Search Header Logo
KPWKP_Q2_Mod11_Kakayahang Pragmatiko_v2

KPWKP_Q2_Mod11_Kakayahang Pragmatiko_v2

Assessment

Presentation

Other

11th Grade

Practice Problem

Medium

Created by

Edgar Monte

Used 1+ times

FREE Resource

24 Slides • 48 Questions

1

Komunikasyon

at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino

Modyul 11: Kakayahang Pragmatiko

2

Alamin

Kasanayang Pampagkatuto:

Nahihinuha ang layunin ng isang kausap batay sa paggamit ng mga salita at paraan ng pagsasalita F11WG II f 88

3

Layunin:

● Natutukoy ang kahulugan ng sitwasyong sinasabi (berbal) at ikinikilos ng taong kausap (di-berbal) upang mahinuha ang layunin nito

● Nauunawaan ang kahalagahan ng wastong paggamit ng berbal at di-berbal na pagpapahayag sa pagbibigay ng malinaw na mensahe

● Nahihinuha ang layunin ng isang kausap batay sa paggamit ng mga salita at paraan ng pagsasalita

4

Subukin

Tukuyin ang layunin at kahulugan ng salita o pahayag batay sa paggamit at paraan ng pagsasalita. Isulat ang titik ng tamang sagot sa sagutang papel.

5

Multiple Choice

Dumating si Marco na tumatagaktak ang pawis habang haplos ang lalamunan.

1

nagugutom

2

nauuhaw

3

di-makalunok

4

di-makahinga

6

Multiple Choice

“Hindi kita agad nakita”, banayad na wika ni Rhina.

1

nag-usisa

2

nagdududa

3

nagpapaumanhin

4

nagpapasensiya

7

Multiple Choice

Ang buhay ay guryon: marupok, malikot, dagiti’t dumagit saan man sumuot…

- Ildefonso Santos, Ang Guryon

1

pagsubok sa buhay

2

problema/suliranin

3

isang laruan

4

pangarap

8

Multiple Choice

Lumuha ka, aking Bayan; buong lungkot mong iluha ang kawawang kapalaran ng lupain mong kawawa.

- Amado V. Hernandez, Kung Tuyo na ang Luha Mo, Aking Bayan

1

damdamin

2

pag-ibig sa bayan

3

pagliligtas sa bayan

4

mga pasakit/pagdurusa ng bayan

9

Multiple Choice

May mga taong bukod sa hangad na tularan ang lalong walang habas na ibon: ang Agila, ay may mga palatandaan pa rin ng buwitre, ng kuwago at ng malaking bayakan na sumisipsip ng dugo ng tao.

- Amado V. Hernandez, Mga Ibong Mandaragit

1

katakawan

2

kasakiman

3

kabulastugan

4

gahaman sa yaman

10

Multiple Choice

Ang pinunong may takot sa Diyos at marunong magpakumbaba at sa halip ang kapakanan ng taong kanyang nasasakupan ang isinasaisip ay isang mahusay na pinuno.

1

duwag

2

matulungin

3

mahabagin

4

may pananampalataya

11

Multiple Choice

Binibigyan kita ng karunungang walang kapantay maging sa mga nauna, maging sa susunod pa sa iyo. At bibigyan kita ng mga bagay na hindi mo hinihingi; kayamanan at karangalan na di mapapantayan ng sinumang hari sa tanang buhay mo.

1

dunong

2

kaligtasan

3

kapayapaan

4

kaluwalhatian

12

Multiple Choice

Kaya nga mas mabuti pa minsan na ikaw ay isang bulag, pipi at bingi na lamang.

1

pakialamero

2

mapagkunwari

3

mapagpanggap

4

walang pakialam

13

Multiple Choice

Huwag ka munang magbunyi sapagkat hindi pa tapos ang laban, alam mo namang marami pa ang maaaring mangyari pagdating sa huling minuto ng laro.

1

Ipagdiwang ang nalalapit na tagumpay

2

Kitang-kita na ang panalo, dapat nang magsaya

3

Huwag na munang magsaya hindi pa tapos ang laban.

4

Huwag magpakatiwala, sapagkat marami pa ang maaaring mangyari.

14

Multiple Choice

“At kayo na nakaupo, subukan nyo namang tumayo upang matanaw ninyo ang tunay na kalagayan ko”.

1

guro

2

doctor

3

politiko

4

nag-oopisina

15

Multiple Choice

“Kapag ang tubig ay magalaw, ang ilog ay mababaw”.

1

Ang taong walang kibo, nasa loob ang kulo.

2

Ang taong masalita ay maraming nalalaman.

3

Ang taong hindi masalita ang totoong may malawak na kaalaman.

4

Huwag kang maliligo kapag ang ilog ay malabo ang tubig at mababaw.

16

Multiple Choice

“Hayaan mong paghilumin ng panahon ang sakit na iyong mararamdaman”. Ang pahayag ay nangangahulugan ng:

1

Matutong magpatawad

2

Ang sakit ay lumalaganap tuwing masama ang panahon

3

Kusang nawawala ang galit o poot sa paglipas ng panahon

4

May malaking kaugnayan ang lagay ng panahon sa iyong nararamdaman

17

Multiple Choice

“Hindi ko madadala rito. Baka makagalitan ako ni Nanay. Kung gusto niyo’y sasabihin ko na lang kung ano ang tabas, kung ano ang tela, kung ano ang kulay, kung may laso o bulaklak.”

1

Pagtutol

2

Panunuya

3

Paniniyak

4

Pagpapaliwanag

18

Multiple Choice

Hindi ko na ibig na maging halaman na namumulaklak ng may bango’t kulay. At sa halip nito’y ibig ko na lamang maging lupa ako’t magsilbing taniman.

- David T. Mamaril, Lupa at Halaman

1

Pagtutol

2

Panunuya

3

Paniniyak

4

Pagpapaliwanag

19

Multiple Choice

Nakalaan akong maglamay: lupa ang simula ng lahat ng bagay, diyan din sisibol ang binhi ng bagong pag-asa at buhay.

- Amado V. Hernandez, Lupa.

1

Pagtutol

2

Panunuya

3

Paniniyak

4

Pagpapaliwanag

20

Open Ended

Balikan

Bumuo ng pangungusap na wastong nagagamit ang mga salita at paraan ng paggamit nito sa mga usapan o talakayan batay sa:

1. kausap

21

Open Ended

Balikan

Bumuo ng pangungusap na wastong nagagamit ang mga salita at paraan ng paggamit nito sa mga usapan o talakayan batay sa:

2. pina-uusapan

22

Open Ended

Balikan

Bumuo ng pangungusap na wastong nagagamit ang mga salita at paraan ng paggamit nito sa mga usapan o talakayan batay sa:

3. lugar

23

Open Ended

Balikan

Bumuo ng pangungusap na wastong nagagamit ang mga salita at paraan ng paggamit nito sa mga usapan o talakayan batay sa:

4. panahon

24

Open Ended

Balikan

Bumuo ng pangungusap na wastong nagagamit ang mga salita at paraan ng paggamit nito sa mga usapan o talakayan batay sa:

5. layunin

25

Tuklasin

Ang Kakayahang Pragmatiko ay tumutukoy sa mabisang paggamit ng wika upang makapagpahayag ng mga intensyon at kahulugan na aayon sa konteksto ng usapan at gayundin, natutukoy ang ipinahihiwatig ng sinasabi, di-sinasabi at ikinikilos ng usapan, kung gayon ang pagsusuri sa kahulugan ng mga salita sa kantang “Upuan” ni Gloc9 ay magpapaliwanag tungkol dito.

26

Sipi mula sa kantang

“Upuan” ni Gloc9

27

Tao po, nandyan po ba kayo sa loob ng malaking bahay at malawak na bakuran

28

Tao po, nandyan po ba kayo sa loob ng
malaking bahay at malawak na bakuran
Mataas na pader pinapaligiran
At naka-pilang mga mamahaling sasakyan
Mga bantay na laging bulong ng bulong
Wala namang kasal pero marami ang naka-barong
Lumakas man ang ulan ay walang butas ang bubong
Mga plato't kutsara na hindi kilala ang tutong
At ang kanin ay simputi ng gatas na nasa kahon
At kahit na hindi pasko sa lamesa ay may hamon
Ang sarap sigurong manirahan sa bahay na ganyan

29

Sabi pa nila ay dito mo rin matatagpuan
Ang tao na nagmamay-ari ng isang upuan
Na pag may pagkakatao'y pinag-aagawan
Kaya naman hindi niya pinakakawalan
Kung makikita ko lamang siya ay aking sisigawan
Kayo po na nakaupo,
Subukan n’yo namang tumayo,
At baka matanaw, at baka matanaw na n’yo
Ang tunay na kalagayan ko.

30

media

31

Open Ended

Question image

1. kahit na hindi Pasko sa lamesa ay may hamon

32

Open Ended

Question image

2. Ang tao na nagmamay-ari ng isang upuan

33

Open Ended

Question image

3. Subukan n’yo namang tumayo

34

Suriin

Basahin at suriin ang mga salita at paraan ng paggamit ng salita sa awit, upang mahinuha ang kahulugan nito. Gawin ang gawain at sagutin ang mga katanungan sa ibaba.

35

media

36

media

37

media

38

media

39

Open Ended

Question image

a. Ano-anong salita ang ginamit upang ilarawan ang paruparong bukid sa una, ikalawa at ikatlong stanza?

40

Open Ended

Matapos na naitala ang mga salitang naglalarawan tungkol sa paruparo at maibigay ang nabuong imahe batay sa paglalarawan, mahihinuha mo ba kung ano/sino ang Paruparo? Bakit?

41

Open Ended

Ano ang layunin ng mga salitang ginamit sa awit?

42

Open Ended

Mula sa iyong mga kasagutan, ano ang tinatawag na Kakayahang Pragmatiko?

43

Drag and Drop

Pagyamanin

A. Piliin ang angkop na salita sa loob ng panaklong upang mabuo ang diwa ng pangungusap.

1. Kailangan na nating ​
ang mga nahulog na tuyong dahon. Huwag din nating kalimutang ​
ang likod-bahay.

2. “Nay, huwag mo akong​
, wala akong kasama rito eh. Pero kung kailangan mo talagang umalis, ​
mo ako ng pera”.

3. Nagmamadali siyang pumanhik sa ​
upang tanawin sa bintana ang papaalis na kasintahan. Pagkatapos, malungkot siyang naupo sa may hagdanan .
Drag these tiles and drop them in the correct blank above
walisin
walisan
iwan
iwanan
hagdan

44

B. Bumuo ng mga pahayag sa pamamagitan ng pagpili ng angkop na salita at paraan ng paggamit nitó sa mga usapan batay sa mga sumusunod na sitwasyon.

45

Open Ended

Sitwasyon 1: Gagamitin sa pangungusap ang salitang “umuwi ka na” bílang pagtaboy.

Pangungusap 1.1: “Umuwi ka na, kanina

46

Open Ended

Sitwasyon 2: Gagamitin ang salitang “umuwi ka na” na may layuning humikayat.

Pangungusap 2.1: __________________________________________

47

Open Ended

Sitwasyon 3: Paggamit ng salitang kanser bílang mahina o pabuhat sa larong ML.

Pangungusap 3.1: “Nakakayamot ka naman, pare, isa kang kanser, talo tuloy táyo sa laro.”

48

Open Ended

Sitwasyon 4: Paggamit ng salitang kanser na tumutukoy sa isang karamdaman.

Pangungusap 4.1: __________________________________________

49

Isaisip

Kakayahang Pragmatiko

Ang Kakayahang Pragmatiko ay mabisang paggamit ng yaman ng wika upang makapagpahayag ng mga intensyon at kahulugan na aayon sa konteksto ng usapan at gayundin, natutukoy ang ipinahihiwatig ng sinasabi (berbal), di-sinasabi (di-berbal) at ikinikilos ng usapan. Ito’y kasanayan sa pagtukoy sa mga pakiusap, magalang na pagtugon sa mga papuri o paumanhin, pagkilala sa mga biro, at pagpapadaloy ng usapan.

Ayon kay Jocson (2016), ang bawat pahayag o pangungusap ay nagtataglay ng dalawang bahagi: kung ano ang sinasabi at kung ano ang ipinahihiwatig (implied o implicative).

50

Halimbawa:

1. “Ay naku, naiwan pala ang wallet ko”

Pagsusuri:

May kahulugang pragmatiko na gustong magpalibre o mangungutang.

51

Halimbawa:

1. “Ay naku, naiwan pala ang wallet ko”

Pagsusuri:

May kahulugang pragmatiko na gustong magpalibre o mangungutang.

52

2. Dinampot ang bulaklak sa mesa, bahagyang inamoy, binasa ang nakasulat sa maliit na papel, at napangiti.

Pagsusuri:

May kahulugang pragmatiko na nagustuhan ang nagbigay at ang ibinigay.

53

Ang kakayahang pragmatiko ay maaaring:

a. Berbal – sinasabi gamit ang mga salita sa pagpapahayag at pangunahing paraan upang mapanatili ang pakikipag-ugnayan.

Halimbawa:

“Naiinis ako sa sinabi niya”, ayoko munang makipag-usap.

54

Ang kakayahang pragmatiko ay maaaring:

b. Di-berbal- di ginagamitan ang salita at sa halip ay ipinakikita sa ekspresyon ng mukha, kumpas at galaw ng kamay, kulay maging simbolo ang paraan ng pagpapahayag.

Halimbawa.

Umirap siya sa sinabi at biglang tumalikod sa kausap.

55

Open Ended

Question image

Isagawa

56

Tayahin

Tukuyin ang layunin at kahulugan ng salita o pahayag batay sa paggamit at paraan ng pagsasalita. Isulat ang titik ng tamang sagot sa sagutang papel.

57

Multiple Choice

“Mas mapapadali sana ang paggawa ng saliksik kung pagsasama-samahin natin ang ating kaalaman at mga kagamitan”.

1

Nais maghanap ng mga sasagot sa maaring gagastusin

2

Nagpapahiwatig na pangkatan ang pagsasagawa ng pananaliksik

3

Nagpaparinig na makabubuti kung magtutulungan ang bawat miyembro

4

Sa pamamagitan ng sama-samang paggawa ay matitiyak ang kasiyahan sa bawat isa

58

Multiple Choice

“Nagkasabay-sabay na ang mga gawain, hindi ko na alam ang uunahin, pero madali lang naman sana ang saliksik, ang problema lang talaga ilang araw lang at ipapasa na kaagad”.

1

Hindi alam ang uunahin

2

Nagrereklamo sa sabay-sabay na pagbibigay ng gawain

3

Naiinip at gustong matapos kaagad ang ginagawang riserts

4

Gustong humiling nang mas mahabang oras sa pagsasagawa ng

pananaliksik

59

Multiple Choice

“Uy! Ikaw pala ang nanalo sa patimpalak sa Spoken Word Poetry, alam mo masarap ang kape d’yan sa labasan.”

1

Masarap ang kape sa labasan

2

Nais na magpalibre ng kape sa labasan

3

Pinamamalita na masarap ang kape sa labasan

4

Pinamamalita ang pagkapanalo sa Spoken Word Poetry

60

Multiple Choice

Dati hindi ako kumakain ng maanghang, dati hindi rin ako mahilig sa mga kantang maiingay, ayaw ko ng basketbol, hindi rin ako nanonood sa sinehan, ayaw ko ring sumakay sa motor, pero bakit ngayon ginagawa ko na ang lahat nang iyon kapag kasama ko siya?

1

Dahil masaya siyang kasama

2

Maaaring mahal n’ya na ito

3

Gusto n’ya lang na may kasama

4

Ayaw n’ya na mapahiwalay dito

61

Multiple Choice

“Sige po, salamat. Katatapos ko lang po kasing kumain.”

1

Busog pa siya.

2

Nahihiya s’yang kumain.

3

Galit siya sa nagyayang kumain.

4

Mas maiging magtiis sa gutom, kaysa masabihan ng patay-gutom.

62

Multiple Choice

Bawal ang utang, bukas na lang.

1

Hindi nagpapautang

2

Bawal ang utang ngayon, bukas pwede

3

Ipinagbabawal ang hindi pagbabayad sa utang

4

Kapag nagbayad ka ngayon, bukas pwede ka na namang mangutang

63

Multiple Choice

“Ang paggawa ng kabutihan ay may magandang balik. Ang pag-ibig sa kapwa ang pagpapakita ng totoong pagmamahal ng tao sa Diyos.” Ang maaring nagsasalita ay isang__________________

1

Guro

2

Pari

3

Kaibigan

4

Magulang

64

Multiple Choice

Halos nagtutungayaw at hindi magkamayaw ang ina sa paggawa.

1

Nagagalit

2

Nag-iisip

3

Abalang-abala

4

Nagpapahinga

65

Multiple Choice

Parang binagsakan ako ng langit ng mabalitaan kong pumanaw na ang aking ina. Halos hindi ko na alam ang aking gagawin.

1

Pagtugon sa pangangailangan

2

Layunin ng pahayag na ilarawan ang pangyayari sa malikhaing paraan

3

Layunin ng pahayag na magpahayag ng sariling damdamin o opinyon

4

May layuning magpatatag at magpanatili ng relasyong sosyal sa kapwa tao

66

Multiple Choice

“Baka magkasakit na kayo niyan. Hindi masamang tumulong sa kapwa, kaya lang, talagang malaki na ang ipinangayayat ninyong dalawa.”

- Genoveva E. Matute, Jesus, Nariyan Ka Pa Ba?

1

Pagtutol

2

Panunuya

3

Paniniyak

4

Pagpapaliwanag

67

Multiple Choice

“Maski kapkapan n’yo ako, e, wala kayong makukuha sa akin,” ang sabing pagatul-gatol na nilalabasan ng dugo sa ilong. “Hindi ko kinukuha ang inyong pitaka.”

1

Pagtutol

2

Panunuya

3

Paniniyak

4

Pagpapaliwanag

68

Multiple Choice

“May dalawang oras na yata tayong naglalakad a, baka hindi natin nalalaman, e, nasa Siberia na tayo.”

-Edgardo Reyes, Lugmok na ang Nayon

1

Pagtutol

2

Panunuya

3

Paniniyak

4

Pagpapaliwanag

69

Multiple Choice

Ako’y isang sirena kahit anong sabihin nila ako ay ubod ng ganda.

- Gloc9, Sirena

1

Bakla

2

Busina

3

Miss Universe

4

Taong may kaliskis

70

Multiple Choice

Amoy-tsiko ang drayber kaya hindi siya pinayagang magmaneho.

1

Lasing ang drayber

2

May putok ang drayber

3

May dalang tsiko ang drayber

4

May kakaibang amoy ang drayber

71

Multiple Choice

Para ng halamang lumaki sa tubig, daho'y nalalanta munting 'di madilig; ikinaluluoy ang sandaling init; gayundin ang pusong sa tuwa'y maniig.

1

Dapat ibigay ang kagustuhan ng bata hangga’t bata pa.

2

Laging diligin ang halaman, at nalalanta sa sikat ng araw

3

Huwag palakihing bigay-hilig ang bata upang lumaking madiskarte

4

Malalakas at matatatag ang mga batang pinalaki ng magulang na sunod ang gusto

72

Karagdagang Gawain

Binabati kita dahil natapos mo nang matagumpay ang mga pagsubok sa modyul. Dahil diyan, gusto kong maging handa ka sa susunod na pagsubok na iyong kahaharapin. Ngayon pa lamang ay paghandaan mo na ang pagbuo ng kritikal na sanaysay ukol sa iba’t ibang paraan ng paggamit ng wika ng iba’t ibang grupong sosyal at kultural sa Pilipinas.

Komunikasyon

at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino

Modyul 11: Kakayahang Pragmatiko

Show answer

Auto Play

Slide 1 / 72

SLIDE