wayground logo

Free Printable Worksheets

NEW

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

implikasyon ng kapaligirang pisikal sa pamumuhay ng mga Asya

Total questions: 10

Worksheet time: 5mins

Name
Class
Date
1.

Ayon sa tulang “Likas na Yaman ng Asya”, pagpapastol ang isa sa mga hanapbuhay ng Hilagang Asya. Alin sa mga sumusunod ang produktong may kaugnayan sa hanapbuhay na ito?

a)

wool

b)

caviar

c)

jutes

d)

goma

2.

Ang China sa Silangang Asya ay nangunguna sa produksyon ng mais ngunit maliban dito may yamang mineral rin na nakukuha sa bansang ito. Anong uri ng mineral ang mayaman at nangunguna ang China?

a)

carbon

b)

chromite

c)

ginto

d)

tanso

3.

Sa maraming bansa sa Timog-Silangang Asya, bakit itinuturing na pangunahin at napakahalagang butil pananim ang palay?

a)

maaaring ipalit ang palay sa mga butil ng trigo, mais, at barley

b)

palay ang pangunahing pagkain ng mga tao sa Timog-Silangang Asya

c)

sagana sa matatabang lupa ang rehiyong ito na angkop sa pagtatanim

d)

galing sa palay ang karamihan sa mga panluwas na produkto ng rehiyong ito

4.

Ang mga bansang sa Timog Silangang Asya ay kilalang nag-aangkat ng mga produktong palay. Ito rin ang isa sa mga pinagkukunang kabuhayan ng mga naninirahan dito. Ano ang dahilan ng pagkakaroon ng kasaganaang ito?

a)

mainam na klima

b)

malawak na lupain

c)

malamig na panahon

d)

masisipag na magsasaka

5.

Hindi maitatanggi ang kaugnayan ng likas na yaman sa aspektong pang-ekonomiya ng isang bansa. Alin sa mga sumusunod na pahayag ang nagpapakita ng implikasyon ng likas na yaman sa ekonomiya?

a)

ang populasyon sa isang lugar ay nakabatay sa likas na yaman nito

b)

ang pagkain ng mga tao sa isang bansa maging ang mga produktong panluwas ay nagmumula sa pagsasaka

c)

may ilang nga mamayan na may maliit na sakahan at nagbubukid para sa pansariling ikabubuhay lamang

d)

marami sa likas na yaman ng mga bansa sa Asya ang pinagkukunan ng mga hilaw na materyales na panustos sa kanilang pagawaan

6.

Ang masaganang likas na yaman ng iba't ibang rehiyon ng Asya ay napakikinabangan ng mga naninirahan dito. Nagbibigay ito ng pangkabuhayan sa mga tao, mapa-tubig man, kalupaan o kagubatan. Alin sa mga sumusunod ang maaaring paraan upang mapangasiwaan ng maayos ang pinagkukunang kabuhayan?

a)

pagtuunan ng pansin ang pag-aangkat ng mga hilaw na materyales mula sa ibang bansa upang hindi kaagad maubos ang yamang likas

b)

ibigay lamang sa malalaking kompanya ang pagkuha at paggamit ng likas yaman upang mas malaki ang pakinabang na makukuha rito

c)

magpatupad ng mga batas sa tamang paglinang at paggamit ng mga likas na yaman upang maging angkop ang kapakinabangang makukuha rito

d)

hikayatin ang mga dayuhang namumuhunan na manguna sa paglinang ng mga yamang likas upang matiyak na kalidad ng teknolohiyang gagamitin

7.

Ang ibang mga rehiyon ng Asya ay may patag, malalapad at matatabang

kalupaan. Naging dahilan ito upang iangkop ng tao ang kanilang ikinabubuhay sa pagsasaka at iba pang gawaing agrikultural. Ngunit sa patuloy na urbanisasyon at pagsikip ng lupa dahil hindi ito nadadagdagan, paano mo iaangkop ang sarili at iyong pamilya upang patuloy na may pagkunan ng pagkain at kabuhayan?

a)

makiisa sa gawaing nagsusulong ng wastong paggamit ng likas na yaman

b)

hayaan ang pamahalaan na lumutas sa mga isyung may kaugnayan sa ekonomiya

c)

humingi ng tulong sa ahensiyang pampubliko ng gobyerno tuwing nagkukulang ang pangangailangan ng pamilya

d)

tumigil muna sa pag-aaral sa tuwing may kakulangan sa pangangailangan ng pamilya at maghanapbuhay na lamang

8.

Sa Timog Asya makikita ang malalawak na kapatagan tulad ng Deccan Plain. Alin sa mga sumusunod na hanapbuhay ang naiuugnay sa behetasyon ng Timog Asya?

a)

pagmimina

b)

pagsasaka

c)

pagpapastol

d)

pangangalakal

9.

Ang Kanlurang Asya ay hindi biniyayaan ng malawak na matatabang lupang maaaring matamnan. Bagamat hindi mayaman sa produktong agrikultural, bakit itinuturing pa rin itong isa sa mayamang rehiyon sa Asya?

a)

dahil mataas ang antas ng teknolohiya sa mga bansa sa Kanlurang Asya

b)

dahil langis ang pangunahing produktong panluwas ng Kanlurang Asya sa Pandaigdigang Pamilihan

c)

dahil mayroong mahuhusay na pinuno ang Kanlurang Asya na

nagpaunlad sa ekonomiya nito

d)

dahil sa mga tulong pinansiyal mula sa ibang bansa (foreign aid) na natatanggap ng mga bansa sa Kanlurang Asya

10.

Ang bansang Maldives ay napakaliit lamang kung ihahambing sa iba pang mga bansa sa Timog Asya. Paano natutustusan ng bansang Maldives ang pangangailangan ng mamamayan nito gamit ang likas na yaman ng bansa?

a)

sa pamamagitan ng pagpapaunlad sa turismo dulot ng magagandang dalampasigan nito

b)

sa pamamagitan ng pakikipagkalakalan sa malalaki at mayayamang bansa sa Timog Asya

c)

sa pamamagitan ng paghingi ng tulong pinansiyal sa mga karatig-bansa sa Timog Asya

d)

sa pamamagitan ng pagkikipag-alyansa sa mga malalakas na bansa sa daigdig