Wayground logo

Free Printable Worksheets

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

WASTONG PAG-UUGALI

Total questions: 25

Worksheet time: 13mins

Name
Class
Date
1.

Ginagamit ito ng nakakarami para sa komunikasyon tulad ng mga nagtatrabaho bilang Overseas Filipino Workers (OFW).

a)

Telebisyon

b)

Telepono

c)

Telegram

d)

Social media

2.

Ano ang karamihang pinagpupuyatan ng mga kabataan sa gabi na minsan ay hindi na maganda sa kanilang kalusugan?

a)

Facebook

b)

Aklat

c)

Telebisyon

d)

Paglaro ng chess

3.

Ang masasamang epekto ng social media ay maiiwasan kung _______.

a)

May sapat na patnubay ang mga magulang sa kanilang kabataan.

b)

Hahayaan ang kabataan sa gusto nila.

c)

Bigyan ng maraming oras ang kabataan na mag-explore sa social media.

d)

Walang pakialam ang mga magulang.

4.

Ang social media para sa kabataan ay mahalaga dahil___________

a)

Natututo silang magbigay ng comments sa facebook mabuti man o hindi.

b)

Nagiging daan ito tungo sa pakikipag-usap sa kapwa kaklase o guro para sa mabisang ugnayan.

c)

Nagkakaroon ng sapat na oras upang panoorin ang ipinagbabawal sa kanila

d)

Natututo sila sa mga uso kahit hindi bagay sa kanila

5.

Ang isang batang responsible sa paggamit ng social media ay _________

a)

Nagiging tamad.

b)

Hindi sumisipot sa paaralan.

c)

Naging mas mahusay sa pag-aaral at may positibong pananaw.

d)

Naging aktibo sa latest na bagay kahit walang kakayahan sa buhay.

6.

Nakita mo na nanonood ng malaslaswang palabas sa social media ang iyong kapatid. Ano ang iyong gagawin?

a)

Hayaan na lamang na parang walang nakita.

b)

Makinood na rin kasama ang iyong kapatid.

c)

Pagsasabihan ang kapatid na huwag manood ng malalaswang palabas.

d)

Tulungan ang kapatid na maghanap ng mga kaparehong palabas sa social media.

7.

Nabasa sa magasin ni May na may paligsahan sa pag-awit. Ang mga kalahok ay kailangang magdeposito ng isang libong piso sa nakalagay na bank account sa magasin. Ano ang dapat gawin ni May?

a)

Magdeposito kaagad ng pera para makasali.

b)

Ipagbigay alam sa magulang at suriin kung ito ay legal na patimpalak.

c)

Mang-engganyo ng iba pang kasama para makasali.

d)

Manghihingi ng pera sa magulang at hindi ipagbigay alam kung saan gagastusin ito.

8.

May patalastas sa pahayagan tungkol sa isang produkto na pampakinis ng kutis. Gustong-gusto mo rin na kuminis at maging maputi ang iyong kutis ngunit alam mo na nagkaka-allergy ka sa balat tuwing ikaw ay gagamit ng pampakinis. Gagamit ka din ba ng produktong ito?

a)

Oo, dahil makatotohanan ang nababasa mong patalastas.

b)

Hindi, ipapatsek mo muna ito sa iyong doktor kung mabisa ang produktong ito sa iyong balat at kung wala itong masamang epekto.

c)

Oo, dahil ito na ang sagot mo sa iyong mithiin na maging makinis ang iyong balat.

d)

Oo, dahil murang-mura lang ang produkto.

9.

Nabalitaan mo sa dyaryo na sa sangkot ang inyong alkalde sa illegal na droga sa inyong bayan. May kaklase ka na anak ng inyong alkalde. Bilang isang mag-aaral, paano mo pakikitunguhan ang nasabing kaklase?

a)

Pagtawanan siya

b)

Hindi mo ito kikibuin at layuan dahil hindi siya mabuting kaibigan

c)

Bigyan mo siya ng lakas na loob at hindi kaagad manghusga tungkol sa kanyang ama.

d)

Ipamalita sa mga kaklase ang nabalitaan at lalayuan ninyo siya.

10.

Nagbabasa kayong magkakaibigan ng isang kuwento at napili ng isa mong kaibigan ay isang kuwento na may malalaswang eksena. Bilang kaibigan, ano ang dapat mong gawin?

a)

Hayaan lamang ang kaibigan sa nais nitong kwentong babasahin.

b)

Magsawalang kibo na lamang.

c)

Palitan ang binabasa na kwento na angkop sa inyong magkakaibigan

d)

Paalisin na lang siya.

11.

Nagsusunog ng basura ang iyong kapitbahay, ano ang gagawin mo?

a)

Tulungan siya sa pagsusunog

b)

Pabayaan na lamang

c)

Pagsabihan siya sa masamang epekto nito sa kalikasan

d)

aawayin mo siya at sisigawan

12.

Wala ang mga magulang mo at nagugutom ka ngunit wala kang pambili ng pagkain, ano

ang maaari mong gawin?

a)

mamalimos

b)

magnakaw

c)

Pupunta sa malapit na kamag- anak at sabihin ang nararamdaman

d)

titiisin na lang ang gutom

13.

Hindi mo nagawa ang gawaing bahay na ibinigay ng iyong guro. Nagsisimula na siyang mag tsek, ano ang gagawin mo?

a)

liliban sa klase

b)

mangongopya sa kaklase

c)

kakausapin ang guro at sasabihin ang dahilan

d)

magbibingi bingihan kung tatawagin

14.

Malapit mong kaibigan si Lucas, ngunit higit na may kakayahan Si Andres, nagpasiya ka na si

Andres ang gawing assistant lider sa inyong grupo. Tama o Mali?

a)

Tama

b)

Mali

15.

Nagkasundo kayong magkaibigan na magsaliksik sa aklatan. Tumanggi ka at nagpasyang Maglaro ng Mobile Legends. Tama o Mali?

a)

Tama

b)

Mali

16.

May usapan kayong dadalo sa pulong ng Clean and Green sa barangay hall. Hindi ka dumating dahil sumama ka sa iyong tiya sa pamimili. Tama o Mali?

a)

Tama

b)

Mali

17.

Sinusuri ni Elsa ang mga sitwasyon bago magbigay ng pasya. Tama o Mali?

a)

Tama

b)

Mali

18.

Nabasa sa internet ni Danny na may paligsahan sa pag-awit. Ang mga lalahok ay kailangan na mag-deposito ng isang libong piso sa nakalagay na bank account sa internet. Ano ang dapat gawin ni Danny?

a)

Mag-deposito kaagad ng pera para makasali.

b)

Ipagbigay alam sa magulang at suriin kung ito ay legal na patimpalak.

c)

Mang-engganyo ng iba pang kasama para makasali.

d)

Manghingi ng pera sa magulang at hindi ipagbigay alam kung saan gagastusin ang pera.

19.

May sakit na leukemia ang iyong kapatid na babae. Ikaw ay naawa na sa kanya sapagkat nakikita mo siyang naghihirap sa kanyang dinaramdam na sakit. Isang araw, may nabasa ka sa internet na makagagaling sa leukemia. May kaibigan kang gumamit din ng ganoong gamot. Hinikayat ka na ipainom din ito sa iyong kapatid para ito ay gumaling. Bilang isang kapatid, ano ang dapat mong gawin?

a)

Mangonsulta muna sa doctor kung ito ay mabisa o

hindi.

b)

Ipa-inom kaagad ito para matapos na ang

paghihirap ng iyong kapatid

c)

Magsawalang kibo lamang sa nabasang impormasyon.

d)

Ipapa-sa diyos na lamang ang sitwasyon ng iyong

kapatid

20.

Nanonood kayong mag-anak ng isang pelikula. Ang napili ng inyong nanay ay isang pelikula na may mga malaswa na eksena. Bilang isang anak,ano ang dapat mong gawin?

a)

Hayaan lamang ang nanay sa nais nitong pelikula

na panonoorin.

b)

Manunuod na lang din sa nais ng iyong nanay

c)

Magsawalang kibo lamang.

d)

Palitan ang pinapanood na pelikula na angkop sa

iyong mga anak.

21.

Ano ang masasabi mo sa isang taong nagsasauli agad ng anumang bagay na kaniyang hiniram?

a)

Siya ay matapat

b)

Siya ay masunurin

c)

Siya ay matulungin

d)

Siya ay matapang

22.

Bakit kailangang tuparin ang isang pangako?

a)

Upang makatanggap ng gantimpala sa taong pinangakuan

b)

Upang mapanatili ang pagtitiwala ng isang tao.

c)

Upang mapuri

d)

Upang hindi madali ang taong kausap mo.

23.

Ano ang masasabi mo sa isang taong tumutupad sa pinagkasunduang oras?

a)

Pabaya

b)

May pagpapahalaga sa pangako

c)

matulungin

d)

Masigasig

24.

Kausap mo ang iyong kapatid na magkikita kayo ng 7:30 ng umaga sa harap ng simbahan, ano ang gagawin mo?

a)

Paghihintayin siya ng matagal

b)

Hindi ka darating

c)

Dadating ka sa takdang-oras ng usapan

d)

Tatawagan na lamang siya.

25.

Ikaw ay hinahangaan ng iyong mga kaklase at guro dahil sa pagiging matalino mo sa asignatura na Matematika. Sa isang talakayan, aktibo ang iyong mga kaklase na sumagot sa mga katanungan ng iyong guro ngunit ikaw ay nahihirapan sa paksa. Ano ang gagawin mo?

a)

Magpanggap na alam ang paksa na tinatalakay.

b)

Magsawalang-kibo na lamang

c)

Magtanong sa guro at aminin na nahihirapan ka sa paksa.

d)

Magtanong sa katabi na kaklase tungkol sa paksa