

KPWKP_q1_mod7_gamitngwikasalipunan_v2
Presentation
•
Other
•
11th Grade
•
Practice Problem
•
Medium
Edgar Monte
Used 7+ times
FREE Resource
48 Slides • 39 Questions
1
Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Filipino
Unang Markahan – Modyul 7: Gamit ng Wika sa Lipunan (Pasalita)
2
Kasanayang Pampagkatuto:
Naipaliliwanag nang pasalita ang gamit ng wika sa lipunan sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga halimbawa
(F11PS – Id – 87)
3
Layunin:
● Natutukoy ang gamit ng wika sa lipunan sa sa pasalitang paraan.
● Nakabubuo ng pangungusap o pahayag sa tulong ng cohesive device sa
pagpapaliwanag at pagbibigay -halimbawa sa mga gamit ng wika sa lipunan.
● Naisasabuhay ang mga epektibong komunikasyon gamit ang pasalitang paraan sa araw-araw na pakikipagtalastasan.
4
Subukin
Basahin at unawain ang bawat pangungusap. Tukuyin ang cohesive device mula sa pagpipilian. Isulat ito sa iyong sagutang papel.
5
Multiple Choice
Nasa bagong milenyo na tayo, kasabay nito ay ang mabilis na pagbabago sa larangan ng paggawa ng pelikula.
bagong milenyo
kasabay nito
larangan
mabilis
6
Multiple Choice
Hindi nag-shooting ang mga artista, bagkus, dumalo sila sa isang rally.
nag-shooting
bagkus
artista
rally
7
Multiple Choice
Bilang konklusyon, tangkilikin ang pelikulang Pilipino na likha ng mahuhusay na direktor.
bilang konklusyon
tangkilikin
pelikula
Pilipino
8
Multiple Choice
Mahusay na manonood ang mga Pilipino, patunay nito ang mahusay nilang pagkikritiko.
patunay nito
pagkikritiko
manonood
mahusay
9
Multiple Choice
Marahil, higit na uunlad ang pelikulang Pilipino kung maisasabatas ang karapatan ng mga nasa industriyang ito.
maisasabatas
karapatan
marahil
uunlad
10
Multiple Choice
Tinanghali ng gising si Ana ngunit hindi siya nahuli sa pagpasok sa klase.
gising
nahuli
klase
ngunit
11
Multiple Choice
Dahil sa sipag sa trabaho ni Pedro, agad na tumaas ang puwesto niya sa kompanya.
dahil sa
sa kompanya
ang pwesto
sa trabaho
12
Multiple Choice
Kasabay ng pagkapanalo ni Carlo sa palarong pambansang arnis ay nakuha niya rin ang regalo mula sa kanyang magulang.
kasabay ng
nakuha niya
mula sa kanyang
palarong pambansa
13
Multiple Choice
Abala sa paghahanda ng bahay at pagbabalot ng regalo ang pamilya Santos para sa darating na Kapaskuhan.
bahay
para sa
pamilya
abala sa
14
Multiple Choice
Malaki ang posibilidad na kapag sinabayan ng sipag at tiyaga ang pag-aaral ay magkakaroon ng mataas na grado ang isang mag-aaral.
matataas
sipag
kapag
malaki
15
Multiple Choice
Tumanggap ng mataas na parangal si Juan kahit na siya’y laki sa hirap.
kahit
mataas
si Juan
laki sa hirap
16
Multiple Choice
Maliban sa pagiging mahusay na aktres, kilala rin si Angel Locsin na tumutulong sa mahihirap lalo na sa mga apektado ng kalamidad.
kilala rin si Angel Locsin
apektado ng kalamidad
pagiging mahusay
maliban sa
17
Multiple Choice
Pinagtuonan ng pansin ni Oscar ang pag-aaral sa kanilang pagsusulit sa halip na paggamit ng telepono.
ang pag-aaral
sa halip
paggamit
pinagtuunan
18
Multiple Choice
Nagkakaroon ng hindi pagkakaintindihan sa pagkakaibigan kapag hindi nagsasabi ng totoo sa bawat isa.
Totoo
Hindi
kapag
bawat
19
Multiple Choice
Tiyak na pagagalitan ang batang si Ben sa sandaling magsinungaling siya sa kaniyang magulang.
sa sandalling
tiyak na
si Ben
ang bata
20
Balikan
Sagutin ang sumusunod na katanungan:
21
Open Ended
1. Ano-ano ang gamit ng wika sa lipunan? Magbigay kahit dalawa.
22
Open Ended
2. Bumuo ng pangungusap mula sa mga ibinigay na halimbawa.
23
Tuklasin
Basahin ang sumusunod na pangungusap. Ipaliwanag ang may salungguhit na salita kung paano ito ginagamit sa pangungusap.
24
Open Ended
Hindi lamang ang direktor ang dumating, pati na rin ang producer ng pelikula.
25
Open Ended
Maliban sa pagbibigay ng alokasyon sa industriya ng pelikulang Pilipino, magkakaroon din ng puhunang pangkabuhayan para sa mga anak ng taga-industriya sakaling wala na silang trabaho.
26
Open Ended
Binigyan ng kalayaan ang MTRCB sa pagsusuri ng mga pelikula, bunga nito, naging maingat ang mga producer sa kanilang gawain.
27
Open Ended
Mabilis na umuunlad ang industriya ng pelikula, ngunit nang magkaroon ng iba’t ibang eskandalo, sandali itong lumamig.
28
Open Ended
Malaki ang paniniwala ng mamamayan sa husay ng pagkakalikha ng mga pelikulang Pilipino dahil dito, pinaghuhusay ng mga artista ang kanilang pagganap.
29
Suriin
Ang Cohesive Device o Kohesyong Gramatikal
Sa ating pakikipagtalastasan pasulat man o pasalita, maaari itong binubuo ito ng pangungusap, parirala o sugnay na may magkakaugnay na kaisipan. Kaya’t gumagamit tayo ng mga salitang kohesyon upang higit nating malinawan at maunawaan ang mensaheng nais iparating ng bawat bahagi nito. Ang limang pangunahing cohesive device o kohesiyong gramatikal ay ang sumusnod: patungkol o reperensiya (reference), substitusyon, ellipsis, pang-ugnay at leksikal. Subalit sa pagkakataong ito, ang tatalakayin lamang na kohesyong gramatikal ay patungkol o reperensiya (reference), ellipsis at pang-ugnay.
30
Suriin
Reperensiya
Ang cohesive device o kohesiyong gramatikal na reperensiya tumutukoy sa mga panandang salita na gumamit panghalip upang ng paulit-ulit ang pangngalan. Ang paggamit ng panghalip ay tinatawag na pagpapatungkol. Uri ng Kohesyong Gramatikal na Patungkol/Reperensiya:
● anapora
● katapora
31
Suriin
Ang anapora ay tumutukoy sa mga panghalip na ginagamit sa hulihan bilang pananda sa pinalitang pangngalan sa unahan.
Halimbawa:
1. Kapag nagkita kayo ni Elena, pakisabi na kinukumusta ko siya. Tawagan niya ako kapag may pagkakataon.
2. Binigyan ng mataas na grado si John sa Matematika, Sang – ayon sa kanyang guro mahusay ang kanyang performance sa Matematika.
32
Suriin
Ang anapora ay tumutukoy sa mga panghalip na ginagamit sa hulihan bilang pananda sa pinalitang pangngalan sa unahan.
Halimbawa:
1. Kapag nagkita kayo ni Elena, pakisabi na kinukumusta ko siya. Tawagan niya ako kapag may pagkakataon.
2. Binigyan ng mataas na grado si John sa Matematika, Sang – ayon sa kanyang guro mahusay ang kanyang performance sa Matematika.
33
Suriin
Ang katapora ay tumutukoy sa mga panghalip na ginagamit sa unahan bilang pananda sa pinalitang pangngalan sa hulihan. Halimbawa:
1. Siya’y naging isang mabuting halimbawa sa ating lahat. Tunay na si Dr. Jose Rizal ay katangi – tangi.
2. Ano ang mahirap sa subject na ito? Sa totoo lang ang Matematika ay nakalilibang.
34
Ellipsis
Ang ellipsis ang tumutukoy sa pagtitipid sa pagpapahayag. Ang mga salita ay karaniwang inaalis upang maiwasan ang pag uulit sa isang pahayag.
Halimbawa: 1. Nagpunta si Mario sa bayan at namili si Mario sa bayan. Nagpunta si Mario sa bayan at namili…
35
Pang – ugnay
Ang pang-ugnay na pangatnig ay ginagamit upang pag-ugnayin ang dalawang pangungusap.
Halimbawa:
1. Magtatagumpay ang iyong plano sapagkat mabuti ang layunin nito.
2. Hindi ka makakarating sa iyong pupuntahan kung hindi mo lilingunin ang mga taong tumulong sa iyo.
36
Gamit ng Wika sa Lipunan
Ni: M.A.K. Halliday (1973)
37
1. Interaksyonal
- ang tungkulin ng wika na ginagamit ng tao sa pagtatatag at pagpapanatili ng relasyong sosyal sa kapwa tao.
Halimbawa: Pakikipagpalitan ng mensahe sa kaibigan na nasa malayong lugar gamit ang pagpapalitan ng liham o hindi kaya ay sa telepono.
38
2. Instrumental
- ang tungkulin ng wika na ginagamit sa pagtugon sa mga pangangailangan, pakikipag-usap o pag-uutos
Halimbawa: Paggawa ng liham-pangangalakal
39
3. Regulatori
- ang tungkulin ng wikang ginagamit sa pagkontrol o paggabay sa kilos o asal ng ibang tao.
Halimbawa: Paglalagay ng karatula sa lugar na pagmamay-ari gaya ng “No Tresspassing”.
40
4. Personal
- ang tungkulin ng wikang ginagamit sa pagpapahayag ng sariling damdamin o opinyon.
Halimbawa: Pagsulat ng talaarawan tungkol sa naranasan mo sa panahon ng pandemya.
41
5. Imahinatibo
- ang tungkulin ng wikang ginagamit sa pagpapahayag ng imahinasyon sa malikhaing paraan.
Halimbawa: Pagpapahayag ng nararamdaman sa taong sinisinta sa pamamagitan ng pagsulat ng tula at pagbigkas nito.
42
6. Heuristik
- ang tungkulin ng wikang ginagamit sa paghahanap o paghihingi ng impormasyon.
Halimbawa: Pumunta ka sa isang kumperensiya ngunit hindi mo alam ang tamang daan patungo kaya ikaw ay nagtanong ng tamang direksyon.
43
7. Representatibo
- ang tungkulin ng wikang ginagamit sa pag-uulat ng mga pangyayari at pagpapaliwanag ng pagkakaugnay-ugnay ng mga bagay, pagpapahayag ng hinuha o pahiwatig sa simbolismo ng isang bagay o paligid.
Halimbawa: mga anunsiyo, pagbibigay ng mensahe, patalastas
44
Gamit ng Wika
(Roman Jacobson 2003)
45
Pagpapahayag ng Damdamin (Emotive)
Pagpapahayag ng damdamin, saloobin at emosyon.
Halimbawa: Naks, ha! Ang galing-galing!
46
Pagbabahagi ng impormasyon (Informative)
• Paglalahad ng impormasyon.
Halimbawa: Enhance community quarantine ang ibig sabihin ng ECQ.
47
Panghihikayat (Conative)
• Panghihimok at pag-impluwensya sa iba sa pamamagitan ng pag-utos at pakiusap
Halimbawa: Bumili ka ng sabon!
48
Pagsisimula ng pakikipag-ugnayan (Phatic)
• Pakikipag-ugnayan sa kapwa at makapagsimula ng usapan.
Halimbawa: Saan ka nanggaling?
49
Pagbanggit ng saloobin, ideya at opinyon (Expressive)
• Paglalahad ng nararamdaman mula pinag-uusapan.
Halimbawa: Gusto kong malaman mo na masama ang loob ko dahil nagsinungaling ka sa akin.
50
Paggamit bilang Sanggunian (Referential)
• Gamit ng wikang nagmula sa aklat at iba pang sangguniang pinagmulan ng kaalaman upang maiparating ang mensahe at impormasyon
Halimbawa: Dyaryo, magasin at iba pang mga babasahin.
51
Paggamit ng Kuro-kuro (Metalingual)
Lumilinaw sa mga suliranin sa pamamagitan ng pagbibigay ng komento sa isang kodigo o batas.
Halimbawa: Pagpapahayag ng sariling saloobin sa isang partikular na bagay.
52
Patalinghaga (Poetic)
• Masining na paraan ng pagpapahayag ng panulaan, prosa, sanaysay at iba pa.
Halimbawa: Tula tungkol sa pag-ibig at buhay.
53
Pagbibigay ng panibagong tawag (Labelling)
Ang gamit ng wika kapag nagbibigay tayo ng bagong tawag o pangalan sa isang tao o bagay.
Halimbawa: Popstar Royalty ang tawag kay Sarah Geronimo.
54
KAKAYAHANG KOMUNIKATIBO
Ang kakayahang komunikatibo ay isang konsiderasyon sa pagsasaalang-alang ng paggamit ng wika. Masasabing may kakayahang komunikatibo ang isang tao kung taglay taglay niya ang apat na sangkap gaya ng sumusunod:
55
KAKAYAHANG KOMUNIKATIBO
1. kakayahang linggwistiko/ istruktural/ gramatikal-kakayahang umunawa at makabuo ng mga estruktura sa wika ayon sa mga tuntunin ng gramatika
2. kakayahang sosyolingwistika-pag- unawa batay sa pagtukoy sa sino, paano, kailan, saan, bakit nangyari ang sitwasyong komunikatibo
3. kakayahang pragmatik: pagtukoy sa kahulugan ng sitwasyong sinasabi, di-sinasabi, ikinikilos ng taong kausap
4. kakayahang diskorsal: pagtiyak sa kahulugang ipinapahayag ng mga teksto/ sitwasyon ayon sa konteksto
56
KAKAYAHANG KOMUNIKATIBO
Ayon kay Fantini (Pagkalinawan, 2004), may mga salik-panlipunan na dapat isaalang-alang isaalang-alang sa paggamit ng wika tulad ng ugnayan ng nag-uusap, paksa, lugar at iba pa. Nilagom ito ni Dell Hymes sa akronim na SPEAKING.
57
KAKAYAHANG KOMUNIKATIBO
SETTING
- ang lugar kung saan nag-usap
58
KAKAYAHANG KOMUNIKATIBO
PARTICIPANTS
- kung sino ang kausap o kinakausap. Dapat ding magbago-bago ang paraan ng ating pakikipagtalastasan depende sa kung sino ang taong nasa ating harapan o di kaya'y sinusulatan.
59
KAKAYAHANG KOMUNIKATIBO
ENDS
- ang layunin sa pakikipag-usap.
60
KAKAYAHANG KOMUNIKATIBO
ACT SEQUENCE
- Isinasaalang-alang nito ang daloy o takbo ng usapan.
61
KAKAYAHANG KOMUNIKATIBO
KEYS
- paggamit ng pormal at di-pormal na paraan sa pakikipag-usap.
62
KAKAYAHANG KOMUNIKATIBO
INSTRUMENTALITIES
- ang lengguwahe o instrumentong ginamit upang makipagkomunikasyon
63
KAKAYAHANG KOMUNIKATIBO
NORMS
- ang paksang pinag-uusapan.
64
KAKAYAHANG KOMUNIKATIBO
GENRE
- kung nagsasalaysay ba, nakikipagtalo, naglalarawan, nagpapaliwanag o naglalahad.
65
Pagyamanin
Pag-unawa sa Cohesive Devices
Gawain 1.1: Piliin sa loob ng panaklong ang cohesive device na angkop gamitin sa pangungusap.
66
Fill in the Blanks
Type answer...
67
Fill in the Blanks
Type answer...
68
Fill in the Blanks
Type answer...
69
Fill in the Blanks
Type answer...
70
Fill in the Blanks
Type answer...
71
Gawain 1.2: Tukyin ang gamit ng wika sa bawat pahayag.
72
Fill in the Blanks
Type answer...
73
Fill in the Blanks
Type answer...
74
Fill in the Blanks
Type answer...
75
Fill in the Blanks
Type answer...
76
Fill in the Blanks
Type answer...
77
Gawain 1.3: Bumuo ng mga pangungusap sa tulong ng sumusunod na cohesive device.
78
Open Ended
anapora gamit ang panghalip na kami
79
Open Ended
katapora gamit ang panghalip na tayo
80
Open Ended
pang-ugnay gamit ang pangatnig na sapagkat
81
Open Ended
ellipsis
82
Isagawa
Makipagtalastasan sa mga taong kasama sa bahay. Obserbahan ang mga pahayag na ginagamit nila sa pakikipag-usap at itala ang mga ito. Ipaliwanag kung paano ito ginamit.
83
84
Draw
Isaisip
Tukuyin kung kailan ginagamit ang bawat pahayag sa unang hanay ng tsart. Lagyan ng tsek (√) ang kolum na tumutukoy sa iyong sagot.
85
Draw
Makipagtalastasan sa mga taong kasama sa bahay. Obserbahan ang mga pahayag na ginagamit nila sa pakikipag-usap at itala ang mga ito. Ipaliwanag kung paano ito ginamit.
86
Tayahin
Basahin at unawain ang bawat pangungusap. Tukuyin ang cohesive device mula sa pagpipilian. Isulat ito sa iyong sagutang papel.
87
Open Ended
Karagdagang Gawain
Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Filipino
Unang Markahan – Modyul 7: Gamit ng Wika sa Lipunan (Pasalita)
Show answer
Auto Play
Slide 1 / 87
SLIDE
Similar Resources on Wayground
84 questions
Cardiovascular System
Presentation
•
11th Grade - University
76 questions
Chemianalysis and Experimental Technique
Presentation
•
11th Grade
84 questions
Q3W3A5-Pagbasa at Pagsusuri
Presentation
•
11th Grade
79 questions
ORM_L1 Pages_6_7 Vocabulary
Presentation
•
9th - 12th Grade
83 questions
sistem koordinasi
Presentation
•
11th Grade
80 questions
2526 SESSION 3:Ang Mahiyaing Manok
Presentation
•
KG
85 questions
Nomenclatura inorganica
Presentation
•
10th Grade
85 questions
leis de Newton
Presentation
•
10th Grade
Popular Resources on Wayground
10 questions
Main Idea and Supporting Details
Quiz
•
3rd - 6th Grade
20 questions
Math Review
Quiz
•
3rd Grade
14 questions
25-26 SY 8th Grade EOY Benchmark
Quiz
•
8th Grade
15 questions
Fast food
Quiz
•
7th Grade
20 questions
Math Review
Quiz
•
6th Grade
20 questions
Context Clues
Quiz
•
6th Grade
21 questions
EOY Grade 6 Benchmark Assessment - Content Skills
Quiz
•
6th Grade
20 questions
Inferences
Quiz
•
4th Grade
Discover more resources for Other
8 questions
Writing Equations from Verbal Descriptions
Quiz
•
9th - 12th Grade
50 questions
US History Regents Practice Exam
Quiz
•
11th Grade
30 questions
US History Regents Review #3
Quiz
•
11th Grade
25 questions
US History Regents Review # 1
Quiz
•
11th Grade
14 questions
Attributes of Linear Functions
Quiz
•
9th - 12th Grade
20 questions
Types of Credit
Quiz
•
9th - 12th Grade
90 questions
2nd Semester World History Final Exam (1750-Present) (5/11/26)
Quiz
•
11th Grade
59 questions
Bio Final Exam Sem 2 with marathon runner
Quiz
•
9th - 12th Grade