Search Header Logo
Q4_W5_M13_Fili pino sa Piling Larang Akademik

Q4_W5_M13_Fili pino sa Piling Larang Akademik

Assessment

Presentation

Other

11th Grade

Medium

Created by

Edgar Monte

Used 3+ times

FREE Resource

33 Slides • 24 Questions

1

Filipino sa Piling

Larang Akademik

Modyul 13 Pagsulat ng Isang Organisado, Malikhain at Kapani paniwalangSulatin

2

Alamin

Pagkatapos mong sagutan ang modyul na ito, ikaw ay inaasahang:

• Nakasusulat ng isang organisado, malikhain at kapani-paniwalang sulatin. (CS-FA11/12PU-Op-r-94)

3

Subukin

Panuto. Piliin ang letra ng tamang sagot at isulat sa sagutang papel.)

4

Multiple Choice

Aling hanay ng pagkakasunod-sunod ng mga pangungusap ang nagpapakita ng kronolohikal na organisasyon ng mga pahayag?

I. Naiwan kong tiwangwang ang mga tools dahil sa pagkabigla.

II. Habang nagkukumpuni ako ng motor, biglang nagliyab ang tangke ng langis.

III. Dahil sa narinig kong kalampag ng makina kahapon, naglaan na ako ng panahon ngayon upang baklasin ito.

IV. Narinig kong muli ang

1

III, IV, II & I

2

B. III, I, IV & II

3

I, II, III & IV

4

IV, III, I & II

5

Multiple Choice

Alin ang hindi nabibilang sa diwa ng sumusunod na mga salita at nagpapahina sa organisasyon nito?

I. Siyensya

II. Pilosopiya

III. Politika

IV. Enerhiya

1

I & II

2

I, II & IV

3

III

4

IV

6

Multiple Choice

Sumusulat ka ng isang piyesang pantalumpati na ilalahok mo sa isang timpalak. Bibigkasin ito sa harap ng iyong mga katunggali. Paano mo ipamamalas ang pagiging malikhain sa pagpapakita ng pinakamasidhing agresyon ng pagpapakilala ng iyong sarili nang hindi napipinsala ang iyong persona bilang isang maginoong kalahok?

1

Ako’y walang nais na masama sa aking kapwa mananalumpati. Ikinagagalak ko na kayo’y makatunggali.

2

Nakatayo ngayon sa inyong harapan ang mag-uuwi ng karangalan!

3

Akala ko’y nasa peryaan ako. Marami kasing unggoy sa paligid ko.

4

Bakit pa kayo dumalo kung naririto na ako?

7

Multiple Choice

Alin sa mga sumusunod na salitang naglalarawan ang angkop na gamitin sa pangungusap upang ipakita ang pagiging malikhain ng manunulat.

“Kung __________ ko ang salapi sa layaw, parusahan mo ako.”

1

ginasta

2

ginugol

3

sinayang

4

winaldas

8

Multiple Choice

Alin sa sumusunod na mga pahayag ang higit na kapani-paniwala?

1

Sabi sa balita, tumataas daw ang kaso ng biktima ng Covid-19. Sinang-ayunan naman ito ng mga kapitan at tanod sa mga barangay kaya’t pinaghahanda na ang publiko sa posibleng lock down.

2

Ayon kay Enriquez (2021), ipinahayag ng WHO na hindi tataas ang bilang ng mga nagkakasakit kung sumusunod ang mga mamamayan sa pagsusuot ng face shield.

3

Mababasa sa trending ngayon sa social media na hindi naman na kailangan ang face shield o obligahin ang tao na magsuot nito.

4

Isang nurse ngayon ang nasawi dahil sa pagkahawa sa Covid-19 kaya’t paghandaan ang mas mahigpit na lock down.

9

Open Ended

Question image

Balikan

Panuto: Punan ang talahanayan ng mga hinihinging impormasyon tungkol sa Pictorial Essay, Replektibong Sanaysay at Talumpati. Isulat ang talahanayan sa iyong sagutang papel.

10

​Tuklasin

Panuto: Basahin ang mga Sulating Akademiko sa baba at sagutin sa sagutang papel ang mga tanong sa pag-unawa.

11

Talumpati:

Si Manuel L. Quezon sa Pananaw ng Makabagong Kabataang Pilipino

Alfred S. Mendoza

12

nanalakay ang mga hapon

sumabog ang Pearl Harbor

idineklara ang Martial law

pinaslang si Ninoy Aquino

at sa lahat ng pangyayaring ito

nanatili pa rin ang pangalang Quezon sa puso at isipan ng mga tao…

13

Limot ka na ng sambayanan, Manuel. Isa ka na lamang pangalan ng maunlad na lungsod na pilit na ikinukubli ang mapait na dusta ng kahirapan laban sa kaunlaran. Ngayo’y isa ka na lamang karatulang pangalan ng gusaling nagpapanggap na isulong ang iyong mga dakilang adhikain. Sa mga paaralan ay mananatili kang talambuhay at talambuhay na lamang. Matatapos ang daang taong ito ngunit ang iyong alaala ay mananatiling isang palamuti sa isang sulok ng inaanay na ideolohiyang lipas na ng panahon. Ang mga binigkas mong pahayag sa iyong mga talumpati ay magmimistulang ritmo na lamang ng mga susunod na awit ng Buwan ng Wika. Samantalang ang iyong mga pangarap ay magiging himig ng mga makabayang nag-aalay ng pag-asa na isang araw sisilay ang bagong umaga…

14

Nahihiya ako sa iyo Manuel. Ikinahihiya kong matamisin ang kasinungalingang ikaw ay kilala pa ng kabataan sa panahon ngayon… sa tuwing sinasabi nilang ikaw ang ama ng wikang pambansa ay kinakain ako ng kumunoy ng aking kahihiyan. Ikinalulungkot kong ang pagmamahal ko sa wikang Filipino ay hindi sapat upang baguhin ang mentalidad ng marami na:

Ingles ang susi sa pag-unlad ng ekonomiya ng Pilipinas…

English-policy ang sagot sa kahinaan sa pakikipag-ugnayang panlabas...

Ingles ang dapat na ituro, gamitin at salitain ng mga bata sa paaralan…

15

Kapag ang bayang ito ay hindi nagising sa bangungot na nilikha ng kolonyalisasyon, ang ekonomiya ng bansa ay mananatiling anino ng dayuhan at ang sistema ng politika ay magpapatuloy na parang isang malalang kanser na kakain sa sarili nitong buto hanggang sa ito’y tuluyang malumpo.


At kapag patuloy nating binaliwala ang mga payo ng dating pangulo, ang bayang ito’y aawit ng isang ponebre na maghahatid sa kanyang huling hantungan...

16

mananalakay na naman ang mga hapon

sasabog ang bagong Pearl Harbor

magdedeklarang muli ng Martial law

papaslangin ang isa pang Ninoy Aquino

at sa lahat ng pangyayaring ito

mananatili na lamang ang pangarap ni Quezon sa puso at isipan ng mga tao…

17

Mga tanong sa pag-unawa:

18

Open Ended

Napansin mo ba ang mga pahayag sa una at huling bahagi ng talata? Paano naging kapansin-pansin sa iyo ang mga pahayag? Ano kaya ang layunin ng may-akda sa paglalagay ng mga pahayag na ito?

19

Open Ended

Sa unang dalawang talata ng talumpati, ano ang napansin mong istilo ng manunulat sa pagpapakilala kay dating pangulong Quezon? Paano naging magkaugnay ang prologo ng talumpati sa unang dalawang talata?

20

Open Ended

Ihambing ang tinig ng ikatlong talata sa una at ikalawa. Anong pagbabago sa tinig ang naging kapansin-pansin sa mambabasa?

21

Open Ended

Sa unang tatlong talata ng talumpati, saang bahagi ipinakita ng manunulat ang usaping tatalakayin sa talumpati? Ano-anong mga salita ang nagbigay sa iyo ng palatandaan upang malaman ang tema ng pagtalakay sa usapin ng may-akda?

22

Guro sa Hamon ng Pandemya

Nina Robert P. Martin, Carlota B. Aguinaldo at Alfred S. Mendoza.

​Pictorial Essay

media

23

Open Ended

Paano nakatulong ang larawan sa pag-unawa sa sanaysay?

24

Open Ended

Paano inilarawan ang mga sitwasyong pinakita sa larawan?

25

Open Ended

Ano-anong mga katotohanan ang binabanggit sa sanaysay?

26

Suriin

Bago Sumulat

Iba-iba ang pamamaraan ng bawat manunulat sa kani-kanilang pagbuo ng akda o sulatin. May kanya- kanyang istilo ang ginagamit ng mga awtor upang maging kaayaya at malinaw ang paglalahad ng mga impormasyon. Gayonpaman, nagkakaiba-iba man sa istilo, ang lahat naman ay sumusunod sa pamantayan na maging organisado ang pagkakahanay ng mga pangungusap. Kung susundin ang aklat ni Badayos (1999), may binabanggit siyang mga yugto ng pagsulat kung saan nagaganap ang paghahanda ng manunulat upang maging organisadog! ang isang sulatin. Ito aniya ay nagaganap sa yugto bago ang pagsulat.

27

Suriin

Bago Sumulat

Iba-iba ang pamamaraan ng bawat manunulat sa kani-kanilang pagbuo ng akda o sulatin. May kanya- kanyang istilo ang ginagamit ng mga awtor upang maging kaayaya at malinaw ang paglalahad ng mga impormasyon. Gayonpaman, nagkakaiba-iba man sa istilo, ang lahat naman ay sumusunod sa pamantayan na maging organisado ang pagkakahanay ng mga pangungusap. Kung susundin ang aklat ni Badayos (1999), may binabanggit siyang mga yugto ng pagsulat kung saan nagaganap ang paghahanda ng manunulat upang maging organisadog! ang isang sulatin. Ito aniya ay nagaganap sa yugto bago ang pagsulat.

28

Sa yugto bago sumulat, ang manunulat ay naghahanda ng kanyang pamamaraan kung paano niya paplanuhin ang kanyang sulatin. Ito ay nakatutulong upang maging organisado ang kanyang mga salitang gagamitin at maiayos ang pagkakahanay ng mga pangungusap.

29

Paano magiging organisado ang pagsulat ng isang akademikong sulatin?

Napakaraming pamamaraan upang iorganisa ang iyong sulatin. Sa modyul na ito ay tatalakayin natin ang ilan sa mga pamamaraan upang maihanda mo ang iyong sulatin at maisulat mo ito nang may kaayusan.

30

1. Saan nakabatay ang organisasyon?

Tematik – maaari mong iorganisa ang iyong sulatin sa pamamagitan nang pagsasama-sama ng mga paksa o pagbibigay ng tema sa bawat talata o bahagi nito. Makatutulong ito upang maging madali sa mambabasa na maunawaan ang paksa at detalye ng pinag-uusapan sa sulatin.

31

1. Saan nakabatay ang organisasyon?

Panahon o pagkakasunod-sunod – kung ang iyong susulatin ay nagtataglay ng elemento ng panahon, isa sa pinakamadaling paraan upang iorganisa ang iyong sulatin ay sa pamamagitan ng pagsusunod-sunod ng mga pangyayari o impormasyon batay sa panahon. Maaari mong bigyan ng konsiderasyon ang mga petsa, kawing ng mga pangyayari, o mga palatandaan na magbibigay ng hudyat ng mga panahon.

32

1. Saan nakabatay ang organisasyon?

Halaga ng impormasyon – ang bigat o halaga ng impormasyon ay maaaring ibatay sa kaugnayan nito sa paksang tinatalakay. Maaari mong unahin ang pinakamahalagang impormasyon kung ang iyong layunin ay ihain agad sa mambabasa ang pinakamalaking tipak ng impormasyon upang maengganyo itong magbasa. O maaari mo namang simulan ang paglalahad ng mga impormasyon sa pamamagitan ng pag-uunti-unti mula sa pinakamaliit na impormasyon hanggang sa pinakamahalagang bahagi o tampok nito.

33

2. Paraan ng pag-oorganisa

Sumulat ng balangkas – isa sa pinakapangunahing pamamaraan ng pagsulat ay ang pagbuo ng planong balangkas. Makatutulong ito upang makita ang saklaw ng iyong isusulat. Makapagbibigay rin ito ng ideya kung paano mabuting ihanay ang pagkakasunod-sunod ng mga impormasyon.

34

2. Paraan ng pag-oorganisa

Gumamit ng mga graphic organizer – magiging madali naman sa manunulat ang pagpaplano ng pagsulat kung gagamit siya ng mga biswal na pagbabalangkas o paghahanay ng mga impormasyon. Katulad ito ng isang balangkas ngunit ang kaibahan lamang ay mas mabilis itong isulat at higit na madaling ipakita ang ugnayan ng mga salita sa isa’t isa.

35

Paano maipakikita ang pagiging malikhain ng isang akademikong sulatin?

1. Pagiging malikhain sa pagpili ng salitang gagamitin- Bagaman ang akademikong pagsulat ay nangangailangan ng payak na mga salita upang higit na maunawaan ng lahat, hindi pa rin maikakailang ang paggamit ng matatalinghagang pahayag ay makatutulong upang mas maging epektibo at kaakit-akit ang sulatin. Mahalaga rin ang paggamit ng angkop at tiyak na mga salita upang mas maging malinaw ang mensaheng nais ipahatid sa mga mambabasa..

36

Paano maipakikita ang pagiging malikhain ng isang akademikong sulatin?

2. Pagpapakilos ng imahinasyon ng mambabasa- Hindi lang sapat na gumamit ng mga salitang naglalarawan upang maiguhit ang imahe sa isipan ng mga mambabasa. Sa tulong ng mabisang paglalarawan ng manunulat, napagagana ang iba’t ibang pandama ng mga mambabasa. Mahalagang maramdaman nila na sila ay kabilang o kasangkot sa kanilang binabasa na nag-uudyok sa kanilang magbigay ng reaksyon, sumang-ayon o sumalungat sa sinasabi ng may-akda.

37

Paano maipakikita ang pagiging malikhain ng isang akademikong sulatin?

3. Pagpili ng istilo sa pagsulat- Ang bawat may-akda ay may kanya-kanyang istilo sa pagsulat. Ang iba ay gumagamit ng payak at maiikling pangungusap habang ang iba naman ay matatalinghaga at mahahabang pangungusap. May iba’t ibang paraan din ng pagsulat ng panimula at wakas tulad ng pagtatanong, pagsasalaysay, paglalarawan ng isang tao o pangyayari, tuwirang paglalahad sa paksa at iba pa. Sa kabilang banda, sa paghahabi ng katawan ng teksto, ang iba ay gumagamit ng sanhi at bunga, pag-iisa-isa, pagsusunod-sunod ng pangyayari, paglalahad ng proseso, paghahambing at iba pa. Dahil sa mabisang pagpili ng angkop na istilo o pamamaraan sa pagsulat ng anomang uri ng sulatin, nagiging malikhain ang paghahatid ng mensahe ng may-akda. Gumamit ng iba-ibang estilo sa pagsulat upang maiwasan ang pagkabagot ng mga mambabasa.

38

Paano magiging kapani-paniwala ang isang akademikong sulatin?

1. Paggamit ng mga batayan o sanggunian – ang paglalahad ng kaisipang pawang nakabatay sa sariling haka-haka ay hindi ganap na kapani-paniwala. Mahalagang tukuyin ang pinaghanguan ng impormasyong pinagbatayan ng isang pahayag o opinyon upang ito maging kapani-paniwala. Sa mga talata, maaaring gumamit ng mga salitang ayon kay…, ayon sa pag-aaral… , binanggit ni…, at iba pa.

39

Paano magiging kapani-paniwala ang isang akademikong sulatin?

2. Lohikal na pagpapahayag – ang maayos na pagkakaugnay-ugnay ng mga konsepto o kaisipan ay nagdudulot ng malinaw at kapani-paniwalang sulatin. Kung hindi organisado ang paghahanay ng mga ito, gaano man kaganda ang isang sulatin, mabibigong matamo ang layunin ng may-akda. Ang pagbibigay ng ganap na katwiran sa paninindigan ay nakatutulong din upang paniwalaan ng mambabasa ang tindig ng may-akda.

40

Paano magiging kapani-paniwala ang isang akademikong sulatin?

3. Pagbatay sa katotohanan – mas nakauugnay ang mga mambabasa sa sulatin kung ang mga inilalahad na sitwasyon ng manunulat ay nakabatay sa reyalidad. Higit nilang nauunawaan at napapahalagahan ang layunin at mensahe ng sulatin sapagkat ito ay nagaganap sa tunay na buhay. Bukod pa rito, ang isang sulating nagsusulong ng katotohanan ay nagpapamulat sa isipan ng mga mambabasa.

41

​Pagyamanin

Gawain 1

Panuto: Sumulat ng isang organisado, malikhain at kapani-paniwalang sulatin batay sa larawan. (mula sa Art of Elijaah Tan)!

42

Gamiting gabay ang sumusunod na pamantayan:

1. Gawing organisado ang mga pangungusap at talata.

2. Maging malikhain sa pagpili ng mga salitang gagamitin.

3. Ibatay sa katotohanan ang iyong mga impormasyon.

4. Mula sa aralin sa itaas, pumili ng mga dulog o estilo sa pagsulat ng isang sulatin.

5. Isaalang-alang ang pagpaplano bago sumulat.

media

43

Open Ended

Gawain 2

Panuto: Sumulat ng isang piyesang pantalumpati hinggil sa natatanging paksa. Gaya ng halimbawang binasa sa taas. Maging malikhain sa paglalahad sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga paglalarawan sa paksa at mga detalye nito. Upang maging kapanipaniwala ang iyong sulatin, maging organisado sa paglalahad ng mga katotohanan sa pamamagitan ng paghahanay ng mga argumento o tindig. Isulat ang iyong talumpati sa sagutang papel.

44

Isaisip

Panuto: Isaayos ang mga ginulong letra upang mabuo ang salitang tinutukoy sa bawat bilang at isulat ito sa sagutang papel.

45

Fill in the Blanks

46

Fill in the Blanks

47

Fill in the Blanks

48

Fill in the Blanks

49

Fill in the Blanks

50

media

Panuto: Humanap ng isang makahulugang larawan na nagpapakita ng isyung panlipunan. Ilimbag o gumupit nito at idikit sa sagutang papel. Sumulat ng isang replektibong sanaysay. Gamitin ang rubriks sa baba bilang gabay sa pagsulat.

​Isagawa

51

​Tayahin

Panuto: Piliin ang letra ng tamang sagot at isulat ito sa sagutang papel.

52

Multiple Choice

Ikaw ay nahilingang magbigay ng talumpati ukol sa pagpapatuloy ng online class sa bansa. Alin sa sumusunod na hakbang ang una mong gagawin?

1

Pagbuo ng pangunahing kaisipan ng paksang tatalakayin.

2

Pananaliksik ng datos at mga kaugnay na babasahin.

3

Pagpili ng naaangkop na istilong gagamitin sa pagsulat at pagbigkas ng talumpati

4

Paghihimay-himay sa mahahalagang detalyeng bibigyang pansin upang maging komprehensibo ang talumpati

53

Multiple Choice

Pagsunod-sunorin ang mga pahayag sa baba upang makabuo ng isang organisadong talata.

I. Hindi maikakailang nagdulot ng matinding suliranin sa ating lahat ang COVID-19.

II. Naniniwala ako na kahit anong hirap ng sitwasyon natin, marami namang paraan upang matugunan ang kanilang pag-aaral.

III. Lahat tayo ay nahihirapan sa kasalukuyang sitwasyon ngunit ang pag-aaral at pagkatuto ng mga bata ay hindi dapat ipagsawalang bahala.

IV. Kailangan lamang magtulungan ang bawat isa upang mapagtagumpayan ang hamong hatid ng pandemya lalong-lalo na sa larangan ng edukasyon.

1

I, II, III, IV

2

I, III, II, IV

3

I, III, IV, II

4

I, II, IV, III

54

Multiple Choice

Ang iyong pangkat ay kolaboratibong magsusulat ng isang halimbawa ng akademikong sulatin. Malaya kayong pumili ng paksa ngunit ang sulatin ay dapat na maging kapani-paniwala. Alin sa sumusunod na pahayag ang inyong gagamitin bilang batayan o sanggunian upang mapatunayang kapani-paniwala ang bubuoing sulatin?

1

Nag-viral na video ng isang vlogger ukol sa pamimigay niya ng tulong sa mga mahihirap.

2

Nagbigay ng opinyon ang ilang kilalang celebrities ukol sa kalagayan ng ekonomiya sa bansa.

3

Naging usap-usapan sa social media ang napipintong limited face to face classes sa ilang piling probinsya sa bansa.

4

Napatunayan sa isang pananaliksik na ang pangunahing suliranin ng mga guro sa Araling Panlipunan gamit ang Filipino bilang wikang panturo ay ang kakulangan ng kanilang pagdalo sa mga seminar at kakulangan ng mga makabagong kagamitan sa pagtuturo.

55

Multiple Choice

Alin sa sumusunod ang nagpapakita ng pagkamalikhain sa pagsulat ng panimula ng replektibong sanaysay?

1

“Kailan kaya tayo makakalaya sa tanikalang ito ng pandemya?”

2

“Ang pandemyang ito ay nagdulot ng napakalaking epekto sa pamumuhay nating lahat.”

3

“Kumusta ang buhay ninyo sa loob ng mahigit isang taong tayo ay nasa gitna ng pandemya?”

4

“Ang paksang aking tatakayin ay tungkol sa isang karanasang di malilimutan sa panahon ng pandemya.”

56

Multiple Choice

Alin sa sumusunod na pangungusap sa loob ng kahon ang walang kaugnayan sa buong talata?

(1) Nang matukoy na kung aling pangkat ang gagamitan ng lokalisadong kagamitan at pangkat na gagamitan ng hindi lokalisadong kagamitan, ang mananaliksik ay nagsagawa ng pagtuturo batay sa inihandang Pang-araw-araw na Tala sa Pagtuturo o Daily Lesson Log (DLL).

(2) Siya ay naghanda ng iba’t ibang estratehiyang gagamitin sa pagtuturo ng pagbasang may pag-unawa.

(3) Ngunit bago ito maganap, nagkaroon muna ng pre-test kung saan ang bawat pangkat na may tiglilimang kasapi ay lumikha ng lokalisadong panukalang proyekto sa tulong ng kanilang dating kaalaman.

(4) Walang ibinigay na pormat ang mananaliksik maliban sa dalawang pamantayang inihanda ng mananaliksik.

(5) Nang matapos ang pre-test ay kinolekta na ito at nagkaroon ng maikling talakayang may kaugnayan sa pagganyak na ibinigay sa klase.

(6) Sa ikalawang sesyon ay naganap ang aktwal na pagsulat ng mga mag-aaral ng panukalang proyekto na nagsilbing post-test na gumamit ng lokalisado at hindi lokalisadong kagamitan bilang modelo o hulwaran.

1

1

2

2

3

3

4

4

57

Karagdagang Gawain

Panuto: Gumawa ng isang Collage. Sumulat ng Pictorial essay na ang paksa ay suliraning panlipunan na kinakaharap ngayon ng ating bansa. Isulat sa sagutang papel.

Filipino sa Piling

Larang Akademik

Modyul 13 Pagsulat ng Isang Organisado, Malikhain at Kapani paniwalangSulatin

Show answer

Auto Play

Slide 1 / 57

SLIDE