
Pagpapahalaga at Pagtupad sa Responsibilidad (Assimilation)
Authored by Roxane Abreu
Life Skills
6th Grade

AI Actions
Add similar questions
Adjust reading levels
Convert to real-world scenario
Translate activity
More...
Content View
Student View
10 questions
Show all answers
1.
MULTIPLE CHOICE QUESTION
30 sec • 1 pt
Ito ay tumutukoy sa sinabi, ginawa, o anumang bagay na hindi
pinananagutan, o walang pagsasaalang-alang sa kapuwa.
matapat
responsable
iresponsable
pagsisinungaling
2.
MULTIPLE CHOICE QUESTION
30 sec • 1 pt
Ito ay tumutukoy sa lahat ng tao sa paligid.
kapuwa
kapitbahay
kaibigan
pamayanan
3.
MULTIPLE CHOICE QUESTION
30 sec • 1 pt
Ito ay pahayag na tumitiyak sa pagtupad o hindi pagtupad sa isang
bagay. Ito rin ay tumutukoy sa anumang ginagamit bilang garantiya.
kilos
pangako
sumpa
katapatan
4.
MULTIPLE CHOICE QUESTION
30 sec • 1 pt
Sa mga pagkakataon na ikaw ay hindi nakakatupad sa isang
kasunduan o sa iyong mga ipinangako, ano ang dapat mong gawin?
Huwag na lamang ito pag-usapan at hayaan na ito ay makalimutan
ng taong iyong pinangakuan.
Iwasan ang taong pinangakuan upang makaiwas sa pagtatalo o
paninisi na hindi kinakailangan.
Humingi ng paumanhin at ipaliwanag ang dahilan kung bakit hindi
ka nakatupad sa pangako o kasunduan.
Hintayin na lumapit o komprontahin ka ng taong iyong
pinangakuan upang malaman kung masama ba ang loob niya sa iyo
o hindi.
5.
MULTIPLE CHOICE QUESTION
30 sec • 1 pt
May kasabihan na pagdating sa pangako, “huwag mong yakapin ang
puno kung alam mong hindi mag-aabot ang iyong mga kamay”. Ano
ang ibig sabihin nito?
Ang pangako ay palaging may kaakibat na pananagutan.
Huwag kang magbibitaw ng pangakong hindi mo kayang tuparin.
Simple o mahirap man ang iyong binitiwang pangako ay dapat mo
itong tuparin.
Kailanman ay huwag kang mangangako upang ikaw ay makaiwas
na makasakit ng damdamin ng iyong kapuwa.
6.
MULTIPLE CHOICE QUESTION
30 sec • 1 pt
Ang mga sumusunod ay nagpapakita ng pagpapahalaga sa pagiging
responsable sa kapuwa MALIBAN sa:
Pangangako kahit mahirap itong gawin.
Pagtupad sa mga pangako o kasunduan.
Pagiging matapat sa anumang sitwasyon.
Pagpapanatili ng mabuting ugnayan sa kapuwa.
7.
MULTIPLE CHOICE QUESTION
30 sec • 1 pt
Natuwa si Jacky nang ibinigay ng kaniyang nanay ang ipinangako
nitong bagong cellphone na kaniyang gagamitin sa online class.
Ngunit hindi ito ang tatak ng cellphone na kaniyang gusto at ito lang
ang nakayanang bilhin ng kaniyang nanay. Naging responsable ba ang
nanay ni Jacky?
Opo, dahil natuwa si Jacky sa ibinigay ng kaniyang nanay.
Hindi po, dahil hindi niya binili ang tatak ng cellphone na gusto ni Jacky.
Hindi po, dapat hindi na lang siya bumili para hindi sumama loob
ni Jacky.
Opo, sapagkat tinupad niya ang kaniyang pangako na ibibili ito ng
cellphone.
Access all questions and much more by creating a free account
Create resources
Host any resource
Get auto-graded reports

Continue with Google

Continue with Email

Continue with Classlink

Continue with Clever
or continue with

Microsoft
%20(1).png)
Apple
Others
Already have an account?