Search Header Logo
Q4_W1_M1: Pagbása at Pagsusuri

Q4_W1_M1: Pagbása at Pagsusuri

Assessment

Presentation

Other

11th Grade

Medium

Created by

Edgar Monte

Used 12+ times

FREE Resource

24 Slides • 55 Questions

1

​Pagbása at Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik

Ikaapat na Markahan—Modyul 1: Pagsusuri ng Ilang Halimbawang Pananaliksik sa Filipino Batay sa Layunin, Gamit, Metodo, at Etika ng Pananaliksik

2

Alamin

Nasusuri ang ilang halimbawang pananaliksik sa Filipino batay sa layunin, gamit, metodo, at etika ng pananliksik (F11PB-IVab-100)

3

Layunin:

A. Natutukoy ang kahulugan ng layunin, gámit, metodo at etika ng pananaliksik

B. Nasusuri ang ilang halimbawang pananaliksik sa Filipino batay sa layunin at gamit

C. Nasusuri ang ilang halimbawang pananaliksik sa Filipino batay sa metodo at etika ng pananaliksik)

4

Subukin

Panuto: Suriin ang ilang halimbawang pananaliksik sa Filipino batay sa layunin, gamit, metodo, at etika ng pananaliksik. Isulat sa iyong sagutang papel kung LAYUNIN, GAMIT, METODO, at ETIKA ang mga ilang bahagi ng pananaliksik.)

5

Multiple Choice

Ang ginamit na disenyo sa pag-aaral na ito ay deskriptiv at analitik na pananaliksik.

1

LAYUNIN

2

GAMIT

3

METODO

4

ETIKA

6

Multiple Choice

Boluntaryong partisipasyon ng mga kalahok.

1

LAYUNIN

2

GAMIT

3

METODO

4

ETIKA

7

Multiple Choice

Ang paraang ginamit sa pag-aaral ay ang Correlational Studies kung saan ikokompara ang dalawang baryabols para malaman kung mayroong positibo o negatibong epekto ang isa sa isa.

1

LAYUNIN

2

GAMIT

3

METODO

4

ETIKA

8

Multiple Choice

Ginamit sa pananalisik na ito ang deskriptibo at kuwasi-eksperimental na uri ng pananaliksik.

1

LAYUNIN

2

GAMIT

3

METODO

4

ETIKA

9

Multiple Choice

Ginamit ang Likert Scale upang mabigyang-interpretasyon ang balidasyon na isinagawa ng mga guro na nagtuturo sa ikawalong baitang.

1

LAYUNIN

2

GAMIT

3

METODO

4

ETIKA

10

Multiple Choice

Kinakailangang hindi pinilit ang sinumang kalahok o respondente sa pagbibigay ng impormasyon o anumang partisipasyon sa pananaliksik.

1

LAYUNIN

2

GAMIT

3

METODO

4

ETIKA

11

Multiple Choice

Maipakita ang kaalaman ng mga mag-aaral sa K to 12 batay sa salik layunin at implikasyon.

1

LAYUNIN

2

GAMIT

3

METODO

4

ETIKA

12

Multiple Choice

Mabatid ang epekto ng paggamit ng iba’t ibang estratehiya sa pagtuturo ng asignaturang Filipino.

1

LAYUNIN

2

GAMIT

3

METODO

4

ETIKA

13

Multiple Choice

Pagiging kumpidensiyal at pagkukubli sa pagkakakilanlan ng kalahok.

1

LAYUNIN

2

GAMIT

3

METODO

4

ETIKA

14

Multiple Choice

Pagbalik at paggamit sa resulta ng pananaliksik.

1

LAYUNIN

2

GAMIT

3

METODO

4

ETIKA

15

Multiple Choice

Sa gurong nagtuturo ng asignaturang Filipino, ang pag-aaral na ito ay makapagbibigay ng mahalagang impormasyon sa kanilang pagpapasiyang nauukol sa mga bagay na pang-akademiko.

1

LAYUNIN

2

GAMIT

3

METODO

4

ETIKA

16

Multiple Choice

Pagkilala sa pinagmulan ng mga idea sa pananaliksik.

1

LAYUNIN

2

GAMIT

3

METODO

4

ETIKA

17

Multiple Choice

Mapabása at matukoy ang lebel ng kakayahan sa pagbása gamit ang Ang Pinadaling Paraan ng Pagbasa ni Tysel.

1

LAYUNIN

2

GAMIT

3

METODO

4

ETIKA

18

Multiple Choice

Sukatin ang bisa ng komiks bílang alternatibong kagamitang pampagtuturo sa asignaturang Filipino, Baitang 8.

1

LAYUNIN

2

GAMIT

3

METODO

4

ETIKA

19

​Balikan

Panuto: Isa-isahin ang mga hakbang sa pagbuo ng isang makabuluhang pananaliksik. Makakatulong sa pag-iisa-isa ang mga panandang pangungusap na nasa ibaba. Isulat ang sagot sa loob ng kahon.

20

Open Ended

Question image

Panuto: Isa-isahin ang mga hakbang sa pagbuo ng isang makabuluhang pananaliksik. Makakatulong sa pag-iisa-isa ang mga panandang pangungusap na nasa ibaba. Isulat ang sagot sa loob ng kahon.

1. Hindi dapat na maging masyadong masaklaw ang sakop nito.

2. Paglalagom ng kabuoang idea o kaisipan na tumatalakay sa ibig tuklasin, linawin, at tukuyin.

3. Ang pagsasama-sama ng hinangong idea mula sa iba’t ibang pinagkunan ng impormasyon at mga datos.

4. Ang iskeleton ng anumang sulatin, hinahati-hati ang mga kaisipan na isasama ang pagsulat mula sa pinakamaliit hanggang sa pinakapangunahing kaisipan na dapat isulat.

5. Pagkalap ng mga kailangang kaalaman, kung paano gagamitin at isaayos ang mga datos.

6. Maaaring makita ang kahulugan sa nakalap na mga datos; maaaring marebisa nang mas maaga ang ilang kamalian, pagkakaayos, estilo ng nilalaman ng sulatin, at makapagdaragdag pa ng mas mabisang idea.

7. Inilalahad ang kabuoang isinagawang pananaliksik batay sa wastong pormat kawastuan ng mga pamamaraan at dokumentasyon.

21

Tuklasin

Panuto: Suriin ang ilang mga bahagi ng pananaliksik sa Filipino. Lagyan ng 1 ang Layunin, 2 ang Gámit, 3 ang Metodo, at 4 ang Etika ng pananaliksik. Kopyahin at isulat ang wastong bílang sa inyong sagutang papel.!

22

Multiple Choice

Bubuo ng isang sulating pananaliksik na maaaring maging basehan ng isang brochure na tumatalakay sa mga benepisyo at panganib ng paggamit ng halamang gamot bílang gamot sa COVID19.

1

Layunin

2

Gámit

3

Metodo

4

Etika

23

Multiple Choice

Sa mga mamamayan, ang pag-aaral na ito ay makapagbibigay ng mahalagang impormasyon sa kanilang pagpapasiyang nauukol sa paggamit ng halamang gamot.

1

Layunin

2

Gámit

3

Metodo

4

Etika

24

Multiple Choice

Mangangalap ng talâ sa Internet, aklat, at jornal at makikipanayam sa mga doktor

1

Layunin

2

Gámit

3

Metodo

4

Etika

25

Multiple Choice

Tutukuyin ang mga epekto ng Quarantine sa mga batang nása preschool.

1

Layunin

2

Gámit

3

Metodo

4

Etika

26

Multiple Choice

Pagbabalik at paggamit sa resulta ng pananaliksik.

1

Layunin

2

Gámit

3

Metodo

4

Etika

27

Multiple Choice

Magpapasagot ng questionnaire sa magulang na may anak na preschool tungkol sa epekto ng Quarantine.

1

Layunin

2

Gámit

3

Metodo

4

Etika

28

Multiple Choice

Pagkukubli sa pagkakakilanlan ng mga batang nása preschool

1

Layunin

2

Gámit

3

Metodo

4

Etika

29

Multiple Choice

Sa mga mag-aaral, nakakatulong nito upang malampasan ang Psychological First Aide.

1

Layunin

2

Gámit

3

Metodo

4

Etika

30

Multiple Choice

Bubuo ng isang sulating pananaliksik tungkol sa facemask. Maaaring maging basehan ng isang artikulo na tumatalakay sa bagay na ito.

1

Layunin

2

Gámit

3

Metodo

4

Etika

31

Multiple Choice

Mananaliksik sa Internet. Gagawa ng sarbey tungkol sa paboritong isuot ng mga frontliners at kapanayamin ang ilan sa mga nasarbey na medical frontliners kung bakit nila paboritong isuot ang facemask. Kapanayamin din ang ilang manufacturers ng facemask.

1

Layunin

2

Gámit

3

Metodo

4

Etika

32

Multiple Choice

Pagbabalik at paggamit sa resulta ng pananaliksik sa mga frontliner.

1

Layunin

2

Gámit

3

Metodo

4

Etika

33

Multiple Choice

Sa mga frontliner, ang magagawa ng pag-aaral na ito na kilatisin muna ang uri ng materyales ng facemask bago ito gamitin

1

Layunin

2

Gámit

3

Metodo

4

Etika

34

Multiple Choice

Sa mga gumagawa ng maikling pelikula, makakatulong ang paggamit ng camera at editing app ng smartphone upang makagagawa ng isang maikling pelikula.

1

Layunin

2

Gámit

3

Metodo

4

Etika

35

Multiple Choice

Makikipanayam sa mga direktor ng maikling pelikula at mag-oobserba sa proseso ng paggawa ng ganitong pelikula.

1

Layunin

2

Gámit

3

Metodo

4

Etika

36

Multiple Choice

Tutukuyin ang mga paraan ng pagbuo ng maikling-maikling pelikula gámit lang ang camera at editing app ng smartphone.

1

Layunin

2

Gámit

3

Metodo

4

Etika

37

Multiple Choice

Boluntaryong partisipasyon ng mga kalahok.

1

Layunin

2

Gámit

3

Metodo

4

Etika

38

Multiple Choice

Aalamin ang dahilan kung bakit patuloy na tumataas ang bílang ng nagkakasakit ng COVID19.

1

Layunin

2

Gámit

3

Metodo

4

Etika

39

Multiple Choice

Magsasaliksik ng mga nakasalamuhang tao sa pamamagitan ng pakikipanayam sa mga táong nagkaroon ng COVID19.

1

Layunin

2

Gámit

3

Metodo

4

Etika

40

Multiple Choice

Boluntaryong partisipasyon ng mga kalahok.

1

Layunin

2

Gámit

3

Metodo

4

Etika

41

Multiple Choice

Sa ahensiya ng gobyerno, magagamit ang pag-aaral na ito upang magkaroon ng eksaktong bílang ng nagkakaroon ng COVID19.

1

Layunin

2

Gámit

3

Metodo

4

Etika

42

Suriin





LAYUNIN, GAMIT, METODO AT ETIKA NG PANANALIKSIK

43

Layunin


Sa bahagİng ito, inilalahad ang nais makamit sa pamamagitan ng pananalİksİk. Ito ang tinutukoy na adhikaing nais patunayan, pabulaanan, mahimok, maiparanas, o ipagawa ng pananaliksik. İsinusulat ito bílang mga pahayag na nagsasaad kung paano masasagot o matutupad ang mga tanong sa pananaliksik. Kapag natapos nang isulat ang buong pananaliksik, alalahaning balikan ang mga layunin at seguruhing natupad o nagawa nga ang mga İto. Kung hindi nasagot sa kongklusyon ang mga layunin, maaarİng hindi nasunod ang wastong proseso, lumihis sa pokus ng pananaliksik, o naiba ang tunguhİn nito.

44

Paano bumuo ng layunin?

Ang mga layunin ng pananaliksik ay kadalasang nabubuo pagkatapos mailatag ang mga tanong sa pananaliksik. Ibinubuod dito ang mga bagay na nais makamit sa pananaliksik. Sa pagbubuo ng mga layunİn ng pananaliksik, mahalagang isaalang-alang ang sumusunod:

45

Paano bumuo ng layunin?

1. Nakasaad sa paraang ipinaliliwanag o maliwanag na nakalahad kung ano ang dapat gawin at paano ito gagawİn

46

Paano bumuo ng layunin?

2. Makatotohanan o maisasagawa


47

Paano bumuo ng layunin?

3. Gumagamit ng mga tiyak na pandiwa at nagsasaad ng mga pahayag na maaaring masukat o patunayan bílang tugon sa mga tanong sa pananaliksik

48

Ilang mga halimbawa ng mga pandiwang nagpapaliwanag ng proseso:

Matukoy, maihambing, mapili, masukat, mailarawan, maipaliwanag, masaliksik, makapagpahayag, maihanay, maiulat/makapag-ulat, masuri/makasuri, nakapag-organisa, makilala, makapaghulo, makabuo, makabuo ng konsepto, mailahad, maibuod, makagawa/makapili, maisa-isa, magamit/makagamit, makapagsagawa, at makatalakay.

49

Gamit ng Pananaliksik

Isinasagawa ang pananaliksik upang tumuklas ng mga bágong kaalaman at impormasyon na magiging kapaki-pakinabang sa mga tao. Isang halimbawa ang bágong lumabas na datos na malaki ang tsansang maging malilimutin ang isang tao batay sa dalas ng kaniyang paggamit ng smartphone at Internet. Ayon sa pag-aaral ni Dr. Lee Hadlington, may direktang kaugnayan ang pagbababád sa Internet at paggamit ng smartphone sa unti-unting paghina ng isip at memorya ng isang tao.

50

Gamit ng Pananaliksik

2. Nagagamit ang pananaliksik upang linawin ang isang pinagtatalunang isyu. Halimbawa nitó ang mga bágong tuklas na benepisyo ng marijuana upang malunasan ang ilang karamdaman. Sa kabila nitó, marami pa rin ang hindi sumasang-ayon na gawing legal ang paggamit ng marijuana.

51

Gamit ng Pananaliksik

3. Nagsasagawa ng karagdagang pananaliksik upang patunayan ang bisa at katotohanan ng isang datos o idea. Maaaring kumpirmahin ng bágong pag-aaral ang isang umiiral na katotohanan.

52


Metodo

Ilalahad ang uri ng kasangkapan o instrumentong gagamitin upang maisagawa ang pamamaraan ng pananaliksik. Nakabatay sa disenyo at pamamaraan ang instrumento. Halimbawa, kung magsasagawa ng pakikipanayam, kailangan ang gabay sa panayam o talaan ng mga tanong. Kung obserbasyon, kailangan din ang isang talaan o checklist na magsisilbing gabay sa mga dapat bigyang-pansin sa obserbasyon, o kung sarbey naman ay questionnaire o talatanungan. Kailangang Iaging nása isip ng mananaliksik kung masasagot ng instrumento ang mga suliranin ng pananaliksik.

53

Etika ng Pananaliksik

Narito ang ilan sa mahahalagang prinsipyong iyon:
1. Pagkilala sa Pinagmulan ng mga Idea sa Pananaliksik. Gaya ng nabanggit sa unang bahagi ng aralin, ang pananaliksik ay maihahalintulad sa paglahok sa isang pampublikong diyalogo. Ibig sabihin, bukod sa mananaliksik ay maaaring marami nang naunang nag-isip tungkol sa partikular na paksang nais mong unawain at pagyamanin. Mahalaga ang pagbanggit at pagkilala sa iba pang mananaliksik at iskolar na naging tuntungan at pundasyon ng iyong pananaliksik. Sa pamamagitan ng diyalogong ito, nakalilikha ng isang komunidad ng mga mananaliksik na may malasakit at iisang layunin.

54

Etika ng Pananaliksik

2. Boluntaryong Partisipasyon ng mga Kalahok. Kinakailangang hindi pinilit ang sinumang kalahok o respondente sa pagbibigay ng impormasyon o anumang partisipasyon sa pananaliksik. Bago simulan ang pagsagot sa sarbey, pakikipanayam, o eksperimento, kailangang maging malinaw muna sa mga tagasagot ang kabuoang layunin ng pananaliksik at halaga ng kanilang partisipasyon. Kung eksperimental, mahalagang maunawaan din ng kalahok ang bigat o inaasahang peligro ng eksperimento at kailangang buong-loob ang kaniyang paglahok sa kabila nitó.

55

Etika ng Pananaliksik

3. Pagiging Kumpidensiyal at Pagkukubli sa Pagkakakilanlan ng Kalahok. Kailangang ipaunawa sa mga kalahok na ang anumang impormasyon na magmumula sa kanila ay gagaamitin lamang sa kapakinabangan ng pananaliksik. Dapat ding pag-isipan ng mananaliksik kung paano ikukubli ang pagkakakilanlan ng tagasagot lalong-lalo na sa mga pananaliksik na may sensítibong paksa. Sa mga pagkakataong kailangang isapubliko ang resulta ng pananaliksik o kayâ'y ibahagi sa colloquium o publikasyon, kailangan pa ring ipagpaalam at hingín ang permiso ng mga tagasagot na pangunahing pinagmulan ng datos ng pananaliksik.

56

Etika ng Pananaliksik

4. Pagbabalik at Paggamit sa Resulta ng Pananaliksik. Mahalagang ipaalam sa mga tagasagot ang sistematikong pagsusuri ng mananaliksik sa kinalabasan ng pag-aaral. Madalas na nararamdaman ng mga kalahok, lalo na yaong mga nása komunidad, na ginagamit lámang sila ng mananaliksik upang kumuha ng datos at pagkatapos ay parang bulang nawawala ang mga ito. Ito ay dahil sa mangilanngilan lámang na mananaliksik ang bumabalik upang ibahagi sa mga kalahok ang kinalabasan ng pag-aaral. Kung may awtput tulad ng modelo, pagbuo ng polisiya, o iba pang mahahalagang rekomendasyon ang pananaliksik, makabubuti kung ipaalam ito sa kinauukulan upang makatulong sa kapakinabangan ng ko munidad o kaugnay na institusyong pinag-aaralan.

57

Pagyamanin

Panuto: Basahin at suriing mabuti ang dalawang halimbawa ng Abstrak na nása ibaba. Pagkatapos ay sagutan sa iyong sagutang papel ang mga kasunod na tanong.

58

Open Ended

Question image

Anong paraan ang ginamit ng mga mananaliksik sa pangangalap ng datos?

59

Open Ended

Question image

PAGSASANAY 2 (Ikalawang Linggo)

Panuto: Mula sa mga nabasá mong abstrak kanina, may mga salita ba na bago sa iyong paningin na kinailangan mong ihanap ng kasingkahulugan habang ikaw ay bumabása? Isulat ang mga ito sa unang hanay. Sa ikalawang hanay naman ilagay ang angkop na kasingkahulugan nitó gámit ang diksyonaryo o sa tulong ng konteksto ng pangungusap kung saan ito ginamit. Sa ikatlong hanay ay gamitin ito sa makabuluhang pangungusap. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

60

Open Ended

Question image

PAGSASANAY 3 (Ikalawang Linggo)

Panuto: Muling balikan ang dalawang abstrak na iyong nabása sa itaas. Ipagpatuloy ang iyong pagsusuri sa mga ito gámit ang tsart sa ibaba. Huwag kalimutang ang pagsusuri sa isang sulating pananaliksik ay hindi lámang pagpuna sa mga mali at kakulangan nitó. Bahagi pa rin ng pagsusuri ang pagbibigay-papuri sa magagandang naisulat, nagawa, o kombinasyon nitó. Tandaan na kailangang suriin nang obhetibo ang mga pananaliksik batay sa nilalaman ng papel at hindi batay sa personal na dahilan. Isulat ang gagawing pagsusuri sa sagutang papel.

61

Open Ended

Question image

Isaisip

PAGSASANAY 1 (Unang Linggo)

Panuto: Basahing mabuti ang sitwasyon na nása ibaba na may kinalaman sa etika ng pananaliksik. Sagutin ang kasunod na tanong sa pamamagitan ng pagsulat ng isang talata. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

Isang mapanghamong gawain ang pagbuo ng sulating pananaliksik. Sa paghanap pa lámang ng mga sanggunian ay mauubos na ang iyong oras. Sa iyong paghahanap ay nakakita ka sa internet ng isang gawaing pananaliksik na hawig sa iyong paksa, pumasok sa isip mo na kung ito ay iyong kokopyahin ay mapapadali ang paggawa mo ng iyong proyekto ngunit naisip mo ring kung gagawin mo ito ay hindi mo naman matututuhang gumawa ng sulating pananaliksik. Isa pa, ito ay tahasang paglabag sa copyright law.

62

Open Ended

Question image

PAGSASANAY 2 (Ikalawang Linggo)

Panuto: Suriin ang ilang mga abstrak mula sa mga halimbawang pananaliksik sa Filipino batay sa layunin, gámit, metodo, at etika ng pananaliksik. Punan ang talahanayan na nása ibaba. Kopyahin at sagutan sa inyong sagutang papel.

ABSTRAK

A. Ang pangunahing layunin ng pananaliksik ay upang masuri ang estilo ng pagkatuto ng mga mag-aaral sa ika-anim na baitang bilang basehan ng interbensyon at epektibong pagtuturo at pagkatuto sa asignaturang Filipino. Mayroon animnapu't isang (61) respondente ang pananaliksik na ito at gumamit ng pamaraang palarawang disenyo. Ang resulta ay nagpapkita na ang pangunahing estilo ng pagkatuto ng mga mag-aaral na lalaki ay kinestetik na may frequency na 409 0 36.65 na bahagdan, samantalang awditori ang sa mga mag-aaral na babae na may frequency na 374 0 34.63 na bahagdan. Ang natamong X2 value na 1.7 ay mas mababa sa 5.99 na critical value sa 0.05 level of probability teybol gamit ang degree of freedom na 2. Ang Null hypothesis na nagsasabing walang significant relationship o malaking kaugnayan ang estilo ng pagkatuto ng mga lalaki at babaeng mag-aaral ay tinanggap.

Ang paaralan ay nararapat na magsagawa ng Leaming Action Cell (LAC) session para sa guro na ang paksa ay tungkol sa estilo ng pagkatuto, laluna sa kinestetik at awditory upang makapagbigay ng angkop na pamamaraan na gagamitin sa pagtuturo upang mapataas ang marka at malinang ang kakayahan ng mga mag-aaral ngayong 21st century.

63

​Isagawa

Panuto: Maghanap ng isang halimbawa ng pananaliksik sa aklat o internet. Gámit ang tseklist na nása ibaba ay suriin ang papel-pananaliksik na nakuha mo kung gaano kahusay at katibay ang mga bahagi nitó batay sa layunin, gamit, metodo, at etika ng pananaliksik. Lagyan ng tsek (✔) kung ito ay nakasunod sa wastong paraan ng pagsulat ng pananaliksik batay sa mga tanong at ekis (❌) kung hindi. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

64

​Tayáhin

Panuto: Suriin ang bawat pahayag patungkol sa layunin, gámit, metodo, at etika sa pananaliksik. Lagyan ng tsek (✔) ang linya bago ang bílang kung ito ay tama at ekis (❌) kung mali. Isulat ito sa sagutang papel.

65

Multiple Choice

Ang metodo ay tumutukoy sa paraang ginagamit ng mananaliksik sa pagkuha ng datos at pagsusuri sa piniling paksa.

1

2

66

Multiple Choice

Tiyak ang layunin kung nagpapahayag ito ng kabuoang layon o nais matamo ng pananaliksik.

1

2

67

Multiple Choice

Ang layunin ng pananaliksik ay maaaring maging panlahat o tiyak.

1

2

68

Multiple Choice

Ang mananaliksik ay dapat maging matapat sa anumang

impormasyong ilalagay niya sa kaniyang pananaliksik.

1

2

69

Multiple Choice

Panlahat ang layunin kung nagpapahayag ito ng mga partikular na

pakay sa pananaliksik sa paksa.

1

2

70

Multiple Choice

Ang kulay, tekstura, lasa, damdamin, at pangyayari ay mga

halimbawa ng datos ng kailanan o quantitative data.

1

2

71

Multiple Choice

Maaaring maging subhetibo ang tono ng pananaliksik.

1

2

72

Multiple Choice

Ang mga layunin ng pananaliksik ay kadalasang nabubuo pagkatapos mailatag ang mga tanong sa pananaliksik.

1

2

73

Multiple Choice

Ang etika ay tumutukoy sa pagiging obhetibo at matapat ng anumang pahayag sa kabuoan ng sulating pananaliksik.

1

2

74

Multiple Choice

Ang pag-angkin sa gawa ng iba ay tahasang paglabag sa etika ng

pananaliksik.

1

2

75

Multiple Choice

Nagagamit ang pananaliksik upang linawin ang isang

pinagtatalunang isyu.

1

2

76

Multiple Choice

Ang ginagamitan ng mga operasyong matematikal ay tinatawag na

datos ng kalidad o qualitative data.

1

2

77

Multiple Choice

Ang pagkopya sa ilang bahagi ng akdang hindi kinilala ang awtor

kahit pa ito ay may kaunting pagbabago sa ayos ng pangungusap ay isang halimbawa ng plagiarism.

1

2

78

Multiple Choice

Ang pananaliksik ay gumagamit ng mga tiyak na pandiwa at

nagsasaad ng mga pahayag na maaaring masukat o patunayan

bílang tugon sa mga tanong.

1

2

79

Open Ended

Question image

Karagdagang Gawain

PAGSASANAY 1 (Unang Linggo)

Panuto: Basahing mabuti ang mga datos na nása ibaba. Isulat ang A sa patlang kung ito ay nagpapakita ng kalidad (qualitative data) at ang B kung nagpapakita ng kailanan (quantitative data). Isulat ang sagot sa sagutang papel.

​Pagbása at Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik

Ikaapat na Markahan—Modyul 1: Pagsusuri ng Ilang Halimbawang Pananaliksik sa Filipino Batay sa Layunin, Gamit, Metodo, at Etika ng Pananaliksik

Show answer

Auto Play

Slide 1 / 79

SLIDE