Search Header Logo
Q4_W8_M16_Filipino sa Piling Larang Akademik

Q4_W8_M16_Filipino sa Piling Larang Akademik

Assessment

Presentation

Other

11th Grade

Practice Problem

Medium

Created by

Edgar Monte

Used 2+ times

FREE Resource

50 Slides • 14 Questions

1

​Filipino sa Piling

Larang Akademik

Modyul 16

Etika sa Akademikong

Pagsulat

2

Alamin

Ang araling ito ay nahahati sa sumusunod na paksa:
1. Paglalahad ng Etika sa Pagsulat

2. Pagbibigay Kahulugan sa Posisyong Papel

3. Gamit ng Posisyong Papel

4. Katangian ng Posisyong Papel

5. Mga Hakbang sa Pagsulat ng Posisyong Papel

6. Halimbawa ng Posisyong Papel

3

Pagkatapos mong sagutan ang modyul sa araling ito, ikaw ay inaasahang:

Naisasaalang-alang ang etika sa binubuong akademikong sulatin. CS_FA11/12EP -0p - r - 40

4

Open Ended

Question image

Subukin

Panuto: Sumulat ng posisyong papel ukol sa pagpapatuloy ng edukasyon sa panahon ng COVID-19 sa bansa. Tiyaking naisaalang-alang ang etika sa pagsulat ng posisyong papel.

5

Open Ended

Question image

Balikan

Panuto: Pagmasdan ang mga editoryal kartun sa ibaba. Tukuyin ang mahalagang isyu na binibigyang-diin dito. Ilahad din ang iyong pinaninindigang opinyon tungkol dito. Isaalang-alang ang etika sa pagsulat ng opinyon. Gawing gabay sa pagsagot ang talahanayan. Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel.

6

Open Ended

Question image

Tuklasin

Gawain 1

Panuto: Basahin at unawain ang pahayag sa loob ng kahon. Ilahad ang iyong pananaw tungkol dito. Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel.

7

Open Ended

Gawain 2

Panuto: Isulat sa sagutang papel kung paano mo paninindigan at ipaglalaban ang iyong karapatan sa sumusunod na sitwasyon.

1. May ale kang nakasabay sa paglalakad papunta sa inyong paaralan. Nakita mong nahulog ang kaniyang pitaka at ibinigay mo ito sa kaniya. Subalit sa halip na magpasalamat ay pinagbintangan ka niya na ikaw ang kumuha ng kaniyang pitaka.

2. Nakita mong may kodigo ang iyong kaklase na katabi mo habang kayo ay may pagsusulit. Nang papalapit na ang inyong guro ay mabilis na ipinatong ng iyong kaklase ang kodigo sa iyong desk. Nakita ng iyong guro na nasa desk mo ang kodigo at pinagbintangan kang nandaraya sa pagsusulit.

3. Maaga kang umalis ng bahay patungo sa inyong paaralan. Habang nakasakay sa jeep ay may banggaan sa kalsada na nagdulot ng matinding trapik. Pagkatapos ng klase ay nais kang kausapin ng iyong guro dahil nahuli ka sa pagdating sa paaralan.

8

Suriin

Basahin at unawaing mabuti ang mga impormasyon tungkol sa etika ng pagsulat at posisyong papel sa ibaba.

9

Etika sa Pagsulat

Ayon sa https://brainly.ph/question/476973, ang etika sa pagsulat ay batayan na nagdidikta kung ano ang dapat gawin ng tao. Ito ay may kaugnayan sa kanyang obligasyon, karapatan, katuwiran at halaga. Kabilang dito ang pagkamakatao, katapatan at pagtitiwala. May mga pagpapahalagang nakapaloob sa etika sa pagsulat. Ito ay mga batayan, istandard, ideyal at gawi.

10

Ang sumusunod ay mga konsepto kaugnay sa etika sa pagsulat na halaw pa rin sa https://brainly.ph/question/476973.

1. Copyright. Sa Pilipinas, nililinaw sa Intellectual Property Code of the Philippines o ang Republic Act. No 8293 ang mga karapatan at obligasyon ng mga may-akda pati na ang paggamit sa mga ginagawa ng mga ito. Dapat tukuyin ang may-akda o kung saan nanggaling ang datos, petsa, naglimbag at iba pang impormasyon.

11

2. Plagiarism. Ang plagiarism ay ang maling paggamit, pagnanakaw ng mga ideya, pananaliksik, lengguwahe at pahayag ng ibang tao sa layuning angkinin ito na magmukhang kaniya. Ito ay ang hindi pagbanggit sa may-akda ng bahaging sinipi at kinuhanan ng ideya. Kasama rito ang hindi paglagay ng panipi sa hiniram na direktang salita o pahayag. Plagiarism din kapag hindi ginamitan ng sariling mga pananalita ang mga akdang ibinuod (summary) at hinalaw (paraphrase).

12

3. Paghuhuwad ng datos. Ang paghuhuwad ng datos ay ang pagbago o modipikasyon ng datos. Kabilang dito ang imbensiyon ng datos. Ito ang sinasadyang di paglagay ng ilang datos.

13

5. Pag-subscribe upang bumili ng artikulo. Pag-subscribe upang bumili ng artikulo o pagkopya sa mga website upang gamitin at angkinin bilang isang sariling papel na isusumite sa guro.

14

6. Pagpapagawa o pagbabayad sa iba upang ipagawa ang papel, tesis, disertasyon. Malinaw na pandaraya ito.

15

Ang Posisyong Papel

Ang posisyong papel ay isang sulating akademiko na nagsasaad ng tiyak na paninindigan ng manunulat tungkol sa isang mahalaga at napapanahong isyu. Ito ay inilalathala sa akademya, politika, batas at iba pang larangan. Naglalayon itong himukin ang mga mambabasa na pumanig o sumang-ayon sa manunulat sa pamamagitan ng mga inilahad na katuwiran o ebidensya.

Ang posisyong papel ay may iba’t ibang anyo. Ang pinakasimpleng anyo ay ang liham sa editor na nagsasaad lamang ng mga pananaw ng manunulat hinggil sa balita o artikulong kaniyang nabasa mula sa pahayagan o magasin. Samantala, ang pinakakomplikadong pormat naman ay ang pang-akademikong posisyong papel na naglalahad ng mga argumento at ebidensya upang paniwalaan ang paninindigan ng manunulat.

16

Gamit ng Posisyong Papel

(Constantino at Zafra)

1. Pagkakataon ito para sa may-akda na tipunin at organisahin ang mga datos at bumuo ng isang malinaw na paninindigan tungkol sa isang paksa.

2. Naipakikilala ang kredibilidad sa komunidad ng mga may kinalaman sa nasabing usapin.

3. Para sa lipunan, nakatutulong ang posisyong papel upang maging malaya ang mga tao sa magkakaibang pananaw ukol sa usaping panlipunan.

17

Katangian ng Posisyong Papel

Mahalagang isaalang-alang ang mga katangian ng posisyong papel. Ang mga ito ay ang sumusunod:

18

1. Malinaw na paksa

Ang paksa sa posisyong papel ay ang mga isyung napapanahon at pinagtataluhan ng tao. Mahalagang maipaliwanag mo nang mabuti ang kahulugan at kabuluhan ng isyung paninindigan.

19

2. Solidong Posisyon

Sa pagsulat ng posisyong papel, hindi lamang ang sariling katuwiran ang dapat na ilahad kundi gayundin ang kasalungat na katuwiran. Kailangang timbangin ang magkabilang panig, subalit sa kabuoan ng posisyong papel ay kinakailangang mangibabaw ang iyong posisyon. Dapat mong patunayan sa tulong ng mga ebidensya at katibayan na ang iyong paninindigan ang dapat na sang-ayunan.

20

3. Mapangumbinsing Argumento

Ang paglalatag ng sariling katuwiran, gayundin ang kasalungat ay dapat na may pinagbabatayan at hindi lamang nagmula sa iyong haka-haka. Banggitin ang pinagbatayan ng mga katuwiran. Kailangang isaalang-alang ang nagsasalungatang argumento na maaaring sang-ayunan at kontrahin. Ipaliwanag ang mga puntong sumusuporta sa paninindigan. Iwasan ang pagmamalaki o pagmamayabang sa oposisyon.

21

4. Angkop na Tono

Ang respeto at tiwala ng mambabasa ay nakabatay sa tono ng wikang iyong gagamitin sa pagsulat ng posisyong papel. Gumamit ng mga salitang direkta at payak ngunit hindi balbal upang madaling maunawan ang iyong sulatin. Kadalasang ginagamitan ng pormal na pananalita ang mga mabibigat at seryosong isyu o paksa. Mahalagang isaalang-alang ang bigat ng isyu, target na mambabasa at layunin ng pagsulat upang maiangkop ang tonong gagamitin sa isusulat na posisyong papel.

22

Mga Hakbang sa Pagsulat ng Posisyong Papel

(batay sa “How to Write a Position Paper” ni Grace Fleming)

23

1. Pagpili ng Paksa

Pinakasentro ng iyong posisyong papel ang paksang sinusuportahan ng pananaliksik. Mahalagang interesado, nauunawaan at malawak ang iyong kaalaman sa paksang iyong napili upang mapagtibay ang iyong pinaninindigang opinyon o posisyon. Gumamit ng mga datos, opinyon, estadistika at iba pang anyo ng katibayan upang maging kapani-paniwala at mapagkakatiwalaan ng mambabasa.

24

2. Magsagawa ng Paunang Pananaliksik

Kinakailangan ang paunang pananaliksik upang mapalalim ang pagkaunawa sa paksa. Sa pamamagitan nito ay iyong malalaman kung may mga katibayan o ebidensyang sumusuporta sa iyong paninindigan. Magbasa ng mga aklat, pahayagan at mga nailathalang pag-aaral. Maaaring magsagawa ng interbyu o pagtatanong sa mga taong may awtoridad sa paksa. Maaari ding kumuha ng datos mula sa internet ngunit tiyaking ito ay nagmumula sa mga mapagkakatiwalaang website tulad ng mga educational site (.edu) ng mga institusyong akademiko at pampananaliksik at mga site ng gobyerno (.gov).

25

3. Hamunin ang iyong napiling paksa

Alamin at unawain ang kabaliktaran ng iyong pananaw. Alamin ang lahat ng posibleng hamon upang mapagtibay ang iyong paninindigan. Maaaring itala sa papel ang iyong mga punto na sang-ayon sa iyong posisyon at sa katapat naman ay ang mga kasalungat na punto. Alamin ang walang katapat o hindi pa nasasagot. Timbangin kung alin sa dalawang magkasalungat na posisyon ang mas mahusay.

26

4. Ipagpatuloy ang pangangalap ng mga matibay na ebidensiya

Matapos mong matukoy ang posisyong susuportahan at kahinaan ng kabilang panig ay magpatuloy pa sa mas malalim na pananaliksik. Maaaring sumangguni sa mga aklat at akademikong babasahin. Makipanayam sa mga taong eksperto o dalubhasa sa paksang pinagtataluhan.

27

5. Bumuo ng Balangkas

Sa pamamagitan ng pagbabalangkas ay makikita ang direksiyon ng posisyong papel na iyong isusulat.

28

Narito ang mungkahing pagbabalangkas ng posisyong papel:

A. Ipakilala ang iyong paksa. Talakayin sa introduksiyon ang maikling kaligirang impormasyon tungkol dito. Gumawa ng pahayag na tesis na iginigiit ang iyong posisyon.

29

Narito ang mungkahing pagbabalangkas ng posisyong papel:

B. Itala ang mga katwiran ng kabilang panig. Ipaliwanag nang maikli ang bawat katuwiran. Banggitin ang mga pinagbatayang sanggunian ng mga katuwirang ito.

30

Narito ang mungkahing pagbabalangkas ng posisyong papel:

C. Isa-isahin ang mga sariling katuwiran. Tiyaking may katapat na katuwiran ang bawat isa sa kabilang panig. Maaari ring maglahad ng iba pang katuwiran na walang katapat upang mapatunayang pinakamahusay at pinakamainam ang iyong posisyon.

31

Narito ang mungkahing pagbabalangkas ng posisyong papel:

D. Pagtibayin ang sariling katuwiran. Palawakin pa ang mga paliwanag sa iyong sariling katuwiran. Maglahad pa ng karagdagang ebidensiya upang mas kapani-paniwala ang iyong katuwiran.

32

Narito ang mungkahing pagbabalangkas ng posisyong papel:

E. Lagumin ang mga katuwiran at igiit ang iyong posisyon. Ipaliwanag na ang sariling paninindigan ang pinakamabuti at karapat-dapat na paniwalaan.

33

6. Isulat ang iyong posisyong papel. Isulat nang may kumpiyansa sa sarili ang posisyong papel. Ipahayag nang may awtoridad at kaalaman ang usapin. Patunayan na ang iyong paninindigan ang tama at karapat-dapat sang-ayunan.

34

Tandaan na walang saysay ang posisyong papel kung hindi ito maibabahagi sa publiko. Mahalagang ipaalam sa komunidad, ahensiya o awtoridad ang paninindigan. Maglathala ng maraming kopya at ipamahagi. Maaari ring magbigay ng kopya sa mga estasyon ng radyo at telebisyon. Sa kasalukuyan, isang mabisang paraan din ang paggamit ng social media sa pagpapalaganap nito.

35

Narito ang halimbawa ng isang posisyong papel.

Pagtatanggol sa Wikang Filipino, Tungkulin ng Bawat Lasalyano

Departamento ng Filipino, DLSU

36

Ang buwan ng Agosto ay Buwan ng Wikang Pambansa. Dahil sa pagbura sa asignaturang Filipino sa kolehiyo bunsod ng Commission on Higher Education/CHED Memorandum Order (CMO) No. 20, Series of 2013, nagpasya ang Departamento ng Filipino na gawing higit na katangi-tangi ang paggunita sa Buwan ng Wika sa taong ito sa pamamagitan ng pagtatampok ng mga adbokasiyang pangwika. Magsasagawa ang Departamento ng mga gawaing naglalayong imulat ang ating komunidad sa kahalagahan ng pagkakaroon ng asignaturang Filipino sa kolehiyo.

37

Dapat bigyang-diin na hindi sapat na maging opsyonal na wikang panturo lamang ang wikang Filipino sapagkat alam naman nating mas nakakiling sa Ingles ang sistemang pang-edukasyon sa Pilipinas.

38

Malaki ang pangangailangan sa paglilinaw at pagsusulong ng adbokasiyang pangwika sapagkat mula pa noong Enero 2013 ay nakikipagdiyalogo na ang Departamento sa administrasyon ng pamantasan upang hilingin na panatilihin sa kurikulum ng DLSU ang asignaturang Filipino, ngunit hanggang sa kasalukuyan, sa kabila ng lahat ng ating pagsisikap na ipaliwanag ang kahalagahan ng pagkakaroon ng asignaturang Filipino sa kolehiyo, hindi pa rin isinama ng Komite sa New Lasallian Core Curriculum (NLCC) ang asignaturang Filipino.

39

Gayunman, sinusuportahan ng Komite sa NLCC ang opsyonal na paggamit ng wikang Filipino bilang wikang panturo sa alinmang asignatura sa bagong kurikulum. Dapat bigyang-diin na hindi sapat na maging opsyonal na wikang panturo lamang ang wikang Filipino sapagkat alam naman nating mas nakakiling sa Ingles ang sistemang pang-edukasyon sa Pilipinas dahil na rin sa ating pinagdaanang malalim at matagal na kolonisasyon ng mga Amerikano. Hindi rin magiging mabisang wikang panturo ang Filipino sa Agham, Matematika, Inhenyeriya, Komersyo, Agham Panlipunan, Humanidades, at iba pa, kung walang asignatura sa kolehiyo na magtitiyak sa pagkakaroon ng mataas na antas ng kasanayan ng mga mag-aaral sa paggamit nito sa intelektwal na diskurso, komunikasyon, at pananaliksik. Samakatuwid, ang intelektwalisasyon ng wikang Filipino sa iba’t ibang larangan ay matitiyak lamang kung may asignaturang Filipino na may inter/multidisiplinaring disenyo sa kolehiyo.

40

Sa ganitong diwa, hinihiling namin sa komunidad ng ating pamantasan na suportahan ang adbokasiya ng Departamento na adbokasiya rin ng libo-libong mamamayan sa buong bansa at maging sa ibayong-dagat.

41

Una, naniniwala kami na ang pagkakaroon ng asignaturang Filipino ay nakapag-aambag sa pagiging mabisa ng community engagement ng ating pamantasan sapagkat ang wikang Filipino ang wika ng mga ordinaryong mamamayan sa mga komunidad na ating pinaglilingkuran. Ang pagpapalakas sa ugnayan ng ating pamantasan at ng mga ordinaryong mamamayan ay alinsunod sa bokasyon ni San Juan Bautista De La Salle na nagsikhay sa paggamit ng wika ng mga ordinaryong mamamayan sa edukasyon. Dapat bigyang-diin na ang Filipinisasyon ng mga pananaliksik ng iba’t ibang departamento at kolehiyo sa pamantasan ay makatutulong din nang malaki sa pagtitiyak na ang ating mga pananaliksik ay higit na magiging kapaki-pakinabang sa ating mga kababayan.

42

Ang wikang Filipino ang wika ng mga ordinaryong mamamayan sa mga komunidad na ating pinaglilingkuran.

43

Ikalawa, sa konteksto ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) Integration, ang pagkakaroon ng asignaturang Filipino na may inter/multidisiplinaring disenyo ay isa sa ating mga potensyal na ambag sa proyekto ng globalisasyong pedagohikal at sosyo-kultural. Ano nga ba ang iaambag natin sa daigdig kung hindi natin pag-aaralan ang sarili nating wika at kultura? Paano haharapin ang mundo kung hindi kilala ang sarili?

Ang pagbura sa espasyo ng wikang Filipino sa

44

Ikalawa, sa konteksto ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) Integration, ang pagkakaroon ng asignaturang Filipino na may inter/multidisiplinaring disenyo ay isa sa ating mga potensyal na ambag sa proyekto ng globalisasyong pedagohikal at sosyo-kultural. Ano nga ba ang iaambag natin sa daigdig kung hindi natin pag-aaralan ang sarili nating wika at kultura? Paano haharapin ang mundo kung hindi kilala ang sarili?

45

Ang pagbura sa espasyo ng wikang Filipino sa mga kolehiyo sa Pilipinas ay tiyak na may negatibong epekto sa espasyo nito sa ibang bansa.

46

Ikatlo, ang wikang Filipino ay wikang global na itinuturo bilang asignatura o kaya’y komponent ng Philippine Studies sa mahigit 45 unibersidad at mahigit 100 hayskul sa buong mundo. Ang pagbura sa espasyo ng wikang Filipino sa mga kolehiyo sa Pilipinas ay tiyak na may negatibong epekto sa espasyo nito sa ibang bansa.

47

Ikaapat, kinikilala ang kahusayan ng DLSU-Manila sa larangan ng pagtuturo at pananaliksik sa Filipino gaya ng pinatutunayan ng dalawang ulit na paggawad ng rekognisyon ng CHED sa Departamento ng Filipino bilang Center of Excellence (COE), ang kaisa-isang Departamento ng Filipino sa buong bansa na may ganitong karangalan. Mahalagang komponent ng pagiging COE ng Departamento ang pagkakaroon ng asignaturang Filipino na may mataas na antas. Kaugnay nito, ang Departamento rin ang nagpapatakbo sa operasyon ng Malay, isa sa iilang multidisiplinaring journal sa Filipino na may rekognisyong internasyonal. Dagdag pa, kinikilala sa larangan ng malikhaing pagsulat at pananaliksik ang Departamento, gaya na rin ng pinatutunayan ng mga de-kalidad na publikasyong inilalathala ng mga guro nito.

48

Ikalima, sa mga nakaraang dekada ng pag-iral nito, malaki na ang naiambag ng Departamento sa pamamagitan ng mga regular na proyektong gaya ng Seryeng Panayam, Pambansang Seminar, Community Engagement, at International Conference, na nakapagdulot ng positibong impact di lamang sa ating pamantasan, kundi lalo’t higit sa libo-libong mga mamamayang lumahok at lumalahok sa mga ito. Hinggil sa usaping pangwika, ang Departamento ang isa sa pinakamasigasig sa mga grupong nagbuo sa Alyansa ng Mga Tagapagtanggol ng Wikang Filipino (TANGGOL WIKA) na ngayo’y nangunguna sa pakikipaglaban para sa wikang Filipino sa antas tersyarya sa buong bansa. Matatandaang sa inisyatiba ng Departamento at sa pagsuporta ng Kolehiyo ng Malalayang Sining ay isinagawa sa DLSU-Manila ang asembliya ng pagtatatag ng TANGGOL WIKA noong ika-21 ng Hunyo. Mananatiling matatag ang Departamento sa pag-aambag sa mga nabanggit na inisyatiba kung magkakaroon ng asignaturang Filipino sa kolehiyo, na magtitiyak sa patuloy na pag-iral at pag-unlad nito.

49

Ikaanim, ginagarantiyahan ng pagkakaroon ng Filipino sa DLSU ang aktibong pakikisangkot ng mga guro ng Departamento at bawat mag-aaral na Lasalyano sa mga kolaboratibong pananaliksik na isinusulong ng ibang mga departamento gaya ng Natural Language Processing Department (CCS) kaugnay ng paglinang ng Machine Translation Software sa Filipino, pagsasalin ng iba’t ibang materyal tulad ng survey instruments mula sa iba’t ibang disiplina at larangan gaya ng Inhenyeriya, Sikolohiya, Batas, Komersyo, at Ekonomiks, at iba pang gawaing pananaliksik.

50

Ikapito, sa pamamagitan ng asignaturang Filipino sa DLSU, inaasahang may sapat na katatasan sa wikang pambansa ang sinumang gradweyt ng Pamantasang ito sa pakikipagtalastasan sa iba’t ibang pangangailangan o kontekstong pangkomunikasyon pang-akademiko man o pangkultura, tulad ng nililinang sa ibang pamantasan.

51

Ang pagbura sa asignaturang Filipino sa kolehiyo ay nangangahulugan ding pagbura at paglusaw sa mga Departamento ng Filipino sa buong bansa. Sa kabutihang-palad, tuloy ang pagsusulong ng adbokasiyang makabayan sa wika at edukasyon ng iba’t ibang grupo sa loob at labas ng bansa. Maging ang administrasyon ng ilang unibersidad gaya ng University of the Philippines, University of Asia and the Pacific, Philippine Normal University, Polytechnic University of the Philippines, National Teachers’ College, Assumption College, Mapua Institute of Technology, Pamantasan ng Lungsod ng Marikina, Xavier University, De La Salle-College of St. Benilde, De La Salle University-Dasmariñas, Technological University of the Philippines, at iba pa, ay nagpahayag ng suporta sa pagkakaroon ng asignaturang Filipino sa kolehiyo sa pamamagitan ng paglagda sa mga posisyong papel na inihanda ng kani-kanilang mga Departamento ng Filipino, o kaya’y paglalahad ng komitment na magdaragdag ng required na asignaturang Filipino.

52

Malinaw na hindi simpleng usapin ng pagsasalba sa trabaho ng mga guro ang adbokasiyang ito. Ang adbokasiyang ito’y pagsasalba sa kolektibong identidad, sa salamin ng ating kultura, sa daluyan ng diskursong pambansa, at pagtataguyod ng nasyonalistang edukasyon na huhubog ng mga estudyanteng magiging mga kapaki-pakinabang na mamamayan ng ating bansa. Umaasa kami na sa pamamagitan ng ating sama-samang pagkilos, ang makabayang adbokasiya sa wika at edukasyon ng ating unibersidad na nagluwal na ng mga makabayang lingkod-bayan gaya ni Senador Lorenzo M. Tañada at mga makabayang edukador gaya ni Br. Andrew Gonzalez, FSC, ay patuloy na mananatiling buhay ngayon at magpakailanman. Hanggang sa mangyari iyon ay ipagluluksa natin ang pagkamatay ng asignaturang Filipino sa ating pamantasan. Ipagluluksa natin ang katotohanan na sa kasaysayan ng ating pamantasan, sa ating henerasyon ay namatay ang ating wikang pambansa.

53

Sa ganitong diwa, inaanyayahan namin ang buong komunidad na makiisa sa mga panawagan ng Departamento ng Filipino sa pamamagitan ng pagsusuot ng itim na damit o itim na ribbon araw-araw ngayong buwan ng Agosto. Ang gawaing ito ay simula pa lamang ng ating tuluy-tuloy na pakikibaka para sa kapakanan ng wikang Filipino at nasyonalistang edukasyon.

54

Para sa regular na update hinggil sa pambansang pakikibaka para sa wikang Filipino at makabayang edukasyon, hinihikayat din ang lahat na bisitahin ang www.facebook.com/TANGGOLWIKA

Isulong ang pagkakaroon ng asignaturang Filipino sa kolehiyo!

Gamiting wikang panturo ang Filipino sa iba’t ibang asignatura!

Itaguyod ang makabayang edukasyon!

55

Open Ended

Question image

Pagyamanin

Gawain 1

56

Open Ended

Question image

Gawain 2

57

Open Ended

Question image

Gawain 3

58

Open Ended

Question image

Gawain 4

59

Open Ended

Question image

Isaisip

60

Open Ended

Question image

Isagawa

61

Open Ended

Question image

Gawain 2

62

Open Ended

Question image

Tayahin

63

Open Ended

Question image

Gawain 2

64

Open Ended

Question image

Karagdagang Gawain

​Filipino sa Piling

Larang Akademik

Modyul 16

Etika sa Akademikong

Pagsulat

Show answer

Auto Play

Slide 1 / 64

SLIDE