Wayground logo

Free Printable Worksheets

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

FILIPINO 9 Mastery Test

Total questions: 41

Worksheet time: 28mins

Name
Class
Date
1.

Ang sanaysay ay may tatlong bahagi: ang simula, gitna at wakas. Bilang isang mamamayang Filipino, sumulat ng sanaysay na kakikitaan ng pagpapahalaga at pagtulong sa pagiging isang Asyano.


Pamantayan sa pagsulat:

Nilalaman ng sanaysay-10

Organisado ang ideya-5

Wasto ang paggamit ng pang-ugnay at bantay-5

Kabuoan=20

4 lines
2.

Anong panitikan ang naglalarawan ng buhay na hinango sa guniguni na pinararating sa ating damdamin at ipinahahayag sa pananalitang nag-aangkin ng tumpak na aliw-iw at lalong mainam sa mga sukat at tugma?

a)

MAIKLING KUWENTO

b)

TULA

c)

DULA

3.

Anong anyo ng tula ang ipinakilala ni Alejandro G. Abadilla.

a)

TRADISYUNAL

b)

MALAYANG TALUDTURAN

4.

Anong anyo ng tula ang may sukat, tugma at mga salitang may malalim na kahulugan?

a)

TRADISYONAL

b)

MALAYANG TALUDTURAN

5.

Anong salita o pahayag ang ginamit upang bigyang-diin ang isang kaisipan o damdamin?

a)

TAYUTAY

b)

SUKAT

c)

TUGMA

6.

Alin sa sumusunod ang sangkap ng tula na may kinalaman sa tinatagong kahuluganng tula?

a)

SUKAT

b)

TUGMA

c)

TALINGHAGA

7.

Anong sangkap ng tula ang nagtataglay ng maririkit na salita upang masiyahan ang mambabasa gayon din mapukaw ang damdamin at kawilihan?

a)

SUKAT

b)

KARIKTAN

c)

TALINHAGA

8.

Ano ang tawag sa isang grupo sa loob ng isang tula na may dalawa o maraming linya o taludtod?

a)

SUKAT

b)

SAKNONG

c)

TUGMA

9.

Anong sangkap ng tula ang nagsasabing may tugma ang isang tula kapag ang huling pantig ng huling salita ng bawat taludtod ay magkasing-tunog?

a)

SUKAT

b)

KARIKTAN

c)

TUGMA

10.

Bakit kailangang may emosyon sa pagbibigkas ng tula?

a)

para maging malinaw at maganda ang tula

b)

para sa mga mambabasa na malungkot

c)

para maging isang dula ang tula

11.

Bakit mahalagang malaman ang kasingkahulugan ng mga saliuta?

a)

upang maging magandang pakinggan

b)

upang malinaw at madaling maintindihan

c)

upang lumawak ang talasalitaan ng mambabasa

d)

lahat ng nabanggit

12.

Anong elemento ng maikling kuwento ang nagpapakita ng problemang haharapin ng tauhan?

a)

Panimula

b)

Suliranin

c)

Kasukdulan

13.

Anong elemento ng maikling kuwento ang naglalahad ng panandaliang pagtatagpo ng mga tauhang masasangkot sa suliranin?

a)

Tagpuan

b)

Saglit na Kasiglahan

c)

Kasukdulan

14.

Anong elemento ng maikling kuwento ang nakasaad ang lugar na pinangyayarihan ng mga aksiyon o mga insidente, gayundin ang panahon kung kailan naganap ang kuwento?

a)

Panimula

b)

Tagpuan

c)

Tauhan

15.

Piliin sa sumusunod ang nagpapakita ng resolusyon o ang kahihinatnan ng kuwento?

a)

Kakalasan

b)

Wakas

c)

Kasukdulan

16.

Alin sa sumusunod ang naglalahad ng panandaliang pagtatagpo ng mga tauhang masasangkot sa suliranin?

a)

Kasukdulan

b)

Kakalasan

c)

Saglit na Kasiglahan

17.

Alin sa sumusunod na nagpapakita na makakamtan ng pangunahing tauhan ang katuparan o kasawian ng kanyang ipinaglalaban?

a)

Kakalasan

b)

Kasukdulan

c)

Banghay

18.

Anong masining na anyo ng panitikan ang nagpapakita ng maiksing salaysay hinggil sa isang mahalagang pangyayaring kinasasangkutan ng isa o ilang tauhan at may iisang kakintalan o impresyon lamang?

a)

Pabula

b)

Dula

c)

Maikling Kuwento

19.

Ano ang tawag sa maayos na daloy o pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari sa mga tekstong naratibo upang mabigyang-linaw ang temang taglay ng akda?

a)

BANGHAY

b)

TAUHAN

c)

TAGPUAN

20.

Anong panitikan ito:


"Nagmula sa 2 salita, ang sanay at pagsasalaysay isang piraso ng sulatin na kadalasang naglalaman ng punto de vista (pananaw) ng may katha pagpuna, opinyon, impormasyon, obserbasyon, kuru-kuro, pang-araw-araw na pangyayari, ala-ala ng nakaraan at pagmumuni-muni ng isang tao."

a)

Talumpati

b)

Sanaysay

c)

Maikling Kuwento

21.

Anong Uri ng Sanaysay ang tumatalakay sa mga seryosong paksa at nangangailangan ng masusing pag-aaral at malalim na pagkaunawa sa paksa naglalaman ng mahahalagang kaisipan at nasa isang mabisang ayos ng pagkakasunud-sunod upang lubos na maunawaan ng bumabasa ang mga salita’y umaakma sa piniling isyu at kadalasang may mga terminong ginagamit na kaugnay ng tungkol sa asignaturang ginawan ng pananaliksik?

a)

Pormal

b)

Di-Pormal

22.

Anong uri ng Sanaysay na tumatalakay sa mga paksang magaan, karaniwan, pang-araw-araw at personal karaniwang nagtataglay ng opinyon, kuru- kuro at paglalarawan ng isang may akda naglalaman ng nasasaloob at kaisipan tungkol sa iba’t ibang bagay at mga pangyayari na nakikita at nararanasan ng may akda?

a)

Pormal

b)

Di- Pormal

23.

Anong bahagi ng sanaysay na pinakamahalagang bahagi sapagkat ito ang unang titingnan ng mga mambabasa at dapat nakapupukaw ng atensyon?

a)

Panimula

b)

Wakas

c)

Katawan

24.

Bahagi ng Sanaysay na makikita ang pagtalakay sa mahahalagang puntos ukol sa tema at nilalaman ng sanaysay

a)

Panimula

b)

Katawan

c)

Wakas

25.

Bahagi ng Sanaysay angnagsasara sa talakayang naganap sa katawan ng sanaysay?

a)

Panimula

b)

Katawan

c)

Wakas

26.

Anong elemento ng sanaysay ang naglalahad ng maayos na pagkakasunud-sunod ng ideya o pangyayari?

a)

Kaisipan

b)

Anyo at Istruktura

c)

Tema at Nilalaman

27.

Paaano binibigkas ang malumay na diin?

a)

ang diin ay nasa ikalawang pantig ngunit walang impit sa dulo

b)

nasa ikalawang pantig ngunit sa hulihan ay may impit na tunog

c)

nasa unang pantig at may impit na tunog

28.

Anong kuwentong pinahaba na maaaring makatotohanang kasaysayan o likhang isip at nahahati sa mga kabanata o bahagi?

a)

Nobela

b)

Maikling Kuwento

c)

Sanaysay

d)

Tula

29.

Ang nobela ay isang akdang pampanitikan at maituturing na piksyon, sa anong kadahilanan?

a)

Dahil ito ay pinagsamang guni-guni at tunay na pangyayari sa buhay na maaaring nasaliksik o naobserbahan

b)

Dahil ito ay binubuo ng maraming yugto na tumatalakay sa iba't-ibang aspekto ng buhay at kaya ng isang upuan lamang

c)

Dahil ito ay naglalarawan sa totoong buhay batay sa kung anong naranasan ng awtor at kung ano ang nais na ipabatid sa mga mambabasa

d)

Wala sa pagpipilian

30.

____________________ hindi na muna dapat ipinatupad ang batas sa terorismo dahil hindi malinaw ang isinasaad nito.

a)

Kung ako ang tatanungin

b)

Kumbinsido ako

c)

Lubos kong pinaniniwalaan

d)

Naninindigan ako

31.

_______________ kung hindi ka paloloko, walang maloloko

a)

Sa tingin ko

b)

Naniniwala akong

c)

Napag-alaman ko

d)

Palibhasa

32.

Huwag agad maniwala sa mga taong magaling magusap ___________ teknik lamang nila yun para mapaniwala tayo

a)

Maaaring

b)

Sapagkat

c)

Dahil

d)

Ayon sa pag-aaral

33.

_______________ mabuting pag-aralan ang mga bagay na maaaring makaapekto sa lipunan at buhay

a)

Kumbinsido ako

b)

Sa totoo lang

c)

Labis akong naninindigan

d)

Sa aking pananaw

34.

_______________ mabuting pag-aralan ang mga bagay na maaaring makaapekto sa lipunan at buhay

a)

Kumbinsido ako

b)

Sa totoo lang

c)

Labis akong naninindigan

d)

Sa aking pananaw

35.

Ano ba ang dapat kong gawin panginoon, mahal na mahal ko siya ngunit mayroon na siyang pamilya. Upang matapos na ang lahat magpapatiwakal na ba ako? Anong uri ito ng tunggalian ?

a)

Tao laban sa lipunan

b)

Tao laban sa tao

c)

Tao laban sa kalikasan

d)

Tao laban sa sarili

36.

Ano ang tawag sa pisikal na tunggalian?

a)

Tao vs. Tao

b)

Tao vs. Hayop

c)

Tao vs. Kalikasan

d)

Tao vs. Sarili

37.

Pilit pa rin niyang inaayos ang pakikitungo sa kanyang kasintahan na kailanman ay hindi na magagawa, Anong tunggalian ito?

a)

Tao laban sa kalikasan

b)

Tao laban sa tao

c)

Tao laban sa sarili

d)

Tao laban sa lipunan

38.

-Isang estudyante na umuwi ng gabi sa kanilang tahanan, nag-iisip siya kung magsisinungaling sya at sasabihing gumawa ng project o magsasabi ng totoo at sasabihing gumala kasama ng barkada. Anong tunggalian ang pangungusap?

a)

Tao laban sa sarili

b)

Tao laban sa Tao

c)

Tao laban sa lipunan

d)

Tao laban sa kalikasan

39.

Isang magnanakaw ang nagdadalawang isip kunin ang bag na naglalaman n pera dahil baka siya ay makulong. Anong tunggalian ang ipinapahayag ng pangungusap?

a)

Tao laban sa tao

b)

Tao laban sa sarili

c)

Tao laban sa lipunan

d)

Tao laban sa kalikasan

40.

"Kahit ano pa ang sabihin nila, sa kanyang maling ginawa ay wala siyang pakialam". Ano ang tunggalian sa pangungusap na ito?

a)

Tao laban sa tao

b)

Tao laban sa lipunan

c)

Tao laban sa sarili

d)

Tao laban sa kalikasan

41.

"Humampas ang malakas na alon sa kanilang barko". Anong tunggalian ito?

a)

Tao laban sa sarili

b)

Tao laban sa tao

c)

Tao laban sa lipunan

d)

Tao laban sa kalikasan