Font size
WorksheetsPAGSUSULIT BLG 1 (FILIPINO 7)
Total questions: 20
Worksheet time: 9mins
1. Ito ay isang akdang pampanitikan na nagpasalin-salin sa bibig ng ating mga ninuno, likhang isip lamang, at naglalaman ng mga kaugalian at paniniwala ng isang bayan.
Kwentong- Bayan
Alamat
Pabula
Maikling Kwento
2. Isang matikas at magilas na lalaki na sa panaginip lamang nakikita ni Tuan Putli.
Maniak Buagsi
Manik Buangsi
Manhik Baugsi
Maniok Buangsi
Sa kwentong bayan na "Manik Buangsi", anong katangian ang ipinakita ni Tuan Putli sa pulubi?
magalang
responsable
mapagpasensya
mapagbigay
Bakit siniraan ng mga nakatatandang kapatid ni Tuan Putli si Manik Buangsi?
dahil nalaman nila na ampon lamang si Manik Buangsi
dahil sa inggit nila sa kanilang bunsong kapatid
dahil may ibang gusto si Tuan Putli
dahil sa kawalan ng respeto sa babae
Ang pagtitiwala ay mahalaga sa isang relasyon dahil ito ay magpapatibay ng samahan.
Tama
Mali
Mahalaga ang pagbibigay ng wastong salita sa pagbibigay patunay upang maging maayos, malinaw, at kapani-paniwala ang ipinahahayag sa isang kaisipan.
Tama
Mali
Makikilala ang kwentong-bayan batay sa mga sumusunod maliban sa:
pawang likhang-isip lamang
naglalarawan ng isang pook o bayan
gumaganap na mga tauhan ay mga hayop lamang
naglalaman ng mga paniniwala at kaugalian ng mga tao
Ito ay isang paraan ng pagbibigay-patunay na nagbibigay kahulugan sa pananalita o bagay.
Paghahambing o Pagtutulad
Paghahalimbawa
Estadistika
Paliwanag
Ito ay tumutukoy sa bilang at numerikong paglalarawan na nagbibigay patunay sa isang pananaliksik.
Estadistika
Paghahalimbawa
Paghahambing o Pagtutulad
Paliwanag
Nagiging mabisa ang ______________ kung magkakaroon ng matitibay na batayan sa pagpapahayag ng kahigitan o kalamangan ng isang bagay sa iba.
paghahalimbawa
pagtutulad
paghahambing
pagpapaliwanag
Ginagamit ang mga katagang dahil sa, kasi, gaya, tulad, sapagkat, at kahit pa upang______________________________________.
malinaw na maibigay ang mga patunay na ipinapahayag na kaisipan
mapalawak ang paglalarawan sa isang bagay
maintindihan ang mga halimbawa ng pagpapaliwanag
Tukuyin ang salitang nagbibigay patunay.
"Sadyang pinagtagpo sila ng kapalaran upang magkita at magkasama ngunit nagkahiwalay din."
ngunit
upang
sadyang
din
Tukuyin kung ang pangungusap ay nagbibigay ng patunay o hindi nagbibigay ng patunay.
"Kitang-kita sa CCTV na inalalayan ng batang Muslim ang isang matandang pulubi upang tumawid sa kalsada."
nagbibigay ng patunay
hindi nagbibigay ng patunay
Tukuyin kung ang pangungusap ay nagbibigay ng patunay o hindi nagbibigay ng patunay.
Hindi tiyak ng marami sa Mindanao kung saan nagmula ang pangalang “Mindanao”.
nagbibigay ng patunay
hindi nagbibigay ng patunay
Tukuyin kung ang pangungusap ay nagbibigay ng patunay o hindi nagbibigay ng patunay.
"Umaasa ang mga estudyante na walang pasok."
nagbibigay ng patunay
hindi nagbibigay ng patunay
Tukuyin ang kahulugan ng salitang nakasalungguhit batay sa pagkakagamit nito sa pangungusap.
Nahalina siya sa maalindog na mukha ng dalaga.
malaki
maganda
mabilog
magaspang
Tukuyin ang kahulugan ng salitang nakasalungguhit batay sa pagkakagamit nito sa pangungusap.
- Agad na inihandog sa kaniya ang bitbit nitong buslo bilang tanda ng katapatan ng dalaga.
inalay
inihagis
itinapon
inalis
Tukuyin ang kahulugan ng salitang nakasalungguhit batay sa pagkakagamit nito sa pangungusap.
Napahagulgol na lamang siya dahil sa madalas niyang pagdududa sa kaniyang kasintahan.
napasinok
napagalit
napatawa
napaiyak
Ayon kina _____________________ may ilang paraan upang matukoy ang dapat na nilalaman ng isang teksto upang maging kapani-paniwala sa mga mambabasa na ibinatay nila sa pag-aaral ni ___________________.
Magdalene O. Juson , Rufino Alejandro
Magdalene O. Joson , Rufino Alejandre
Magdalena O. Jocson , Rufino Alejandro
Ang kuwentong-bayan ay salin bibig na naratibo, likhang isip lamang, at naglalaman ng kaugalian at paniniwala ng isang ____________.
bayan
baranggay
bansa
