NEW
Font size
WorksheetsLAGUMANG PAGSUSULIT SA ARALING PANLIPUNAN UNANG MARKAHAN
Total questions: 40
Worksheet time: 20mins
1. Ano ang tawag sa pangyayari o suliraning bumabagabag o gumagambala at nagpapabago sa kalagayan n gating pamayanan, bansa o mundo sa kasalukuyang panahon?
Isyung Personal
Kontemporaryong Isyu
Isyung Panlipunan
Isyung Pangkapaligiran
2. Alin sa mga sumusunod ang elemento ng kultura na tumutukoy sa mga asal, kilos o gawi na binuo at nagsisilbing pamantayan ng isang lipunan?
simbolo
norms
paniniwala
pagpapahalaga
3. Kung ang mga institusyong panlipunan ay binubuo ng mga social groups, ano naman ang mga iba’t ibang bumubuo sa social group?
gampanin
status
pamilya
pamayanan
4. Si Nelson ay isang mahusay na mag-aaral. Marunong siyang gumalang sa nakatatanda at mayroong busilak na kalooban pagdating sa pagtulong sa kapwa. Sa pagpapakita ng kanyang pag-uugali, saang unang nahubog ang kayang mabuting pagkatao?
paaralan
tahanan
simbahan
pamahalaan
5. Ito ay salitang nangangahulugan ng mga paksa, tema o suliraning nakakaapekto sa lipunan. Ano ito?
balita
impormasyon
isyu
pangyayari
6. Ito ay tumutukoy sa mga taong sama-samang naninirahan sa isang organisadong komunidad na may iisang batas, tradisyon, at pagpapahalaga.
kultura
lipunan
komunidad
pamahalaan
7. Nagkaroon ng isang “job fair” sa barangay ni Aling Papong, mula sa 2000 na aplikante sa mga naturang posisyon ng iba’t ibang kumpanya tanging ang anak niya na si Jaime ang hindi natanggap. Ito ay nagpapakita ng …
isyung panlipunan
isyung personal
isyung pang-ekonomiya
isyung panrelihiyon
8. Ito ay tumutukoy sa isang kumplikadong sistema ng ugnayan na nagbibigay-kahulugan sa paraan ng pamumuhay ng isang lipunan sa kabuuan.
kultura
beliefs
materyal
isyu
9. Maraming dahilan kung bakit may suliranin ang Pilipinas sa solid waste, alin ang HINDI kabilang?
Kawalan ng disiplina sa pagtatapon ng basura
Panganib dulot ng mga dumpsites
Patuloy na pagnipis ng ozone layer
Hindi tamang pagtatapon ng electronic waste o “e-waste”
10. Ang batas na nagsilbing legal na batayan sa iba’t-ibang desisyon at proseso ng pamamahala ng solid waste sa Pilipinas.
Republic Act 9003
Republic Act 8742
Republic Act 7942
Republic Act 7586
11. Isa sa mga naging resulta ng Ecological Solid Waste Management Act of 2000 ay ang pagtatayo ng MRF kung saan isinasagawa ang waste segration bago dalhin ang mga nakolektang basura sa mga dumpsites. Ano ang kahulugan ng akronim na MRF?
Monitoring and Recovery Facility
Materials Recovery Facility
Materials Rescue Facility
Materials Recovery Factory
12. Mahalaga ang suporta na nanggagaling sa mga non-government organizations (NGO) upang mabawasan ang suliranin ng solid waste sa Pilipinas. Alin sa mga sumusunod na non-government organizations ang naglalayong baguhin ang kaugalian at pananaw ng tao sa pagtrato at pangangalaga sa kalikasan at pagsusulong ng kapayapaan?
Mother Earth Foundation
Clean and Green Foundation
Bantay Kalikasan
Greenpeace Movement
13. Ang kagubatan ay isa sa mga mahahalagang pinagkukunan ng likas na yaman sa ating bansa . Alin sa mga sumusunod na pahayag ang HINDI benepisyo na nakukuha mula sa kagubatan?
Likas na panahanan ng mga iba’t-ibang uri mga hayop at halaman
Pinagmumulan ng produkto tulad ng tubig, gamut, damit at iba pa
Pinagtatayuan ng mga plantasyon, subdivisions at iba pang imprastruktura
Nagbibigay ng trabaho dahil sa mga industriya tulad ng pagmimina at pagtotroso
14. Sa ulat ng Global Climate Risk Index noong 2016, naitala ang Pilipinas bilang pang-apat sa sampung bansa na pinakaapektado sa isyu ng climate change. Alin ang HINDI nagpapatunay sa pahayag na ito?
Pagkakaroon ng mga malalakas na bagyo o pag-ulan
Madalas at matagalang kaso ng El Niño at La Niña
Malawakang pagbaha, pagguho ng lupa at forest fires
Madalas na pagkakaroon ng lindol sa iba’t-ibang panig ng bansa
15. Isa sa sinasabing dahilan ng climate change ay ang patuloy na pag-init ng daigdig. Ano ang pangunahing dahilan ng global warming?
Pagputol ng mga puno sa kagubatan
Coral bleaching sa ating mga karagatan
Usok mula sa mga pabrika at iba pang industriya at pagsusunog ng kagubatan
Pagtaas ng sea level bunga ng pagkatunaw ng yelo sa rehiyon ng Antarctic
16. Bakit mahalaga na pag-aralan ang climate change bilang isa sa pangunahing suliraning pangkapaligiran?
Upang maunawaan natin ang mga sanhi nito
Upang malaman kung paano natin maibsan ang epekto nito
Upang maiplano natin ang ating mga paglalakbay
Upang masuportahan ang mga program ng pamahalaan hinggil dito
17. Ito ay ang umaapaw at tumataas na lebel ng tubig dulot ng malakas at walang tigil na pag-ulan.
Baha
Lindol
Bagyo
Tsunami
18. Ito ay ang namumuong sama ng panahon na may dalang marahas at malakas na hangin at may dalang mabigat na ulan.
Baha
Storm Surge
Bagyo
Tsunami
19. Ito ay mga serye ng malalaking alon na nilikha ng pangyayari sa ilalim ng dagat tulad ng paglindol, pagguho ng lupa, pagsabog ng bulkan o pagbagsak ng bulalakaw.
Baha
Storm Surge
Bagyo
Tsunami
20. Ito ang itinataas na abiso kung inaaasahan na bubuhos ang ulan mula 7.5 mm hanggang 15mm at inaasahan na magpapatuloy ito.
Orange Rainfall Advisory
Yellow Rainfall Advisory
Red Rainfall Advisory
Blue Rainfall Advisory
21. Ito ay itinataas na abiso sa mga lugar na inaasahang makararanas ng 15mm hanggang 30mm na buhos ng ulan sa sususnod na isang oras.
Orange Rainfall Advisory
Yellow Rainfall Advisory
Red Rainfall Advisory
Blue Rainfall Advisory
22. Ito ang itinataas na abiso ng kung maitututring nang mapanganib na ang ang buhos ng ulan na umaabot sa 30mm hanggang 65mm.
Orange Rainfall Advisory
Yellow Rainfall Advisory
Red Rainfall Advisory
Blue Rainfall Advisory
23. Tumutukoy sa pagbabago ng karaniwang lagay ng klima sa isang lugar o rehiyon.
Climate Change
Disaster
Calamity
Natural Hazard
24. Ito ay isang kakaibang panahon bunga ng pag-init ng katubigan ng Karagatang Pasipiko. Ang bansang apektado nito ay nakararanas ng matinding tagtuyot.
Climate Change
El Niño
Natural Hazard
La Niña
25. Tumutukoy sa iba’t ibang gawain na dinisenyo upang mapanatili ang kaayusan sa panahon ng sakuna, kalamidad, at hazard. Nakapaloob din dito ang mga plano at hakbang na dapat gawin ng mga komunidad upang maiwasan, makaagapay sa mga suliranin at makabangon mula sa epekto ng kalamidad, sakuna at hazard.
Disaster Recovery
Disaster Resilience
Disaster Mitigation
Disaster Management
26. Mga pangyayaring natural gaya ng bagyo, lindol, at pagputok ng bulkan o gawa ng tao tulad ng digmaan at polusyon.
Anthropogenic Hazard
Natural Hazard
Disaster
Hazard
27. Ang Batanes ay madalas daanan ng bagyo dahil sa kalagayang heograpikal nito. Anong konsepto ang napapaloob dito?
Risk
Hazard
Disaster
Vulnerability
28. Ang mga bata, buntis, PWD at mga Senior Citizens ay karaniwang apektado nito dahil wala silang kapasidad na harapin ang panganib na dulot ng hazard o kalamidad.
Risk
Hazard
Disaster
Vulnerability
29. Ang buwan ng Marso ay idineklara bilang “Fire Prevention Month”. Ang sunog ay isang mapinsalang sakuna na nagdudulot ng pagkawala ng mga ari-arian at minsan ay pagkamatay ng mga tao. Ang sunog ay isang uri ng:
Anthropogenic Hazard
Natural Hazard
Vulnerability
Resilience
30. Mabilis na nakabangon ang bansang Japan mula sa tsunami noong 2011, ang pagbangon ng Japan sa isang mapaminsalang trahedya ay nagpapakita ng anong konsepto?
Risk
Disaster
Resilience
Vulnerability
31. Bakit mahalaga ang disiplina, kooperasyon at pagtutulungan ng mamamayan at pamahalaan ayon sa disaster management?
upang maging maunlad ang bayan
upang maiwasan ang kaguluhan sa pamayanan
upang maging ehemplo at tularan ng ibang lugar
upang madaling makabangon sa anumang trahedya ito man ay natural o gawa ng tao
32. Ano ang maitutulong mo sa iyong pamayanan upang maiwasan ang mga epekto ng sakuna?
magkaroon ng disiplina sa sarili
maging mulat at makibahagi sa mga ipinatutupad ng pamahalaan sa pagiging resilient ng pamayanan
magkaroon ng kaalaman sa mga sanhi at bunga ng mga disasters; magkaroon ng kooperasyon sa pamayanang kinabibilangan
lahat ng nabanggit
33. Alin ang tamang pagkakasunud-sunod ng yugto ng disaster management plan ayon sa Philippine Disaster Management System Framework?
Response , Rehabilitation and Recovery, Preparedness, Prevention and Mitigation
Preparedness, Prevention and Mitigation, Rehabilitation and Recovery, Response
Rehabilitation and Recovery, Response, Prevention and Mitigation, Preparedness
Prevention and Mitigation, Preparedness, Response, Rehabilitation and Recovery
34. Ang disaster, hazard, vulnerability at risk assessments ay nakapaloob sa anong yugto ng disaster management plan?
Preparedness
Response
Prevention and Mitigation
Rehabilitation and Recovery
35. Tumutukoy sa pagsusuri sa lawak, sakop, at pinsala na maaaring maranasan ng isang lugar kung ito ay nahaharap sa isang kalamidad o sakuna sa isang partikular na panahon.
Hazard Assessment
Vulnerability Assessment
Capacity Assessment
Risk Assessment
36. Tumutukoy sa mga hakbang o dapat gawin bago at sa panahon ng pagtama ng kalamidad, sakuna o hazard.
Rehabilitation and Recovery
Prevention and Mitigation
Response
Preparedness
37. Sa anong yugto ng disaster management plan tinataya kung gaano kalawak ang pinsalang dulot ng isang kalamidad?
Rehabilitation and Recovery
Prevention and Mitigation
Response
Preparedness
38. Ang damage ay tumutukoy sa bahagya o pangkalahatang pagkasira ng mga ari-arian dulot ng kalamidad, alin sa mga sumusunod na kalagayan ang nagpapakita dito?
Relief goods mula sa pamahalaan
Pagguho ng gusali dahil sa lindol
Kawalan ng suplay ng kuryente dahil sa bagyo
Kakulangan ng serbisyong pangkalusugan
39. Ang yugto ng disaster management plan na nakatuon sa pagsasaayos ng mga nasirang pasilidad at istruktura at mga naantalang pangunahing serbisyo upang manumbalik sa dating kaayusan at norman na daloy ang pamumuhay ng isang nasalanta na komunidad.
Rehabilitation and Recovery
Prevention and Mitigation
Response
Preparedness
40. Ang Kagawaran ng Edukasyon ay isa sa mga ahensya na aktibong nakikilahok sa programa ng pamahalaan hinggil sa disaster risk reduction management. Sa bisa ng anong kautusang pangkagawaran binuo ang Disaster Risk Reduction Resource Manual upang magamit ang mga konsepto na may kaugnayan sa disaster risk reduction management sa mga pampublikong paaralan?
DepEd Order no. 52, s. 2008
DepEd Order no. 53, s. 2008
DepEd Order no. 54, s. 2008
DepEd Order no. 55, s. 2008
