Search Header Logo
Q4_W3_M11_Filipino sa Piling Larang Akademik

Q4_W3_M11_Filipino sa Piling Larang Akademik

Assessment

Presentation

Other

11th Grade

Practice Problem

Medium

Created by

Edgar Monte

Used 1+ times

FREE Resource

21 Slides • 25 Questions

1

​Filipino sa Piling Larang
(Akademik)

Pagbibigay Kahulugan sa mga Terminong Akademiko sa Iba’t ibang Sulatin

2

Alamin

Nabibigyang-kahulugan ang mga terminong akademiko na may kaugnayan sa piniling sulatin. (CS-FA11/12PT-Om-o-90)

3

Subukin

Panuto: Piliin ang letra ng tamang sagot.

4

Multiple Choice

Alin sa mga sulating akademiko ang magkatulad ang kahulugan ng terminong “paksa”?

1

Bionote at abstrak

2

Pictorial essay at agenda

3

Katitikan ng pulong at agenda

4

Panukalang proyekto at posisyong papel

5

Multiple Choice

Ang terminong ____________ ay tumutukoy sa taong pinag-uusapan sa Bionote.

1

Paksa

2

Pagkakakilanlan ng tao

3

Edukasyon kung saan natapos ang pinag-uusapan

4

Mga natatanging ambag ng tao s alipunang ginagalawan

6

Multiple Choice

Ang Layunin, Rasyunal, Katwirang lohikal, at Konklusyon ay mga katawagan sa _________________.

1

Bionote

2

Panukalang Proyekto

3

Posisyong Papel

4

Talumpati

7

Multiple Choice

Ano ang tanging pahayag sa ilalim ng larawan?

1

Banggit

2

Indensyon

3

Kapsyon

4

Lebel

8

Multiple Choice

Ang legal o nasusulat na batayan ng posisyong papel ay tinatawag na ___________.

1

Batayan

2

Konklusyon

3

Legal

4

Rasyunal

9

Balikan

Panuto: Piliin ang mga Terminong matatagpuan sa mga akademikong sulatin.

10

Multiple Choice

Bionote

1

Kapsyon

2

Budget

3

Susing salita

4

Apila sa madla

5

Mga natatanging ambag

11

Multiple Choice

Talumpati

1

Kapsyon

2

Budget

3

Susing salita

4

Apila sa madla

5

Mga natatanging ambag

12

Multiple Choice

Abstrak

1

Kapsyon

2

Budget

3

Susing salita

4

Apila sa madla

5

Mga natatanging ambag

13

Multiple Choice

Panukalang Proyekto

1

Kapsyon

2

Budget

3

Susing salita

4

Apila sa madla

5

Mga natatanging ambag

14

Multiple Choice

Pictorial Essay

1

Kapsyon

2

Budget

3

Susing salita

4

Apila sa madla

5

Mga natatanging ambag

15

Open Ended

Question image

Tuklasin

Panuto: Pagtabihin ang mga ulap na kakikitaan ng mga magkakatulad na katawagan sa mga halimbawa nito. Gumuhit ng kidlat sa pagitan ng dalawang ulap at isulat doon ang mga salitang parehong matatagpuan sa dalawang sulatin.

16

Pagbibigay Kahulugan sa mga Terminolohiya sa mga Piling Sulatin

​Suriin

media

17

Pagbibigay Kahulugan sa mga Terminolohiya sa mga Piling Sulatin

​Suriin

media

18

Pagbibigay Kahulugan sa mga Terminolohiya sa mga Piling Sulatin

​Suriin

media

19

Pagbibigay Kahulugan sa mga Terminolohiya sa mga Piling Sulatin

​Suriin

media

20

Open Ended

Question image

Pagyamanin

Gawain 1

Panuto: Isulat sa loob ng Double Bubble Map ang mga kahulugan terminong “Larawan” at “Paksa” batay sa nakaugnau na uri ng sulatin.

21

​Gawain 2

Basahin ang excerpt ng halimbawang Abstrak sa baba. Suriin ang mga ginamit na termino at ipaliwanag ang kahulugan nito.

22

​Abstrak

TEKSTO AT KONTEKSTO TUNGO SA KOMUNIKATIBONG PAGSASALIN NG

THE CONFUCIAN BIBLE BOOK 1. ANALECTS

Alfred Salao Mendoza.


Mga susing salita: Komunikatibo, translation, konteksto, at teksto

23

Ang pag-aaral na ito ay isang deskriptibong pananaliksik na nilalayong maisalin sa Filipino ang aklat na The Confucian Bible Book 1 Analects na nakasulat sa wikang Mandarin at Ingles. Sa pagtatamo ng nasabing layunin, ginamit sa pag-aaral na ito ang komunikatibong teorya ni Newmark (1988) upang ang salin ay magkaroon ng himig na madaling maunawaan ng mga mambabasang mag-aaral na Tsinoy na kasalukuyang nasa baitang 11 at 12.

24

Ang pagsasaling ito ay nagmumungkahi ng bagong pamamaraan sa pagbibigay ng balidasyon sa salin upang matiyak ang naging kaangkupan ng salin batay sa katangian ng komunikatibong salin na inilalahad ni Newmark (1988). Ang karaniwang proseso ng pagsasalin na natatapos sa pagtataya gamit ang pagbabalik-salin o suring-hambingan na nakabatay ayon kina Nida at Taber (1982) ay binigyan ng bagong hugis sa pananaliksik na ito sa pamamagitan ng pagdidisenyo ng bagong metodo sa pagsukat ng kaangkupan ng salin batay sa komunikatibong katangian nito. Pinakatampok sa pagtataya ng saling ito ang paghahambing ng reaksyon ng mambabasa ng orihinal na teksto sa reaksyon ng mambabasa ng salin na magsisilbing sukatan ng pagtatagumpay ng salin.

25

Nagsilbing malaking oportunidad naman sa panig ng mananaliksik na magkaroon ng mga angkop na respondent sa pagsasaling ito. Nilahukan ng mga mag-aaral na nakapagsasalita at nakauunawa ng mga wikang Tsino, Ingles at Filipino ang Subok-Pag-unawa na nagsilbing batayan ng kaangkupan ng salin para sa target na mambabasa.
Sa huli, ang kinalabasan ng salin ay sinang-ayunang ng mga eksperto na naging angkop at matagumpay. Samantala, ang reaksyon ng mambabasa ng orihinal na teksto ay lumabas na nahahawig sa reaksyon ng mambabasa ng tekstong salin.

26

Konklusyon

Ang mga nabuong konklusyon ng mananaliksik batay sa isinagawang pagsasalin ng Analects ay ang mga sumusunod:

1. Sa pagsasalin ng Analects ay mabubuo ang konklusyon na ang Komunikatibong Pagsasalin ni Newmark (1988) ay naging mabisa sa pagsasalin ng aklat na ito at lalo itong nagiging epektibo kung isasagawa ang mungkahing yugto ng pagsasalin nina Newmark (1988), Larson (1984), Nida at Taber (1982) na; a.) Pagsusuri, b.) Paglilipat, at c.) Muling Paglikha.

2. Napatunayan sa pagsasaling ito na epektibong gamitin sa pagsasalin ng isang akdang Tsino ang orihinal na pangalan ng tao, lugar, bagay o konsepto at hindi na ito kailangang bigyan ng katumbas na pangalan sa TUNGUHING WIKA bagaman naiiba ang pormulasyon at paraan ng pagbigkas sa mga ito.

27

3. Kaugnay ng ikalawang konklusyon, mapananatili pa rin ang mensahe ng tekstong SL kung gagamitin sa salin ang orihinal na salita ng SL na may kabuhol na kultura. Nagiging komunikatibo pa rin ang salin ng mga salitang kultural kung matapos itong hiramin nang ganap ay lalagyan ito sa salin ng agarang paliwanag upang mabuo ang konteksto sa mambabasa ng TUNGUHING WIKA. Dagdag pa rito, magiging angkop din ang pagsasalin kung ihahanap ng panumbas o popular na salin sa TUNGUHING WIKA ang salitang kultural na mula sa SL. Lumalabas na ang preskriptibong katangian ng komunikatibong salin na gumamit ng mga leksikal na salita sa TUNGUHING WIKA ay mapanghahawakan pa rin at angkop pa ring gamitin.

28

4. Napatutunayan din sa pagsasaling ito na maaaring magbago ang istilo o ayos ng pangungusap sa salin ngunit nananatili ang mensahe o kahulugan ng tekstong SL. Hindi nagiging problema sa pagsasalin ang istruktura ng pangungusap hanggat naililipat nang wasto ang mensahe ng tekstong SL. Napatunayan rin sa pagsasaling ito na sa pagkakataong mahirap isalin ang salita sa SL ay maaari itong isalin sa paraang ipinaliliwanag ang konteskto ng salita. Nagiging komunikatibo ang salin ng mga salitang SL na mahirap tumbasa sa TUNGUHING WIKA kung ipagpapauna ng tagasalin ang pagbibigay ng konsiderasyon sa limitasyon ng wika at kakayahang pampag-unawa ng mambabasa ng TUNGUHING WIKA.

29

  1. Ang mga salitang kultural ay maaaring hiramin nang buo kung may taglay na natatanging kahulugan mula sa SL upang maipakilala sa mambabasa ng tekstong TUNGUHING WIKA. Pinatunayan sa pagsasaling ito na hindi nahirapang kilalanin ng mambabasa ng TUNGUHING WIKA ang mga salitang nakaugat sa kultura ng SL na hiniram nang ganap. Lumalabas na ang mambabasa ng TUNGUHING WIKA ay nagkakaroon pa ng higit na pagkaunawa sa mga kultural na salita sapagkat nabibigyan ang mga ito ng panibagong halimbawa kung paano ginagamit o binibigyang kahulugan ang salita sa konteksto ng TUNGUHING WIKA.

30

6. Nasusukat ang pagiging komunikatibo ng isang salin sa pamamagitan ng pagsasagawa ng paghahambing ng kinalabasan ng pagtataya sa mambabasa ng SL at mambabasa ng TUNGUHING WIKA.

7. Sa pagsasagawa ng isang relay translation, nangangailangan ng mga ekspertong susuri hindi lamang sa dalawang wikang kasangkot (unang salin at wikang pagsasalinan) kundi pati na rin sa wika, kasaysayan at kultura ng orihinal na teksto. Ang mga ekspertong ito ay may malaking papel sa pagtataya at kumpirmasyon ng kaangkupan ng isasagawang pagsasalin.

31

Rekomendasyon

1. Iminumungkahi sa mga mag-aaral at susunod pang mga magsasalin ang pagpapatuloy ng pagsasalin sa Filipino ng taTunguhing Wikao pang klasikal na aklat ng bansang Tsina; Great Learning ni Zeng Zi, Doctrine of the Mean, at Mencius, tungo sa lalong ikauunlad ng wikang Filipino sa disiplina ng Pilosopiya at Kasaysayan na daan sa pag-unlad ng pagpapahalagang pangkatauhan at kagalingan ng lipunan…

2. Hinihimok rin ang mga guro na magsalin pa ng iba pang uri ng teksto na magagamit sa pagtuturo bilang dagdag na babasahin na nasa uring makapaglalapit ng damdamin ng mambabasa sa wikang Filipino…

3. Hinihikayat ang mga administrador na bumuo ng isang glosaryo ng mga katawagang Tsino na makatutulong sa mga mag-aaral at guro na nagnanais na maging pamilyar at matuto ng wikang Mandarin at Filipino…

32

Open Ended

Question image

Isaisip

Panuto: Ibigay ang pagkakaiba-iba sa kahulugan ng salitang “Konklusyon” sa iba’t ibang sulating akademiko.

33

Open Ended

Panuto: Sumipi ng dalawang kopya ng magkaibang sulating akademiko. Ipakita ang kahulugan ng mga terminolohiya ng isang piling akademikong sulatin sa pamamagitan ng paghahambing sa dalawang halimbawa nito. Bilugan ang mga magkakatulad na terminolohiya sa dalawang sulatin at ipaliwanag sa iyong sagutang papel ang nakikita mong pagkakaiba sa kahulugan ng mga terminolohiyang binilugan.

34

​Tayahin

Panuto: Isulat ang salitang Tama kung ang pangungusap ay naglalahad ng katotohanan at Mali naman kung hindi katotohanan.

35

Multiple Choice

Ang sulating abstrak ay nagpapakita ng larawan at gumagamit ng terminong kapsyon.

1

Tama

2

Mali

36

Multiple Choice

Ang kahulugan ng paksa sa Bionote ay taong inilalarawan.

1

Tama

2

Mali

37

Multiple Choice

Target na budget ang naglalaman ng iskedyul kung gaano katagal ang proyekto.

1

Tama

2

Mali

38

Multiple Choice

Ang apila sa madla ay mababasa sa isang pyesang pantalumpati.

1

Tama

2

Mali

39

Multiple Choice

Ang konklusyon ay listahan ng mga batayan kung saan hinango ang mga impormasyon.

1

Tama

2

Mali

40

Multiple Choice

Ang lakbay-sanaysay ay kakikitaan ng terminong budget.

1

Tama

2

Mali

41

Multiple Choice

Abstrak ang nagtataglay ng mga natatanging ambag ng may-akda.

1

Tama

2

Mali

42

Multiple Choice

Ang bawat posisyong papel ay kinakailangang gumagamit ng terminong rasyunal.

1

Tama

2

Mali

43

Multiple Choice

Ang bawat posisyong papel ay kinakailangang gumagamit ng terminong rasyunal.

1

Tama

2

Mali

44

Multiple Choice

Ang resulta ng pag-aaral at pagsusuri sa mga datos ay tinatawag na kinalabasan ng pag-aaral.

1

Tama

2

Mali

45

Multiple Choice

Siniping pahayag ang mga patunay sa kaisipan na pinatutunayan sa sulatin.

1

Tama

2

Mali

46

A. Panuto: Lumikha ng Akademikong Sulatin na hinihingi sa graphics. Sundin ang alituntunin at pamantayan na ibibigay ng iyong guro.

​Karagdagang Gawain

media

​Filipino sa Piling Larang
(Akademik)

Pagbibigay Kahulugan sa mga Terminong Akademiko sa Iba’t ibang Sulatin

Show answer

Auto Play

Slide 1 / 46

SLIDE