wayground logo

Free Printable Worksheets

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

Unang Mahabang Pagtataya (Fil 10)

Total questions: 40

Worksheet time: 18mins

Name
Class
Date
1.

Saang rehiyon nagmula ang mga akdang pampanitikang; "Ang Kahon ni Pandora", "Parabula ng Sampung Dalaga", at "Ang Apat na Buwan Ko sa Espanya"?

a)

Rehiyong Caribean

b)

Rehiyong Mediterranean

c)

Karagatang Caribean

d)

Karagatang Mediterranean

2.

Akdang pampanitikan na nagtataglay ng tauhang kinatatampukan ng mga diyos o diyosa.

(a)  

3.

Sino ang Titan na naging dahilan kung bakit pinarusahan ni Zeus ang sangkatauhan?

(a)  

4.

Ano ang ibig sabihin ng pangalang "Pandora"?

a)

Ibinigay

b)

Lahat ay Handog

c)

Ipinagkaloob

d)

Biyaya

5.

Anong katangian ni Pandora ang nagtulak sa kanya upang buksan ang kahon?

a)

Masunurin

b)

Walang pasensya

c)

Mausisa

d)

Pakielamera

6.

Ang bansang Israel ay kilala sa taguring __________________

a)

Lupang Ipinangako (Promise Land)

b)

Banal na Lupain (Holy Land)

7.

Ano ang sinisimbolo ng isang maganda at nagniningning na munting insekto na huling lumabas sa kahon?

(a)  

8.

Ang parabula ay nagmula sa salitang griyego na (a)   na nangangahulugang pagtularin ang dalawang bagay.

9.

Saang aklat sa bibliya matatagpuan ang "Parabula ng Sampung Dalaga"

a)

Mateo

b)

Malakias

c)

Mark

d)

Juan

10.

Kanino inihahalintulad ang lalaking ikakasal sa parabula?

(a)  

11.

"Ang Apat na Buwan Ko sa Espanya" ay anong uri ng akdang pampanitikan?

(a)  

12.

Ang magulang ni Rebecca ay nagtatrabaho sa _______________

a)

isang restawran sa Madrid

b)

isang hotel sa Barcelona

13.

Bahagi ng pananalitang nagsasaad ng kilos.

(a)  

14.

Uri ng pandiwang nakatatayo ng mag-isa at hindi na kinakailangan ng tuwirang layon.

(a)  

15.

(a)   ang pandiwa kung may tuwirang layong tumatanggap sa kilos.

16.

Nagsasaad na ang kilos ay hindi pa isinasagawa.

a)

Imperpektibo

b)

Perpektibo

c)

Kontemplatibo

17.

Aspekto ng pandiwa na nagsasaad na tapos na ang kilos

a)

Imperpektibo

b)

Kontemplatibo

c)

Perpektibo

18.

Ang kilos ay kasalukuyang nangyayari.

a)

Perpektibo

b)

Imperpektibo

c)

Kontemplatibo

19.

Magbigay ng isa sa tatlong mga pang-ugnay sa wikang Flipino.

(a)  

20.

Ito ay tumutukoy sa lipon ng mga magkakaugnay na mga pangungusap na naglalahad ng kaisipan.

a)

Pangungusap

b)

Parirala

c)

Talata

d)

Sugnay

21.

Alin sa mga sumusunod na pangatnig ang hindi kabilang sa panagtnig na pamukod?

a)

o

b)

man

c)

at

d)

maging

22.

Alin sa sumusunod ang halimbawa ng pangatnig na panubali?

a)

kung

b)

ngunit

c)

subalit

d)

kahit

23.

Uri ng pangatnig na nagbibigay dahilan o katuwiran para sa pagkaganap ng kilos

a)

paninsay

b)

panubali

c)

pananhi

d)

pamukod

24.

Pangatnig na gumagaya, sumasang-ayon, o nagsasabi lamang ng sinabi ng iba.

a)

pamanggit

b)

panimbang

c)

panlinaw

d)

panulad

25.

Ginagamit sa pagpapahayag ng karagdagang impomasyon at kaisipan.

a)

panubali

b)

panapos

c)

panimbang

d)

patulad

26.

Piliin ang tamang pangatnig na bubuo sa pangungusap.


________________ hindi ka kumain ng almusal, wala kang enerhiya para makilahok sa talakayan ngayong umaga.

a)

dahil

b)

subalit

c)

kaya

27.

Inaantok ka pa __________________ hantinggabi ka na natulog kagabi.

a)

habang

b)

bago

c)

kasi

28.

Kumakanta ang mga mag-aaral ng Faith Christian School ng Lupang Hinirang ____________________ itinataas ang watawat ng Pilipinas.

a)

hanggang

b)

habang

c)

parang

29.

Matutuloy ang lakad natin bukas ________________ pinayagan ako ni nanay.

a)

at

b)

subalit

c)

kapag

30.

Tumigil ang pag-iingay ng mga mag-aaral _______________ dumating ang kanilang guro

a)

bagamat

b)

sapagkat

c)

pag

31.

Piliin ang tamang pang-ukol na bubuo sa pangungusap.


____________ pangulo, agad na pinatupad ang bagong batas.

a)

Para kina

b)

Hinngil kay

c)

Ayon sa

32.

____________kasunduan ng pamahalaan at mga rebelde, sisimulan na ang ceasefire

a)

para sa

b)

alinsunod sa

33.

Ang mga tuntunin ng paaralan ay _________ kabutihan __________ mag-aaral

a)

tungkol sa/ ng

b)

para sa/ ng mga

c)

hinggil sa/ sa mga

34.

Ang pagsusulit ay __________ impluwensya __________Kastila sa ating kultura.

a)

laban sa / sa mga

b)

tungkol sa / ng mga

c)

alinsunod sa / ng

35.

Ang mga pagkain ay _________ Dave dahil siya ay nagugutom.

a)

kina

b)

para kina

c)

para kay

36.

Panuto: Tukuyin kung ang pandiwa ay palipat o katawanin.


Ang mga batang pulubi ay natutulog sa bangketa.

a)

PANDIWANG PALIPAT

b)

PANDIWANG KATAWANIN

37.

Panuto: Tukuyin kung ang pandiwa ay palipat o katawanin.


Si Tatay ay nagtatrabaho mula Lunes hanggang Sabado.

a)

PANDIWANG PALIPAT

b)

PANDIWANG KATAWANIN

38.

Panuto: Tukuyin kung ang pandiwa ay palipat o katawanin.


Naghuhugas ng mga pinggan at kubyertos si Ate Mila.

a)

PANDIWANG PALIPAT

b)

PANDIWANG KATAWANIN

39.

Panuto: Tukuyin kung ang pandiwa ay palipat o katawanin.


Ang batang pilyo ay sumisigaw nang napakalakas

a)

PANDIWANG PALIPAT

b)

PANDIWANG KATAWANIN

40.

Panuto: Tukuyin kung ang pandiwa ay palipat o katawanin.


Ang may-akda ay nagsusulat ng isang mitolohiya.

a)

PANDIWANG PALIPAT

b)

PANDIWANG KATAWANIN