

KPWKP_q1_mod2_Konseptong Pangwika Wikang Pambansa_v2
Presentation
•
Other
•
11th Grade
•
Practice Problem
•
Medium
Edgar Monte
Used 8+ times
FREE Resource
22 Slides • 58 Questions
1
Komunikasyon
at
Pananaliksik sa Wika
at Kulturang Pilipino
Unang Markahan Modyul 2 Konseptong Pangwika (Wikang Pambansa, Wikang Opisyal, Wik ang Panturo, at Multilingguwalismo)
2
Pinakamahalagang Kasanayang Pampagkatuto:
Naiuugnay ang mga konseptong pangwika sa mga napakinggan/napanood na sitwasyong pangkomunikasyon sa radyo, talumpati, mga panayam at telebisyon.
3
Kasanayang Pampagkatuto:
1. Matukoy ang kaugnayan ng sitwasyong pangkomunikasyon sa napanood na panayam.
2. Magamit ang konseptong pangwika sa sitwasyong pangkomunikasyon sa talumpati at panayam.
4
Subukin
Bago mo simulan ang pag-aaral sa modyul na ito, sagutin muna ang sumusunod upang malaman kung hanggang saan na ang iyong nalalaman sa paksang ito. Piliin ang letra ng tamang sagot.
5
Multiple Choice
Pinagtibay na batayan ng ating wikang pambansa ang tagalog dahil
Ito ang salitang ginagamit sa Maynila, ang punong-lungsod
Ito ay mas mabuti kaysa Ingles at Espanyol na mga dayuhang salita
Karamihan sa mga hukom na nasa assembliyang nagpatibay sa ating wikang pambansa ay mga Tagalog
Ito ang salitang ginagamit ni Pangulong Quezon
6
Multiple Choice
Mas mabuting
Gamitin ang Filipino bilang tanging paraan ng pakikipag-usap sa buong bansa
Gamitin ang Filipino o Ingles ayon sa pangangailangan
Gamitin ang Ingles lamang
Huwag gamitin ang Ingles o Filipino
7
Multiple Choice
Sino ang itinuturing na Ama ng Wikang Pambansa?
Francisco Balagtas
Jose Rizal
Manuel L. Quezon
Jose Palma
8
Multiple Choice
Mahalagang magkaroon ng wikang pambansa dahil ito ay:
Nagpapaunlad ng pagkatuto sa pamamagitan ng interaksiyon ng guro at mag-aaral
Nagbibigay-daan sa epektibong pagpapalitan ng mga kaisipan at impormasyon
Nagbibigay- daan upang magkaroon ng interaksyon ang mga
Lahat ng ito
9
Multiple Choice
Ang iyong lokal na diyalekto ay ______________ Ingles at Filipino.
di-gaanong singhalaga ng
mas mahalaga kaysa
singhalaga ng
dapat mapalitan ng
10
Multiple Choice
Ito ang ating kinikilalang wikang Pambansa ng Pilipinas.
Filipino
Pilipino
Tagalog
Dayale
11
Multiple Choice
Ipinagagamit sa pagtuturo mula kinder hanggang Baitang 3.
Pantulong na wika
Katutubong wika
Mother Tongue
Wikang Ingles
12
Multiple Choice
Nakasaad sa Artikulo XIV, sek. 6 ng Saligang Batas ng Pilipinas na _____.
Ang wikang Filipino ang itinatalagang wikang Pambansa ng Pilipinas.
Pipili ang kongreso mula sa katutubong wika na pagbabatayan ng wikang Pambansa.
Wikang Tagalog ang napiling wikang Pambansa.
Wikang Filipino ang magiging opisyal na wikang panturo.
13
Multiple Choice
Ito ay kailangang nasa estado ng pagiging lingua franca at nararapat na sumailalim sa pagkilala ng batas.
Pantulong na Wika
Wikang Pambansa
Wikang Opisyal
Wika
14
Multiple Choice
Wikang pinagtibay ng pamahalaan na ginagamit sa pamamahala at pakikipag-ugnayan sa mamamayang kaniyang nasasakop.
Wikang Pambansa
Wikang Panturo
Wikang Opisyal
Wika
15
Multiple Choice
Ito ay nananatiling opisyal na wika kasama ang wikang Filipino.
Niponggo
Mandarin
French
Ingles
16
Multiple Choice
Ito ang wikang Opisyal ng Pilipinas.
Pilipinas
Filipinas
Pilipino
Filipino
17
Multiple Choice
Mga salita na nakapaloob sa Wikang Pambansa, Wikang Opisyal, at Wikang Panturo.
Pampanitikan
Lalawiganin
Pormal
Balbal
18
Multiple Choice
Ang paraan ng pagsasalita ni Boy Abunda bilang host ng “Tonight with Boy Abunda”, anong wika ang kanyang ginagamit?
Pantulong na wika
Wikang Pambansa
Wikang Opisyal
Wikang Panturo
19
Multiple Choice
Wikang naisabatas o naitadhana ng batas na maging wikang opisyal ng komunikasyon, transaksyon, o pakikipag-ugnayan ng sambayanan sa pamahalaan sa pasalita at lalo na sa pasulat na paraan.
Wikang Pambansa
Wikang Panturo
Wikang Opisyal
Mother Tongue
20
Aralin 1-Konseptong Pangwika (Wikang Pambansa, Wikang Opisyal, Wikang Panturo, at Multilingguwalismo)
21
Basahin ang sumusunod na pangungusap.
Ang ating wika ay pangunahing ginagamit para makatulong sa pakikipagtalastasan o pakikipagkomunikasyon sa kapwa. Pero sa realidad o aktuwal na praktika ay higit pa rito ang gamit ng wika. Nagiging simbolo rin ang wika sa iba’t ibang paraan at ginagamit sa iba’t ibang sitwasyon.
22
Basahin ang sumusunod na pangungusap.
Ang wikang pambansa ay tumutukoy sa wika na ginagamit ng mga tao sa isang bansa. Halimbawa, ang wikang pambansa ng mga taga-Nepal ay Nepali bagamat mayroon silang 123 na mga wika. Tulad ng Nepal, ang Pilipinas ay mayroon ding wikang pambansa at ito ang wikang Filipino batay na rin sa 1987 na Konstitusyon.
23
Basahin ang sumusunod na pangungusap.
Tumutukoy naman ang wikang opisyal sa wikang ginagamit sa gobyerno at mahahalagang gawain ng isang lugar. Maaaring iisa lamang ang wikang opisyal at wikang pambansa kagaya ng wikang Ingles sa ating bansa. Bagamat mayroong Filipino bilang wikang pambansa, malakas ang impluwensiya ng wikang wikang Ingles at ito ay ginagamit bilang isa pang wika sa mga gawain at pagpupulong sa gobyerno at isinusulong sa mga paaralan.
24
Basahin ang sumusunod na pangungusap.
Ang huli, ang wikang panturo ay tumatalakay sa wika na ginagamit sa loob ng paaralan. Ang wikang ito ang ginagamit ng mga guro sa pagtuturo sa loob ng silid-aralan at ginagamit sa mga libro at iba pang materyales. Maliban pa sa Ingles at Filipino, ginagamit na rin ng mga guro ang unang wika ng mga mag-aaral sa mababang baitang lalo na sa mandato na ipatupad ang Mother Tongue-based Multilingual Education (MTB-MLE) sa ilalim ng K to 12.
25
Basahin ang sumusunod na pangungusap.
Bagamat mayroong mga ganitong wika, hindi maiwawaksi ang wika ng komunidad. Ang isang lingguwistikong komunidad ay tumutukoy sa wikang ginagamit sa loob ng komunidad, ito man ay sa mga sitwasyong pormal at di-pormal. Ang wika na ito ay maaaring ginagamit sa loob ng bahay, sa palengke, sa kalsada at iba pa.
26
Balikan
Gamit ang dayagram na nasa ibaba, ibigay ang mahahalagang detalye na iyong natutuhan mula sa konseptong tinalakay sa itaas. Mas makabubuti kung lalapatan ng halimbawa para sa katatasan ng iyong pag-unawa.
27
Open Ended
Wikang Pambansa
28
Open Ended
Wikang Panturo
29
Open Ended
Wikang Opisyal
30
Open Ended
Wika sa Komunidad
31
Open Ended
Unang Wika (Mother Tongue)
32
Tuklasin
Wika ang nagpapahintulot sa tao na ipaubaya sa kapwa ang kaniyang mga kaisipan sa pagpapasiya ng iba. Wika ang kaagapay ng tao sa lahat ng pagsisikap nito. Kung wala ang wika, titigil o mapaparalisa ang 99% na gawain ng tao (Pei, 1957).
33
Tuklasin
Ang wikang pambansa ay kailangang nasa estado ng pagiging lingua franca at nararapat na sumailalim sa pagkilala ng batas. Ito ang dahilan kung bakit malawakang nagagamit saan mang panig bansa ang wikang Filipino dahil paulit-ulit itong itinanghal o binigyang halaga sa maraming batas. Kaugnay nito, kailangang maging bukas ang wikang Filipino sa panghihiram mula sa mga katutubong at iba pang banyagang wika upang patuloy itong umunlad.
34
Tuklasin
Ang pagiging inklusibo ng wika ay magbubunga ng masiglang damdamin ng pakikiisa at pakikisangkot mula sa iba’t ibang komunidad wika o pangkat etniko sa bansa dahil maghahatid ito ng mensaheng sila’y kabahagi sa pagpapayabong ng wikang pambansa na siyang ibig mangyari ng batas.
35
Tuklasin
Ang pag-uugnay sa konseptong pangwika sa mga sitwasyong pangkomunikasyon ay lubhang mahalaga. Kailangang isaalang-alang ang wikang gagamitin sa kinasasangkutang sitwasyon upang maipabatid ang mensahe sa mas mabisang paraan. Magkakaroon ng intelektuwal na gawain kung ang dalawang konseptong ito ay magagamit nang tama. Kaya sa anumang sitwasyon, mainam na bigyang-pansin ang paraan ng paghahatid nito upang lubos nating maiparating ang impormasyon sa mabilis at mas komprehensibong paraan. Isang halimbawa nito ang talumpati ng isang pangulo para sa bayan. Mas mauunawaan ng mga tao ang mensahe kung ang wikang gagamitin ay batay sa wikang mas nauunawaan ng nakararami. Dahil pormal ang gawaing ito, mas makabubuti kung pormal din ang wikang gagamitin upang hindi magkaroon ng hadlang sa pagpapabatid ng impormasyong kailangang malaman ng mga taong nakikinig.
36
Tingnan at suriin ang larawang nakapaloob. Tiyak akong may pagtataka ka sa iyong isipan ang mga tanong na nakasaad. Halika, suriin natin ito.
37
Open Ended
Ano-ano ang maaaring nakapaloob na balita sa radio?
38
Open Ended
Paano ginamit ang bawat pangungusap sa pakikipagkomunikeyt ng isa DJ sa radyo?
39
Open Ended
Anong lengguwahe ang maaari niyang gamitin sa pakikipagkomunikeyt sa tao?
40
Open Ended
Ano ang paksang nakapaloob sa isinagawang panayam kay Pangulong Duterte?
41
Open Ended
Paano nakatulong ang panayam na ito sa maraming tao?
42
Open Ended
Paano ginamit ang bawat pangungusap sa pakikipanayam kay Pangulong Duterte?
43
Suriin
Suriin kung papaano ginagamit ang wika sa sumusunod na sitwasyon. Ilarawan ang istruktura at ang mga salitang ginamit at bigyan ng pagtutukoy kung ang ginamit na wika ay pormal o di-pormal.
44
Open Ended
1. Mga pampublikong talumpati ng lokal na opisyal o prominanteng tao sa inyong lugar.2
45
Open Ended
2. Panayam sa isang lokal na radyo.
46
Open Ended
3. Panayam sa isang lokal na telebisyon.
47
Open Ended
4. Chat sa isang social networking site.
48
Open Ended
5. Pakikipag-usap sa mga kaibigan.
49
Open Ended
6. Pag-uusap ng pamilya.
50
Pagyamanin
Bilang pagbubuod o paglalahat, dugtungan mo ang mga pangungusap. Piliin ang tamang sagot sa kahon at ilagay sa patlang.
51
Drag and Drop
52
Isaisip
Panuto: Sagutin ang sumusunod na katanungan.
53
Open Ended
Ano ang malinaw na relasyon ng konseptong pangwika sa iba’t ibang sitwasyong pangkomunikasyon?
54
Open Ended
Bakit mahalagang isaalang-alang ang konseptong pangwika sa ibat ibang sitwasyong pangkomunikasyon?
55
Open Ended
Ano-ano ang katangian ng wika batay sa sitwasyon?
56
Open Ended
Kailan masasabing may panibagong wika mula sa dating iisang wika?
57
Open Ended
Paano nakatutulong ang konseptong pangwika para sa mabisang paghahatid ng mensahe?
58
Isagawa
Tugunan ang hinihinging kasagutan sa bawat bilang.
59
Open Ended
Magbigay ng mga paraan kung paano mapahahalagahan ang wikang Pambansa.
60
Open Ended
Maituturing bang multilinggwal ang Pilipinas? Patunayan.
61
Tayahin
Piliin ang letra ng tamang sagot. Isulat ito sa iyong sagutang papel.
62
Multiple Choice
Sino ang itinuturing na Ama ng Wikang Pambansa?
Francisco Balagtas
Jose Rizal
Manuel L. Quezon
Jose Palma
63
Multiple Choice
Ang iyong lokal na diyalekto ay ______________ Ingles at Filipino.
di-gaanong singhalaga ng
mas mahalaga kaysa
singhalaga ng
dapat mapalitan ng
64
Multiple Choice
Ito ay nananatiling opisyal na wika kasama ang wikang Filipino.
Niponggo
Mandarin
French
Ingles
65
Multiple Choice
Ipinagagamit sa pagtuturo mula kinder hanggang Baitang 3.
Pantulong na wika
Katutubong wika
Mother Tongue
Wikang Ingles
66
Multiple Choice
Mga salita na nakapaloob sa Wikang Pambansa, Wikang Opisyal at Wikang Panturo
Pampanitikan
Lalawiganin
Pormal
Balbal
67
Multiple Choice
Mas mabuting
gamitin ang Filipino bilang tanging paraan ng pakikipag-usap sa buong bansa
gamitin ang Filipino o Ingles ayon sa pangangailangan
gamitin ang Ingles lamang
Huwag gamitin ang Ingles o Filipino
68
Multiple Choice
Wikang naisabatas o naitadhana ng batas na maging wikang opisyal ng komunikasyon, transaksyon, o pakikipag-ugnayan ng sambayanan sa pamahalaan sa pasalita at lalo na sa pasulat na paraan.
Wikang Pambansa
Wikang Panturo
Wikang Opisyal
Mother Tongue
69
Multiple Choice
Pinagtibay na batayan ng ating wikang pambansa ang tagalog dahil
Ito ang salitang ginagamit sa Maynila, ang punong-lungsod
Ito ay mas mabuti kaysa Ingles at Espanyol na mga dayuhang salita
Karamihan sa mga hukom na nasa assembliyang nagpatibay sa ating wikang pambansa ay mga Tagalog
Ito ang salitang ginagamit ni Pangulong Quezon
70
Multiple Choice
Ito ang wikang Opisyal ng Pilipinas.
Pilipinas
Filipinas
Pilipino
Filipino
71
Multiple Choice
“Ngayon, Bukas, at Magpakailanman” ito ang sikat na linyang binibitawan ni Mel Chiangco sa kanyang programang “Magpakailanman” sa telebisyon.
Pantulong na wika
Wikang Pambansa
Wikang Opisyal
Wikang Panturo
72
Multiple Choice
Ang paraan ng pagsasalita ni Boy Abunda bilang host ng “Tonight with Boy Abunda”, anong wika ang kanyang ginagamit?
Pantulong na wika
Wikang Pambansa
Wikang Opisyal
Wikang Panturo
73
Multiple Choice
Wikang pinagtibay ng pamahalaan na ginagamit sa pamamahala at pakikipag-ugnayan sa mamamayang kaniyang nasasakop.
Wikang Pambansa
Wikang Panturo
Wikang Opisyal
Wika
74
Multiple Choice
Ito ang ating kinikilalang wikang Pambansa sa Pilipinas.
Filipino
Pilipino
Tagalog
Dayalek
75
Multiple Choice
Ito ay kailangang nasa estado ng pagiging lingua franca at nararapat na sumailalim sa pagkilala ng batas.
Pantulong na Wika
Wikang Pambansa
Wikang Opisyal
Wikang Panturo
76
Multiple Choice
Mahalagang magkaroon ng wikang pambansa dahil ito ay:
Nagpapaunlad ng pagkatuto sa pamamagitan ng interaksyon ng guro at mag-aaral
Nagbibigay-daan sa epektibong pagpapalitan ng mga kaisipan at impormasyon
Nagbibigay- daan upang magkaroon ng interaksyon ang mga ito
Lahat ng ito
77
Karagdagang Gawain
Panuto: Dugtungan ang sumusunod na pahayag upang mataya ang iyong natutuhan sa naging aralin.
78
Open Ended
Mahalaga ang konseptong pangwika dahil __________________________.
79
Open Ended
Nalaman ko na ang konseptong pangwika ay ________________________.
80
Open Ended
Natutuhan ko na ang konseptong pangwika na _____________________.
Komunikasyon
at
Pananaliksik sa Wika
at Kulturang Pilipino
Unang Markahan Modyul 2 Konseptong Pangwika (Wikang Pambansa, Wikang Opisyal, Wik ang Panturo, at Multilingguwalismo)
Show answer
Auto Play
Slide 1 / 80
SLIDE
Similar Resources on Wayground
67 questions
Week 4-Q2-ADM-Filipino-sa-Piling-Larang-TVL
Presentation
•
11th Grade
75 questions
Quarter 2 – Module 13: ICT as Platform for Change
Presentation
•
11th Grade
77 questions
KPWKP_Q2_Mod4_Sitwasyong Pangwika sa Larangan ng Edukasyon, Pama
Presentation
•
11th Grade
72 questions
KPWKP_q1_mod1_Wika (Kahulugan at Kabuluhan ng Wika)_v2
Presentation
•
11th Grade
70 questions
cảm ơn đã đôn nết=)))
Presentation
•
11th Grade
81 questions
Isang Libo't Isang Gabi
Presentation
•
9th Grade
69 questions
Ôn tập lịch sử 11 HuynTram
Presentation
•
11th Grade
65 questions
relation pédagigique
Presentation
•
KG
Popular Resources on Wayground
11 questions
Hallway & Bathroom Expectations
Quiz
•
6th - 8th Grade
10 questions
HCS SCI 03 Summer School Assessment 2
Quiz
•
3rd Grade
11 questions
Home Scope
Quiz
•
7th - 8th Grade
12 questions
2026 TAP Technology in the Classroom
Presentation
•
Professional Development
15 questions
HCS SCI 05 Summer School Assessment 2 Review
Quiz
•
5th Grade
15 questions
HCS SCI 04 Summer School Review 2
Quiz
•
4th Grade
59 questions
Geometry Unit 3 Review
Quiz
•
9th - 12th Grade
14 questions
FAST ELA READING SMAPLE TEST MATERIALS
Passage
•
3rd Grade