

KPWKP_q2_mod16_Pagsulat ng Pananaliksik_v2
Presentation
•
Other
•
11th Grade
•
Practice Problem
•
Medium
Edgar Monte
Used 1+ times
FREE Resource
18 Slides • 33 Questions
1
Komunikasyon
at Pananaliksik sa Wika
at Kulturang Pilipino
Ikalawang Markahan - Modyul 16: Pagsulat ng Pananaliksik
2
Alamin
Kasanayang Pampagkatuto:
Nakasusulat ng isang panimulang pananaliksik sa mga penomenang kultural at panlipunan sa bansa. (F11EP-IIij-35)
3
Layunin:
• Nakakikilala ng isang panimulang pananaliksik sa mga penomenang kultural at panlipunan sa bansa.
• Nakapagpapahalaga ng isang panimulang pananaliksik sa mga penomenang kultural at panlipunan sa bansa.
• Nakabubuo ng isang pananaliksik ukol sa mga penomenang kultural at panlipunan sa bansa.
4
Subukin
Basahin at unawain ang mga katanungan. Isulat ang titik ng tamang sagot sa sagutang papel.
5
Multiple Choice
Alin sa mga sumusunod na pahayag ang nagpapakita o kasasalaminan ng penomenang pangkultura at panlipunan?
I. Saliksik ukol sa angkop na modalities na maaring ipatupad ng isang paaralan sa pagsisimula ng klase.
II. Ang Karakol ay isang pasayaw na panalangin na isinasagawa sa halos lahat ng lungsod at bayan sa Cavite. Isinasagawa ito tuwing pista, ang makukulay na kasuotang Pilipino at pagsayaw sa kalye sa saliw ng masasayang tugtugin ang pinakatampok sa pagdiriwang na ito.
III. Ang pagpuprusisyon sa itim na Nazareno na ipinagdiriwang tuwing Enero 9, taon-taon. Halos milyong-milyong Pilipino ang dumadalo rito upang magpakita ng marubdob na pananampalataya. Naniniwala sila na magkakaraon sila ng himala kapag nakahipo sila o nakadampi man lang sa Poong Nazareno sa araw na ito.
IV. Nariyan din ang iba pang tradisyunal na pagdiriwang sa Pilipinas tulad ng Sinulog Festival na ginaganap tuwing pangatlong Linggo ng Enero bilang pagpupugay sa mahimalang imahe ng Sto. Nino na nagmula sa siyudad ng Cebu na tumatagal ng siyam (9) na araw.
I,II,III
II, III, IV
III, IV, I
IV,I,II
6
Multiple Choice
Alin sa mga sumusunod na pahayag ang hindi wasto ukol sa pananaliksik?
Ang pananaliksik na pumapaksa sa wika, pagkain, kasuotan, paniniwala at tradisyong ng isang lugar ay isang pananaliksik tungkol sa penomenang kultural at panlipunan.
Hindi mahalagang kulang ang bahagi ng pananaliksik, ang mahalaga ay nakuha o lumabas ang nais mong maging resulta.
Mahalaga na may sapat na kaalaman sa paksa at may malawak o masagana sa literatura upang maisagawa ang pananaliksik.
Nakabatay ang resulta ng pananaliksik sa iyong suliranin at layunin ng pag-aaral.
7
Multiple Choice
Makikita sa bahaging ito ang paglilimita ng paksa, pagbuo ng tanong, haypotesis, pagbabasa ng mga kaugnay na literatura at pag-aaral.
Pagsusuri ng Datos
Pangangalap ng Datos
Pagdidisenyo ng Pananaliksik
Pagpapaunlad ng Paksa ng Pananaliksik
8
Multiple Choice
Sa prosesong ito nagaganap ang pagbuo ng kasangkapan na gagamitin sa pangangalap ng datos at aktuwal na paggamit nito.
Pangangalap ng Datos
Pagbabahagi ng Datos
Pagdidisenyo ng Pananaliksik
Pagpapaunlad ng Paksa ng Pananaliksik
9
Multiple Choice
Sa bahaging ito makikita ang paraang istatistikal o matematikal sa pagbibigay interpretasyon ng datos sa kwantitatibong pananaliksik at pagbuo ng mga tema o kategorya sa kwalitatibong pananaliksik.
Pagsusuri ng Datos
Pangangalap ng Datos
Pagdidisenyo ng Pananaliksik
Pagpapaunlad ng Paksa ng Pananaliksik
10
Multiple Choice
Dito nagaganap ang pagbuo ng paradaym, konseptuwal at teoritikal na balangkas at pagtukoy sa populasyon ng pananaliksik o materyales na pagmumulan ng datos.
Pagsusuri ng Datos
Pangangalap ng Datos
Pagdidisenyo ng Pananaliksik
Pagpapaunlad ng Paksa ng Pananaliksik
11
Multiple Choice
Sa bahaging ito isinasagawa ang presentasyon sa mga kumperensya o iba pang paraan ng pagbabahagi o pamimili ng journal kung saan ilalathala ang pananaliksik.
Pagsusuri ng Datos
Pagbabahagi ng Pananaliksik
Pagdidisenyo ng Pananaliksik
Pagpapaunlad ng Paksa ng Pananaliksik
12
Multiple Choice
Tukuyin ang wastong pagkakasunod-sunod ng mga hakbang sa pagsasagawa ng pananaliksik.
I. Dito nagaganap ang pagsusuri sa mga datos na nailahad mula sa pagkakategorya o mula sa istatistikal na pag-aanalisa.
II. Sa bahaging ito titiyakin ng mananaliksik ang kongklusyon ng pananaliksik.
III. Dito tinitiyak na payak ang paksa. Pinapaunlad ito sa pamamagitan ng pagbabasa at paghahanap ng mga kaugnay na literatura at pag-aaral.
IV. Bubuuin sa bahaging ito ang konseptuwal na balangkas na maglalatag ng kabuuang lawak ng pananaliksik at paraan ng magiging pagsusuri.
V. Nagaganap sa bahaging ito ang aktuwal na pakikipanayam, sarbey, obserbasyon o pagsusuri ng dokumento depende sa itinakda ng pamamaraan ng pag-aaral.
II, V, III, I, IV
III, IV, V, I, III
I, II, V, IV, III
V, IV, III, I, II
13
Multiple Choice
Aktuwal na isinasagawa ang pakikipanayam, sarbey, obserbasyon, o pagsusuri ng dokumento depende sa itinakdang pamamaraan ng pananaliksik.
I. Pamimili at Pagpapaunlad ng Paksa ng Pananaliksik
II. Pagdidisenyo ng Pananaliksik
III. Pangangalap ng Datos
IV. Pagsusuri ng Datos
V. Pamamahagi ng Pananaliksik
I
II
III
IV
14
Multiple Choice
Anong antas ng pananaliksik, kailangang natukoy na ng mananaliksik ang suliranin upang malapatan ng tiyak na disensyo?
I. Pamimili at Pagpapaunlad ng Paksa ng Pananaliksik
II. Pagdidisenyo ng Pananaliksik
III. Pangangalap ng Datos
IV. Pagsusuring Datos
V. Pamamahagi ng Pananaliksik
I
II
III
IV
15
Multiple Choice
Si Allan ay naghahanap ng mga kaugnay na literatura at pag-aaral upang masuportahan ang kanyang paksa. Nasa anong hakbang na kaya si Allan?
Pamimili at Pagpapaunlad ng Paksang Pananaliksik
Pagdidisenyo ng Pananaliksik
Pangangalap ng Datos
Pagsusuri ng Datos
16
Multiple Choice
Paglalathala sa mga publikasyon, pamamahagi sa mga silid-aklatan at pakikibahagi sa mga kumperensiya. Ito ang ginawa ni Aida. Saang hakbang na kaya siya?
I. Pamimili at Pagpapaunlad ng Paksa ng Pananaliksik
II. Pagdidisenyo ng Pananaliksik
III. Pangangalap ng Datos
IV. Pagsusuri ng Datos
V. Pamamahagi ng Pananaliksik
I at II
III at IV
V
VI
17
Multiple Choice
Madalas nagmumula ito sa mga umiiral na batas at polisiya ng isang organisasyon o departamento. Maaari ding mula sa mga pahayag at teorya.
Paglalahad ng Suliranin
Redyu ng Kaugnay na Literatura
Rasyonal at Kaligiran ng Pag-aaral
Layunin at Kahalagahan ng Pag-aaral
18
Multiple Choice
Ang mahalaga sa bahaging ito ay naiuugnay ng may akda ang mga konseptong nagmula sa literatura at pag-aaral sa pinakapaksa ng pag aaral.
Paglalahad ng Suliranin
Rebyu ng Kaugnay na Literatura
Rasyonal at Kaligiran ng Pag-aaral
Layunin at Kahalagahan ng Pag-aaral
19
Multiple Choice
Sa bahaging ito binubuo ang mga katanungan na nagmumula sa pamagat ng saliksik, mga katanungang siyang bibigyang kasagutan sa kabuuan ng pagaaral.
Paglalahad ng Suliranin
Rebyu ng Kaugnay na Literatura
Rasyonal at Kaligiran ng Pag-aaral
Layunin at Kahalagahan ng Pag-aaral
20
Open Ended
Balikan
Mapapadali ang pagsusulat ng panimulang pananaliksik kung nakabisado mo ang hakbang sa pagsulat ng pananaliksik. Upang matiyak ito, subuking ibigay ang sunod-sunod na hakbang sa pagsulat ng pananaliksik.
21
Tuklasin
Ang malalim na pag-unawa sa mga penomenang kultural at sosyal ay mahirap isanib o gawan ng pananaliksik kung wala kang sapat na kaalaman ukol ito. Upang mabigyan ka ng gabay sa pamimili ng paksa ukol dito, narito ang maikling paliwanang sa tinatawag na penomenang kultural at panlipunan ng bansa.
22
Penomenang Kultural at Panlipunan
Alam mo ba na tinatawag na isang kalinangan ang kultura. Kapag sinabing kultura, binubuo ito ng tradisyon, paniniwala, paraan ng pamumuhay, paraan ng pananamit, pagkain, wika at relihiyon. Mula sa kultura, umusbong ang kabihasnan o tinatawag na sibilisayon.
23
Penomenang Kultural at Panlipunan
Bawat pangkat ng tao sa daigdig ay may kinagisnang kultura. Maaaring may mga pagkakatulad ang ilan at may hindi naman pangkaraniwan. Kung sinasabing hindi pangkaraniwan, maituturing itong pambihira o phenomenal. Maraming iba’t ibang pagdiriwang sa Pilipinas, bilang isang bansa na maraming tradisyon.
24
Halimbawa:
1. Ang Karakol ay isang pasayaw na panalangin na isinasagawa sa halos lahat ng lungsod at bayan sa Cavite. Isinasagawa ito tuwing pista, ang makukulay na kasuotang Pilipino at pagsayaw sa kalye sa saliw ng masasayang tugtugin ang pinakatampok sa pagdiriwang na ito.
2. Ang pagpuprusisyon sa itim na Nazareno na ipinagdiriwang tuwing Enero 9, -taon. Halos milyong-milyong Pilipino ang dumadalo rito upang magpakita ng marubdob na pananampalataya. Naniniwala sila na magkakaraon ng himala kapag nakahipo o nakadampi man lang sila sa Poong Nazareno sa araw na ito.
25
Halimbawa:
3. Nariyan din ang iba pang tradisyunal na pagdiriwang sa Pilipinas tulad ng Sinulog Festival na ginaganap tuwing pangatlong Linggo ng Enero bilang pagpupugay sa mahimalang imahe ng Sto. Nino na nagmula sa siyudad ng Cebu na tumatagal ng siyam (9) na araw.
4. Sa Lucban, Quezon naman ang Pahiyas Festival na isang pagdiriwang tuwing ika-15 ng Mayo sa probinsya Lucban, Quezon. Pinararangalan dito si San Isidro, ang patron ng mga magsasaka.
26
Suriin
Basahin at suriin ang teksto. Alamin kung anong penomenang panlipunan at kultural ang masasalamin dito. Pagkatapos ay sagutin ang mga katanungan.
27
Ang Baysanan
Fritzie Ann R. Cubcubin
28
Ang baysanan ay salitang Batangas na ang ibig sabihin ay kasalan. Ang baysanan sa Batangas ay karaniwang umaaabot nang dalawang araw kung kaya hindi maaring hindi magpapatay o kakatay ng hindi baba sa sampung baboy. Ito ay ilalaan sa dulot sa ninong at ninang na may kasamang suman at kalamay. Ang iba ay nakalaan sa mga mamaysan at binabaysan. Ang mamaysan ay pamilya ng lalaki at ang binabaysan naman ay pamilya ng babae.
29
Ang karaniwang kumikilos o gumagawa sa baysanan ay ang mga mamaysan o pamilya ng lalaki. Kasabay ng bispiras ay may tinatawag na sabitan. Ito ay ang pagsasabit ng pera sa ikakasal ng kanilang pamilya, kamag-anak at mga kaibigan. Ito ang magsisilbing unang hanapbuhay ng ikakasal.
30
Sa kaarawan naman ng baysanan ay may tinatawag na sabugan ito ay ang pagtitinda ng suman at kalamay sa mga ninong, ninang, kapamilya at kaibigan. Ito ang magsisilbing pangalawang hanapbuhay ng mag-asawa.
Ang huling parte ng baysanan ng mag-asawa ay dapitan, kung saan ang babaing ikinasal at ang kanyang asawa ay maggpapaalam sa magulang ng babae upang sumama na sa pamilya ng lalaki.
31
Open Ended
Itala ang mga salitang may salungguhit, at ibigay ang kahulugan nito.
32
Open Ended
Ano ang mensahe ng tekstong iyong binasa?
33
Open Ended
Anong penomenang kultural at panlipunan ang masasalamin sa tekstong ito?
34
Open Ended
Ano ang kaugnayan ng mga penomenang kultural at panlipunan na masasalamin sa teksto sa pamumuhay ng mga tao sa lugar na ito?
35
Pagyamanin
Sa mga naunang gawain ay nabatid mo ang tinatawag na penomenang kultural at pantipunan. Sa pagkakataong ito, hubugin ang sarili sa pagsulat ng isang pananaliksik na tumatalakay sa penomenang kultural at panlipunan. Tugunan ang bawat hakbang sa pagsulat ng pananaliksik.
36
Open Ended
1. Pamimili at Pagpapaunlad ng Paksa ng Pananaliksik
Gabay na tanong:
a. Anong paniniwala, pagkain, kasuotan, gawi, linangan, hanapbuhay, wika at suliraning panglipunan ang gusto mong alamin at pag-aralan?
37
Open Ended
b. Anong tanong ang gusto mong bigyan ng kasagutan tungkol sa paksa? Magbigay ng tatlo, dahil ito ang magsisilbing katanungan sa bahaging Paglalahad ng Suliranin:
Suliranin 1:_________________________________________________________
Suliranin 2:_________________________________________________________
Suliranin 3:_________________________________________________________
38
Open Ended
c. Ano ang layunin at kahalagahan ng pag-aaral?
39
Open Ended
2. Pagdidisenyo ng Pananaliksik
Gabay na Tanong:
a. Anong uri ng pananaliksik ang isasagawa, kuwantitatibo o kuwalitatibo?
40
Open Ended
3. Pangangalap ng Datos
Gabay na Tanong:
a. Anong instrumento sa pangangalap ng datos ang gagamitin?
b. Paano ang isasagawa ang aktuwal na pangangalap at presentasyon ng datos?
41
Open Ended
4. Pagsusuri ng Datos
Gabay na Tanong:
a. Paano isasagawa ang presentasyon ng datos, pagsusuri at interpretasyon ng datos?
______________________________________
b. Paano bubuuin ang sumusunod:
1. Lagom:__________________
2. Konglusyon:_______________
3. Rekomendasyon:____________
42
Open Ended
Isaisip
Bumuo ng plano kung paano isasagawa ang naiisip mong pananaliksik tungkol sa penomenang kultural at sosyal. Isalaysay ang sunod-sunod na hakbang sa pagsasagawa nito.
43
Draw
Lagyan ng tsek (√) ang kahon na nagsasaad ng iyong saloobin at damdamin tungkol sa paksa.
44
Tayahin
Sumulat ng isang pananaliksik na tumatalakay sa mga penomenang pangkultural at panlipunan sa iyong lugar. Sundan ang format na ito.
45
46
Open Ended
Kabanata 1
47
Open Ended
Kabanata 1
48
Open Ended
Kabanata II
49
Open Ended
Kabanata III
50
Open Ended
Kabanata IV
51
Karagdagang Gawain
Binabati kita dahil natapos mo nang matagumpay ang mga pagsubok sa modyul na ito. Dahil diyan, gusto kong maging handa ka sa susunod na pagsubok na iyong kahaharapin. Ngayon pa lamang ay paghandaan mo ang aktuwal na pagdepensa ng iyong saliksik
Komunikasyon
at Pananaliksik sa Wika
at Kulturang Pilipino
Ikalawang Markahan - Modyul 16: Pagsulat ng Pananaliksik
Show answer
Auto Play
Slide 1 / 51
SLIDE
Similar Resources on Wayground
45 questions
Names and Formulas of Chemical Compounds
Presentation
•
9th - 10th Grade
41 questions
KAHULUGAN, KATANGIAN AT KALIKASAN NG TEKSTO
Presentation
•
11th Grade
48 questions
matter
Presentation
•
11th Grade
44 questions
Sampling Techniques - Statisctics
Presentation
•
11th - 12th Grade
48 questions
Pang-unang Pagsusulit at Pagtalakay sa Kabanata 1 - 10
Presentation
•
9th - 12th Grade
49 questions
Europejski Dzień Języków Obcych
Presentation
•
KG - 12th Grade
45 questions
Stoikiometri
Presentation
•
10th Grade
47 questions
Revisão de Mecanização 2º Trimestre
Presentation
•
11th Grade - University
Popular Resources on Wayground
16 questions
Grade 3 Simulation Assessment 2
Quiz
•
3rd Grade
19 questions
HCS Grade 5 Simulation Assessment_1 2526sy
Quiz
•
5th Grade
10 questions
Cinco de Mayo Trivia Questions
Interactive video
•
3rd - 5th Grade
17 questions
HCS Grade 4 Simulation Assessment_2 2526sy
Quiz
•
4th Grade
24 questions
HCS Grade 5 Simulation Assessment_2 2526sy
Quiz
•
5th Grade
13 questions
Cinco de mayo
Interactive video
•
6th - 8th Grade
20 questions
Math Review
Quiz
•
3rd Grade
30 questions
GVMS House Trivia 2026
Quiz
•
6th - 8th Grade
Discover more resources for Other
5 questions
A.EI.1-3 Quizizz Day 1
Quiz
•
9th - 12th Grade
210 questions
Unit 1 - 4 AP Bio Review
Quiz
•
9th - 12th Grade
100 questions
Biology EOC Review
Quiz
•
9th - 12th Grade
5 questions
A.EI.1-3 Quizizz Day 2
Quiz
•
9th - 12th Grade
5 questions
A.EI.1-3 Quizizz Day 4
Quiz
•
9th - 12th Grade
16 questions
AP Biology: Unit 1 Review (CED)
Quiz
•
9th - 12th Grade
5 questions
G.PC/DF Quizizz Day 2
Quiz
•
9th - 12th Grade
20 questions
verbos reflexivos en español
Quiz
•
9th - 12th Grade