wayground logo

Free Printable Worksheets

NEW

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

Ekonomiks Q1 - Aralin1-Kahulugan at Kahalagahan ng Ekonomiks

Total questions: 20

Worksheet time: 4mins

Name
Class
Date
1.

Araw-araw ay gumagawa ng desisyon ang tao mula sa simple hanggang sa pinakakumplikado. Nagpapasya siya kung ano at alin ang higit na mahalaga sa marami niyang pamimilian.

a)

Tama

b)

Mali

2.

Bata man o may edad, basta’t may pangangailangan at kagustuhan na kailangang mapunan, ay masasabing maiuugnay ang kanyang sarili sa ekonomiks.

a)

Tama

b)

Mali

3.

Kumakain at umiinom ang tao araw-araw, ang kanin na kanyang kinakain ay nagmula sa palay na itinanim ng mga magsasaka, ibebenta sa pamilihan, at binibili ng mga tao. Ang ulam tulad ng isda ay hinuhuli ng mga mangingisda, dinadala sa mga pamilihan, at binibili ng mga tao. Sa kabila ng lahat, mapapansin na mayroong kaayusang nag-uugnay sa bawat isa.

a)

Tama

b)

Mali

4.

Ang Ekonomiks ay nagmula sa salitang Griyego na oikonomia, ang oikos na nangangahulugang bahay at nomos na pamamahala.

a)

Tama

b)

Mali

5.

Ang kakapusan ay kaakibat na ng buhay dahil may limitasyon ang kakayahan ng tao at may limitasyon din ang iba pang pinagkukunang-yaman tulad ng yamang likas at kapital. Ang yamang likas ay maaaring maubos at hindi na mapalitan sa paglipas ng panahon.

a)

Tama

b)

Mali

6.

Mahalaga ang pag-aaral ng ekonomiks sapagkat makatutulong ito sa mabuting pamamahala at pagbuo ng matalinong desisyon.

a)

Tama

b)

Mali

7.

Bilang bahagi ng lipunan, magagamit mo ang kaalaman sa ekonomiks upang maunawaan ang mga napapanahong isyu na may kaugnayan sa mahahalagang usaping ekonomiko ng bansa.

a)

Tama

b)

Mali

8.

Ang iyong kaalaman sa ekonomiks ay makatutulong upang makapagbigay ka ng makatuwirang opinyon tungkol sa mahahalagang pagdedesisyon ng iyong pamilya.

a)

Tama

b)

Mali

9.

Bilang isang mag-aaral ay maaaring maging higit na matalino, mapanuri, at mapagtanong sa mga nangyayari sa iyong kapaligiran. Maaari din itong humubog sa iyong pag-unawa, ugali, at gawi sa pamaraang makatutulong sa iyong pagdedesisyon para sa kinabukasan at paghahanapbuhay sa hinaharap.

a)

Tama

b)

Mali

10.

Bahagi na ng buhay ng tao ang pagkakaroon ng mga choice.

a)

Tama

b)

Mali

11.

Ang-------------- ay ang pagpili o pagsasakripisyo ng isang bagay kapalit ng ibang bagay.

a)

opportunity cost

b)

trade-off

c)

Rational people think at the margin

d)

incentives

12.

Ang ------- ay tumutukoy sa halaga ng bagay o nang best alternative na handang ipagpalit sa bawat paggawa ng desisyon.

a)

opportunity cost

b)

trade-off

c)

incentives

d)

Rational people think at the margin

13.

Tulad ng pag-aalok ng mas mura at magandang serbisyo at pagbibigay ng mas maraming pakinabang sa bawat pagkonsumo ng produkto o serbisyo. Maaari ding mailarawan ang-----------------.

a)

trade-off

b)

opportunity cost

c)

incentives

d)

Rational people think at the margin

14.

--------------------------”. Ang ibig sabihin nito ay sinusuri ng isang indibidwal ang karagdagang halaga, maging ito man ay gastos o pakinabang na makukuha mula sa gagawing desisyon.

a)

trade-off

b)

opportunity cost

c)

Rational people think at the margin

d)

incentives

15.

Ang ------------------- ay isang sangay ng Agham Panlipunan na nag-aaral kung paano tutugunan ang tila walang katapusang pangangailangan at kagustuhan ng tao gamit ang limitadong pinagkukunang-yaman

a)

Opportunity cost

b)

Social Science

c)

Ekonomics

d)

Science

16.

ang ---------------------- tulad ng makinarya, gusali, at kagamitan sa paglikha ng produkto ay may limitasyon rin ang dami ng maaaring malikha.

a)

Ekonomiks

b)

Yamang kapital (capital goods)

c)

Trade-off

d)

Likas na yaman

17.

Ano ang itinuturing na pangunahing suliranin ng

ekonomiks?

a)

Kakapusan

b)

Kagustuhan ng tao

c)

Pinagkukunang-yaman

d)

Pangangailangan ng tao

18.

Ano tawag sa pakinabang o halaga na maaari

mong makuha sa mga pagpipilian na madalas na

nakakapagpapabago ng iyong isipan?

a)

Incentives

b)

Marginal thinking

c)

Opportunity Cost

d)

Trade off

19.

Kung ikaw ay isang taong rasyonal, ano ang dapat

mong isaalang-alang sa paggawa ng desisyon?

a)

isaalang-alang ang mga hilig at kagustuhan

b)

isaalang-alang ang mga dinadaluhang

okasyon

c)

isaalang-alang ang opportunity cost sa

pagdedesisyon

d)

saalang-alang ang mga paniniwala, mithiin,

at tradisyon

20.

Alin sa mga sumusunod na kaalam sa ekonomiks

ang higit na makakatulong sa iyong buhay?

a)

Nagbibigay ng gabay sa pang-araw-araw

na pamumuhay.

b)

Nakapagbibigay ng sariling opinyon sa

pangyayari sa lipunan.

c)

Nakakatulong upang makagawa ng

matalinong pagdedesisyon

d)

Nagkakaroon ng kaalaman tungkol sa

napapanahong isyu sa ekonomiya ng

bansa.