wayground logo

Free Printable Worksheets

NEW

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

UNIT TEST IN EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 9

Total questions: 40

Worksheet time: 28mins

Name
Class
Date
1.

Saang salitang ugat galing ang lipunan?

a)

lupon

b)

lipon

c)

lipun

d)

lepon

2.

Ang komunidad ay galing sa salitang latin na "Communis" na ang ibig sabihin ay

a)

pantay pantay

b)

grupo

c)

pangkat

d)

pagkakapareho

3.

Anu ang layunin ng lipunan?

a)

indibidwalismo

b)

kabutihan ng lahat

c)

kabutihan ng nakararami

d)

kapayapaan

4.

Ang pinakamaliit na yunit ng lipunan.

a)

pamayanan

b)

pamahalaan

c)

pamilya

d)

komunidad

5.

Bakit likas na sosyal ang tao?

a)

Ang tao ay sosyal dahil may mayaman at mahirap.

b)

Ang tao ay sosyal dahil maraming kaibigan pagmayaman.

c)

ang tao ay sosyal dahil siya ay sikat.

d)

ang tao ay sosyal dahil siya ay likas na panlipunang nilalang.

6.

Sino ang nagsaad na ang tao ay panlipunan.

a)

Dr. Jose Rizal

b)

Max Scheler

c)

Dr. Manuel Dy

d)

Santo Tomas de Aquino

7.

Ito ay binubuo ng mga indibidwal na magkakapareho ng interes, ugali o pagpapahalaga na makikita sa isang partikular na lugar.

a)

Gang

b)

Grupo

c)

komunidad

d)

lipunan

8.

Ayon sa kanyang libro na "The person and the Common Good", ang tao ay may dalawang dahilan kung bakit namumuhay sa lipunan. Sino ang nagsaad nito?

a)

Jacques Maritain

b)

Dr. Manuel Dy

c)

Dr. Jose Rizal

d)

Santo Tomas Aquianas

9.

Saang sektor ng lipunan makikita ang mga awtoridad na nagpapanatili ng kaayusan at kapayapaan sa lipunan?

a)

paaralan

b)

pamahalaan

c)

pamilya

d)

simbahan

10.

Ang mga sumusunod ay elemento ng kabutihang panlahat MALIBAN sa

a)

kapayapaan

b)

indibidwalismo

c)

kapakanang panlipunan

d)

paggalang sa indibidwal na tao

11.

Ang mga batas ay ipinatutupad para sa kaayusan ng lipunan kayat and bawat tao ay dapat makiisa sa mga patakarang ipinatutupad ng mga______.

a)

awtoridad

b)

matatanda

c)

negosyante

d)

pari

12.

Serbisyo publiko ang tawag sa gawain ng mga kawani ng pamahalaan. Alin sa mga sumusunod na konsepto ang HINDI pumapaloob dito?

a)

Pinatatakbo nila ang mga ahensiya ng pamahalaan.

b)

tumutulong sila sa pagyabong at kaunlaran ng bansa.

c)

pinapanatili ng bawat pinuno ang pagtugon sa sariling kapakanan.

d)

ang mamamayan ang kanilang pinaglilingkuran ng may katapatan.

13.

Tutulungan ng pamahalaan ang mga mamamayan na magawa nila ang makakapagpaunlad sa kanila at hindi panghihimasukan ng mga lider ng pamahalaan ang mamamayan.

a)

Prinsipyo ng Subsidiarity

b)

Prinsipyo ng Solidarity

c)

Prinsipyo ng Suplay at Demand

d)

Prinsipyo ng Pagkakapantay-pantay

14.

Ito ang diwa ng pagtutulungan at pagkakaisa ng mamamayan at pamahalaan sa pag-unlad ng lipunan.

a)

Prinsipyo ng Subsidiarity

b)

Prinsipyo ng Solidarity

c)

Prinsipyo ng Suplay at demand

d)

Prinsipyo ng pagkakapantay-pantay

15.

Mga nabuong gawi, tradisyon, nakasanayan at mga hangarin na pinagbabahaginan sa paglipas ng panahon.

a)

kultura

b)

dignidad

c)

sarili

d)

lipunan

16.

Siya ang nagtaguyod sa karapatan ng kakabaihan na makapag-aral, hindi hadlang ang grupong taliban para isulong ang karapatan ng mga babaeng Pakistani.

a)

Malala Yousafzai

b)

Lea Salonga

c)

Mother Teresa

d)

Cory Aquino

17.

Siya ang pinuno na ipinaglaban ang pagkilala sa tao lagpas sa kulay ng balat.

a)

Martin Luther King

b)

Adolf Hitler

c)

Ninoy Aquino

d)

Barack Obama

18.

Saan inihambing ang isang pamayanan?

a)

barkada

b)

gang

c)

fraternity

d)

kaaway

19.

Ang ugnayan ng bawat mamamayan ay mahalaga sa loob ng lipunan. Alin sa sumusunod ang HINDI nagpapakita ng Prinsipyo ng Solidarity?

a)

Bayanihan at kapit-bahayan

b)

pagkakaroon ng alitan

c)

pagkakaroon ng panahon sa pagpupulong

d)

sama samang pagtakbo para sa kalikasan

20.

Paraan ng pagsasaayos ng lipunan upang masiguro na ang bawat isa ay malayang nagkakaroon ng maayos na pamumuhay.

a)

Lipunang Sibil

b)

Lipunang Pampolitikal

c)

lipunan

d)

komunidad

21.

Ano ang ipinatutupad sa isang lipunan at tumataguyod sa prinsipyo ng pagkakapanatay-pantay at walang kinikilingan?

a)

Batas

b)

Curfew

c)

Disiplina

d)

karapatan

22.

Ang ekonomiya ay galing sa Griyegong salita na "OIkos" na ang ibig sabihin ay

a)

bahay

b)

buhay

c)

pamamahala

d)

pera

23.

Ang pangangailangan ng bawat tao sa mga ___________________ ay nararapat na ayon sa layunin at gamit nito.

a)

kalikasan

b)

materyal na bagay

c)

pera

d)

tubig

24.

Ang paniniwala na "ang tao ay pantay-pantay" ay nakaugat sa katotohanan na lahat ay _______________.

a)

likha ng diyos

b)

iisa ang mithiin

c)

dapat mayroong pag-aari

d)

may kani-kaniyang kaalaman

25.

Anong sektor ng lipunan ang nagsisilbing instrumento upang maging matatag ang ang pananampalataya ng isang tao?

a)

pamayanan

b)

simbahan

c)

pamilya

d)

paaralan

26.

Ang mga sumusunod ay adbokasiya ng lipunang sibil MALIBAN sa?

a)

katarungang panlipunan

b)

kapayapaan

c)

pangsariling Pag-unlad

d)

reporma

27.

Anumang bagay na "nasa pagitan" o "namamagitan" sa nagpadala at pinadalhan ay tinatawag na__________.

a)

media

b)

sahod

c)

pera

d)

simbahan

28.

Ang facebook, Twitter at instagram ay mga halimbawa nito.

a)

social media

b)

GMA

c)

google

d)

computer

29.

Isa sa mga katangian ng lipunang sibil kung saan "walang pinilit, nanakot o nanggipit sa mga kasapi nitop upang makisangkot.

a)

walang pang-uuri

b)

pagkukusang loob

c)

bukas na pagtatalastasan

d)

may isinusulong na pagpapahalaga

30.

Sa papamagitan ng lipunang sibil na ito naisabatas ang anti-sexual harassment act at anti-rape law.

a)

Youth for Christ

b)

Gabriela

c)

Anakpawis

d)

EDSA II

31.

Ang kusang pag-organisa ng ating mga sarili tungo sa sama-samang pagtuwang sa isa't-isa.

a)

lipunang sibil

b)

lipunang pampolitika

c)

lipunang pang-ekonomiya

d)

layunin ng lipunan

32.

Ano sa sumusunod ang halimbawa ng lipunang sibil?

a)

Youth for Christ

b)

pamahalaan

c)

pamilya

d)

lipunan

33.

Ano ang mainam o tamang pagbabahagi ng yaman ng bayan?

a)

patas sa lahat ng mamamayan.

b)

pantay-pantay sa lahat ng mamamayan

c)

para sa mayayaman lamang

d)

para sa gobyerno lamang

34.

Ano ang layuning ng Mass Media?

a)

maghatid ng mga balita pabor sa publiko.

b)

magsulong ng ikabubuti ng bawat kasapi ng lipunan.

c)

maghatid ng fake news pabor sa oposisyon

d)

maghatid ng balita ayon sa kagustuhan ng network.

35.

Sino ang nangunguna sa pangangasiwa at patas na pagbabahagi ng yaman ng bayan?

a)

Simbahan

b)

Pamilya

c)

lipunan

d)

pamahalaan

36.

Ano ang Prinsipyo ng Proportio ni Tomas de Aquino?

a)

Pagkakakaloob sa tao ayon sa pangangailangan.

b)

Pagkakakaloob sa tao ayon sa pantay na pagbabahagi

c)

pagkakaloob sa tao ayon sa dami ng pera

d)

pagkakaloob sa tao ayon sa sarili

37.

Saan nagmumula ang kapangyarihan ng mga namumuno?

a)

itaas patungo sa ibaba

b)

ibaba patungo sa itaas

c)

sa ibaba lamang

d)

sa itaas lamang

38.

Sino ang tunay na Boss?

a)

Pangulo at senador

b)

Senador at pangulo

c)

Mayor at konsehal

d)

mamamayan at pangulo

39.

Ang pamamahala ay usapin ng pagkakaloob ng _____________________.

a)

pagtitiwala

b)

salapi

c)

babos/hukip

d)

responsabilidad

40.

Sino ang nagsaad ng pahayag na ito, ": Huwag mong itanong kung ano ang magagawa ng bansa para sa iyo, kundi itanong mo kung ano ang magagawa mo para sa iyong bansa".

a)

Aristotle

b)

Santo Tomas de Aquino

c)

John F. Kennedy

d)

Bill Clinton