wayground logo

Free Printable Worksheets

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

FILIPINO 5 (2ND SUMMATIVE TEST)

Total questions: 40

Worksheet time: 20mins

Name
Class
Date
1.

Bahagi ng pananalita na nagsasaad ng aksiyon o kilos.

a)

pangngalan

b)

pandiwa

c)

pang-uri

d)

panghali

2.

Ito ay mga salitang kilos, galaw, o aksyon na ginagawa ng simuno. Hindi ito gumagamit ng tuwirang layon.

a)

katawanin

b)

palipat

c)

aspekto

d)

gamit

3.

Ito ay mga salitang kilos na ginawa ng simuno. Gumagamit ito ng tuwirang layon upang magkaroon ng buong kaisipan ang pangungusap. Madalas itong pinangungunahan ng mga katagang ng, mga, kay, at kina.

a)

katawanin

b)

palipat

c)

aspekto

d)

gamit

4.

Ito ay nagsasaad na natapos nang gawin ang kilos. Ito ay ginagamitan ng mga unlaping nag- at um- , gitlaping -um- at -in-, at ng hulaping -an.

a)

perpektibo

b)

kontemplatibo

c)

imperpektibo

d)

katatapos

5.

Ito ay nagsasaad na patuloy pa ring ginagawa ang kilos. Ginagamitan ito ng unlaping nag- at um-, gitlaping -um- at -in-, inuulit ang unang pantig ng salitang-ugat at kung minsan ay nilalagyan ng hulaping -an.

a)

katatapos

b)

kontemplatibo

c)

perpektibo

d)

imperpektibo

6.

_______si Manny Pacquiao ng balato sa mga tao tuwing nanalo sa boksing.

a)

Bumibigay

b)

Nagbibigay

c)

Nagbigay

d)

Binibigyan

7.

Mabilis na _____palabas ang mga mag-aaral sa eskwelahan.

a)

takbo

b)

tumakbo

c)

tatakbo

d)

tumatakbo

8.

Ang ilog Pasig ang dating _____ ng mga tao noong unang panahon.

a)

kinalanguyan

b)

maglanguyan

c)

pinaglalanguyan

d)

lalanguyan

9.

Ang bagong play station ay _______ ng mga bata kanina.

a)

pinaglaruan

b)

nilaruan

c)

laruin

d)

lalaruin

10.

Ang mapurol na kutsilyo ay mahirap ____..

a)

panghiwa

b)

makahiwa

c)

ipanghiwa

d)

hiwain

11.

Ano ang angkop na pandiwa para sa pangungusap?

“__________________ mo ang mga gamit mo bago ka umalis”, bilin ng ina sa kanyang anak.

a)

umayos

b)

ayusin

c)

inayos

d)

nag-ayos

12.

Ano ang aspektong kinabibilangan ng pandiwang ginamit sa pangungusap?

Ang mga guro ay nagpupulong para sa nalalapit na selebrasyon ng Kapaskuhan.

a)

Perpektibo

b)

Imperpektibo

c)

Kontemplatibo

d)

Pawatas

13.

Alin ang pandiwang nasa aspektong imperpektibo?

a)

sinulatan

b)

binabayaran

c)

aayusin

d)

pinaunlad

14.

Alin ang pandiwang nasa aspektong perpektibo?

a)

naghakot

b)

sinasabihan

c)

babatiin

d)

iniisip

15.

Bukas ay ____________ ng pag-aalay para sa intensyong ito.

a)

nagdaos

b)

magdaraos

c)

nagdadaos

d)

idinaos

16.

___________ ang mga tao ng magandang panahon sa susunod na araw. Nanalangin sila na bumuti na ang lagay ng panahon.

a)

Umasa

b)

Aasa

c)

Umaasa

d)

Aasahan

17.

___________ ang mga palayan dahil sa nagdaang mataas na pagbaha.

a)

Lulubog

b)

Lumulubog

c)

Lumubog

d)

Ilubog

18.

Palaging _____________ ang mga magsasaka na gumamit ng organikong pataba sa kanilang mga pananim.

a)

hinihikayat

b)

hinikayat

c)

hihikayatin

d)

manghihikayat

19.

_____________ ng tulong pinansyal ang pamahalaan sa mga magsasaka noong nakaraang buwan.

a)

Nagbigay

b)

Nagbibigay

c)

Magbibigay

d)

Binigyan

20.

Tukuyin ang pandiwa na bubuo sa pangungusap.


_______________ ako nang mabuti mamamayang gabi.

a)

Nag-aral

b)

Nag-aaral

c)

Mag-aaral

d)

Aral

21.

Bumili ng pandesal si Totoy mula sa tindahan sa kanto.

a)

Palipat

b)

Katawanin

22.

Si Juanito ay nagbiyahe patungong Cavite.

a)

Palipat

b)

Katawanin

23.

Ang mga mag-aaral ay pumapasok nang maaga.

a)

Palipat

b)

Katawanin

24.

Maraming malalaking industriya ang gumagamit ng uling at


petrolyo.

a)

Palipat

b)

Katawanin

25.

Ang tren ay tumirik bago ito makarating sa istasyon.

a)

Palipat

b)

Katawanin

26.

Humingi ng saklolo ang babaeng ninakawan.

a)

Palipat

b)

Katawanin

27.

Namasyal ang mag-anak na Lim sa Luneta Park.


Alin ang tamang pandiwa kung ito ay gagawing IMPERPEKTIBO?

a)

namamasyal

b)

papasyalan

c)

Kapapasyal

d)

mamamasyal

28.

Aling pangungusap ang gumagamit ng pandiwang katawanin?

a)

Nanood sila ng palabas tungkol sa Climate Change

b)

Nakagawa sa silid aklatan ng komposisyon ang mga batang kasali sa Malikhaing Pagsulat.

c)

Ang mga pananim at mga palay ay nasira noong nakaraang bagyo.

d)

Ang kuryente ay nawala sa buong Kamaynilaan noong isang linggo.

29.

ipinagpaliban, kaliliban, ipinagpapaliban _________________


Anong salita ang bubuo sa pangkat ng pandiwa?

a)

liliban

b)

ipagpapaliban

c)

ipagpaliliban

d)

naglibanan

30.

Ito ang pandiwa kapag hindi na ito nangangailangan ng tuwirang layonng tatanggap ng kilos at nakatatayo na itong mag-isa.

a)

Pandiwa

b)

Panlapi

c)

Katawanin

d)

Palipat

31.

Ang klase namin ay nagbahagi ng tulong sa ibang mga mag-aaral.

a)

TAHASAN

b)

BALINTIYAK

32.

Umihip nang malakas ang hangin kanina.

a)

TAHASAN

b)

BALINTIYAK

33.

Isinara ni Kuya Zol ang pintuan.

a)

TAHASAN

b)

BALINTIYAK

34.

Ipinarada ng aking ama ang kotse sa ilalim ng puno.

a)

TAHASAN

b)

BALINTIYAK

35.

Tinuruan niya ang aking kapatid.

a)

TAHASAN

b)

BALINTIYAK

36.

TUMANGGAP, TUMATANGGAP, ___________

a)

TATANGGAP

b)

MAGTATANGGAP

c)

TANGGAP

d)

TATANGGAPIN

37.

_________, SINUSULAT, SUSULATIN

a)

SINULAT

b)

NAGSULAT

c)

MAGSULAT

d)

SULAT

38.

NAGLARO, ___________, MAGLALARO

a)

NAGLALARO

b)

LUMARO

c)

LARO

d)

LALARUIN

39.

_______, SINISIMULAN, SISIMULAN

a)

SINIMULAN

b)

NAGSIMULA

c)

SIMULA

d)

MAGSISIMULA

40.

________, NAG-AARAL, MAG-AARAL

a)

ARAL

b)

NAG-ARAL

c)

UMARAL

d)

AARALIN