WorksheetsLipunang Sibil
Total questions: 10
Worksheet time: 10mins
Ito ang pinakamabigat na dahilan kung bakit kailangan nating magpatulong sa iba.
Iba’t iba tayo ng mga kakayahan
Magkakaroon tayo ng panahon para sa iba pa nating nais gawin
Hindi lahat ng pangangailangan natin ay matatamo natin ng mag-isa
Nais nating magkaroon ng saysay ang kakayahan ng iba
Ang pamahalaan ay gumagawa at nagpapatupad ng batas upang matiyak na:
Ang lahat ay magiging masunurin
Matutugunan ang mga pangangailangan ng lahat
Bawat mamamayan ay may tungkuling dapat gampanan
Walang magmamalabis sa lipunan
Bakit nagkukusa tayong mag-organisa at tugunan ang pangangailangan ng nakararami?
Sa ganito natin maipapakita ang ating pagkakaisa
Ang sama-samang pagkilos ay nagpapagaan sa gawain
Walang ibang maaaring gumawa nito para sa atin
Hindi sapat ang kakayahan ng Pamahalaan upang tumugon
Pangunahing layunin ng lipunang sibil ang:
Pagpaparating ng mga karaingan sa pamahalaan
Pagbibigay-lunas sa suliranin ng karamihan
Pagtalakay ng mga suliraning panlipunan
Pagbibigay-pansin sa pagkukulang ng pamahalaan
Ang kahulugan ng mass media ay:
Impormasyong hawak ng marami
Isahan ngunit maramihang paghahatid ng impormasyon
Impormasyong nagpapasalin-salin sa marami
Paghahatid ng maraming impormasyon
Tungkulin ng mass media ang pagsasaad ng katotohanan dahil:
Wala tayong ibang mapagkukunan ng impormasyon
Nagpapasiya tayo ayon sa hawak nating impormasyon
Maaari nating salungatin ang isinasaad nitong impormasyon
Pinaglalagakan lamang ito ng impormasyon
May kasinungalingan sa mass media kung mayroong:
Paglalahad ng mga impormasyong hindi pakikinabangan
Pagpapahayag ng sariling kuro-kuro
Paglalahad ng isang panig ng usapin
Pagbanggit ng maliit na detalye
Ang pananatili nating kaanib ng isang institusyong Panrelihiyon ay bunga ng:
Kawalan ng saysay ng buhay sa gitna ng mga tinatamasa
Kalakarang kinamulatan natin sa ating mga magulang
Kapangyarihang hawak ng mga lider ng relihiyon
Pagkakatantong hindi tayo nag-iisa sa paghahanap ng katuturan ng buhay
Ang mga sumusunod ay mga katangian ng lipunang sibil,maliban sa:
Kawalan ng pangmatagalang liderato
Pagsasalungatan ng iba’t ibang paninindigan
Kawalan ng kuwalipikasyon ng mga kaanib
Panghihimasok ng estado
Ang samahang nagsasagawa ng _______ ay maituturing na isang lipunang sibil.
Malayuang pagbibisikleta
Pagmamasid sa mga ibon
Pagtatanim ng mga puno
Pagsisid sa mga bahura (coral reefs)
