
Week-7-ADM-Version 2-Filipino-SHS-TVL
Presentation
•
Other
•
11th Grade
•
Practice Problem
•
Hard
Edgar Monte
Used 5+ times
FREE Resource
39 Slides • 45 Questions
1
Larang
Te knikal Bokasy u nal
Unang Markahan Ika pitong Linggo Sulating Teknikal
Bokasyunal: Hakbang sa Pagsasagawa ng Manwal at Liham Pangnegosyo
2
Alamin
Naiisa-isa ang mga hakbang sa pagsasagawa ng mga binasang halimbawang sulating teknikal-bokasyunal (CS-FFV11/12PB-0g-i-106)
3
Layunin
• Natutukoy ang mga tiyak na hakbangin sa pagsasagawa ng manwal at liham pangnegosyo
• Nakapagsasaliksik upang makilala ang layon ng pagsulat ng isang manwal
• Nakapagbibigay ng sariling halimbawa ng mga bahagi ng liham pangnegosyo
• Nakasusulat ng sariling manwal o liham pangnegosyo batay sa tinalakay na hakbang
4
Subukin
Basahin at unawain ang tanong sa bawat aytem. Isulat sa patlang ang letra ng tamang sagot.
5
Multiple Choice
Ano ang wastong bantas na ginagamit sa pagsulat ng pamitagang pangwakas?
kuwit
tuldok
tutuldok
tuldok-kuwit
6
Multiple Choice
Ano ang bantas na ginagamit sa bating pambungad ng liham pangnegosyo?
kuwit
tuldok
tutuldok
tuldok-kuwit
7
Multiple Choice
Ano ang higit na makatutulong sa pag-unawa ng manwal?
ilustrasyon
karikatura
disenyo
emoji
8
Multiple Choice
Aling bahagi ng liham pangnegosyo ang naglalaman ng adres ng tagatanggap nito?
Pamuhatan
Patunguhan
Bating Pambungad
Pamitagang Pangwakas
9
Multiple Choice
Ilang espasyo ang inilalaan sa pagitan ng bawat talatang liham pangnegosyo?
isa
apat
tatlo
dalawa
10
Multiple Choice
Anong uri ng papel ang ginagamit ng isang kumpanya sa pagsulat ng liham na hindi nangangailangan ng pamuhatan?
oslo paper
stationery
crepe paper
Memo
11
Multiple Choice
Saan nakabatay ang impormasyong mababasa sa isang manwal?
Mga eksperto
Mga manunulat
Kumpanya ng produkto
Mga nakalimbag at elektronikong aklat
12
Multiple Choice
Anong uri ng manwal ang madalas na makikitang kalakip ng mga binibiling cellphone?
Manwal na Operasyonal
Manwal ng Gumagamit
Teknikal na Manwal
Manwal ng Pagbuo
13
Multiple Choice
Alin sa mga sumusunod ang wastong pamitagang pangwakas?
Lubos Na Gumagalang,
B. Lubos na Gumagalang,
Lubos na gumagalang,
Lubos na gumagalang.
14
Multiple Choice
Ano ang mainam na katangian ng disenyo ng isang manwal?
Magagamit na gabay sa ibang produkto.
Madaling basahin at madaling sundan ang larawan.
May mga ilustrasyong makadaragdag ng kulay sa buong manwal.
Naglalaman ng mga paksa, gawain, pamamaraan, at iba pang impormasyon.
15
Multiple Choice
Kailan maaaring irekomenda ang pagbabago sa manwal?
Nabasa na ng editor
Nabasa na ng editor
May mali o nakalilitong panuto
May gumamit na nito ngunit hindi naunawaan
16
Multiple Choice
Ano ang wastong pagkakasunod-sunod ng bahagi ng liham pangnegosyo?
I.Katawan II. Lagda III. Pamuhatan IV. Bating Pambungad
V. Patunguhan VI. Pamitagang Pangwakas
III-V-I-IV-II-VI
III-V-IV-I-VI-II
IV-III-V-I-VI-II
IV-III-I-VI-V-II
17
Multiple Choice
Alin sa mga sumusunod ang naglalarawan sa layunin ng isang manwal?
Pamagat ng manwal
Pambungad na bahagi nito
Nilalaman ng mismong manwal
Gumagamit ng sino, ano, kailan, saan, bakit at paano
18
Multiple Choice
Matapos isulat ang isang manwal, ano ang nararapat na kasunod na hakbang ang dapat gawin ng manunulat?
Ihanda ang publikasyon nito.
Gumawa ng ikalawang iskrip o balangkas.
Baguhin ang mga mali at nakalilitong detalye.
Ipabasa ito sa taong maaaring gumamit o kaya sa editor.
19
Multiple Choice
Alin sa mga sumusunod ang hindi dapat isaalang-alang kapag gumagawa ng liham pangnegosyo?
Maging magalang.
Sa gitnang bahagi ng katawan nararapat isalaysay ang layunin ng liham.
Iwasan ang paggamit ng walang kaugnayan at di mahahalagang pananalita.
Ugaliin ang paggamit ng panghalip sa unang panauhan lalo na sa unang pangungusap o talata.
20
Aralin 7
Hakbang sa Pagsasagawa ng Manwal at Liham Pangnegosyo
21
Ang pag-aaral ng manwal at liham pangnegosyo ay malaking kapakinabangan sa iyong karanasan maging sa labas ng akademya. Bigyang pansin ang mga devices at appliances sa inyong tahanan. Hindi ba’t nagagamit mo ito sa pamamagitan ng pagsunod sa manwal na kalakip nito nang bilhin mo ang produkto. Idagdag mo pa ang manwal na ginagamit sa empleyo upang mapagaan ang trabaho bilang sanggunian ng manggagawa. Sa pamamagitan ng manwal, natuturuan ang tao kung paano gagamitin o gagawin ang isang bagay. Samantala, ang liham pangnegosyo naman ay esensyal na sulating nararapat mong matutuhan. Ito ay sulating teknikal na magiging kaagapay mo sa pakikipag-ugnayan sa pormal na midyum ng komunikasyon. Sa makabagong lagay ng teknolohiya, mahalagang maalam ka sa pagbuo ng mga sulating teknikal na bahagi ng industriya. Subalit, ano ang katiyakang mapakikinabangan mo ito bilang ordinaryong mag-aaral? Ano ang posibleng bentahe ng kasanayang iyong matututuhan sa araling ito? Tuklasin ang sagot sa katanungang ito sa susunod na talakayan.
22
Balikan
Tukuyin kung flyers o leaflets ang inilalarawan sa bawat pangungusap. Isulat sa patlang ang letrang F kung flyers, at L naman kung ito ay leaflets.
23
Fill in the Blanks
Karaniwang isang maliit na papel ito na may lamang larawan at maikling teksto.
24
Fill in the Blanks
Ito ay naglalaman ng komprehensibong impormasyon at minsa’y tinatawag ding pamphlets o brochures.
25
Fill in the Blanks
Karaniwan itong isang buong papel na itinupi sa dalawa o higit pang bahagi.
26
Fill in the Blanks
Ito ay mura lamang at mas madaling gawin dahil maliit na espasyo lamang ang kinukonsumo nito.
27
Fill in the Blanks
Simple lamang ang mensaheng taglay ng sulating teknikal na ito ngunit may malaking tulong ito sa nagsisimulang maliit na negosyo upang makilala ang kanilang produkto o serbisyo.
28
Tuklasin
Suriing mabuti ang mga larawan sa ibaba. Tukuyin ang salitang mahihinuha sa apat na larawan sa bawat bilang. Bumuo ng isang pangungusap gamit ang mga salitang matutuklasan. (Ang mga larawan ay kinuha sa canva)
29
Fill in the Blanks
_ u _ _ i g _ k i _ _ _
30
Fill in the Blanks
M _ n _ _ _
31
Fill in the Blanks
L _ _ a _ _ a _ _ n _ _ _ y
32
Fill in the Blanks
H _ _ _ a _ _
33
Open Ended
Isulat ang iyong pangungusap.
34
Suriin
Pagsulat ng Manwal
Ang manwal ay isang libro ng impormasyon o mga tuntunin na nagsisilbing pasulat na gabay o reperensiyang materyal na ginagamit sa pagsasanay, pag-oorganisa ng gawain sa trabaho, pagbuo ng mekanismo, pagpapatakbo ng mga kagamitan, pagseserbisyo ng mga produkto o pagkukumpuni ng mga produkto.
35
Sa pagsulat ng isang manwal, maaaring sundin ang mga sumusunod na hakbang:
Una, tukuyin ang layon ng manwal sa pamamagitan ng paggamit ng sino, ano, kailan, saan, bakit at paano.
• Sino ang gagamit ng produkto?
• Ano ang produkto?
• Kailan gagamitin ang produkto?
• Saan gagamitin ang produkto?
• Bakit mahalaga ang produkto?
• Paano gamitin ang produkto?mga produkto.
36
Ikalawa, magsaliksik at mangolekta ng impormasyon mula sa eksperto.
Ikatlo, uriin at ayusin ang mga datos at impormasyon.
Ikaapat, magpasya sa naaangkop na disenyo para sa manwal.
Ikalima, gumawa ng balangkas.
Ikaanim, isulat ang manwal.
Ikapito, ipabasa sa mga taong maaaring gumamit o kaya sa editor.
Ikawalo, ilathala ang manwal.
Ikasiyam, baguhin ang manwal kung may mali o nakalilitong panuto.
37
Narito ang mga paalala sa pagbuo ng disenyo ng epektibong manwal:
a. Simple at madaling unawain ang panuto.
b. May kahali-halina at angkop na disenyo.
c. May mga ilustrasyong makatutulong sa pag-unawa ng manwal.
d. Magagamit na sanggunian sa hinaharap.
e. Naglalaman ng tungkol sa mga paksa, gawain, pamamaraan, at iba pang impormasyong nakaayos sa lohikal na pagkakasunod-sunod.
38
Tingnan sa ibaba ang bahagi ng isang halimbawang manwal ng device.
39
Pagsulat ng Liham Pangnegosyo
Ang liham pangnegosyo ay pormal na sulatin na inihahanda na karaniwang mayroong pormat margin na isang pulgada (inch) sa bawat gilid ng papel. Ito ay isinusulat sa “8 1/2x11” na bondpaper.
40
1. Tukuyin ang pamuhatan ng liham.
Ang Pamuhatan ay isinusulat sa dalawa hanggang tatlong linya lamang at naglalaman ng adres ng nagpadala o sumulat ng liham. Sa huling linya ng bahaging ito inilalagay ang petsa, para sa kontak ng telepono, numero ng fax, adres ng e-mail, o iba pang kahalintulad na impormasyon
41
Halimbawa:
123 Pag-asa St., Goodwoods Village
Burabod, Sorsogon City
June 19, 2020
Hindi na kailangang ilagay ang pamuhatan kung ang ginagamit na papel ay ang tinatawag na stationery na may nakasulat ng pamuhatan at/o pangalan ng kumpanya. Ngunit kailangang lagyan pa rin ng petsa ang liham pangnegosyo.
42
2. Alamin ang patunguhan ng liham.
Kompletuhin ang adres ng pinadadalhan ng liham. Lagi itong nasa kaliwang bahagi. Maglaan ng dalawang linyang espasyo sa pagitan ng pamuhatan at patunguhan. Maglagay rin ng isang dalawang espasyo bago ang pagbati.
43
Halimbawa:
Bb. Lourdes A. Garcia
Sales Representative
ABC Publishing Inc.
456 Sunflower Subdivision
Sta. Cruz, Manila.
44
3. Maglagay ng pormal na bating pambungad sa isang liham pangnegosyo.
Madalas itong nagsisimula sa “Mahal na” at sinusundan naman ng apelyido. Maaari ring simpleng titulo gaya ng G. (Ginoong), Gng. (Ginang), Bb. (Binibini), o ang mismong titulo o propesyon o katungkulang hawak ng taong padadalhan, halimbawa, Atty. (Attorney) o Engr. (para sa Engineer). Ang bating pambungad ay nagtatapos sa tutuldok (:), hindi kuwit (,).
45
4. Isulat sa anyong teksto ang katawan ng liham.
Ito ay maaaring may indensiyon sa unang linya depende sa estilo ng liham. Ano man ang pormat, maglaan ng isang linyang espasyo sa pagitan ng bawat talata.
46
Mga dapat tandaan sa pagsulat ng katawan ng liham pangnegosyo:
• Sa unang talata ng katawan ng liham, huwag maging maligoy sa paglalahad ng mensahe.
• Maging magalang.
• Iwasang gumamit ng mga nananakot na pahayag.
• Iwasang maglahad ng mga negatibong mungkahi.
• Iwasan ang paggamit ng walang kaugnayan at hindi mahalagang pananalita.
47
Mga dapat tandaan sa pagsulat ng katawan ng liham pangnegosyo:
• Sa pagsulat ng katawan, iwasan ang paggamit ng panghalip sa unang panauhan lalo na sa unang pangungusap o talata ng liham.
• Sa gitnang bahagi ng katawan nararapat isalaysay ang mga pangyayari at patunayan ito.
• Sa huling pangungusap ng liham sinasabi ang aksiyong dapat gawin sa mapitagang pamamaraan.
48
5. Maglagay ng pamitagang pangwakas. Ang maikling pagbati na nagpapahayag ng paggalang at pamamaalam ay nagtatapos sa kuwit (,).
49
6. Huwag kalimutang ilakip ang lagda. Maglaan ng dalawang linyang espasyo bago ilagay ang pangalan ng taong lalagda. Tingnan ang padron sa susunod na pahina.
50
Pigura 1. Halimbawa ng Liham Pangnegosyo sa Anyong Semi-Block
51
Pigura 2. Halimbawa ng Liham Pangnegosyo sa Anyong May Indensyon
52
Pagyamanin
Gawain 1 Pagsasaliksik ng Manwal
Maghanap ng manwal sa inyong tahanan, maaaring manwal ng iyong cellphone, o appliances. Magsisilbi itong lunsaran sa gawaing ito. Kung walang makukuhang manwal, maaaring sumangguni sa mga halimbawang nasa link. https://support.google.com/pixelphone/answer/7486047?hl=fil https://www.energizeyourdevice.com/fileadmin/user_upload/24-H550S_UM__TAGALOG_.pdf
53
Sagutin ang mga tanong at ipaliwanag ang iyong sagot.
54
Open Ended
Uri ng Manwal: ___________________
1.Sino ang gagamit ng produkto?_______
55
Open Ended
Ano ang produkto?
56
Open Ended
Kailan gagamitin ang produkto?
57
Open Ended
Saan gagamitin ang produkto?
58
Open Ended
Paano gamitin ang produkto?
59
Gawain 2 Pagbibigay ng halimbawa
Magbigay ng halimbawa ng mga bahagi ng liham sa espasyong inilaan sa ibaba. Maging tiyak sa mga bantas na gagamitin sa halimbawa. Maaaring balikan ang mga naunang pigura na iyong nabasa.
60
Open Ended
1. Pamuhatan
_______________________
_______________________
_______________________
61
Open Ended
2. Patunguhan
______________________
______________________
______________________
62
Open Ended
3. Bating Pambungad
____________________
63
Open Ended
4. Pamitagang Pangwakas
____________________
64
Draw
5. Lagda
____________________
____________________
65
Gawain 3 Pagpapalawak ng Ideya
Ipaliwanag nang komprehensibo ang pagkakaiba ng dalawang anyo ng sulating teknikal sa tatlong aspeto. Ibigay ang pagkakapareho at pagkakaiba ng kanilang katangian, hakbang sa pagsasagawa at kahalagahan.
66
Open Ended
67
Isaisip
Hanapin ang sampung salitang teknikal sa pigura na maaaring makita sa anyong pababa, pataas pahilis at pahalang. Punan ang mga patlang ng wastong salitang nahanap upang mabuo ang pangungusap sa ibaba.
68
Fill in the Blanks
Ang
69
Fill in the Blanks
Sa pagsulat ng
70
Fill in the Blanks
Sa pagbili ng mga ____________ karaniwang may manwal itong nagsisilbing ____________ upang magamit ito nang wasto.
71
Fill in the Blanks
Ang pormal na liham ay naglalaman ng adres ng sumulat na tinatawag nating
72
Fill in the Blanks
Samantala, ang
73
Fill in the Blanks
Bago isulat ang buong pangalan ng nagpadala ng liham, ilakip ang kaniyang
74
Fill in the Blanks
Ang mga pahayag tulad ng Sumasainyo at Lubos na gumagalang ay halimbawa ng
75
Fill in the Blanks
Ang pagsulat ng manwal ay hindi lamang nakapokus sa kasalukuyang gamit maaari rin itong gamiting
76
Fill in the Blanks
Makatutulong ang mga
77
Isagawa
Pagsulat ng Sulating-Teknikal
Pangkalahatang Panuto: Pumili ng alinmang sulating teknikal na iyong nais gawin. Sundan ang bawat panuto sa opsyong sulating iyong mapipili. Gawin sa isang malinis na short bond paper.
78
Opsyon 1 Paggawa ng Manwal
Panuto: Gumawa ng sariling manwal ng paggamit ng kahit anong device (hal. cellphone, electric fan, rice cooker at iba pa) Mag-isip ng pangalan ng produkto. Maging malikhain sa pagsulat ng iyong manwal. Sa pagbuo ng manwal, ang mithiin ng estratehiya ay malinang ang sumusunod:
• Malikhaing pag-iisip
• Maiisa-isa ang mga hakbang sa paggamit ng device
• Makabuo ng malinaw na manwal
• Makasunod sa hakbang ng pagsulat ng manwal
79
80
Opsyon 2 Pagsulat ng Liham Pangnegosyo
Panuto: Gumawa ng sariling liham aplikasyon para sa Work Immersion na ginagamitan ng Semi-Block Pormat. Sa pagbuo ng liham pangnegosyo, ang mithiin ng estratehiya ay malinang ang sumusunod:
• Matukoy ang layunin
• Ma-iisa-isa ang dahilan ng pagsulat
• Makabuo ng malinaw na liham pangnegosyo
• Mailapat ang kahusayang pangwika
• Makasunod sa hakbang ng pagsulat ng liham pangnegosyo
81
82
Tayahin
Basahin at unawain ang tanong sa bawat aytem. Isulat sa patlang ang letra ng tamang sagot.
83
Karagdagang Gawain
Ipagpalagay sa iyong sarili na ikaw ay naghahanap ng trabaho matapos ang pag-aaral ng kolehiyo. Gumawa ng isang liham pangnegosyo sa Anyong Block para sa pag-aaplay ng trabahong angkop sa kursong natapos. Gamiting gabay ang hakbang sa pagsulat ng liham, bahagi nito at mga tuntunin.
84
Larang
Te knikal Bokasy u nal
Unang Markahan Ika pitong Linggo Sulating Teknikal
Bokasyunal: Hakbang sa Pagsasagawa ng Manwal at Liham Pangnegosyo
Show answer
Auto Play
Slide 1 / 84
SLIDE
Similar Resources on Wayground
86 questions
KPWKP_q2_mod1_WikasaPanayamatBalitasaRadyoatTelebisyon_v2
Presentation
•
11th Grade
73 questions
Sistemi Operativi - Gestione della memoria
Presentation
•
11th Grade
74 questions
địa lí
Presentation
•
12th Grade
75 questions
Révision pour l'examen de grammaire 2.0
Presentation
•
11th Grade
76 questions
LIPUNAN
Presentation
•
10th Grade
79 questions
Q4_W1_M1: Pagbása at Pagsusuri
Presentation
•
11th Grade
72 questions
Pays Francophones en Afrique Centrale
Presentation
•
10th Grade
77 questions
Hoa Kỳ_Huệ
Presentation
•
10th Grade
Popular Resources on Wayground
10 questions
Safety Day 2026 – Student Review
Quiz
•
9th Grade
21 questions
Continents and Oceans
Quiz
•
6th Grade
20 questions
Parts of Speech
Quiz
•
5th Grade
16 questions
Subject & Predicate
Quiz
•
5th Grade
25 questions
Multiplication Facts
Quiz
•
5th Grade
12 questions
Map Skills
Quiz
•
3rd Grade
22 questions
Continents and Oceans
Quiz
•
5th Grade
15 questions
Rounding Decimals
Quiz
•
5th Grade
Discover more resources for Other
26 questions
SLIME!!!!!
Quiz
•
KG - 12th Grade
20 questions
Cell Transport
Quiz
•
9th - 12th Grade
20 questions
Budgeting
Quiz
•
9th - 12th Grade
20 questions
Investing
Quiz
•
9th - 12th Grade
8 questions
DNA vs. RNA
Presentation
•
9th - 12th Grade
12 questions
Identify Rigid Transformations
Quiz
•
8th - 12th Grade
10 questions
Complementary, Supplementary, Vertical, and Linear Pairs
Quiz
•
9th - 12th Grade
20 questions
Managing Credit
Quiz
•
9th - 12th Grade