

Q3W2A4- Pagbása at Pagsusuri
Presentation
•
Other
•
11th Grade
•
Medium
Edgar Monte
Used 2+ times
FREE Resource
41 Slides • 49 Questions
1
Aralin 4- Ang Pagsulat ng Ilang Halimbawa ng Iba’t ibang uri ng Teksto
By Edgar Monte
2
Kasanayang Pampagkatuto:
Nakasusulat ng ilang halimbawa ng iba’t ibang uri ng teksto.
(F11PU – IIIb –89)
Subject | Subject
Some text here about the topic of discussion
3
Layunin ng modyul na ito na matamo mo ang mga sumusunod na kasanayan:
1. Natutukoy ang mga elemento sa pagsulat ng tekstong impormatib,
deskriptib, at prosidyural
2. Nagagamit ang mga katangian ng isang mahusay na pagsulat ng tekstong
impormatib, deskriptib, at prosidyural
3. Nakasusulat ng halimbawang tekstong impormatib, deskriptib, at
prosidyural
Subject | Subject
Some text here about the topic of discussion
4
Subukin
Piliin ang tamang sagot.
Subject | Subject
Some text here about the topic of discussion
5
Multiple Choice
Ito ay paraan ng pagpapahayag na may layuning magpalutang ng mga
katangian ng isang tao, bagay, hayop, o lugar.
tekstong deskriptib
tekstong impormatib
tekstong persweysib
tekstong prosidyural
6
Multiple Choice
May layunin itong magbigay ng impormasyon, magpaliwanag nang malinaw
at walang pagkiling tungkol sa iba’t ibang paksa.
tekstong deskriptib
tekstong impormatib
tekstong persweysib
tekstong prosidyural
7
Multiple Choice
May __________ ang isang akda o talumpati kung naaakit ang nakikinig o
bumabasa na ipagpatuloy ang pakikinig o pagbasa. Ito’y kinakikitaan ng
diwang mahalaga.
diin
kalinawan
katiyakan
kaugnayan
8
Multiple Choice
Dapat na magkakaugnay ang diwa ng lahat ng sangkap ng pangungusap at
talata sa loob ng isang akda upang maging mabisa ang pagpapahayag.
diin
kalinawan
katiyakan
kaugnayan
9
Multiple Choice
Isang uri ng paglalahad na kadalasang nagbibigay ng impormasyon at
instruksiyon kung paano isinasagawa ang isang tiyak na bagay.
tekstong deskriptib
tekstong impormatib
tekstong persweysib
tekstong prosidyural
10
Multiple Choice
Kailangan ito dahil hindi mauunawaan ng bumabasa ang anumang pahayag
kung hindi malinaw ang paliwanag. Dapat isaisip na ang kakulangan nito sa
pagsulat ay maaaring magbunga ng di pagkakaunawaan.
diin
kalinawan
katiyakantekstong persweysib
kaugnayantekstong prosidyural
11
Multiple Choice
Ginagamit ang pananaw na ito sapagkat marapat na may lubos na
kaalaman ang mga mag-aaral sa paksa at ito’y palagi nilang nakikita at may
kaugnayan sa kanilang karanasan.
Pagbuo ng pangunahing larawan
Pagpili ng paksa
Pagpili ng sariling pananaw
Wastong pagpili ng sangkap
12
Multiple Choice
Ang ______________ ay matatamo kung malalaman ng nagpapaliwanag ang
kaniyang layunin sa pagpapaliwanag.
diin
kalinawan
katiyakan
kaugnayan
13
Multiple Choice
Higit na dapat bigyang-pansin ang _____________ sapagkat ito ang
magpapasya kung ipagpapatuloy ng bumabasa ang pagbasa sa isang
sulatin. Dapat ito’y makaakit sa kawilihan ng bumabasa.
katawan o pinakagitna
kongklusyon
simula
wakas
14
Multiple Choice
Sa bahaging ito natitipon ang lahat ng ibig sabihin ng sumusulat ng
paglalahad. Dapat magkaroon ng kaugnayan at kaisahan ang mga kaisipang
ipinahahayag upang hindi malito ang bumabasa.
katawan o pinakagitna
kongklusyon
simula
wakas
15
Multiple Choice
Ito ang bahagi ng paglalahad na nag-iiwan ng isang kakintalan sa isip ng
bumabasa. Katulad ng simula, ito ay maaaring isang parirala, isang
pangungusap, o isang talata.
katawan o pinakagitna
kongklusyon
simula
wakas
16
Multiple Choice
Ginagamit ang pananaw na ito sapagkat marapat na may lubos na
kaalaman ang mga mag-aaral sa paksa at ito’y palagi nilang nakikita at may
kaugnayan sa kanilang karanasan.
Pagbuo ng pangunahing larawan
Pagpili ng paksa
Pagpili ng sariling pananaw
Wastong pagpili ng sangkap
17
Multiple Choice
Tinutukoy nito ang pagtingin ng isang naglalarawan sa paksang kaniyang
inilalarawan.
Pagbuo ng pangunahing larawan
Pagpili ng paksa
Pagpili ng sariling pananaw
Wastong pagpili ng sangkap
18
Multiple Choice
Ito’y nangangailangan nang maingat at masusing pagmamasid. Ito ang
unang kakintalan ng paksang inilalarawan.
Pagbuo ng pangunahing larawan
Pagpili ng paksa
Pagpili ng sariling pananaw
Wastong pagpili ng sangkap
19
Multiple Choice
Dito ang mga sangkap na isasama ay tiyaking makatutulong sa
pagpapakilala ng kaibahan o katangian ng inilalarawan. Hindi dapat isama
ang napakaraming sangkap na walang kaugnayan sa inilalarawan.
Pagbuo ng pangunahing larawan
Pagpili ng paksa
Pagpili ng sariling pananaw
Wastong pagpili ng mga sangkap
20
Multiple Choice
Ang pangunahing larawan ay dapat mapalitaw sa pamamagitan ng
_____________________. Naiiba ang paglalarawan sa pagsasalaysay na
kailangang sunod-sunod ang pangyayari.
Maingat na pagsasaayos ng paksa
Pagpili ng paksa
Pagpili ng sariling pananaw
Wastong pagpili ng sangkap
21
Aralin 4- Ang Pagsulat ng Ilang
Halimbawa ng Iba’t ibang uri
ng Teksto
Some text here about the topic of discussion
22
Balikan
Tiyak kong may kasanayan ka na sa pagsulat. Bagaman pagsulat ang binibigyan natin ng pokus sa modyul na ito, may mga bago akong babasahin na inihanda para sa iyo upang lubos pang malinang ang iyong kasanayan sa pagsulat. Halina’t basahin at unawaing mabuti ang tekstong pinili ko para sa iyo.
Subject | Subject
Some text here about the topic of discussion
23
Ang Tugtugin o Musika Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensayklopedya
Ang tugtugin o musika ay uri ng sining na gumagamit ng tunog. Karaniwan, ang kanta ay tinuturing na pinakamaliit na gawang musika, lalo na tuwing mayroon itong kasamang pag-awit. Ang karaniwang sangkap ng musika ay pitch (na gumagabay sa melodiya at harmoniya), ritmo (at ang kaugnay nitong tempo, metro, at artikulasyon), dynamics, at lahat ng sonic na katangian ng timbre at tekstura. Ang salita ay hango sa salitang Griyego (mousike; "sining ng mga Musa"). Sa kaniyang karaniwang anyo ang mga gawaing naglalarawan sa musika bilang isang uri ng sining ay binubuo ng paggawa ng mga piyesa ng musika, ang kritisismo ng musika, ang pag-aral ng kasaysayan ng musika, at ang estetikang diseminasyon
ng musika.
24
Ang paglikha, pagganap, kabuluhan, at pati na rin ang kahulugan ng musika ay iba-iba depende sa kultura at panlipunang konteksto. Ang saklaw nito ay mula sa estriktong organisadong komposisyon (at ang pang-aliw na pagganap nito), sa pamamagitan ng improbisasyonal na musika, hanggang sa pormang aleatoric. Ang musika ay puwedeng hatiin sa mga genre at subgenre, pero ang mga dibisyon at relasyon sa pagitan ng mga kategorya ng musika ay madalas pino, minsan bukas
sa pansariling interpretasiyon, at paminsan-minsan kontrobersyal. Sa sining, ang musika ay puwedeng iuri bilang isang sining na itinatanghal, fine arts, at awditoryong sining. Ang musika ay puwedeng tugtugin at marinig ng pangkasalukuyan, at puwedeng maging bahagi ng isang dulaan o pelikula, at
maaari ding i-record.
25
Sa maraming tao sa iba’t ibang kultura, ang musika ay mahalagang bahagi ng pamumuhay. Ang musika para sa mga sinaunang Griyego at pilosopong Indiyano, ay mga tono na nakaayos pahalang ay melodiya, at patayo ay harmoniya. Mga pangkaraniwan na kasabihan katulad ng “ang kaayusan ng mga sphere” at “ito’y musika sa aking mga tainga” ay nagsasabi na ang musika ay kadalasang maayos at magandang pakinggan. Gayunman, ang ikadalawampung siglo na kompositor
na si John Cage ay may ideya na ang kahit anong tunog ay maaaring maging musika, sa pagsabi niya ng “walang ingay, kundi tunog.”
Sagutin sa ibaba ang mga katanungan.
26
Multiple Choice
Ano ang paksa ng tekstong iyong binasa?
awit
musika
pagguhit
sayaw
27
Multiple Choice
Ano kaya sa iyong palagay ang layunin ng manunulat sa pagsulat nito?
awitan ang mambabasa bilang sining
gumuhit ng larawan bilang sining
magbigay nang malinaw na kaalaman tungkol sa musika bilang sining
magpakita ng mga kakaibang sayaw bilang sining
28
Multiple Choice
Saan nakuha ang ang mga tala o impormasyon sa teksto?
almanac
diksyunaryo
magasin
esayklopidya
29
Multiple Choice
Ang teksto ay _______________.
nagbibigay-impormasyon
naglalarawan
nagpapaliwanag
lahat ng nabanggit ay tama
30
Multiple Choice
Paano inilahad ang mga datos na nakalap upang maging higit na makahulugan
ang paksa?
Ipinaliwanag
Inilarawan
Inisa-isa
Lahat ng nabanggit ay tama
31
Tuklasin
Marahil ay pamilyar ka sa 4 Pics 1 Word. Tuklasin sa mga larawan sa ibaba ang mga salitang tinutukoy nito. Ang bawat bilang ay tumutukoy sa iba’t ibang uri ng pagsulat.
Subject | Subject
Some text here about the topic of discussion
32
Fill in the Blanks
33
Fill in the Blanks
34
Fill in the Blanks
35
Fill in the Blanks
36
Fill in the Blanks
37
Fill in the Blanks
38
Suriin
Sa pagbuo ng tekstong impormatib, mahalagang isaalang-alang ang katumpakan ng nilalaman. Ang mga sumusulat nito ay kinakailangang may sapat na kaalaman sa paksa, kung kaya’t dapat sila ay may mga sangguniang pinagbabasehan.
Dagdag pa, ang sanggunian o pinagkukunan nila ng datos ay kailangang mapapagkatiwalaan at may kredibilidad. Makabubuti rin kung ang paksa ay napapanahon sapagkat ito ay maaaring makatulong upang maunawaan ng mambabasa ang mga isyu sa lipunan.
39
Suriin
Ang ilan sa mga halimbawa ng tekstong impormatib ay diksyunaryo,
ensayklopedya, almanac, pamanahong papel o pananaliksik, siyentipikong ulat, at mga balita sa pahayagan.
Narito naman ang mga katangian ng isang mahusay na pagsulat ng tekstong impormatib:
40
Kalinawan: Hindi mauunawaan ng nakikinig o bumabasa ang anumang pahayag kung hindi malinaw ang paliwanag. Dapat isaisip na ang kakulangan ng kalinawan ay maaaring magbunga ng di pagkakaunawaan.
Katiyakan: Ang katiyakan ay matatamo kung malalaman ng nagpapaliwanag ang kaniyang layunin sa pagpapaliwanag.
Diin: May diin ang isang akda o talumpati kung naaakit ang nakikinig o bumabasa na ipagpatuloy ang pakikinig o pagbasa. Ito’y kinakikitaan ng diwang mahalaga.
Kaugnayan: Dapat na magkakaugnay ang diwa ng lahat ng sangkap ng pangungusap at talata sa loob ng isang akda upang maging mabisa ang pagpapahayag.
41
Kalinawan: Hindi mauunawaan ng nakikinig o bumabasa ang anumang pahayag kung hindi malinaw ang paliwanag. Dapat isaisip na ang kakulangan ng kalinawan ay maaaring magbunga ng di pagkakaunawaan.
Katiyakan: Ang katiyakan ay matatamo kung malalaman ng nagpapaliwanag ang kaniyang layunin sa pagpapaliwanag.
Diin: May diin ang isang akda o talumpati kung naaakit ang nakikinig o bumabasa na ipagpatuloy ang pakikinig o pagbasa. Ito’y kinakikitaan ng diwang mahalaga.
Kaugnayan: Dapat na magkakaugnay ang diwa ng lahat ng sangkap ng pangungusap at talata sa loob ng isang akda upang maging mabisa ang pagpapahayag.
42
Kalinawan: Hindi mauunawaan ng nakikinig o bumabasa ang anumang pahayag kung hindi malinaw ang paliwanag. Dapat isaisip na ang kakulangan ng kalinawan ay maaaring magbunga ng di pagkakaunawaan.
Katiyakan: Ang katiyakan ay matatamo kung malalaman ng nagpapaliwanag ang kaniyang layunin sa pagpapaliwanag.
Diin: May diin ang isang akda o talumpati kung naaakit ang nakikinig o bumabasa na ipagpatuloy ang pakikinig o pagbasa. Ito’y kinakikitaan ng diwang mahalaga.
Kaugnayan: Dapat na magkakaugnay ang diwa ng lahat ng sangkap ng pangungusap at talata sa loob ng isang akda upang maging mabisa ang pagpapahayag.
43
Ano-ano ang mga bahagi ng tekstong impormatib?
Ang SIMULA higit na dapat bigyang pansin sapagkat ito ang magpapasya kung ipagpapatuloy ng bumabasa ang pagbasa isang katha. Dapat ito’y makaakit sa kawilihan ng bumabasa.
Sa bahaging KATAWAN O PINAKAGITNA naman ay natitipon ang lahat ng ibig sabihin ng sumusulat ng paglalahad. Dapat magkaroon ng kaugnayan at kaisahan ang mga kaisipang ipinahahayag upang hindi malito ang bumabasa.
44
Ang WAKAS ay ang bahagi ng paglalahad na nag-iiwan ng isang kakintalan sa isip ng bumabasa. Katulad ng simula, ang wakas ay maaaring isang parirala, isang pangungusap, o isang talata.
45
Ang paglalarawan o ang tekstong deskriptib ay ang pagpapahayag ng ating nakikita, naririnig, at nadarama.
Pangunahing layunin ng paglalarawan ay ang pagbuo ng isang malinaw na larawan sa isip ng mga mambabasa o tagapakinig.
Ang sumusulat ng isang paglalarawan ay maihahambing sa isang pintor na gumuguhit ng mga tanawin at mga larawan; kung ang pintor ay pinsel at pintura ang ginagamit, ang isang manunulat ng tekstong deskriptib naman na nagpapahayag ng pasulat o pasalitang paraan ay salita ang ginagamit upang ilarawan ang kaniyang paksa na maaaring masining o karaniwan.
Upang maging mabisa ang paglalarawan, ang mga sumusunod ay dapat isaalangalang
46
Maingat na pagpili ng paksa: Piliin ang paksang may lubos na kaalaman ang mga mag-aaral sapagkat ito’y palagi nilang nakikita at may kaugnayan sa kanilang karanasan.
Pagpili ng sariling pananaw: tinutukoy nito ang pagtingin ng isang naglalarawan sa paksang kaniyang inilalarawan.
Pagbuo ng isang pangunahing larawan: Ito’y nangangailangan nang maingat at masusing pagmamasid. Ito ang unang kakintalan ng paksang inilalarawan.
Ang tao at bagay, kakayahan, at ang naturang kakayahang ikinaiiba nito ay dapat na bigyang-diin na batay sa pagmamasid ng naglalarawan.
47
Wastong pagpili ng mga sangkap: Ang mga sangkap na isasama ay tiyaking makatutulong sa pagpapakilala ng kaibahan o katangian ng inilalarawan. Hindi dapat isama ang napakaraming sangkap na walang kaugnayan sa inilalarawan.
Maingat na pagsasaayos ng mga sangkap: Ang pangunahing larawan ay dapat mapalitaw sa pamamagitan nang maingat na pagsasama-sama ng mga sangkap.
Naiiba ang paglalarawan sa pagsasalaysay na kailangang sunod-sunod ang pangyayari kaya ang isang naglalarawan ay malayang pumili ng paraang sa palagay nya’y magiging mabisa sa pagbuo ng kakintalang nais niyang mapalitaw sa kaisipan ng bumabasa o nakikinig.
Piliin lamang ang mga sangkap na magiging kapansin-pansin at makapagbibigay nang malinaw na larawan.
48
Ang pagsulat ng paglalarawan ay nauuri sa dalawa;
Unang uri ay maaaring maging pangkaraniwan - ang uring ito’y nagbibigay lamang ng kabatiran sa inilalarawan, hindi ito naglalaman ng damdamin at kurokuro ng naglalarawan. Ang ibinibigay lamang nito ay ang karaniwang anyo ng inilalarawan ayon sa pangmalas na panlahat.
49
Sa halimbawang ito pansinin ang mga salitang matitingkad at may
salungguhit:
“Noong huli akong dumalaw sa tahanan ni Tiya Pilar sa lalawigan ay ganito rin ang ayos ng bakuran nila. Sariwa at malago ang mga halaman, naghuhunihan ang mga ibon sa sanga ng punong kahoy at nalalanghap sa hangin ang mabangong halimuyak ng bulaklak. Ang kanilang bahay sa loob ng bakod na mga alambreng may tinik ay halos wala pa ring ipinagbago. Naroon din ang mga hawla ng kanaryo na nagsabit sa bintana. Naroon din ang mga puno na may malalagong halamang nakahalayhay sa may pagpanhik ng hagdanan. Kaytulin ng mga araw! Isang buong taon na ang nakalipas ay parang hindi ko napansin.”
Mula sa: Amado V. Hernandez, Panata ni Pilar Quezon City: Ateneo de Manila University Press, 1969..
50
Ang ikalawang uri naman ng paglalarawan ay ang masining na paglalarawan: dito ang guniguni ng bumabasa ay pinagagalaw upang makita ang isang buhay na buhay na larawan. Naglalaman ito ng damdamin at pananaw ng sumulat. Ibinibigay niya ang isang buhay na larawan ayon sa kaniyang namalas at nadama.
51
Sa halimbawang ito:
“Si Ina ay hindi palakibo: siya ay babaeng bilang at sukat ang
pangungusap. Hindi niya ako inuutusan. Bihira siyang magalit sa akin at kung magkakaganyon ay maikli ang kaniyang pananalita: Lumigpit ka!... at kailangang di na niya ako makita. Kailangang di ko na masaksihan ang kikislap na poot sa kaniyang mga mata. Kailangang di ko na mamalas ang pagkagat niya sa kaniyang labi. Kailangang di ko na makita ang panginginig ng kaniyang mga daliri. Ito rin ang katumbas ng kaniyang mariing huwag kung mayroon siyang ipinagbabawal.
Mula sa: Liwayway Arceo, Uhaw ang Tigang na Lupa at Iba Pang Katha.
Manila: Pioneer Press,1968.
52
Sa halimbawang ito:
“Si Ina ay hindi palakibo: siya ay babaeng bilang at sukat ang
pangungusap. Hindi niya ako inuutusan. Bihira siyang magalit sa akin at kung magkakaganyon ay maikli ang kaniyang pananalita: Lumigpit ka!... at kailangang di na niya ako makita. Kailangang di ko na masaksihan ang kikislap na poot sa kaniyang mga mata. Kailangang di ko na mamalas ang pagkagat niya sa kaniyang labi. Kailangang di ko na makita ang panginginig ng kaniyang mga daliri. Ito rin ang katumbas ng kaniyang mariing huwag kung mayroon siyang ipinagbabawal.
Mula sa: Liwayway Arceo, Uhaw ang Tigang na Lupa at Iba Pang Katha.
Manila: Pioneer Press,1968.
53
“Ang ngiti ni Ina ay patak ng ulan kung tag-araw: ang bata kong puso ay tigang na lupang uhaw na uhaw…”
Sa halimbawang ito mauunawaan sa kaisipang nakapaloob sa teksto na ang ina ay inilarawan bilang isang tahimik at hindi palakibo na kung magalit ay tiyak na nakatatakot ang kaniyang nagiging itsura. Masasalamin sa teksto ang pananabik ng bata sa pagmamahal ng kaniyang ina. Mapapansin na ang mga salitang matingkad at may salungguhit ay may higit na malalim na kahulugan kaysa sa
karaniwang kahulugan nito.
54
Ang tekstong prosidyural ay isang uri ng paglalahad na kadalasang nagbibigay ng impormasyon at instruksiyon kung paano isinasagawa ang isang tiyak na bagay.
May layunin itong makapagbigay ng sunod-sunod na direksiyon at impormasyon sa mga tao upang matagumpay na maisagawa ang mga gawain nang ligtas, episyente at angkop sa paraan.
Ang pagsulat ng tekstong ito ay binubuo ng apat na bahagi, tulad ng mga sumusunod:
55
1. Inaasahan o Target na Awtput – tumutukoy sa kung ano ang kalalabasan o kahahantungan ng proyekto ng prosidyur.
2. Mga Kagamitan - Maaaring ilarawan sa bahaging ito ang mga tiyak na katangian ng isang bagay o kaya ay ang katangian ng isang uri ng trabaho o ugaling inaasahan sa isang mag-aaral kung susundin ang gabay. Nakalista ito sa pamamagitan ng pagkasunod-sunod kung alin ang gagamitin. Maaaring hindi makita ang bahaging ito sa mga uri ng tekstong prosidyural na hindi gagamit ng anomang kagamitan.
3. Metodo – ito ay nagsasaad ng serye ng mga hakbang na isinasagawa upang mabuo ang proyekto.
56
4. Ebalwasyon - Naglalaman ng mga pamamaraan kung paano masusukat ang tagumpay ng prosidyur na isinagawa.
Ito ay sa pamamagitan nang mahusay na paggana ng isang bagay, kagamitan o makina o di kaya ay mga pagtataya kung nakamit ang kaayusan ng layunin ng prosidyur. Mahalaga ang paggamit ng heading, subheading, numero, dayagram, at mga larawan upang maging mas malinaw ang pagpapahayag ng instruksiyon.
Mahalagang alamin at unawain kung sino ang nakikinig o nagbabasa ng teksto upang mapagdesisyunan kung anong uri at antas ng wika ang gagamitin.
57
May mga tiyak na katangian ng wikang madalas gamitin sa tekstong prosidyural.
1. Nasusulat sa kasalukuyang panahunan.
2. Nakapokus sa pangkalahatang mambabasa at hindi sa iisang tao lamang.
3. Gumamit nang tiyak na pandiwa para sa instruksiyon.
4. Gumamit nang malinaw na pang-ugnay at cohesive device upang ipakita ang pagkasunod-sunod at ugnayan ng mga bahagi ng teksto.
Mahalaga ang detalyado at tiyak na deskripsiyon tulad ng hugis, laki, kulay, dami, atbp.
Pag-aralan ang teksto sa ibaba na naglalaman ng isang plano para sa
pagpapaunlad ng isang negosyo.
58
Hakbang sa Pagpaplano:
Una, isipin mo kung paano mo ito sisimulan, pababa o pataas? O gusto mong simulan ito sa itaas kaagad.
Ikalawa, ano ba ang layunin mo sa itatayo mong negosyo? Layun mo ba agad na kumita at mabawi ang iyong ipinuhunan o nais mo munang mapalago ito hanggang sa tuluyan na itong makilala.
59
Ikatlo, sino ang makakatuwang mo sa iyong planong negosyo? Napagpasyahan mo ba kung ikaw lang ang mamamahala o may iba ka pang nais makasama sa iyong plano. Kaya mo bang mag-isa o kinakailangan mo ang tulong ng iyong kamaganak
bilang sekretarya, manananggol, at iba pang sasalo sa ibang tungkulin sa negosyo mo? Sa iyong palagay, kakayanin mo bang magtagumpay mag-isa sa negosyo o talagang kakailanganin mo ang tulong nila?
Ikaapat, napagpasyahan mo na rin ba kung ano ang iyong nais unahin o dapat pagtuunan ng pokus sa iyong negosyo. Ang pangangailangan ng kostumer, ang lokasyon ng iyong negosyo, ang iyong kasanayan o kahusayan, ang iyong kapital..
60
Ikalima, isipin mo ang paghahanap ng mga taong puwede mong pagkatiwalaan, may kakayahan at karunungan, at may responsibilidad habang ikaw ay namamahala ng ibang trabaho? Iayos mo ang mga patakarang dapat sundin ng iyong tauhan upang maging matagumpay ang operasyon ng iyong negosyo.
61
Pagsasaayos ng mga Talatakdaan sa Planong Negosyo
1. Magsagawa ng iskedyul maikling panahon (6-10 buwan) at mahabang panahon (1-2 taon).
2. Maging tiyak at detalyado.
3. Ipakita mo ang iyong produkto sa mga napili mong pahayagan, radyo, telebisyon, at midya.
4. Magbigay ng araw at oras kahit na ito’y pansamantala lamang
5. Magbigay rin ng mga calling cards o mga taong dapat lapitan kasama na rito
62
Pagsasaayos ng mga Talatakdaan sa Planong Negosyo
1. Magsagawa ng iskedyul maikling panahon (6-10 buwan) at mahabang panahon (1-2 taon).
2. Maging tiyak at detalyado.
3. Ipakita mo ang iyong produkto sa mga napili mong pahayagan, radyo, telebisyon, at midya.
4. Magbigay ng araw at oras kahit na ito’y pansamantala lamang
5. Magbigay rin ng mga calling cards o mga taong dapat lapitan kasama na rito ang mga numero ng telepono, pagers, cellphones, value message at e-mail.
63
6. Magkaroon ng mga promo para makaiwas sa mga hindi inaasahang
pagkakataon.
7. Isaayos ang perang nakalaang gugugulin. Magpasya ka kung magkano ang gugugulin sa mga promosyon. Kung ikaw ay nababahala sa pag-aanunsiyo, mabuti pang itigil ang iyong negosyo. Sabi nga nila “no gain no risk.”
8. Iwasan mo ang manggaya sa iba. Pag-aralan ang mga istratehiya ng iyong kakumpetensiya.
9. Upang makatipid sa badyet, palitan ang mga istratehiyang hindi
nagpapakita ng magandang resulta.
10. Simulan mo na ang iyong plano.
64
Pagyamanin
Pagsasanay Bilang 1:
Batid kong alam na alam mo na ang tungkol sa Coronavirus Disease 2019 (COVID-19). Ito ay tumutukoy sa kumpol ng mga kaso ng viral pneumonia na naganap sa Wuhan, Lalawigan ng Hubei, simula noong Disyembre 2019. Ayon sa imbestigasyon ng mga awtoridad at eksperto sa kalusugan ng Mainland, China ang isang novel coronavirus ay napag-alamang mikrobyong sanhi ng sakit na sa kasalukuyan ay lumaganap na hindi lang sa ating bansa kundi sa buong
mundo kaya naman tinagurian itong isang pandemya.
Basahin mong mabuti ang susunod na teksto upang lubos mo pa itong
maunawaan.
65
Ang Corona Virus na nagmula sa bansang Tsina at lumalaganap na sa
buong mundo. Noong umpisa ay tinawag itong novel dahil ito ay itinuturing na pinakabagong sakit sa pamilya ng virus na kinabibilangan MERS at SARS.
Hanggang sa kasalukuyan ay wala pang natutuklasan na gamot upang magsilbing lunas ng sakit na ito. Dahil dito hinihikayat ang publiko na manatili sa loob ng kanilang tahanan, subalit kung hindi maiiwasan ang paglabas ay kinakailangang magsuot ng mask. Ang Virus ay pinaniniwalaang may inkubasyon na tinatayang sumasaklaw na mula 1 hanggang 14 na araw, na kadalasan ay humigit-kumulang sa 5 araw. Upang maproteksiyunan ang sarili, ang pamilya, at kapwa sa sakit na dulot ng corona virus kung uubo ay kinakailangang magtakip ng bibig o kaya naman umiwas sa taong bumabahing o umuubo dahil sa mga nauna nang ulat na ang taong kinakapitan ng sakit na ito ay maaaring wala o hindi kakikitaan ng anomang sintomas ng nakababahalang sakit.
66
Panuto: Piliin ang titik ng tamang sagot.
67
Multiple Choice
1. Ang teksto ay tungkol sa __________.
AIDS
MERS
SARS
CORONA
68
Multiple Choice
Ang corona virus ay nagmula sa _____________.
America
Bangkok
Pilipinas
Tsina
69
Multiple Choice
Pinaniniwalaang ang virus ay may inkubasyon na sumasaklaw mula ______.
1 – 7 araw
1- 10 araw
1-14 na araw
1-30 araw
70
Multiple Choice
Ang novel ay nangangahulugang ____________ sa pamilya ng mga virus na
MERS at SARS
Bago
Dati na
Napapanahon
Luma na
71
Multiple Choice
Ang teksto ay isang halimbawa ng tekstong ____________
Deskriptib
Impormatib
Persweysib
Prosidyural
72
Isaisip
Sa pagsulat ng anomang uri ng teksto, narito ang mga batayang tanong na mahalagang masagot mo sa paghahanda nito.
Subject | Subject
Some text here about the topic of discussion
73
Open Ended
Ano ang paksa ng tekstong aking isusulat?
74
Open Ended
Ano ang aking layunin sa pagsulat nito?
75
Open Ended
Saan at paano ako makakukuha ng sapat na datos kaugnay ng aking paksa?
76
Open Ended
Paano ko ilalahad ang mga datos na aking nakalap upang maging higit na
makahulugan ang aking paksa?
77
Open Ended
Sino ang babasa ng aking teksto? Para kanino ito?
78
Open Ended
Isagawa
Dahil alam mo na ang pagkuha ng mga impormasyon, ngayon ay simulan mo nang bumuo ng tekstong impormatib. Sundin ang mga sumusunod na paalala:
a. Sumulat gamit ang iyong sariling pangungusap
b. Alalahanin ang mga elemento at bahagi sa pagbubuo ng isang mahusay
na tekstong impormatib
79
Tayahin
Panuto: Punan ng angkop na salita ang bawat patlang upang mabuo ang kaisapan sa talata. Pumili ng sagot sa ibaba. Titik lamang ang isulat.
Subject | Subject
Some text here about the topic of discussion
80
Drag and Drop
katumpakan ng
kinakailangang may sapat na kaalaman sa
sila ay may mga
pinagkukunan nila ng
81
Multiple Choice
Ang uring ito ng paglalarawan ay nagbibigay lamang ng kabatiran sa
inilalarawan, hindi ito naglalaman ng damdamin at kuro-kuro ng
naglalarawan.
Kakaibang paglalarawan
Madulang paglalarawan
Masining na paglalarawan
Pangkaraniwang paglalarawan
82
Multiple Choice
Ang guniguni ng bumabasa ay pinagagalaw upang makita ang isang
buhay na buhay na larawan. Dito ay ibinibigay ng manunulat ang
isang buhay na larawan ayon sa kanyang namalas at nadama.
Kakaibang paglalarawan
Madulang paglalarawan
Masining na paglalarawan
Pangkaraniwang paglalarawan
83
Multiple Choice
Ang ____________________ ay ang pagpapahayag ng ating nakikita,
naririnig, at nadarama. Ang pangunahing layunin ng pagpapahayag
na ito ay ang pagbuo ng isang malinaw na larawan sa isip ng mga
mambabasa o tagapakinig.
Pangangatuwiran
Paglalahad
Paglalarawan
Pagsasalaysay
84
Multiple Choice
Ginagamit ang pananaw na ito sapagkat marapat na may lubos na
kaalaman ang mga mag-aaral sa paksa at ito’y palagi nilang nakikita
at may kaugnayan sa kanilang karanasan.
Pagbuo ng pangunahing larawan
Pagpili ng paksa
Pagpili ng sariling pananaw
Wastong pagpili ng sangkap
85
Multiple Choice
Tinutukoy nito ang pagtingin ng isang naglalarawan sa paksang
kaniyang inilalarawan.
Pagbuo ng pangunahing larawan
Pagpili ng paksa
Pagpili ng sariling pananaw
Wastong pagpili ng sangkap
86
Fill in the Blanks
87
Fill in the Blanks
88
Fill in the Blanks
89
Fill in the Blanks
90
Fill in the Blanks
Aralin 4- Ang Pagsulat ng Ilang Halimbawa ng Iba’t ibang uri ng Teksto
By Edgar Monte
Show answer
Auto Play
Slide 1 / 90
SLIDE
Similar Resources on Wayground
83 questions
PS - Matter: Properties and Changes
Presentation
•
8th - 11th Grade
85 questions
Histoire urbaine et architecturale
Presentation
•
University
89 questions
phonics Step 1 Alphabet Lesson 1 Aa; Bb 4 Step Phonics
Presentation
•
KG
86 questions
KPWKP_q2_mod1_WikasaPanayamatBalitasaRadyoatTelebisyon_v2
Presentation
•
11th Grade
88 questions
Week 8-Q2-ADM-Filipino-sa-Piling-Larang-TVL
Presentation
•
11th Grade
82 questions
Cellular Transport Review
Presentation
•
9th - 10th Grade
90 questions
SGN Intro chap 16 La performance
Presentation
•
11th Grade
79 questions
Q4_W1_M1: Pagbása at Pagsusuri
Presentation
•
11th Grade
Popular Resources on Wayground
11 questions
Hallway & Bathroom Expectations
Quiz
•
6th - 8th Grade
10 questions
HCS SCI 03 Summer School Assessment 2
Quiz
•
3rd Grade
11 questions
Home Scope
Quiz
•
7th - 8th Grade
12 questions
2026 TAP Technology in the Classroom
Presentation
•
Professional Development
15 questions
HCS SCI 05 Summer School Assessment 2 Review
Quiz
•
5th Grade
15 questions
HCS SCI 04 Summer School Review 2
Quiz
•
4th Grade
59 questions
Geometry Unit 3 Review
Quiz
•
9th - 12th Grade
14 questions
FAST ELA READING SMAPLE TEST MATERIALS
Passage
•
3rd Grade