Search Header Logo

MGA WIKANG OPISYAL NG PILIPINAS

Authored by Shangmae Batanes

World Languages

11th Grade

MGA WIKANG OPISYAL NG PILIPINAS
AI

AI Actions

Add similar questions

Adjust reading levels

Convert to real-world scenario

Translate activity

More...

    Content View

    Student View

10 questions

Show all answers

1.

MULTIPLE CHOICE QUESTION

30 sec • 1 pt

Ano ang tawag sa wikang ginagamit bilang pangunahing daluyan ng komunikasyon sa pagitan ng pamahalaan at mga mamamayan ng bansa?

A. wikang opisyal

B. wikang pangkomunikasyon

C. wikang komon

D. wikang banyaga

Answer explanation

Wikang opisyal ang opisyal na wika ng anumang pamahalaan. Ibig sabihin, ito ang pangunahing daluyan ng komunikasyon ng pamahalaan at ng mga mamamayan ng bansa.

2.

MULTIPLE SELECT QUESTION

45 sec • 1 pt

Saan ginagamit ang wikang opisyal?

A. opisyal na transaksyon ng pamahalaan

B. pakikipagkomunikasyon o pahayag ng pamahalaan

C. pakikipag-usap sa mga pinuno ng ibang bansa

D. pakikipagnegosasyon sa ibang bansa

Answer explanation

Ang wikang opisyal ay ginagamit ng pamahalaan sa mga opisyal na transaksyon nito. Gayundin, ginagamit ito sa pagpapahayag ng mga patalastas, paalala, anunsiyo, at anumang pakikipagkomunikasyon ng pamahalaan sa mga mamamayan ng bansa.

3.

MULTIPLE CHOICE QUESTION

30 sec • 1 pt

Paano itinatakda ang wikang opisyal ng bansa?

A. konsultasyon sa mga mamamayan at pagtatakda ng batas

B. pamimili ng pangulo ng bansa at pagdedeklara sa pamamagitan ng executive order

C. nagkakaroon ng halalan para sa pagpili ng wikang opisyal

D. nagkakaroon ng debate tungkol sa gagawing wikang opisyal

Answer explanation

Sa bisa ng isang batas na nakapaloob sa Saligang Batas, pinipili at itinatakda ang opisyal na wika ng bansa. Dumadaan ito sa serye ng konsultasyon sa iba’t ibang pangkat ng tao sa bansa.

4.

MULTIPLE CHOICE QUESTION

30 sec • 1 pt

Ano ang unang naging opisyal na wika sa Pilipinas?

A. Kastila

B. Tagalog

C. Ingles

D. bernakular

Answer explanation

Sa Pilipinas, unang ginamit ng mga Espanyol ang wikang Kastila bilang opisyal na wika ng pamahalaang kolonyal sa Pilipinas.

5.

MULTIPLE CHOICE QUESTION

30 sec • 1 pt

Alin ang hindi naging wikang opisyal sa Pilipinas?

A. Ilokano

B. Tagalog

C. Filipino

D. Ingles

Answer explanation

Ang wikang Tagalog ay naging wikang opisyal ng Pamahalang Biak-na-Bato ni Pangulong Emilio Aguinaldo. Batay sa Saligang Batas ng 1987 Artikulo XIV Seksyon 7, “ang mga wikang opisyal ng Pilipinas ay Filipino at, hangga't walang ibang itinatadhana ang batas, Ingles.” Kung gayon, hindi naging wikang opisyal ang wikang Ilokano.

6.

MULTIPLE SELECT QUESTION

45 sec • 1 pt

Alin ang totoo tungkol sa wikang opisyal?

A. Ginagamit ito sa mga opisyal na dokumento ng pamahalaan.

B. Lahat ng pangalan ng gusali, opisina, at mga palatandaan ay nasa wikang opisyal.

C. Filipino ang wikang opisyal ng Pilipinas.

D. Palaging wikang bernakular ang batayan ng wikang opisyal.

Answer explanation

Bilang wikang opisyal, ito ang wikang ginagamit sa mga opisyal na dokumento at pahayag ng pamahalaan. Dagdag pa, dapat tiyakin na ang mga gusali, opisina at palatandaan ay isinalin sa wikang opisyal. Sa Pilipinas, wikang Filipino at Ingles ang wikang opisyal. Kung gayon, ang isang banyagang wika ay maaaring maging wikang opisyal tulad ng Kastila at Ingles kung kinakailangan.

7.

MULTIPLE CHOICE QUESTION

30 sec • 1 pt

Dahil Filipino ang wikang opisyal ng pamahalaan sa Pilipinas, ano ang tungkulin ng mga kawani ng pamahalaan?

A. Magsanay na maging mahusay sa paggamit ng wikang Filipino sa pagsulat ng mga opisyal na dokumento.

B. Maghanap ng tagasalin ng mga dokumento mula sa iba't ibang wika tungo sa wikang Filipino.

C. Magsanay na maging mahusay sa paggamit ng wikang Ingles dahil ito naman ang wikang kinikilala ng daigdig.

D. Mamili lamang ng mga dokumento at pahayag na isusulat sa Filipino at isusulat sa iba pang wikang bernakular.

Answer explanation

Bilang kawani ng pamahalaan, dapat na magsanay na maging mahusay sa paggamit ng wikang Filipino upang epektibong maipahayag ang mga anunsiyo, patalastas, o kautusang nais ipalaganap ng pamahalaan sa mga mamamayan ng bansa. Ang wikang opisyal ay wikang nakikilala, ginagamit, at nauunawaan ng nakararami kaya dapat itong paunlarin pa.

Access all questions and much more by creating a free account

Create resources

Host any resource

Get auto-graded reports

Google

Continue with Google

Email

Continue with Email

Microsoft

Continue with Microsoft

or continue with

Facebook

Facebook

Apple

Apple

Others

Others

Already have an account?

Discover more resources for World Languages