Ano ang tamang pagkakaayos ng mga pahayag upang makabuo ng mabisang Abstrak?
1. Sa huli, magmumungkahi ng mga paraan ng pagsusulong ng tunay na multilinggwalismo bilang angkop at napapanahong patakarang pangwika sa panahon ng globalisasyon.
2. Sa papel na ito, tatalakayin ang kahalagahan ng pagtataguyod ng multilinggwalismo bilang epektibong sandata ng wikang Filipino at mga diyalekto laban sa panunumbalik ng monolinggwistikong gahum ng wikang Ingles sa Pilipinas.
3. Ipapaliwanag ang kahungkagan ng Executive Order No. 210 at House Bill 4701 na kapwa nagtataguyod sa Ingles bilang wikang panturo.
4. Iisa-isahin din ang mga matagumpay na pag-igpaw at tagumpay ng wikang Filipino sa iba’t ibang larangan sa kabila ng polisiya ng gobyerno na tila sumasagka sa pag-unlad nito.
5. Upang hindi maging parokyal o makitid ang pagtanaw sa isyu, ilalahad ang mga pandaigdigang pagsisikhay na nagsusulong sa multilinggwalismo.