANG NAPILI: __________________

TEORYA o MGA KONSEPTONG NAPILI:_____

66

Isaisip

Batay sa iyong natutuhan sa ating talakayan, isulat mo ang sumusunod na aytem na may kaugnayan sa mga konsepto sa bawat hanay.

67

Multiple Choice

Ayon sa Department of Health, isang tao kada 13 segundo, o isang milyong katao taon-taon, ang namamatay dahil sa paninigarilyo.

1

Datos Empirikal

2

Balangkas Teoretikal

3

Balangkas Konseptuwal

68

Multiple Choice

Maaari rin itong kumuha ng mga modelo o mga teorya na aakma sa layunin ng pananaliksik.

1

Datos Empirikal

2

Balangkas Teoretikal

3

Balangkas Konseptuwal

69

Multiple Choice

Nakabatay sa mga konseptong may kaugnayan sa pangunahing baryabol ng pananaliksik..

1

Datos Empirikal

2

Balangkas Teoretikal

3

Balangkas Konseptuwal

70

Multiple Choice

Sa paglalarawan sa datos, maaaring gumamit ng biswal na representasyon katulad ng line graph, pie graph, at bar graph.

1

Datos Empirikal

2

Balangkas Teoretikal

3

Balangkas Konseptuwal

71

Multiple Choice

Ito ay mga teorya na magkakaugnay para sa proposisyon ng papel.

1

Datos Empirikal

2

Balangkas Teoretikal

3

Balangkas Konseptuwal

72

Multiple Choice

Isang modelo batay sa isang pag-aaral.

1

Datos Empirikal

2

Balangkas Teoretikal

3

Balangkas Konseptuwal

73

Multiple Choice

Ang line graph ay nababagay gamitin kung nais ipakita ang pagbabago sa baryabol o numero sa haba ng panahon.

1

Datos Empirikal

2

Balangkas Teoretikal

3

Balangkas Konseptuwal

74

Multiple Choice

Ito ay may focal point para sa dulog na gagamitin sa saliksik sa isang tiyak na larang upang masagot ang katanungan.

1

Datos Empirikal

2

Balangkas Teoretikal

3

Balangkas Konseptuwal

75

Multiple Choice

Ito ay nakabatay sa mga teoryang umiiral na subok at may balidasyon ng mga pantas.

1

Datos Empirikal

2

Balangkas Teoretikal

3

Balangkas Konseptuwal

76

Multiple Choice

Hindi pa tinatanggap ngunit isinasangguni ng mananaliksik batay sa suliranin ng pananaliksik na ginagawa.

1

Datos Empirikal

2

Balangkas Teoretikal

3

Balangkas Konseptuwal

77

Isagawa

Ang pananaliksik na ito na may paksang Ang Epekto sa Paggamit ng ICT sa Pagtuturo sa Senior High School sa Paliparan III Senior High School ay binigyan ng balangkas konseptuwal upang higit na maintindihan at malaman ang tutunguhin ng pag-aaral na ito.

78

Open Ended

Question image

Ano kayâ ang mga konseptong maaaring lamanin nito upang mabuo ang daloy ng konseptuwal na balangkas? Pumili ng sagot sa ibaba. Pagkatapos, isulat sa kahon ang tamang sagot.

A. Mga mag-aaral ng baitang 11 at 12 senior high school (respondente)

B. Paggamit at pagkatuto sa paggamit ng ICT

C. Estratehiya sa Pagtuturo

D. Guro

E. Mga Kagamitan sa ICT

79

​Tayáhin

A. Panuto: Ibigay ang hinihingi sa bawat bílang.!

80

Multiple Choice

Ito ay nagtataglay ng pinagsama-samang magkakaugnay na konsepto upang maipaliwanag o masagot ang haypotesis ng ginagawang saliksik.

1

Balangkas Konseptwal

2

Balangkas Teoretikal

3

Datos Empirikal

4

Tekstwal

5

Balangkas

81

Multiple Choice

Ito ay nakabatay sa teoryang umiiral na subok at may balidasyon ng mga pantas.

1

Balangkas Konseptwal

2

Balangkas Teoretikal

3

Datos Empirikal

4

Tekstwal

5

Balangkas

82

Multiple Choice

Impormasyong nakalap mula sa ginawang pangangalap ng datos.

1

Balangkas Konseptwal

2

Balangkas Teoretikal

3

Datos Empirikal

4

Tekstwal

5

Balangkas

83

Multiple Choice

Uri ng datos na patalata ang paraan ng paglalarawan.

1

Balangkas Konseptwal

2

Balangkas Teoretikal

3

Datos Empirikal

4

Tekstwal

5

Balangkas

84

Multiple Choice

Nagsisilbing “blueprint”o gabay ng pananaliksik

1

Balangkas Konseptwal

2

Balangkas Teoretikal

3

Datos Empirikal

4

Tekstwal

5

Balangkas

85

Panuto: Suriin ang bawat pahayag patungkol sa balangkas teoretikal, batayang konseptuwal, at datos empirikal. Isulat ang TAMA kung wasto ang pahayag at Mali naman kung hindi

86

Multiple Choice

Maaaring gumawa ng sariling estruktura upang mabuo ang balangkas konseptuwal.

1

TAMA

2

Mali

87

Multiple Choice

Katuwang ng mananaliksik ang balangkas teoretikal at konseptuwal upang masagot ang suliranin o maipaliwanag ang baryabol ng pananaliksik.

1

TAMA

2

Mali

88

Multiple Choice

Ang Pie Graph ay maaaring gamitin upang ipakita ang pagbabago sa paglipas ng panahon.

1

TAMA

2

Mali

89

Multiple Choice

Maaaring lumikha ng sariling teorya sa ginagawang pananaliksik

1

TAMA

2

Mali

90

Multiple Choice

Subók na ng mga pantas ang binubuong sariling balangkas konseptuwal ng mga mananaliksik.

1

TAMA

2

Mali

91

Multiple Choice

Ang balangkas konseptuwal ay ginagamit upang mapaunlad ang teorya.

1

TAMA

2

Mali

92

Multiple Choice

Ang bar graph ay nababagay gamitin kung may dalawa o higit pang datos na magkakahiwalay ay ipinaghahambing.

1

TAMA

2

Mali

93

Multiple Choice

Mahalagang maging tapat ng paglalahat ng datos empirikal batay sa naging resulat ng pananaliksik.

1

TAMA

2

Mali

94

Multiple Choice

Maaaring gawin ang pananaliksik nang hindi gumagamit ng balangkas.

1

TAMA

2

Mali

95

Multiple Choice

Ang mga konseptong pananaliksik ay nariyan upang maging gabay sa binubuong pananaliksik.

1

TAMA

2

Mali

96

Open Ended

Karagdagang Gawain

Sa iyong nabuong Balangkas Konseptuwal tungkol sa pananaliksik na Ang Epekto sa Paggamit ng ICT sa Pagtuturo sa Senior High School sa Paliparan III Senior High School gawin ang sumusunod:

1. Magtalâ ng mga kagamitan na may kaugnayan sa ICT ang ginagamit ng iyong guro sa patuturo.

2. Alin sa mga ito ang sa palagay mo ay nakutulong sa iyong pagkatuto?

3. Ilapat sa isang grapikong representasyon ang iyong sagot.

4. Buuan mo ng balangkas konseptuwal at teoretikal ang paksa ng pananaliksik. Ibatay ito sa inyong paaralan.

Pagbasá sa at Pagsusuri ng

Iba’t ibang Teksto Tungo

sa Pananaliksik



Pagbibigay Kahulugan sa mga Konseptong Kaugnay ng Pananaliksik

Show answer

Auto Play

Slide 1 / 96

SLIDE